Hindi Pala Biro
Hindi pala biro…
Ang mapaltusan ng paa sa kakalakad at akyat – panaog…
Ang maubusan ng boses at mangati ang lalamunan sa kakasalita…
Ang pagtratrabaho hanggang sa unholy hours ng gabi…
Ang pagharap sa araw-araw sa ibat-ibang tao; hoping na kung ano man ang sasabihin mo sa harap ng whiteboard e sana makapasok sa kukote ng estudyante mo…
Hindi nga biro…
Ngayon ko lang naintindihan kung ano talaga ang tunay na ginagawa ng ating mga maestra, ngayon na isa na din ako sa humaharap sa whiteboard. Sa pag-asang na araw araw e may matutunan ang mga taong nasa harap mo, sa bawat discussion na nilalatag mo sa kanila – pakiramdam ko tila pati ako mismo e nachallenge din ang pagkatao.
Ramdam ko agad ang bigat ng responsibilidad ng paglalaman ng utak ng mga taong ito. Parang magulang na naghahanap ng paraan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Kaya pala ang ibang nasa kaguruan e nagsisilayas sa bansa natin. Ang iba sa kaguruan e bukod sa maliit ang pasahod ng gobyerno e dagdag pa ang hirap at sakripisyo sa araw-araw nilang gawain. No wonder – talagang lalayas nga naman sila.
Pero in fairness, kakaiba din ang dating ng isang ito sa akin. Parang nakakahigh at nakakasaya na nakaharap ka sa mga taong ito at ikaw ang in-charge sa paglalaman ng utak nila. Masaya para sa akin ang makapag-share ng kaalaman.
Flashback ang memory ko sa aking research paper ukol sa estado ng edukasyon dito sa Pilipinas noong ako’y nasa kolehiyo pa.
Isinilaysay ko ang mga kakulangan ng educational facilities at improvements sa current curricula ng elementary at high school. Baket parang natutulog ang gobyerno sa paglalaman ng kaalaman sa mga kabataan ngayon. Kaya ayan tuloy ang iba sa kabataan e kung hindi man mag-asawa ng maaga e puro pasarap, ipod, inuman, yosi, at computer games ang inaatupag. Isama mo pa minsan ang pagdroga (katulad ng ecstacy at shabu) at wa-to-sawang pag-gimik sa mga bars.
Ang mga guro e nagsisilayas at nangingibang bansa. Nakakarinig ako ng kagimbal-gimbal na kwento na ang ilan sa mga guro e naging caregivers at domestic helpers. Nagtitiis na serbisyuhan ang mga dayuhan para lang sa sweldong medyo may kalakihan kesa sa sweldo nila dito sa ating bansa para lang maturuan ang ating mga kabataan.
Hindi naman natin masisi ang mga guro at kabataan. Malamang ito ay dala na rin ng pagbabago ng panahon.O sadyang kulang sa suporta mula sa mga uncle lacoste ng ating gobyerno.
Sa akin kasi, “Life is a beach. You have to learn how to ride the waves from time to time.” Kaya ready ako sa mga mangyayaring pagbabago sa aking life. Of course, there are times na di rin ako handa. Nakakagulat din ang ibang pagbabago sa life. Dati kaharap ko ang notebook at ballpen, ngayon e whiteboard at marker na ang armas ko.
Ngayon ko naintindihan ang pakiramdam ng isang taga-laman ng utak ng kabataan. Hindi pala biro. Kaya heto’t nilulubog ang sarili sa libro at kinakausap sina Alfred Adler, Auguste Comte at Abraham Maslow para malaman ko ang mga epektib approaches sa aking ipang-lalaman.
Suma total, sinabi nila, habaan mo ang pasensya mo at enjoyin mo lang. Alamin mo lang ang kanilang kiliti para maacess mo ang kanilang utak at masusian para maging interesado sila sa idadakdak mo sa harap ng whiteboard.
Oo nga naman.
Viewed 10143 times by 1491 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.













Good morning Ma’am.
Hehehe! So, araw-araw pala eh meron kang LASON plan or LITSI plan? hahaha!
Litsi plan nga mudra. hahahahaha….
