Have we just experienced discrimination?!
I know, I sound like one bloody broken record, but it’s unbelievable kung gano ako ka-busy sa pabrika and its almost unimaginable na walang sumasabog na problema dun dahil, it’s crazy, it’s almost daily. I tell you, pwede akong magsulat nang komiks sa mga nangyayari sa loob. One afternoon, after fixing one disaster – binalandra ba naman kami sa dyaryo at lecheng inokray okray nang mga tao dito sa siti, I tell you, biglang dumating yong mga TV cameraman, akala ko merong shooting, leche kami pala ang tinitira. Nag-tatago ako baka lumabas ang muka ko lest I be plastered there by some blogger haters sa kabilang varrio na alam ko naghihintay lang na madapa ako para tirahin uli ako. Kaya naman, I was uber careful.
So, yon nga, for one job well done, I decided to treat one of our consultants for a dinner. She was Jamaican. Ako, Spanish Mestiza. Yon ang sabi saken nang aking lola. Because I was not familiar with the city, she brought me to this restaurant in Metarie, just outside New Orleans, Louisiana. It’s along the popular Veterans Boulevard. It’s not one of those upscale restaurant. Yong tipong pwede na. Anong magagawa ko, sosyal na ang barriotic na to. It’s more like in the middle kinda like TGIF – but I have to warn you, it’s not TGIF. I dare not be sued. Hahaha!
In any case, since I got no clue where in the world I was in this part of the globe, she told me to follow her. So, I did. Eto na. We ended up in THIS RESTAURANT. Wala halos tao, but we still waited for about 10 minutes standing. I don’t know why.
Finally, dumating ang waitress. Nagtanong nang typical na “How many are you”, sabay hablot nung menu sa tabi and immediately made senyas to follow her. Mega-follow naman kami of course. Pero nagtaka kami dahil wala namang tao sa harap by the window glass. So, sabi namen, “Can we sit in front?” Medyo, nag-da-dalawang isip at biglang sumabad nang, “I’d have to check!” Tingin ko, ano kayang “I’d have to check eh tatlo atang lamesa for two ang bakante doon. Napansin ko, puro mga puti ang nakaupo.
Sa hinaba-haba nang lakad namen, dun lang pala kami isa-salpak sa siguro pang-wedding table sa tabi nang onidoro, I mean, men’s room. Da-dalawa lang kami. The table was for like 6 or 10 people. Tumaas ang kilay ko. Natawa ang kasama ko. “What’s going on?!” Chorus nameng dalwa. Meanwhile, umeskyerda na ang waitress. Puti sya.
We waited a little bit to get her attention, pero yon bang tipong feel mo nakikita ka na nya, pero bulag-bulagan ata sarap batuhin nang punyal? And so, after ewan ko kung ilang minuto kami nag-hintay, na-irita na ako. Binitbit namen ang kutsara, tinidor at siniguro kung kasama ang punyal at sinabi kong – “We’d like to sit there! I hope it’s ok.” sabay turo sa may table by the window glass. An sarap nang rampa ko! Feel na feel kong “Leche mo!”
Dahil kasama ko Jamaican, maitim sya, feel nya, we were discriminated. Ewan ko lang. Pero, kahit na ako iritado. Eto inorder ko. Di ko alam kung masarap. Hindi ko sya ginalaw. Hehehe! Mahirap na! Hahaha! You like?! Ibalot ko para seyo?
Hindi ako kumain. Sabi ko, pag-dating ko sa apartment ko, mag-luluto na lang ako… Pag-dating ko, leche! wala palang laman ang pridyidir ko! *dabog* Grrr!
*Hikbi*
Viewed 8513 times by 1939 viewers

















Tubig ba yan? Ganyan din lalagyan ng tubig ko, refillable yan dito. hehehe.
yes it is. tinatapon namen once ubos na laman.
Reynz, pareho tayo ng ref!!!
Rob,
Parehong brand o parehong walang laman? hehehe.
hehehe parehas walang laman? an tawa ko sa comment mo monique! and when i get the chance na mag-grocery? namumulak-lak sila sa ref ko hehehe
Magagalit mga tiga Australia sa inyo. hehe. Ayaw nila ng madaming plastic.
