Hayyyyyyyyyy…kapamilya! Part 2
Okay class…tapos na yosi break natin. Resume na tayo:
So ayun…dumating sa punto na iniwan ko ang trabaho. Bitbit ang anak at isang dyip ng bagahe, I went back home. To live with my mother so she won’t kill herself and join my father in the after-life!
Yung 2 college, transfer sa city namin. Daily pamasahe, uwian. Si seaman bro, padala ng initial payment sa tuition. Ang succeding payments? Akin na ulit. Ang daily expenses, akin pa rin. Ang food at kuryente namin, akin pa rin. At kung anik-anik pa sa araw araw na ginawa ng diyos?? Akin pa rin yan lahat!!!! As if meron akong mina ng kaperahan na hindi nauubos.
Yung dalawang college eventually naka-buntis na pareho. Yung first na gumradweyt eh buntis na ang gf. Nagkatrabaho nga agad, eh meron nang responsibility na sa iba. Ang suweldo nya di nya ma-e-enjoy. Akala ko when they’re both done with college, sila naman ang sumuporta sa nanay namin at makahinga naman ako ng konti. Para din asikasuhin ko ang anak ko at ang mga gastos nya rin.
Ang sama ng loob ko sa buntisan part na yan. Isang suweldo ng newly-grad na kapatid ko, nagpadala sa nanay namin ng 1,500 pesos. Two days later, ibalik ko daw ang 500 kasi wala na syang pera. WTF?! Of course naubos na ng nanay ko yung 1,500 namili sya ng tinda sa kanyang sara-sara sari-sari store. Last month, umuwi si newly -grad bro. Nag-resign na daw sa work sa Manila kasi lipat na sa Legaspi. Computer Lab Instructor daw sa kanyang Alma Mater na nasa Legaspi. Ang suweldo, 6,000 pesos a month! Ang baon na pera daily? 300 pesos. Monday to Saturday ang pasok. Sa 24 days na lang eh 7,200 a month na, daily expenses lang yan. Kulang pa nga ang suweldo!!! Sagot pa ni Ate ang paunang pamasahe until mag-suweldo. Eh alangan namang di makarating sa trabaho? Eh di lalo nang nalintikan!
May “utang” na saking 1,800 to date. From today daw until the 15th of this month (payday) eh walang pamasahe. Dahil wala akong cash na hawak, yung benta sa loading business ko ang naharbat! Ni hindi nga dumaan sa mga palad ko ang bentang yun. Ngayon may bago akong negosyo. Benta na mga gamit sa paglalaba, paghuhugas ng mga pinggan, baso, kubyertos at syempre ang panglinis sa toilet at sa tiles.
Naghahangad akong magkaron ng additional income. Gusto ko paikot-ikot ang pera ko, para walang araw na walang pera kami. Ang lumalabas eh niluluto ako ng pamilya ko sa sarili kong mantika! Two weekends ago nag-away na kami ng nanay ko. Walk-out ang drama ko. Bitbit ulit ang anak. Buti na lang matagal na kaming renting dito sa city. Ang sinampay sa labas, hinila ko at sinaksak sa bag. Sabi ko, mabubuhay kaming mag-ina na kami lang. Eh kayo mabuhay kaya kung wala ako??? Lahat na ginawa ko para sa inyo. Lahat na binigay ko. Kung ang pera ko 200 na lang, ang 150 ibigay ko pa sa inyo. Kasi di baleng maghirap ako, wag lang kayo. Pero iba na ngayon. Kasi may anak na akong magugutom pag bigay ako ng bigay sa inyo.
Kaya ayan…biglang masamang anak na ako at salaulang Ate! Kasi daming utang na ang mother eh di ko mabayaran. Na-de-delay. Pag biglang nag-uwi ako ng anik-anik na foods, kung ano ano daw ang binibili ko! Eh puede naman daw na gataan nila lahat ng dahon sa bakuran eh may ulam na sila. Haller! Eh kayo makakain nyo yan. Eh ang anak ko ba kakain nyan? Of course hindi!