Pwede din ang lason plan. LOL!
i would love to teach. andyan pa rin yong isang iskul sa manila waiting for me. and i can’t wait na maging Titser na rin ako hehehe – ayokong librarian ha? Titser ang gusto ko. bungangera ako eh.
i think i will enjoy teaching…. especially pag hehehe ~kilig~ wag na lang… nahihiya ako hehehe
but ano ba yan, hindi natuloy ikorek ang books litsi oo!
I used to teach. 2 months! =)) really. after 1 grading nilayasan ko ang mga estudyante ko for greener pastures. Yun yung nakakalunkot isipin kapag nagturo ka. You should be there not because of the money. But of course meron naman yatang eskwelahang mataas magpasahod. sad to say yung alma mater ko eh, di isa sa mga yun.
But then, after all these (being OFW, having gone through years sa industry) and a growing kid… mukhang pinag-iisipan ko na bumalik sa pagtuturo.
In fairness ang hirap magturo… at kung akala natin eh magaling na tayong mangopya, think again… nakikita pala talaga ng mga teachers yun! rofl!
Monique! Hahahha…tama ka sa last statement mo. hahahhaha…
mam monique talaga? haha. nako mam silver pagbigyan mo minsan mangopya ang mga estudents mo para naman maranasan nila ang di ko naranasan – ang mangopya naks! talino ko. lols
Matang lawin din ako sa mga nangongopya at alam ko ang mga estilo nyan. Kahit pa yung mga advanced styles of cheating. Hahahaha.
Ngak! hahahha….
Maeenjoy mo mudra. pramis.
ramdam ko mam ang iyong kasiyahan sa puso sa pagtuturo. kung anu man ay sana madaming matutohan sa iyo na tiyak naman.
may tanong lang ako, sangayon ka ba na maisama ang sex education sa highschool kurikulum? seryoso yan.
(eto joke..ako kasi yun ang guto kong ituro in case haha)
si DENZ, gusto ko estudyante ko. hehehe. parati syang bagsak. para nasa klase ko parati. hehe
LOL!
Hahahha.
pano baon ko kamahalan? provided mo dapat hehe
Dencios,
Sa aking humble bubwit opinion, dapat isama ang sex education sa high school. Ignorance cannot be a bliss pagdating sa ganyan. Of course, kelangan may strong emphasis sa population management at responsible parenting.
subukan nyo lang kundi kayo na-excomunicado. tanungin nyo si bluep. hahahaha
Ngak! hahahahha…
andami ko talagang natutunan sa baryo…PILAK nga po kayong talaga…your profession alone is the embodiment of those three psychologist you have mentioned…feminist, altruistic, and dare I say it…very Jewish.
Could you be my shrink?
speek english jim. exactly what do you mean?
that SILVER is one of a kind in her profession,
and i salute her for that.
I want to be a teacher too like my mudra, pero siya mismo nagdiscourage sa amin to be one kasi daw underpaid na overworked pa ang mga public school teachers.
I have very high respect sa mga guro lalo na yung bumabyahe sa mga liblib na nayon para lamang magturo. Most of them hindi nila ito choice but pinapatulan pa rin nila because ito lang ang opportunity nila to teach para kumita. Kawawa din yung mga bata kapag walang magsasakripisyong magturo.
Maraming ganyan dito sa bukid.
Mel,
Ako nga, sana kahit one time lang e mabigyan ng chance na magturo sa ibang barrio sietes ng pinas. Parang mobile school, hahagilapin ang mga malalayong barangay at indigenous tribes.
If I can recall it right, ang school na nanguna sa NEAT (National Elementary Assessment Test) e coming from Macrohon, Southern Leyte. Ang mga estudyante dun e ilang kilometro ang nilalakad para lang pumasok. Kaya saludo ako sa mga estudyante at guro doon.
Kudos sa kanila. Sana marami pang barrio siete schools ang manguna sa NEAT. Talbog ang schools na nasa cities. Hehehe.
siguro yung mga bata sa Macrohon ang entertainment ay pagpasok. Di pa siguro talamak ang mga diversions na tulad sa syudad: malling, movies, ipod, texting, etc etc, ang kumukuha ng malaking porsyento ng kanilang concetration sa kanilang pag-aaral.
