“HINDI AKO MAGNANAKAW!”
Matinding kahirapan ang dulot nang kurapsyon. Dapat sana ngayon, meron nang world-class superhighway na bumabagtas sa buong kabikolan from Manila all the way to Matnog, Sorsogon – pero wala. Leche! Buong ka-bikolan, ginagamit nang buong Pilipinas, lalong lalo na ang mga tiga Visayas at Mindanao pero walang matinong expressway or superhighway man lang. Kelangan pa bang imemorize yan na highway ang magpapabilis sa komersyo para maibsan ang kahirapan sa bansa namin sa kabikolan?!
“HINDI AKO MAGNANAKAW!”
That’s all that I want to hear from Noynoy Aquino. Yan ang hinahanap kong pinaka-importante sa mga pulitiko sa Pilipinas na gustong maging Presidente nang Pilipinas o kaya lider na hindi maging kawatan. Ilan na ba ang mga naging Presidente, Senador, Congressman, Gobernador, Mayor hangga’t sa kadulo-duluhan nang Sambayanang Kalechehan. Gagamitin ang poder nila para magkaron nang highway sa mga subdivision nila. Gagamitin ang pondo na dapat sa buong Pilipinas at ibagsak sa iisang probinsya sa Pilipinas. Walang katapusang imbestigasyon ang kahayup-hayupang kurapsyon, wala namang nangyayari. Meron pa nga P50,000 na naging milyonaryo sa loob nang kulang sa tatlong taon, pero OK lang sa mga mambabatas. Kelan matatapos ang kahayo-hayopang kurapsyon at nakawan sa kaban nang bayan?
Noynoy Aquino’s covenant with the nation
Minamahal ko’ng kababayan.
Tadhana ang nagbuklod sa atin.
Dahil naghihingalo na ang ating bayan.
Nais kong pumasok sa isang kasunduan sa inyo:
Lalaban tayo para sa wastong edukasyon ng bawat batang Pilipino.
Lalaban tayo para sa abo’t kayang serbisyong pangkalusugan.
Lalabanan natin ang kahirapan.
Lalabanan natin ang mga kawatan.
Lalabanan natin ang sino mang wawasak sa kalikasan.
Lalabanan natin ang sino mang manggugulo sa ating kapayapaan at katahimikan.
Ang laban natin ay laban ng bayan.
Sa ‘ngalan ng aking mga magulang at sa gabay ng Diyos, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na pag-silbihan ang mahal nating inang bayan.
Bilang tunay na sagot sa kahirapan at tunay na daan sa kaunlaran, ang inyong linkod, Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, isang mamamayang pilipino, nangangako sa Diyos at sa Bayan:
HINDI AKO MAGNANAKAW.
Viewed 9491 times by 2094 viewers
reynz is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.














oo nga sana hindi lang si Noynoy ang mangako ng ganyan! lahat ng gustong mag karoon ng pwesto para sila ay mag silbi sa bayan dapat ganyan ang mithiin…”HINDI AKO MAGNANAKAW”.
Yeah, “hindi ako magnanakaw” is a pitch that truly works in a society where not being a thief is such an EXCEPTIONALLY rare virtue.
So for those who eat up bnllsh1t like that, well, it simply reflects the sort of people Pinoys are.
Again Noynoy demonstrates that his campaign is focused on what he will NOT do rather than what he WILL do.
Sayaw Pinoy sayaw….
yada.. yada.. yada…
But then again, I’ll vote for him because of Mar Roxas and because I don’t want Villar to win.
If only for those reasons, I’ll go for Noynoy and pray that he make good of his promises.
what a covenant! basta hindi ka magnanakaw at hindi rin magnanakaw ang mga kasama mo… malaki ang pag-asa.
alam mo benigno, yang isang value na yan na “hindi magnanakaw” ay kayang itumba ang lahat ng mga bagay na sinsabi ng ibang presidentiables na gagawin nila..eh lahat na nga nangako ng mga sinasabi nilang gagawin nila eh..pero ano ba ang nangyari? di ba puro nakawan? hindi lang pera ng mga tao at gobyerno, pati na rin puri at dangal..so, go go go, noy..isa lang ako sa mga taong naniniwala na gagawin mo ang lahat matulungan lang ang bansa natin..hindi para umunlad ang pangsariling interest..
i want to hear those words come out of gibo, villar, gordon, brother eddie, and most especially erap’s mouth.
that’s all.
yeah, i agree!
Aanga anga pala itong si Benigno. Anong pinagsasabi mong “focused on NOT what he will do”, pakinggan mo nga uli. Di ba sabi niya, lalabanan ang kahirapan; lalaban para sa wastong edukasyon etc..etc…, di ba whAat he WILL DO ang mga yun??????? Hirap kasi sayo naririnig mo lang yung gusto mong pakinggan.
Pero kahit dun na lang sa hindi si noynoy magnanakaw…. go na ako dun. Sus sa totoo lang kakasawa na pinaggagagawa ng mga politiko sa pinas.
Haay buhay pa pala si benigno. Ang laki talaga ng problema mo kay Sen. Noy no? Pinangako lang naman niya na hindi siya magnanakaw eh. Kung ayaw mong maniwala eh di wag.