Hayyy napagod ako sa kuwento ko. Pagod na rin ako kasi. I’ve been working since 1996 and I provided everything for them para tuparin yung mga tungkulin na binigay ng magulang ko sa akin mula sa murang edad. Of course I don’t want my brothers to starve like I did in college, so I provide for their allowance.
FOR THE RECORD: Hindi ako nagbibilang ng mga nagawa ko na. Hindi ako nagki-kwenta sa nagastos ko na. All I did before and still doing now, is out of love for my family. I want them to have food on the table, when neighbors are just boiling rice and making lugaw out of it for their dinner. Ayaw ko silang mga burarat ang mga mata at malnourish! Kasi kung lagi kang gutom?? How can you perform well in school?
I’m just too tired and frustrated that after all I did, after all my sacrifices, it will end up na ako pa rin ang bad egg sa family. Kasi nabuntis ako, inatake tuloy ng sakit sa puso ang tatay ko. Kasi dahil malungkot ang tatay ko kasi kinuha ko sa kanila ang anak ko, kaya ayun napa-barkada sa mga nag-iilaw sa dagat. So nung atakihin in chest-deep water, tigok. Buti nga daw natagpuan ang bangkay.
My mother is angry with me because I am angry at my two brothers. My two brothers na inuna ang lahat ng mga babae na nakasalubong nila (as if mauubusan!!!) na kahit ngayon eh di pa rin malabhan ang hinubad na brief! Sinong bumili ng brief ? Ng medyas? Eh di syempre si Ate! Nagbabayad pa nga si Ate ng labandera para less pagod na kay mother di ba??
Silipin nyo bank accounts ni Ate? Eh laging ngang below the minimum balance! Hahahaha.
Arrrgggghhhhhhhhhhhhh.
Kaya isang araw susundin ko ang payo ni Reynz. Sabay patay ng mga cellphones ko. Then disappear from my family for awhile. Minsan tuloy lagi kong nasisinghalan ang anak ko. Buti na lang sensitive sya. Alam nya kung pagod at stressed out ako.
Si seaman bro currently naghihintay ng sakay. Second week of September na. Sana nga matuloy na para masaya na ang nanay ko at may allotment sya lagi monthly mula sa pinakamagaling nyang anak!! Aba eh dapat lang sumakay na. Anong year na ba ngayon??? Eh 5 months sa barko. Tapos 6 months ang schooling! 3rd mate nga pagsakay eh baon naman sa utang bago umalis. May deficit pa nga.
Technically eh unemployed nga ako. Rumaraket lang kung saan saan sa internet. Tinatrabaho ko pa lang ang pera eh ubos na. Naka-assign na kung saan mapupunta. Eh ngayon nga biglang sarahan. Biglang bagsakan presyo. Recession daw eh. Ubos kaban ng pera ni Uncle Sam!
Saan na ngayon pupulutin si Gloria??!!! (Gloria me, not Gloria GMA)
Hanapan nyo ko ng sugar daddy. Yung tipong isang langaw na lang ang di pumipirma kaya wala pang one-way ticket to heaven. Yung tipong ulila din ha? Pero malaki ang estate na ililipat sa akin, ano?
Gosh. I’m just not that kind of woman. Hopeless romantic pa rin ang lola nyo kahit maraming beses ng napaso! (Eh kasi namang nagsisindi ng yosi sa kandila, sa dilim!).
HAHAHAHAHAHA.
Di baleng tag-hirap. Basta kasama mo mahal mo. Yung tipong for better or for worse. In sickness and in health. Till death do us part. And I don’t mean a wedding rite okay? I mean a relationship like that — and more.
I’m just too tired kelangan ko na yata, lalake.
HAHAHAHAHA. Gosh. Shut up Gloria and get this entry over with.
Yan tapos na nga.
Yun lang po…bow!
Viewed 8409 times by 2134 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.