Siguro rin, matatalinong bata talaga ang mga taga Macrohon!
hahahha….ayos yan Mahalia. Ang entertainment e ang pagpasok. Hahaha. Pwedeng pwede.
Pero knowing their socioeconomic status and how they travel before they reach their school desks, bilib talaga ako.
And I share the same sentiments with Lee. Di porket englishers chorva ang school etc. e yun na ang epitome ng high education quality chorva. I hate school elitism. Hehe.
yeap, i have two nieces, titser sa barrio. yes, nilalakad ang talahib highway just to be there.
Oo nga mudra. Tumatawid din sila sa Riverside Highway. Ngak ngak ngak.
hehehe yong isa, nakapangasawa farmer hehehe una galet ang fadir hihihi as usual siempre gusto developer eh sino naman ma-me-meet mo sa barrio a-beer? hahaha pero ok na family ngaun
O anong problem sa makapangasawa ng farmer? E farming is one of the lucrative agri-business around – with the right approach and techniques e kahit papaano e kikita naman.
maalala ko lang: nagtuturo kasi ako dito ng mga batang Kano, wednesday, sunday morning at sunday night. average na 6-10 ang attendance nila. Ages–6-10 years old. Nung una kong turo, binato ako ng sapatos. Teacher response: batuhin ko rin sya. Nung nag-iingay, sinitsitan ko. Aba’y ang mga mokong na bata, di pala alam ang ibig sabihin ng sitsit. Dahil nga naman walang sumisitsit dito. Nung di epektib, sinabi kong “Malalaki na kayo, isang oras lang ang ipag-uupo ninyo dito sa klase, minsan nanonood lang tayo ng DVD, bigyan nyo naman ng respeto ang mga katabi ninyo.” Pagkatapos ng drama kong ganon, nagsabunutan naman. Hay naku, aalta presyunin ako.
In contrast, kahit na nag-wawalis at nag-uupli ang mga batang Pinoy, talagang makikita mo sa kanila ang pagiging masunurin. Kaya’t panawagan nga sa mga kinauukulan na itaas naman ang qualidad ng ating education.
Tanong: Bakit pati sa mga may kamahalang eskwelahan, kailangan ingles ang salitaan sa rooms at halls. Kapag napatagalog ka, piso. Kaya tuloy, kung lumaki na ang mga bata, halos hindi na nila alam ang tunay na lingwahe at pagmamahal dito.
ginawa yan samen sa high school err koreksyun barangay high school hhahaha para kaming mga bugok pa-inglis inglis nun susko day! kung marinig nyo kami, i swear pag-sasampalin nyo kami at yes, naka-ilang bayad ako nang piso, galet na galet ang fafa ko hehehe
yun bang “Mam, iksyusmi, i need CR”
Nung bago ako dito nag date kami ng asawa ko sa Cracker Barrel, eh napapabathroom ako, di ko alam kung paano magtanong. Sabi ko sa server: Eksyumi, where’s your CR? Aba ang sabi nasa kitchen raw. Nagtaka naman ako, tanong ko sa asawa ko kung bakit nasa kitchen. Ano raw ba ang CR ang tanong ni mister? Aba, di nyo ba alam ang CR? Baka Resident Chef raw ang tinatanong ko. ngek.
hinanap ko na lang all by myself. hehehe
In terms of reality, tama si Mel. Dahil most of our schools realize na exportable ang mga batang ito when they grow up. At Pinoys going abroad need this skill. Nakakalungkot lang na hindi equal ang pag-push ng Filipino language.
Mahalia,
Sa totoo lang, I dont know what’s the prestigious chorva fuss about using English. At baket parang ang treatment sa salitang English e parang badge of prestige.
Nabasa ko sa blog ni Madam Winnie Monsod about the mother tongue approach in teaching English. Dangan daw na mas epektib daw kesa sa straight on approach.
May alam akong school sa Manila na talagang nirerequire magsalita ng English sa halls at classrooms. Kwento sa akin ng friend ko na nag-aral dun dati e iniiwasan daw nya ang mga English halls para di siya mapenalty. Hehehe.
sa school nang pangkin ko in Pasig which was the Reedley International School, majority of the kids speak english kaya dun namen pinasok pangkin namen because she does not speak tagalog. pero enjoy listening to the kids kasi yong mga tiga-manila speaking english me tonong iba hehehe but they’re fluent. di ko lang alam kung talagang requirement yun nang international school but given na karamihan nang students dun eh mga anak nag expats or from abroad. of kors karamihan den are junakees nang me mga kaya in manila
baka sinasanay na sila para mag call center. joke! =P
LOL Mel! hahhahaha….
