Hayyyyyyyyyy…kapamilya! Part 1
In barrio siete where I grew up, I haven’t even gotten out of elementary school and yet the responsibilities on my shoulders were already heavy.
Heavy for a young girl. Heavy for an eldest daughter. Heavy for someone who’s supposed to be playing outside, but instead was locked-in, on the study table, burning the midnight candle!
Kaya ayun, lumaki walang kilay!
I was that girl.
The eldest daughter.
The one who will get my family out of poverty.
The one who will send his younger brothers to college too.
Sa history ng barrio siete namin…I paved the road to UP. Hindi pagyayabang yan. I’m just stating the facts because barrio-mates forget.
In my father’s dysfunctional, complicated, spirit and sanity-sucking family…I am the very first one to get a college degree. For the longest generations.
Kudos to my father for thinking progressively, para baguhin naman ang buhay ng mga anak nya. Maging mga edukado na, magkaron ng matinong hanapbuhay at maging matinong nilalang sa mundo na imbes maging pabigat sa gobyerno eh makagaan ka pa.
Bata pa lang ako, nakitaan na daw nila ng talino. Hindi lang yan. Bookworm talaga at ang hilig mag-aral. So sabi ng magulang ko, igapang daw nila ako sa kolehiyo para ang mga nakakabatang kapatid ko eh makatapos din sa kolehiyo. Tapos anak pag tapos ka na sa college, magkakaron ka ng mabuting trabaho. Pag kumikita ka na, mabibili mo na lahat ng gusto mo. Maipapatayo na natin ang ating dream house at makakabili na tayo ng family car at mga jeep at pampasada.
Ahhh ehhhh…ama, grade 4 pa lang po ako! Sabi ng aking maliita na budhi. Of course sa liit ng tinig eh di narinig ng magulang ko. Sa haba ng panahon ng pag-aaral, isa-isa ko nang naririnig ang mga baho sa pamilya at sa mga ninuno namin. Kaya anak maging matino ka. Mag-aral kang mabuti. Para naman isang araw hindi na tayo aapihin ng ibang tao.
To make the long story short, dahil nga mabait at masunuring anak…todo aral, right after graduation humanap ng trabaho. Di puedeng maging bum kasi daming utang ng magulang na dapat nyang bayaran. Mga kapatid nag-aaral pa din.
Kaya walang pay day na nasolo ko ang suweldo ko. Ang bisyo ko lang noon bumili ng new footwear like every other month. Uminom ng beer sa bar ng Thursday night, Friday night at Saturday night. With a group of my friends. Ang inom ko 3 bottles lang ng San Mig Super Dry. Tops. Ang kwentuhan nami? Isang barrel! Ang halakhak ko? Two barrels!!! So ayan, ganyan lang kababaw grabe na ang halakhak ko. Ang tawa ko nga daw buy one take one. Ganyan kababaw! Pag Sunday morning, lakad ako puntang nearest McDo (1-block away!) at doon mag-coffee while reading their newspapers out of the rack. For free.
Puro trabaho, trabaho pa din. May darating na sulat (wala pang SMS at cellphone noon), sabi: Ate kamusta ka na, ibili mo naman kami ng rubber shoes kasi kasali kami sa basketball team ng school. Malapit na ang Intrams, maglalaro kami. O kaya naman: Ate, padalhan mo naman kami ng pera kasi merong field trip, sasama kami. Or eto: may national jamboree ang boy scouts sa Masbate, Ate kami lang ang kasama. Kaya padala ka naman ng pera.
Minsan padala agad. Punta sa LandBank at hulog agad sa bank account ng tatay ko dito sa barrio specifically for this purpose. Ang gulo kasi nung una, kung saan saan ako nagpapadala ng pera. Una sa PT&T. Then RCPI. Then JRS — ito lang ang nag-deliver sa barrio (LBC doesn’t!). Tumagal kami sa JRS. Pag may suweldo na ako ng morning? By lunch break nakapadala na ako sa kanila. Merong regular amount every kinsenas and katapusan ng buwan. Dagdag pa ang mga extra na kelangan sa school ng mga kapatid ko. Pag may biglang nagkasakit? Maghahap sila ng mauutang na pera. Then babayaran ko pagdating ng suweldo.