You remind of Lupe in Pasan Ko Ang Daigdig. Ang hirap naman nyan di sila natutong tumayo sa sariling mga paa. Baka ngayon matuto na dahil wala ng dakilang ate sa likod nila. Magigising din sila balang araw.
dinah, ang gusto kasi ng mga kapatid ko, learn their lessons the hard way. ako naman itong timang, gusto ko gumaan buhay nila. eh ayaw eh! so magdusa sila!
alam mo kabilaan shoulders ko ng nunal. sabi pag ganyan pasan daw ang daigdig. eh pasan ko nga. no wonder di na ako tumangkad!
hahaha.
hahaha parang napagod ako sa hyper ng kwento at lungkot para sa nanay
minsan talaga nagsasaliwa ang mga pananaw sa buhay kaya kapag pamilya e mabilis magkaron ng away.
buti na lang ako, priotrity muna ang pamilya at safe sex. ganun din kapatid kong lalaki din. kasi pamilya nga talaga ang una sa amin.
sana maayos na kayo ngaun ng pamilya mo mam glo
tama ka dyan dencios. ang condom magkano lang ba? eh nagkalat nga yan dito sa mga counters ng convenience stores. eh ang pag-aalaga ng buntis mahal. ang panganganganak mas mahal. and then ang pagpapalaki ng bata eh walang katapusang pamahal na pamahal na gastos!
tama ka jan. safe lang ang pinaka madaling gawin sa mundo bakit kaya nahihirapan pa silang gawin.
sarap nga i enjoy e hahaha
hi glo, huwag ka na malungkot kakasihan ka rin ng grasya ng Maykapal. yan yata ang binigay na role sa iyo… sige ilabas mo pa kaya mo yan… magbago lang takbo ng Lipunan natin uwi na ako ng Pinas. Yun bang ibaba ang presyo, itaas ang sahod! panalo!
he he he! dyan experto si dencios pagdating sa condom.
Ilang kahon ng Condom ang naubos nyan sa dubai. bwa ha ha ha ha
hahaha.syempre naman!
teka OT
guys bakit nawawala si boss jeri?
Ate Glow, relax lang muna. Kayang-kaya mo yan. Ikaw pa eh wonderwoman ka sa mata namin at sa mata ni Raine. Whatever your decision alam namin na it’s for the better. In the meantime, tara, inuman tayo. Hehehe
absolutely mel! tara na, inuman na talaga. miss ko yan.
dito kasi pag ang babae umiinom sa labas or even smoking sa labas, parang iba ang tingin nila. lalo na ng mga lalaki. parang babaeng mababa ang lipad. grabe noh! double standard. mga barriotic talaga.
di nila matanggap na ang babae can be drinking and smoking like a man.
hindi kasi ako dito lumaki. ayan di tuloy sila exposed.
HAHAHAHAHAHAHA.
kung kelan pa ako tumanda saka naging closet smoker — sa loob ng closet nagyoyosi!
joke lang.
hay naku ate glow… sounds family.
Glo, go and glow, at the end of the tunnel may light, malay mo magkaroon ka ng papalicious na tatanggapin ka whatever u are at saka si raine, ako nga tinanggap ng papa ko eh pito yung akin, yon na lang isipin mo, wish u all the best
an2nette!!!!!
laglag ako sa upuan sa 7 mo.
teka teka…i-sahre ang blessing naman dyan.
meron ba yang kapatid?
pinsan?
2nd degree pinsan?
anak?
apo?
tatay?
tiyuhin??
kahit best friend na lang?? o kaya yung seatmate nya sa bus daily? hehehehehe.
HAHAHAHAHAHAHAH!
joke lang po. (merong magagalit dyan sa tabi, sabihin eh itinatakwil ko na sya. hmmm wag magalit, ok?)
Hi Glo, yong ang problema, nag iisa lang ang dadi ko, may kapatid siya kaya lang taken na, i will pray na sana makatagpo ka ng makakasama sa buhay yung mabait at understanding
Ay naku glo, if they want to learn the hard way hala, ibigay mo na sa kanila. after all those things you did. kung gusto nilang maranasan ang hirap let them. ikaw, your responsibility is your kid…. kaya yan wonderwoman!