QUESTION:
1.) how much ba ang salary now nang titser sa poorvince, sa siti at sa sitio?
2.) and pano ba ang bayaran? by subject? monthly? o por hora kada otro dia?
3.) anong requirement to be a titser? me certifikeyt bang hinahanap? me PhD bang requirement? pano?
Eto ang pagkakaalam ko mudra:
High school:
Pag public school ka – nasa 8k to 12k. Depende pa ata kung anong ranggo mo – kung ikaw e teacher or master teacher na. Monthly yan mudra.
Pag private school e depende din. May nagpapasweldo ng maliit, may nagpapasweldo ng malake.
Requirement for teachers – applicable sa elementary at highschool e dapat education grad at nakapasa sa LET (Licensed Examinations for Teachers).
Pero kung di ka education grad, kukuha ka ng 3-9 units ng teaching methodologies sa kolehiyo at mageexam ka rin sa LET.
Kung ikaw e balak magturo sa kolehiyo e case to case basis din pero usually ang hinahanap e industrial or corporate experience at extra credentials like MA, PHD, etc.
silver, so meaning pag me mba phd ka, wa na certificate? will you still be required nang teaching methodologies?
Eto lang sa pagkakaalam ko ulet:
Kung sa elementary at high school, siguro need pa ang teaching methodologies chorva. Pero kung sa college e hindi naman required yun.
@silver,
dats good kung di na required ang methodologies. susko, iisa ang sytle kong magturo. presentation using powerpoint. read: lazy hehehe
@Mudra,
Ngak! Hahhahah….saucy naman. Hhahahha
ate reynz yung payroll ng nanay ko nakakaiyak. kahit matagal na siyang teacher ay mababa pa rin ang sweldo. sabi niya kasi wala siyang master’s degree. kaya ayun kahit matanda na ay nag-aral para makakuha ng master’s.
hindi ako sure sa exact figures pero may alam ako dito sa bukid nagtuturo P5k/month.
Sobra naman pala. Siguro take home pay na yun after the deductions? Mas mayaman pa ang mga namamasukan sa bahay…? hay buhay
Mel,
Ako din. Gusto ko na atang umiyak din sa payroll ng nanay mo.
mel,
last i heard, yong pangkin kong titser sa bukid (bookid talaga – as in talahib highway) is P15k per month. tama ba yon or baka hambog lang samen? hahaha
@mel,
P5k is very small. yong sikyuriti guard sa discovery suites eh P7k a month (hulaan mo kung ano ginawa nang lola hehehe) grabe ang salary imbalance scale!!!
Ate Ajay: pre-school teacher po yun dito sa bukid. P5k gross salary pa yun.
P5k! aray kuh mel!!! grabeh!
Ate Reynz: boylet mo ang guardia sibil? charing!
ang siste kasi kung bakit P5k lang ay dahil ang LGU ang nagpapasweldo sa kanya kasi wala daw budget para sa pre-school teacher. pinagtiyagaan na lang kesa naman sa wala. habang hinihintay din nya na mapasali sa ranking para matanggap na siya sa public school.
pero ako gusto kong magturo sa college level. lalo na kung marami akong male students. very inspiring. you know. bwahahaha!
i hear ‘ya hehehe private lessons to me sound very very good too
sinong gusto mong turuan privately ate reynz? LOL
Ngak! Kayo talaga! Hahahhahah….
Monique and Mel,
Nung freshman ako sa college dati e 92 kami sa klase.
Nung naging higher year na ako, nagkaroon ng 3 sections para sa freshman, tig 60-70 plus each.
@mel subukan mong magturo sa engineering pihado puro lalake kaharap mo. used to teach ECE students sa Barrio Siete ko. waaah! mamatay ako, 45 students, 2 o 3 lang babae! hahaha…
Ate Monique: juice ko andami. buti naman at kinaya mo. 45 is so dami ha. siguro 20 okay lang but 45 men, gosh. mahirap nang kontrolin yun.