Eventually naging member ang mother ko ng credit coop sa bayan. Eh kahit pala electric fan puedeng utangin! Hulugan. So kuha daw sila ng fan, kasi mainit. Kuha daw ng ref para magtinda ng yelo, mga longganisa, tocino, etc. So kuha kayo. Ang tiga-bayad ng monthly? Of course walang iba! Yours Truly. (bows)
Sa maikling salita, ang brother kong seaman…after ng mahabang panahong paghihintay (not less than 3 years!!) eh nakasakay din finally. So medyo maluwag na ako. Bigla naman akong nabuntis at iniwang mag-isa sa ugok na lalaki. So doble gastos ako. Kasi I’ms till sending money home while I’m paying for my Ob-Gyne, pregnancy meds and other personal stuff.
After 10 months, bumaba sa barko si brother. May anak na ako. Masaya pa rin kunoa ng pamilya kasi may trabaho pa rin daw ako kahit single mom. I’m raising my son alone, shouldering all the expenses incurred in the process, yet I’m sending money back home and paying for their cellphone bills!!! I was renting a house, paying utility bills, paying nannies after another and so on and so forth! Wag kalimutan ang diapers at milk. Pinaputol ko ang linya ng lecheng cellphone! Eh aba daig ko pa bumayad ng 2 maids na galing sa agency. Yung mga brothers kong teens eh may textmates pala kaliwa’t kanan, front and back. Ang cellphone na supposedly sa parents ko lang, naging family phone. Nakasabit sa dingding na lawanit kasi doon lang may signal!
Hayyyy…buhay ko talaga.
Si seaman bro nakasakay nga ng 10 months, 10 years naman bago nakasakay ulit. During nasa baba sya eh nag-asawa na. Ang misis di pa nanganganak nung umalis sya. Yung young brothers (twins sil) eh syempre papasok na sa college. Bumagsak sa CvSU kasi walang pinasahan na either UP or BU. While doon girlfriends kaliwa’t kanan. Front and back. On weekends, uwi sila sa akin sa Los Baños. Dala ang mga labahin nila, paiikutin ko naman sa washing machine. para maging mabilis at matipid, kaya ako na lang. Pag-alis nila ng Sunday afternoon? Padala ka ng pera…mga pagkain, grocery items, etc, etc.
One day I got the baddest news ever. My father died. Heart attack. Sa dagat. Walang laban talaga. Umuwi kami lahat. Kasama ko pati anak ko. Ang mga kapatid ko halos na 1st sem that time. Si seaman bro nasa lupa that time with his mag-ina. Sabi ko by second sem, stop muna ang dalawang college. Umuwi at samahan ang mother namin sa bahay. Eventually nakasakay ulit si seaman bro. Yung isang college pala, may nabuntis nang gf. Di ko nalaman agad. Si mother dearest tinago ang problema. Yun pala mag-isa sya sa bahay at kung saan-saan gallivanting ang 2 college student na LOA muna sana.
Teka lang…humihinga pa ba kayo? Teka lang baka naman lumipat na kayo sa kaVilang Barrio kasi na-bore na kayo sa kuwento ko?
Hahaha!!!!
Honestly ako ang hindi na makahinga kaya yosi break muna tayo! Tara lets!
Viewed 8355 times by 2254 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.














way to go glo! Women like you are the very reason why i told my mama and papa, no, we’re not getting married. hahah! made the best decision ever.
Anyway, super relate ang lola mo sa istory ng buhay mo mudra, kaya lang syempre minus ung umalis para magkolehiyo. pero suma tutal, dahil panganay nga parang ano ba yun? born with it? tulong ka sa amin. pero bait naman si mama and papa, they did not oblige me. wink. makuha ka sa tingin, o sa feel ba? lol!