Ate Glow… tutal manginginom ka naman,, eh yayain na lang kita sa Videoke bar ko… dami akong stateside na alak dun… meron din shoktong at Tuba.. yung peborit mo.. he he he
waa. appiyr manay glow. para kasing sinasabi nila na obligasyon natin na tulongan sila. pag hndi natin sila tulongan, tayo ang masama. pag titipirin natin sila para matoto sa kanilang sariling paa, sasabihin madamot tayo. nakakainis noh? tayo pa nga ang tumutulong..nagkakandarapa sa pagtratrabaho.. tapos tayo pa ang masama. gusto ata nila maging pensyonado. okay lang naman tumulong kkung ang tinutulongan mo ay tinutulongan din ang sarili. ito pa ang nakakasakit sa puso.. hindi man lang magtext para mangumusta..magtetext lang kung manghihingi ng pera. tapos pagbibigyan mo na, hndi man lang mag thank you. deadmahin ka na kasi nakuha na ang gusto.
sabi nga ni malen, bukas luluhod din ang mga tala. hahaha
hayy naku ressie. i told my mother once already that it is not my obligation to send my brothers to school. naiirita na kaasi ako kasi wala man lang dalang consuelo de bobo. puro pa buntisan news ang dala sa bahay.
i said it is the parents’ responsibility to send their kids to school. but since my parents carent’ capable and because i love them, so i go ahead at pag-aralin mga kapatid. im not asking for anything in return at all, gusto ko lang magtino sila sa buhay. eh lahat ng bagay that i warned them about, they went ahead and did it. buti na lang di mga drug addict! but then again, buti ang drug addict puede magamot. puede i-rehab. eh yung walang amor sa pamilya na sumusuporta sayo…may gamot ba dun? hahahaha
isa pa yang text text na yan. nung araw…sakin na nga galing ang cellphone, akin pa ang load. kung sino sino ka-text. when u txt them asking for something really important, di mag-reply. ang reason, wala na laod. putek natetext mo yang di mo pa naman nakikita, akong ate mo di mo ma-reply-an. i once threatened i will flush their cellphones down the toilet! bakit ba kako eh ako naman bumili ng mga yan. it’s my money anyways,and i can flush it down the toilet anytime i want.
andito na nga lang ako sa malapit, di pa ako puntahan para silipin man lang kung buhay pa ako. magte-txt pa yan. ate…may pera ka pa? pahingi naman wala akong pamasahe bukas.
it’s like daily that happens.
if i want stuff from the house brought here…text ako. dalhin mo naman yung ganito, idaan mo mamaya. 2 days before makarating sayo yung bagay! eh kasi tutal daily naman sila andito sa city kasi nga pumapasok. kesa mag-aksaya pa ng pamasahe mother ko, sila na lang.
kahapon ang tindi ng flu ko, di ako makabangon. in the morning, inasikaso ng mother ko ang anak ko. binihisan at dinala sa school. ang problema ngayona ng lunch time, pano kung di ko pa kayang bumangon. it old my mother before she left na sabihan ang isa na pumunta dito. dapat nasa school sya by 1130. kasi i know after lunch pa ang class. sabi ko siguraduhin na dumating. kung may mga kelangan, halos lumipad papunta dito sa akin. ngayong ako ang may kelangan eh they’re nowhere to be found!
SO UNFAIR!
Glo, totohanin mo kasi ang pagfaflush…. One time tinotoo kong itapon ang 2 cp ng kapatid ko. lol! ako naman ang bumili non. hahahah! ayun, nagtanda.
hi, Glo. nice to read one from you here. i find time dropping by pag may time.
