Home » Barrio Siete, Business and Politics, Chizmiz sa Barberya, Dear Ate Charing, Komentaryo, Opinion

Her No. 1 Fan

13 April 2010 20 Comments

Madalas pag-usapan dito sa barrio ang nalalapit na eleksyon sa Mayo. Halos 90% na yata ng articles dito ay may kinalaman sa pulitika eh. Palagi na lang si Noynoy, Manny Villar, at Dick Gordon. Kung napag-uusapan man ang ibang kandidato sa pagka-pangulo or pangalawang-pangulo ay hindi masyado kumpara sa tatlong nabanggit ko na. Anyway, dahil diyan, nandito po ang isang open letter na aking ipinadala kay Ate Charing.

Dear Ate Charing,

Hello. Kamusta ka na Ate? Nakalabas ka na ba sa rehab? Matagal na rin kitang hindi nadadalaw sa palengke. Medyo busy din kasi ako sa aking career.

Sumulat po ako Ate Charing dahil nalalapit na ang eleksyon at gusto ko po sanang mag-confide sa inyo dahil wala po akong ibang mapagsasabihan ng mga sumusunod na bagay na ibabahagi ko sa sulat na ito. Sorry at ikaw ang napagdiskitahan ko Ate. Eh kasi naman feeling ko sa aking revelation ay malamang wala akong magiging kakampi maliban na lang sa inyo dahil I know, you are an open-minded creature. You are not judgmental because you are not a judge.

Alam niyo po, dito sa barrio may kanya-kanyang choices na ang mga kasamahan ko sa pagka-pangulo ng Pilipinas. Si La Kapitana solid Noynoy. Si Malen sasalo ng bala para kay Gibo. Si John feel niya si Nick Perlas. Samantalang si Kutz, Jepoy and maging ang crush kong si Mark ay suportado ang Gordon-Bayani tandem. Ewan ko lang sa iba dahil hindi pa naman nila dini-disclose ang kanilang choices.

Sa kaso ko po Ate Charing, iisa lang ang aking choice from the very beginning of the race. Siya ang aking iboboto sa darating na May 10. Ito po ay walang iba kundi si….

Atcheng Jamby Madrigal.

I know and I’m sure marami sa nagbabasa ngayon ang biglang humagalpak sa tawa, muntikan nang matapon ang kapeng iniinom at sa sobrang inis ay itatapon na sana ang laptop sa kanilang harapan. Pasensiya na. I’m just being truthful Ate Charing.

Ano ba ang mga kadahilanan kung bakit si Jamby Madrigal ang napili ko na maging pangulo ng ating bansa? Honestly, I chose her because I believe in her and sa tingin ko ay karapat-dapat naman siyang mamuno sa ating bansa. She comes from a very good political family and her experience as a lawmaker is enough para i-angat ang ating bansa mula sa pagkalugmok sa kahirapan.

Alam niyo po Ate Charing, hindi ako magaling sa ingles at pakikipag-debate kumpara sa mga kasamahan ko dito sa barrio na matatalas ang pag-iisip at may kakayahan sa pakikipagtunggali. Ganda ng mukha at long legs lang po ang maipagmamalaki ko. Charing.

Simula nang tumakbo si Atcheng Jamby sa pagka-senadora noon ay naging idol ko na po siya. In fact, noong mapunta siya dito sa aming bayan ay hindi ko pinalagpas ang moment na makapag-shake hands sa kanya. In fairness, malalambot ang palad niya Ate Charing. Siguro, sosyal ang lotion na gamit niya.

Anyway, simple lang naman po ang mga bagay na nakapag-convince sa akin na ipagpatuloy ang paghanga ko sa kanya.

Si Jamby ay galing sa isang nirerespetong angkan. Lolo niya si former Supreme Court Chief Justice Jose Abad Santos at tiyahin niya ang philanthropist na si Chito Madrigal-Collantes.

Si Jamby ay may puso para sa mahihirap. May mga itinatag siyang foundations para ma-iangat ang kabuhayan ng mga mahihirap.

Si Jamby ay may concern sa welfare ng mga kababaihan at kabataan. Dating presidential adviser on Children’s Affairs at DSWD Undersecretary, may mga batas din siyang na-iambag para mapangalagaan at proteksyonan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan.

Si Jamby ay isang vegetarian at environmentalist. Pabor siya sa total log ban at nangunguna siya sa senado na protektahan at pangalagaan ang kalikasan.

Si Jamby ay hindi gahaman sa yaman. Totoo, she contested her Aunt Chito’s will and testament but it’s her right and that doesn’t equate to being gahaman.

Si Jamby ay kaaway ng korupsyon. Nangunguna siya laban sa kontrobersya ng C5 Road Extension project. Di gaya ng ilang senador na biglang kumambyo at kumampi sa inaakusa dahil….

Si Jamby ay may paninidigan. At….

Si Jamby ay katulad kong allergic sa orange.

Ito lang ang mga simpleng rason kung bakit si Atcheng Jamby ang iboboto ko sa May 10. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin. Kung sa tingin niyo po ay mali ang choice ko at mas magaling ang inyong kandidato, it’s your opinion and I respect it. I hope you respect mine too.

Thanks for the time and space Ate Charing. Hope to see you soon.

XOXO,
Mel

Kung itatanong niyo kung ano ang plataporma ni Atcheng Jamby, click HERE.
For more information on Jamby Madrigal, visit her official website jambymadrigal.com

photo credit: jambymadrigal.com

Related Posts with Thumbnails

Viewed 11086 times by 2858 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs. Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.

20 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.