Ngayong tapos na mga kapatid, hala bira, anakis nanaman. go go go glo!
monique, maybe your parents can support themselves kaya di ka obliged. ang father ko kasi, friver ng jeep. for the longest time eh 50 pesos a day pala ang kita! may trabaho na ako nung nalaman ko. sabi ko nga, stop na sya ng biyahe ng dyip ako na lang magbigay ng 50 pesos a day nya. eh ano naman daw gagawin nya, yan lang trabahong alam nya. oo nga naman…
so kahit workng na ako and supporting them, my father was still driving that jeep. pero tipong pasipol-sipol na lang sya at di na haharurut para lang maunahan ang iba sa mga pasahero. and this time tipong 9 am na sya aalis ng bahay. i was really happy na relaxed na sya. noon kasi madilim pa nasa road na. and then gabi na, madilim na ulit, nasa road pa rin. ksyod marino, kelangan lang talaga. sayang nga lang, nawala sya agad. kung andito yun? nakuuuu di papayag na di sya ang hatid-sundo sa anak ko sa school.
tama ka glo. pero bilib ako sa determinasyon ng tatay mo. saludo ako sa kanya, at sa nanay mo to have raised a daughter as determined and responsible as you are.
and yes, when we lost my father early this year he told my mama na he doesn’t want to leave din, kung pwede, para mahatid-sundo niya yung apo niya. Apos are really their prize daw.
ang kulay ng buhay mo at nakakabilib mam glo.
talagang mataas ang respeto ko sa mga taong nagsisikap at naka ahon.
about sa father mo, sigurado ka kahi tmedyo masaklap ang pagkamatay e proud siya sa iyo.
tulad mo tumutulong din ako sa parents ko til now kasi nakit ko talaga yung perseverance nila para makatapos kame.
kaya kahit anu gusto binibigay ko lalo sa nanay ko na puro bags ang gusto haha
hhahahahah!!!
siguro may hermes bag na nanay mo no?
hehe.
waaah, nabitin ako. deadma sa haba, this is the story of most of our lives and I am aso rooting for your happy ending
dinah, pasensya na…kelangan ko talagang putulin to. else, wala na magbabasa sa haba!
hey, don’t expect happy ending yet. wala pa ako doon. hahahaha!!!!
Bitin
Madrama pala ang buhay mo Ate Glow. At least nakaya mo yan lahat kaya mabuhay ka! Kung ako yan nasa situation mo malamang nasa NCMH na ako. Hahaha
mahirap patalo sa laban ng buhay mel. so as long as i can stil get up in the mornings? humanda sakin yhang mga problema na yan. uumbagin ko silang lahat!
Hi Glo, nakakarelate ako sa istorya mo sa buhay, pareho tayong pasan ang earth, heniway, ganyan talaga ang life, hindi naman sa atin ibibigay ang mga problema sa buhay kung di natin kaya, kapit lang kay Lord ang kailangan natin, be strong
Hirap din pala ng dinaanan mo Glo, madugo, masalimuot, puno ng paghihintay. Uliran kang anak at kapatid. Natawa ako dun sa seaman bro mo – 10 months ang sakay, 10 years ang sakay ulit hahaha…
ung pangkin ko, junakees nang sisterakas, seaman. 6 months ang sakay. 6 years ang bakasyon. ang unang sweldo, pinalaklak lahat nang barkada, kakilala at syota. nagtaka ako dahil mistulang kandidato sa senado. after 6 hours na nakababa nang barko, nangungutang na saken.
naleksyon daw sya. sakay uli nang barko. balik naman sa pinas. akala ko nagbago na, litsi, matindi na ang entertainment standards. hindi na yong sa kanto kanto ha? ganun uli ang drama, nangutang na naman.
nasa laot uli ngayon. malapit ko nang burahin sa listahan nang relathieves. halos wala nang nakalista dun. mga produkto nang dysfuntional family
~yosi~
reynz, ang TINDI ng isang yan. ganyang-ganyan ang mga seaman nung araw. kaya ang mga bago these days eh maiingat na sila. well…yung isang neighbor namin ganyan. yung mga alcoholic sa barrio di na umuuuwi. eh di maubos ang alak eh. then they just drop dead on by one. kaya ayun, uwian na.