Recommendation sa waitress na un is re-education and retraining program kung gusto pa nyang mag waitress. ang track dapat doon Customer Service Training Certification Exam. kasama na ang anger management certification training program.
ano un? re-education camp? hehehe!
dentista ang waitress nyo…
nang makitang yellow ang tooth fairy ni Jambalaya Man
ay ni-akala right away na smokers kayo…
ergo, point ang beauty nyo sa beside ng mga Chippendale’s loo-kubets…
hahaha
ewan ko! duda ko, nun lang sya nakakita nang natives na bumaba sa bundok hehehe
mukhang discrimination nga… it’s sad to think na hangga ngayon may ganyan pa rin
at least now you know why walang tao dun sa pinuntahan ninyo
dito sa lugar na to, marami dito ang mga puti na na-experience kong “iba” ang dating hahaha if you know what i mean, palibhasa malapit sa south hahaha
Yup, reality sucks big time sometimes;-); that was pure and simple discrimination. In the old days sa Baton Rouge hahahaha, got into situtations like that, kahit ngayon in my nik of woods. No worries, hindi lang whites ang racists, IMHO lahat ng living organism yata sa mundo;-). Bahala sila, we just enjoy our weekend.
sa philadelphia, never encountered this one. pero yon golf course sa school namen which is the Old Eagle Lodge, andun mismo yong Executive MBA School nang Temple Fox, one time pumunta ako dun, as in talagang binugaw ako nang mga hayop! sabihan ba naman ako na di ko kaya ang entrance fee nila! puta talaga! you can look for it on the net hahaha exclusive membership ang mga gago! puro puti!
Oist, speaking of discrimination sa Philly, naka balandra sa CNN ngayon ang ginawa ng mga membersng isang exclusive resort or country club of some sort sa mga kids of color na kabilang sa isang summer camp. Binigyan kasi ng priviledge and mga campers na mag swimming dun sa pool, avah, nag alisan ang mga puti at na overrule ng board nila ang decision ng manager na mag kawanggawa sa summer youth camp. Nag iiba raw kasi ang “complexion of the pool” grrrr.
Putik! ang lutong ng mura ah!
next time balikan mo, pamukha mo ang dolyares mo! ayan! lol!
marami samen ateng ang instance of discrimination, esp sa mga looban dahil ang mga villages na yun ang mga pam puti at kaming mga dyitims eh nasa siti at wala sa sabarbs hahaha, minsan harap harapan. naniniwala ako na discrimination yong nangyari sa mga bata. kunyari pa yon! alam ko mga ugali at mga drama nang mga tiga philadelphia. yang huntingdon na yan eh an lapit lapit sa bahay namen kasi at puro yan puti
Hay naku, racial discrimination ng mga nilalang na UBER KITID NG UTAK NA MGA *@*#&$&$&#**@ F***ING FEELINGER MASTER ANG ARYAN RACE NG MGA HAYUUUFFFF…
~tumakbo sa karinderia ni Aling Karing para mangape at mawala ang init ng ulo~
Kung ako yan e binato ko ng plato ang P**Y**A
mahirap na hehehe baka mamaya ibang news ang lumabas sa news! “La Kapitana, nambugbog nang gurla!” leche! pangit! hehehe ayoko!
hahahahaha! well…sabi ng mga geneticists??? ang genes ng mga puti, mahina.
hahahaha!!!!
YEAH ma discrimination pa rin, kahit subtle lang.
kapitana, sa ganda mong yan diniscriminated ka on that time?.. ang masasabi ko sila’y mga hangal at bulag dahil hindi nila nakikita ang diyosa ng kagandahan sa barrio siete… he he he
agree!
Kung ako yun? naku makakatikim sila hagupit ng “kung-fu”.. tapos sabayan ng “Sayonachi”……
Sayo na Chinelas ko, takbooooooooooo
hindi jeri, nakikita nila ang aking alindog at pagiging dyosa. kaya nga berde sila sa inggit hehe
kahit pritong nitlog wala? LOL
Make or Break
saan? sa pridyidir ko? wala ateng. wala. mga ilang bwan lang, yang mga itlog na yan, sisiw na. kaya ayoko nang lagyan nang kung ano hehehe bawal kasi ang poultry sa apartment, you know
Nagpapa45 days si Reyna ng eggs dun sa ref nya, instead sa incubator ng manok! LOL!
ayun na, sayang naman edi sana may pang roasted chicken ka na
Make or Break
Kung ako yon hahanapin ko manager! Naku!!!