Ako talagang naniniwala. Hindi lang ako maniniwala, i will hold Sen. noy to his word. Pag may ginawang kalokohan, dapat maging accountable siya. Paki-sabi na lang sa kandidato mo kung sino man siya, gumawa di ng promise na hindi siya magnsnakaw.
i want to hear those words from Manny Villar with C5 in the background with the platform “C5 at Taga”
I do understand when Benign0 dislikes Noynoy as a candidate…
Situationally speaking, when Noynoy said that he won’t steal – is perhaps the best phrase of the moment…
It’s just a promise to be challenged… Noynoy is not my candidate, but I would consider voting him… among the current line up….
What’s true for a family is true for a nation.
The more negative attacks for Noynoy, the more solid I go. I believe in the “Aquino” brand. None of them are corrupt and I believe Noynoy won’t be one and yes, truly hopeful ako that Noynoy, like Cory, will remain true to the word and be incorruptible.
And I expect that Noynoy will ran after all these corrupt politicians.
Babantayan ko yan. I want them all to go to jail, get those money and wealth back at gamitin to build an expressway sa Bikol. Tama na ang mga kademonyohang imbestigasyon leading to nowhere. In your face na ang kurapsyon wala pa ring nahuhuli. Matigbak na sana silang lahat na magnanakaw!!!
ako, iniintay ko talagang may masampolan na malaking isda pag na-upo na si noynoy. hindi lang ma prosecute at makulong kundi kunin lahat ng ill-gotten wealth plus 100% interest! yan din ang aabangan ko reynz!
Salamat sa Diyos ay narinig ko din sa isang presidentiable at lalo na kay Noynoy ang katagang ito, “HINDI AKO MAGANANAKAW”. Napakasarap pakingggan nito at umaasa ako na hindi rin niya papayagan o magsasawalang kibo kung ang mga kamag-anak niya at kapartido nyang liberal o nagliliberal-liberal lamang ay magnananakaw sa oras na maupos na siya.
Agam-agam ko kasi ito dahilan sa maraming illegal loggers at protektor ng mga ilegal loggers ng Sierra Madre at pati jueteng lord ang sumapi sa liberal. kaya sa ngayon ay ang tandem lang nila ni Noy at Mar ang sinusuportahan lang ng aming grupo pati ilang senador line-up nila tulad ni Acosta at Risa Hontiveros.
Itigil na ang nakawan sa gobyerno, itigil na din ang juenteng, itigil na din ang logging (illegal at legal) sa Sierra Madre.
bro martin
Sagip Sierra Madre Environmental Society, Inc.
Patawarin ako, but whenever i see villar’s face, i feel like vomiting..like erap, he is exploiting the poor people..nakakalungkot..but, ng makita ko yung picture niya na lumalangoy sa basura, natuwa ako, kasi bagay sa kanya..bagay na bagay..kaya niya kayang mangako at gawin yung sinabi ni noy? Tuwa ako sa iyo, ismael, tama nga yung line mo na C5 at taga..yehey!! villar na villar yan..and for noynoy, pagbutihan mo lang, buong pamilya ko, sa iyo boboto..i will pray for you and your desire to really help the Philippines..i really really love this country…
…pero yung mga nakapaligid sa kanya magnanakaw
)
PILIPINO TAYO! At kaakibat ng 2 katagang yan, gusto kong idagdag na likas sa ating mga Pilipino ang maging matapat,(nakakalungkot lang na un mga taong sumisira sa katangian nating yan ay naipon pa sa gobyerno} Pero sino nga ba ang dapat sisihin kundi tayo na din na nagluklok sa kanila sa kapangyarihan! I have nothing against the Aquinos but pero hindi maitatatwa na un pagiging honest at mabait, gaya ni Madam Cory ay hindi sapat para umangat ang ating bayan sa pagkalugmok. Remember, after Marcos, dun nagumpisa ang kaliwa’t kananng korupsyon , gawa ng mga nakapalibot sa kanya. That leads me to reminisce the Marcos era when it is very comforting lalo na sa mga simpleng Pilipino. Walang katakot-takot na nakawan, korupsyon, druglords, warlords. Kahit mga General pa {na syang naghahari ngayon sa ating bansa, active o retired) hindi ubra kay Macoy. At least isa lang ang bad, “Imelda and her shoes” Gusto ko lang iparating sa mga kababayan kong Pilipino na sa darating na botohan, gamitin nayin ang ating karapatan sa tamang paraan. HWAG NATIN IPAGBILI ANG ATING BOTO.
Ano ba ang accomplishments ni Noynoy to merit my trust? Kasi ang tiwala na-eearn. Na-earn yun ni Noynoy, na-earn yun ni Cory. Si Noynoy wala namang ginawa para makuha nya ang ganong tiwala ng mga Pilipino. Ano ba nagawa nya? Wallflower lang naman sya bago mamatay si Cory. Si Cory nga ang naghabilin na wag muna sya tumakbo sa pagkapresidente (alam nya kasi na hindi kaya ni Noynoy. Kaya kung ako, gagamitin ko utak ko, hindi ang emosyon. Please kung boboto kayo, tingnan nyo muna ang background at accomplishment ng bawat kandidato, hindi yung kung sino ang popular, sya na agad. sayang ang boto.
nakakapagod ang paulit ulit nang response. pero pipilitin ko pa rin, kasi parating ganun ang linya nang mga anti-noynoy. so eto:
1.) eto ang profile nya: http://www.noynoy.ph/main/about.php
2.) eto yong mga nagawa nya sa senado: http://www.noynoy.ph/main/bills.php
3.) eto yong mga resolutions nya: http://www.noynoy.ph/main/resolutions.php
4.) eto yong mga issues nya: http://www.noynoy.ph/main/issues.php
and finally,
HINDI SYA MAGNANAKAW.