Di ka nag-iisa. At di pagbibilang yan. You need to vent out at makakatulong yan sa yo or else, magkakasakit ka or malokah ka!
ang mahirap sa ating mga pinoy ay imaintain yung tinatawag na close ties with the family, which to me, at times, ay nakakabuwisit. some members kasi are so inconsiderate at sinusunod lang nila ang kanilang gusto. i know that we each have a life to live pero naman, paano ka naman na nagsacrifice for the longest time, don’t you deserve a break?
been there. and still lending a hand kung merong ikakaya.
nakakafrustrate minsan.
i can relate in so many ways, yun 2 kong bro eh mga seaman din. so far, isa pa lang ang nakakasakay. ginapang ko din sa lusak ang pag papa-aral sa mga yun. ang mahal ng tuition!!!
ang consuelo ko lang eh mga wala silang bisyo at so far, wala pa naman nag aasawa…naku subukan lang nila at makakatikim sila ng dos por dos sa kin
ganun yata talaga, lahat gagawin natin para sa pinakamamahal na familia. keri lang yan, one of these days, you will be surprised as to how much love comes back to you in return.
don’t worry manay, your prince will come too. weeeh!
Ngayon lang ako nagkaroon ng time basahin to Mama Glo, wala pa nga ako sa Part 1. Yes I think it’s better for you to get away from the family for a while before they stress you out completely. You have your cute son to look out , after all. Hayaan mo, mabait si Lord. Bibigyan ka rin nya ng kaginhawaan. Good luck sis….
tama nga rin siguro na umalis ka sa inyo ano? kasi hindi nila makita ang halaga mo habag kasama mo sila. ganyan din sitwasyon ka samin ngayon, hindi ko nga lang makayanan na umalis pa. pero sabi ko, pag nagkapamilya ako, aalis na talaga ako. kaya lang, ayoko naman magkapamilya na baon pa ko sa utang sa kaka-loan ng magulang ko gamit ang pangalan ko.
kairita lang talaga kasi lulong pa sa sugal ang nanay ko, at in deanial sya na lulong na sya.. hindi pa ba lulong yung 500 ang nagagastos sa sugal araw-araw? inuubos nya yung pera nila sa sugal, pag baon na ng kapatip ko, ako na ang bahalang magbigay.
unfair talaga..
Ms. Glo grabe ang story mo sis. Combination of Darna at Wonderwoman ka pala. Don’t you worry, God knows ang lahat ng pinagdaanan mo kaya pagpapalain ka niya sa iyong mga ginawang sakripisyo.
Best of luck and God bless…
Let freedom ring Glo…Family system theory calls it codependence and its pathological, very unhealthy for all members of the system…
salamat sa lahat ng well-wishers dito.
i’ll be fine people, i’m still standing.
thanks again.
AMEN dFish!
“Di baleng tag-hirap. Basta kasama mo mahal mo. Yung tipong for better or for worse. In sickness and in health. Till death do us part. And I don’t mean a wedding rite okay? I mean a relationship like that — and more.”
– Masaya sana kung lahat ganyan mag-isip. Yung hindi na kailangang maging mayaman para maging masaya… Pero sabagay, iba iba ang fulfillment ng tao. Kung tayo, masaya na sa simple lang, mas marami sigurong mas gustong marating ang rurok ng buhay. Wherever rurok is.
Natutuwa akong mabasa ang entry na ito. Sabi ng kaibigan ko, basahin ko daw, baka maka-relate ako.
Good luck sa buhay, Ms. Glo! Kanya-kanya tayong challenge ng buhay. Kung kakayanin ko ang mga problema ko ngayon, kakayanin mo rin ang mga problema mo!
ate.. wag mo masyado ismolin ang pamilya mo.. marunong din naman sila sa buhay (ata?)
@glo, after mabasa ko ang part 1 at part 2, ang masasabi ko lang… salute to you. ung istorya mo very similar (not my life but someone else). sa pagsulat mo lang nito kung ito man ay hindi haka-haka (alam mo na…wink…this is the internet) hats off po Kumander Glo sa iyong Kataastaasan Katapangtapangan…salamat po.
haka-haka ka dyan darbs, ako pa magsulat ng haka-haka??
hahaha.
promking: this is not about smalling my family. not at all. i just ahd to write these that time i did, or i’m going to explode. gets?
@Glo, in denial lang siguro ako. Gusto kong isipin na telenobela. Dahil ang totoo hindi ko magawa ang ginawa mo.