~tuloy paypay ng karton~ nakakainit ng ulo!
ireport sa pulis! dito on the spot babayaran ka pag nireport ang discrimiation sa lispo e.
kaso ateng minsan, yong mga lispo eh anoh eh… kwan… ahh… wala! mga guapo sila! hahaha!!! sukat naman kasi dito sa lugar ko andaming ano… *kamot-ulo* hirap akong sagutin ka! hehehe
hahaha! ibang kalase! mga gwapo ba? wla bang anti discrimination law dyan???? walk out na lang… sbay “tse!” LOL
inay may reklamo po ako kay kapitana.. mali spelling ng pangalan ko hehe
ako po ay si PEHPOT hindi po PHEPOT ahihi
anHak nang lecHe oHoH hahaha! teka’t maayos nga before na maipa-barangay ako! hehe
ayan ayHos na.. mabutHi na lang napa chika pa ako bago dumiretso sa bHaranggay Hall..magaling! magaling!
yehey may gravatar na din ako!!
good! nakuha mo na cedula mo or voters ID hehe
tarantado yung waitress na yun a!
insecure lang sayo yun kamahalan
i agree hehehe
not to defend naman the waitress, kasi diba may mga zone ang mga servers sa dining area. Baka napatapat kayo sa waitress na ang destino ay doon sa may loo-zone. (Tip-management ng restaurant). Pero nung nag-request kayo dapat pinalipat kayo at kani-kanila na ang tip-negotiation in the background non. Baka “meron” sya non, very irritable.
aba! hindi ko alam ang “Zoning” na yan hahaha! baka nga Mahalia baka nga
Hahaha… Reynz akala ko sa pilipinas lang ang may COLOR CODING (mmda/lto) baka pang saturday at sunday ang plate number n’yo.. lol
ayos! swak ata ang color coding terminology mo! hahaha! love it!
discrimmination ba? mas masakit kung kababayan ang nag-discrimminate. kame dito sa mideast, well discrimminated ng mga kabayan sa hindi middle east. parang kasalanan pa namin dahil wala kami sa yu es op ey o kaya sa yurup. funyeetah!
panong instance roni? me isang blogger based in the middle east (hindi ikaw) akong nabasa ko na tinitira ang mga US bloggers kesyo looking down on others. tumingin ako sa likod ko hehehe iilan lang kami. taka ako kung sinong pinapatamaan hahaha i guess dapat malaman ang instances para clear
no worries, hindi ikaw, ikaw pa, miss congeniality hahaha! instance? difficult. yun bang parang mag-uusap na me pinaparinggan, lam mo yun? yung parang others show that their life is better and others live in misery and they are happy for it. kaya kami, we (the mid east pinoys) are trying hard to blend kaya lang most of us failed. correct me if I’m wrong.
me dalwa akong pangkin dyan. yong isa nurse. yong isa engineer. and so far, wala silang “down syndrome” hahaha! what i mean is that, ano ang source nang mga OFW sa Middle East by feeling low compared sa mga tiga Amerika? there’s gotta be some ugat nito kung saan nanggaling yan.
e di ba nga, pag wala kang pinag-aralan, sa saudi ang bagsak mo? I think that’s it.
that’s a perception? or exclusive lang sa mga iba? sometimes me ugat ang perception. halimbawa, karamihan ba nang mga recruitment agencies eh nag-ha-hire nang mga “walang pinag-aralan” kaya tuloy the general OFW population eh na-label nang ganyan? kung ako, instead of riding in that perception, lalabanan ko at ipapamukha ko na hindi general ang perception na yan and i think it’s really not. an dami kong kasamahan dyan sa dating accounting firm na pinag-tatrahbauhan ko sa makati: read: CPA’s at ang iba, lawyer pa. so – that perception is wrong. then again, most perceptions are based on wrong information.
@ rheynz,
kung ang lahat eh tulad mong uber sa wideness ang perception, kaya lang mas marami ang makikitid, though may kakitiran din ako.
sabi mo nga, most perceptions are based on wrong information.
roni,
it could also be on the individual. if you or kung sino mang OFW sa Middle East ang mahina ang confidence sa sarili, then it’s not really fair to sorta blame it on other overseas pinoys na napadpad sa say, America or Europe or Australia or Canada. kanya kanya yan.
am glad tong mga kebigan ko, and we still get together and they work in saudi – do not have that perception. the advantage they have saken is that they can go home 2x a year pa at ang isa every december whereas here, kayod kabayo before we can go home. so i guess tong mga perception na to trying to be at par or on par sa mga tiga-amerika is mali. maling mali.
now regarding naman sa pata-asan ang ihi! naka! kahit sa barrio namen we have many of those. typical na sa pinoy yan who have gone through poverty in some ways and are in denials nakatikim lang nang konting karangyaan at kasaganahan. im fak, sa kaVilang Varrio andami dun pataasan nang ihi
agree ako sayo roni. first hand mong mapi-feel ang ganyan dito sa mid east. nakaka-inis nga eh. kapwa pinoy mo na nga sila pa yung ang tataas ng tingin sa sarili. hay.