in fairness to my bro, he is a very responsible guy. especially with his money. ang liit nga lang talaga ng kita nya noon. we are hoping this time malaki na, kasi 3rd mate na eh. dalawang ugok na lang ang nakaharang kapitan na. my bro is very serious with what he does, he’s got the making of a ship captain. kaya tyinaga talaga nya ang pag-schooling tuwing babae. kasi gusto nya tumaas up the laddder. kesa naman lagi kang tik-tik kalawang.
eto kakatext lang, september 15 na daw ang sakay. yehey!
ganyan buhay seamn ngayon dFish. ang dami kasi nila. eh mahal na pinoy seamen. kaya yung ibang lahi ang nakukuha madalas. kaso ayun, sakit ng ulo ng kapitan kasi mga walang alam.
Pagbibigay pugay ang hatid ko sayo ate Glo bilang isang Ulirang Kapatid at Anak.. at ulirang Ina sa iyong supling.
May narinig lang ako noon na ang mga “Seaman” daw mga seamanloloko.. he he he he he.. jowk lang..
hahaha! seamanloloko doesn’t apply to my bro at all. he’s just a straight guy. very straight, ni ayaw mag change lanes. ganun sya. very focused pati.
hala. nawawala mga comments ko dito.
(nagdadabog)
oo nga daw eh. di ka naman papabuhatin ng di mo naman kaya. so anao pala ako, kasing-lakas ni hercules?? hahaha. at least i’m a goddess. i love that. hehehe.
sarap nga magyosi. heheheh.
tita glowww! wag ka mag alala, bukas luluhod din ang mga tala!
manay glow, nakakarelate ako. ganyan na ganyan ang mga kapatid ko. buntis there here and everywhere. tapos ako ang magpapaanak. yung ate kong isa siya yung winner ng bread namin noon, ngayon inako ko na kasi naawa nako sa kanya. gaya mo, bata pa siay pasan na niya ang daigdig. kaya inagaw ko kaagad ang korona niya noong naggraduate ako ng college. juice ko day, hindi pala madali. sometimes tumutulong ka na nga, hindi pa sapat… ikaw pa ang mamasamain. kainis talaga ever. nakakawrinkles.
hahahah!!! ressie, now alam mo na ganong hirap ng ate mo. ang bait mo naman at tinulungan mo sya. ang mga ate kasi, kahit di na kaya, kakayanin pa din. kahit panay reklamo, gagawin pa din. ewan, nasa dugo yata ng ate yan eh.
but i wonder kung ang panganay eh lalaki? paano kaya?
yan na yan ang problema ko. kahit anong gawin ko, laging hindi sapat for them. wala ka nang paglagyan!
Ay Tita Glow – bigla ko tuloy naisip ang sakripisyo ng panganay namin. Hindi ko alam na ganyan pala kahirap yun. Ngayon alam ko na. Bunso kasi ako kaya ako yung laging nanghihingi — “Ate padala ka naman ng ganito, ng ganun.”.
Kayong dalawa ng kapatid ko, eh siguro lalampas sa langit. I applaud you. God bless Tita Glow!
kahanga-hanga ka talaga tlaga ms. glo.. minsan nga lang, nakakapagod din tumulong na lang lagi. ganyan kasi ang kultura natin e.
I salute you Ms. Glo. Hindi madaling magtaguyod ng pamilya at a very young age. ^_^
ms glo.. sobrang masalimuot naman ata ang pagkwento mo ..
ganyan talaga ang buhay.. salamat sa pagkwento, maraming matututo sa story mo.
tapos ka na ba magyosi?
i can so relate. nung nag-asawa ang ate ko, napaiyak ako. alam ko kase ako ang next in line to help the family. in fairness, nakapagpagraduate na ako ng brother na successful na sa work now. un nga lang, me isa pang aabutin yta ng six and half years sa engineering. but it gives so much satisfaction being able to help.