45? kulang yan! hahaha! me isa pa akong pangkin, ka-apelyido ko’t pedeng iverify at currently andyan sya sa Jose Rizal Univ sa may parteng Binangonan ata yun di ko na ma-remember. he told me one time na ang isang klase nya was about 60 people hehehe yong iba walang upuan hahaha para daw nasa concert sya hehehe
For a university, sobrang dami nga yung 45. college pa yan ha. yes, hirap nga. isa sa reason kaya i jumped ships! hahaha.
joke lang. pwera biro, masarap magturo… it gives you a different satisfaction…. Minsan nga kahit maliit sahod ok lang dahil alam mo na ang “satisfaction” eh mataas… yun lang nga diba nauuna ang financial kesa sa “higher need” paki verify naman @Silver.
@ Monique,
True ang kasabihan na ang teaching is a vocation – which means ang pera e hindi pinaguusapan but rather the willingness and the passion of the person to teach and share knowledge.
At may kakaibang high ang pagtuturo. At the end of the day, kahit pagod ka, mapapangiti ka na lang.
naniniwala akong si teacher SILVER ang magpapabago sa takbo ng sistema ng pagtuturo sa Pilipinas! (applause! apllause! applause!)
Hahhahaha….Dencios wag kang ganyan. hahahhahha…
baka lang masyadong maging “dare to speak out” ang mga estudyante haha at pagdating sa bahay nila e bumanat ng politika at tribya
Ay hindi naman Dencios. Hahahha. Ayaw ko matulad sa Kisay incident ang mga estowdents ko. Hahhaa.
Hinay hinay lang ako pagdating dyan. hahahha.
pero sabi ng kakilala kong guro masarap daw yung maging teacher pag sweet ang extudyante lalo kung christmas party, teachers day at bday kasi sangkaterba ang gifts.
eeeeekkk! gusto ko na maging titser! hahaha! now na!!!
@dencios
Pang elementary lang yata ang ganito eh… lol!
Nung elementary kami ganyan kami sa mga teacher namin… nung hi-skul, naku, public school pa man din, wala na pakialam sa birthday. bulaklak na lang sa teacher’s day.
college? forget it! hahaha
mam monique haha a oo nga elementary pala sinasabi ko haha. college prof ko na pala nanglilibre. naku yari si mam silver hehe
Aruroy. Natanggap ka ba ng bouncing checks dencios?
Hahaha.
hhahahaha. kaya nga mas gusto ko regalo na lang kesa sa cheke ng tumatalon talon. ok na sa akin kahit isang basong gulaman haha
hahaha! pero kidding aside, do you know na sa ganitong parega-regalo natututo ang mga batang maging corrupt?
Just think about it…
@monique,
here is a true story which i believe is one training ground for corruption.
sa condo namen in pasig (at hindi ako nahihiyang sabihin) hahaha nangyari to.
my sis and my niece at ako were in manila. ako 2005. yong sis ko ang my niece have been there for the last 3 years kasi tinatapos nung sis ko ang nursing. pero they’re from america. pati yong pangkin kong maliit who do not speak tagalog.
easter sunday.
hanapan nang eggs. or egg-hunting.
sumali pangkin ko.
excited.
meya’t meya… umuwi… nag-iiyak!
“that’s not fair! that’s not fair!”
sabi namin – anong nangyari?
tinuturo daw nung mga maids sa bata kung saan nakatago ang mga eggs. nung gabi pala sila ang nag-ayos kung saan nilagay ang mga eggs para sa game.
nahirapan kaming i-explain sa pangkin namen ang nangyari.
may tama ka mam monique. nako kaya ayoko sinasanay ang mga ganyan lalo sa bata e. tignan mo yang kwento ni kamahalan.
Pag ako naging titser… dalawang grado lang ag pagpipilian ng estudyante ko, lalo pag dalagang sexy…
eto yun: Uno o Unat. he he he
meron pa pala: Kwatro o kwarto. bwa ha ha ha
Jowks lang po, nagpapasaya lang.. he he he
Bwehehe.
[...] I have mentioned in my latest post in Barrio Siete: Life is a beach for me. I dont know why I have this strange appreciation of the beach and surfing [...]