Yeah.. it happen! Some Filipino skilled worker in Hong Kong think that they are more superior to us(DH). Pare-pareho lang naman ang amoy ng utot.. Makikita mo yan sa pilahan sa Consulate kala mo sila lang marunong magsuot ng necktie butas naman ang medyas…lechee plan
one doesnt’ have to go anywhere, mismo saten in manila or pinas, an lakas kamo nang discrimination dun. simulan naten sa “graduate of best schools” at talagang wala kaming panama na mga tiga-barrio.
sabi nga, pinoys are the worst racist sa mundo. tama ba?
tama! ibang pinoys may masamang tawag sa mga bicolanos, ilocanos, ec. and who can forget, ang label natin sa bisaya di ba?
eto pa, lalo na sa manila…pag simple lang ang suot mo, di ka papansinin. yan ang ayaw na ayaw ko! eh ako pa naman, laging naka shorts at t-shirt lang. and then slip-ons na tsinelas.
meron akong brod nung college. tiga LB sya. medyo may kapangitan ang hitsura…aminado naman sya. and then pag luluwas sya, nung uso yung maong na wakwak ang tuhod…yan ang suot nya. and then plain white shirt. kaya mo starving college student. eh pero mayaman sya yung tipong punta ng manila at bibili ng bagong pajero…in cash! BITBIT NYA ANG CASH!!!!
hahahaha!!!!
kung di mo sya kilala, kala mo hoodlum sa porma at hitsura! punta sya sa tindahan ng kotse, walang pumapansin sa kanya at halos palabasin sya ng mga sales person doon na naka necktie pa!
hahahaha!!!!
nung ilapag nya sa counter sa maleta na puno ng pera, nanahimik yung mga sales people doon. i think hat time pajero was just 1.5 M. bongga sya di ba??? hahahaha. kaya…wag tayong judgemental sa hitsura ng tao. porke simple ang suot kala natin palaboy.
ilang beses na rin akong di papasukin sa ilang establishments dahil sa suot ko. eh ano ba, eh weekend naman, so ayaw kong pumorma that time.
hehehehe. buong week ka na naka porma sa trabaho…eh di pahinga naman at casual look lang pag weekends.
eh ngayon na wala akong day job, laging shorst, t-hirt at tsinelas lang porma ko dito. malay ba nila kung anong ginagawa ko sa mundong ito!
hahahahahaha!!!!!!
not that i am sikat or mega-rich. i am just a poor barriotic girl, pero educated.
hehehehe.
hak hak hak! ako naman glo, i continue to be barriotic, but i can fly to london on a weekend for coffee with da queen, da queen sa gay bars dun sa piccadilly hahaha!
@ Roni, and reynz…
Siguro sa ating mga pinoy mas nakararami ang nakaranas ng discrimination, minsan pati kapwa nating pinoy nagdidiscriminate sa kapwa pinoy,dahil siguro mas nakaka-angat sa position or kesyo mas mataas ang kanyang pinag-aralan.. but mostly nakakaranas tayo ng mg ganito sa mga ibang lahi na nakakasama natin sa trabaho, not only from white people but we can count also from other asian and arab nationals. i can say this coz i have a lot of this kind of experience.
maraming mga professionals sa saudi,like dcotors, nurses engrs etc. and i Don’t believe na ang saudi ang bagsakan ng mga walang pinag-aralan.. nag work din ako sa saudi for almost 10 years, so alam ko rin ang mga pangyayari dyan, masasabi ko lang na mas maraming mga OFW’s na skilled workers in different categories.
Masyadong naiba lang kasi ang naging perception natin sa mga nagkaroon ng chance na pinoy na nag work sa US and other european countries,at pakiramdam natin ay masyado na tayong na downgrade kumpara sa kanila.
wether wether lang yan kapatid,at minsan nasa guhit lang ng bayag yan, malay natin mabigyan din tayo ng chances or opportunities to work in US , or canada or kahit saan pa outside middle east.
