Hindi ko kilala si Ricky Lee
Minsan ‘di lang sa social or political issues tayo dapat aware from time to time kailangang iupdate natin ang mga sarili sa kung kanino nakadikit ang mga hot issues of the time.
Teka muna ka-Barrio ‘di mo kailangan ang dyaryo sa tabi mo para makasunod ka sa kwento ko.
Simpleng nakakatawang kwento lang ito sa pamosong manunulat na si Ricky Lee. Pauna ko lang po, hindi si G. Lee ang nakakatawa sa kwento ko kundi ang inyong lingkod.
Paumanhin dahil sa katagalan ng pangyayari hindi ko na maalala ang eksaktong pangalan ng okasyon at ang petsa kung kailan ito naganap. ‘Wala pong dapat ipag-alala orihinal na storya ko po ito.
May isang speaking engagement si G. Lee sa PUP noon at isa ako sa miyembro ng secretariat. May isang middle-aged guy clad in simple shirt and pants and rubber shoes ang lumapit at nagtanong kung nagsimula na ang programa. I plainly replied na hindi pa kasi wala pa ‘yung speaker. Sinuklian lang niya ako ng ngiti at tumalikod na.
Sa madaling salita nagsimula ang programa. Nabigla ako ng kaunti at natawa sa sarili ko ng iintroduce na ang speaker. Walang iba kundi ‘yung lalaki na nagtanong sa akin. Maaaring napahiya ako pero I came prepared for the autograph signing. Siyempre may dala akong libro na akda niya. Pagkatapos ng okasyon, lumapit ako kay G. Lee at patay-malisyang humingi ng kanyang pirma. Nangiti lang ang soft-spoken na mama nang abutin ang libro at kanya itong pirmahan.
Pitik-bulag sa Buwan ng Pebrero ang librong nilagyan ng dedication ni G. Lee. Sayang maski na ‘yung dedication hindi ko na rin maalala tsk tsk. Inspiradong-inspirado pa naman ako sa librong ‘yon. Sabi ko balang-araw makakagawa rin ako ng isang kagaya nun. Sa kasamaang palad, may kumuha o nanghiram ng nasabing aklat at hindi ko na nakita pa magmula noon.
May pagkakataon sana na muli ko siyang makakadaupang-palad. Plinano naming ng kumare ko na mag-attend ng scriptwriting class sa Quezon City kung saan siya ang magtuturo. Hindi rin natuloy ang inaanticipate naming event sa hindi malamang dahilan.
Sa susunod hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ma-meet ko ang idol ko.
Ang P-bBP ay isang libro ng screenplay na pinagbibidahan ng aktres na si Nora Aunor.
Viewed 12521 times by 2290 viewers
yami is happily married to husband Neru. They are blessed with two kids. Yami graduated with a degree of Journalism at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). She worked as a reporter of People's Journal and People's Tonight, both publications of Philippine Journalists, Inc., for 15 years. She maintains Mom writes for a cause, a personal blog.














teka matingnan nga sa googleimages ang picture ni Ricky Lee para kung saka sakaling maka-daupang palad ko sya kahit sa panaginip lang.
Ms Mahalia,
The last time na nagsearch ako for my post kaunti din lang ang nakita kong pics ni Ricky Lee.
@Yami, Is this Ricky Lee?
http://ricky-lee.com/
Thanks.
Darbs,
Yes, that’s the exact site where I got Ricky Lee’s photo para sa post ko. Andun pa din pics niya sa site ko.
medyo may edad na ang Lolo Lee…
watch this:
http://www.youtube.com/watch?v=x4VAVQG_CK4
oops…malee pa ang link
basta’t nasa
http://www.youtube.com/user/phytias08
Jim,
I have yet to see your link. Oh yes matanda na si Ricky Lee ngayon. Baka nasa (late) 30′s na siya when I saw him in PUP and that was a long time ago.
naaliw ako dun sa book nya na “May Quota ang Pag Ibig”
Malensky,
Favorite ko naman ang Pitik-Bulag. Sayang nga eh kaisa-isang may pirma niya nawala pa.
nyahaha yami, si ricky lo ang kilala ko e hahaha
Lee,
Kahit kailan funny ka talaga. Like Ricky Lee, mukhang mabait din si Ricky Lo, ano?