Bilog ang mundo…
i’m sure mas nabigyan nang media coverage ang mga pinoy professionals sa amerika, canada and europe na karamihan nang pumupunta dito are CPA’s, doctors, nurses, engineers, programmers, etc. blah blah blah. kung nasaan ang statistics na yun, sana complete at mailabas. kaso, there are also mga tnt’s na the media in the philippines have no idea kung pano nabubuhay at nakikilaban sa buhay dito. read: baka mamaya eh mas madugo pa sa mga nababasa nyo sa middle east. i believe hindi patas ang press coverage kaya sa maling perception na only the intelligent kinds lang ang napupunta sa amerika. ilang baliw nang pilipino ang napunta dito? meron akong kilalang matanda, na binira nang binira si reyna elena, andyan sa manila, makikita nyo sa youtube at blogging, kung ano anong kabalbalan ang kesyo righteousness, isa rin yong balikwa ang buhay. sampol lang yon. truth is, marami dito ang hindi tapos but making the most out of it and i don’t understand yong kina-kainggitan. maniwala kayo, nag-sasabi ako nang totoo. hindi porke sinabi na nasa amerika kami, gloria dito.
ngak! i hope i am not sounding anti anti dahil of course, dito ako binigyan nang opportunities na hindi ko makuha sa manila. i’m just talking about experience. gurang na ako sa amerika at andami ko nang dina-anang ligaya at hirap dito. right now, hirap ang dina-daanan ko. pero malalag-pasan ko rin to.
Sa tinagal tagal ko na rin dito sa Canada, I have experienced a lot of discrimination din. There are some blatant acts like spitting and also in classroom setting where they do not allow you to get a chance to use an instrument until all their friends are done. However, I have met a lot of Canadians who have shown kindness and friendship that have been long lasting. So in situations like the restaurant, sometimes, a waitress has assigned areas so they try to spread people around so that everyone has a customer and spread the work load around. However, if in a situation like you had Reyna, I always take the initiative of looking around and picking a spot before they even lead me to their assigned spots and usually they accomodate me. If not, I leave. So I have learned not to react but to understand why because I might be assuming that there is racism when there is a perfectly valid answer to it. If I do not understand I ask why. I have just finished a quarrel with a new white neighbor who put up two trees that will cover my view of the mountains. I stood my ground that they can say all the nice things to me that they want to be nice neighbours but if they do not cut down those trees that they are not being good neighbours. They finally chopped down those trees so I am a bit happier. The thing is, if they see you are not a doormat, they tend to give you more respect than if you are just smiling all the time.
you maybe right on spreading customers around rosa.
jozme kamahalan pareho tayo ng lalagyanan ng h20 at ang nakakatawa pareho ng tanawin ang ref natin pag bukas nyahahaha.
ala, naginit na rin ang ulo ko sa resto at muntik na din ako mag parang-sabil aka hara kiri.
sa italian resto na mamahalin pa naman dine sa shanghai, nung unang subo ko nakakain ako ng stapler, pinakita ko sa kasama ko natatawa pako sabi ko buti nalang di kasama yung stapler and no used na umangal pako kasi di rin naman kami magkakaintindihan at dito lahat acceptable, kung my langaw ang pagkain mo tatanggalin lang nya sa harap mo—
nung pangatlong subo, isang piraso ng maliit na steelwool—
steelwool??????? uso pa ba sa kusina ng mamahaling resto ang steelwool?
oist, psssssssst blah blah blah yakiti yakiti yak yak— matapos akong dumakdak ng dumakdak at magreklamo siningil pa rin ako, nag sorry naman daw sya waaaaaaaaa.
lee!!!!ANG TINDI nyan. dapat di ka na pinabayad.
yuck. sa totoo lang, madumi ang kitchen ng karamihan ng chekwa! Kaya masarap food nila, kasi ang daming ‘secret’ ingredient. malasa di ba??? HAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!
ay naku glo, big deal na sa kanila yung sabihan ka ng sorry at anung libre libre, grabe
Lee! hahaha! i have learned my lessons very well sa mga lechen chinese resto na yan! at NUNCA na pumunta na ako, besides, hilo hilo ako parati sa isang kabang ajinomoto na nilalagay nila!
eto ngayon, nakaka-away ko mga fwends ko sa Manila when I go home, dahil napakahilig sa Chinese! pag lumabas kami CHINESE! HALLER! AYOKO NGA! hahahaha!
hahaha considering italian resto ha yun nga lang italian resto dito sa china hahahahaha
oo di ko rin kaya ang paglagay nila ng ajinomoto. sobrang dami kasi!