Home » Opinion

Hindi State Funeral kundi People Power Funeral para kay Tita Cory

4 August 2009 27 Comments

Tita CoryPICT2563me

Desisyon ng pamilya Aquino na tanggihan ang state funeral para sa yumaong Pangulo at dapat galangin ito. Gayunpaman, mayroon pa palang hihigit sa isang state funeral, at ito ay tatawagin kong People Power Funeral. Only in the Philippines, mga kababayan.

Nakakapangilabot ang naramdaman ko kanina. Lalo na ng nakita ko sa TV ang mga tao sa Ayala Avenue. It was like EDSA all over again. Yun nga lang, nakakalungkot kasi nagtipon-tipon sa Ayala ang mga tao upang makiramay sa pagkamatay ng pinakamaningning na simbolo ng EDSA. Sa pagyao ni Tita Cory, mayroon ding namatay sa spirit ng EDSA Revolution na yun. Wag naman sana ito tuluyang maupos kundi ay magbagang muli.

Ang swerte lang namin kasi dadaan sa opisina namin sa Roxas Boulevard patungong Manila Cathedral ang casket nya. Ang paghihintay sa motorcade ang naging highlight ng araw namin. Kinakailangang andun kami dahil ito na ang huling pagkakataon upang magbigay-pugay sa minamahal nating dating Pangulo. Plano rin naman naming magpunta sa Manila Cathedral at makipaglibing sa Manila Memorial Park pero hindi pa rin dapat pakawalan ang pagkakataong ito.

Close to two hours kaming naghintay sa bahaging iyon ng Roxas Boulevard na may mga dilaw na watawat at litrato ni Ninoy. Di nakakapagtaka sapagkat ang lungsod ng Maynila ay balwarte ni Mayor Fred Lim na close ally ng mga Aquino.

Sa sobrang excitement, bumili pa nga kami ng yellow ribbons bilang souvenir.  Meron ding mga nagtitinda ng dilaw na payong. Nagmistulang pista ang kalye. Maya-maya ay nagulat na lang kami dahil ang malalaking poster ni Tita Cory na nakapaskil sa mga poste ay hawak-hawak na ng ilang tao. At ang iba naman ay pumitas ng mga dilaw bulaklak sa may hardin bandang US Embassy. Kahit mistulang vandalism na ang ginawa ng mga kababayan natin ay nakakatuwa pa rin. Lahat pala ay gagawin ng mga tao para makapag-alay lamang ng maganda sa daraang casket ng Pangulo.

Bandang alas-kuwatro na ng dumaan sa harap namin ang cortege. At yung lalaking katabi ko ay sumigaw ng “Si Kris! Si Kris!” Kumakaway sa crowd ang ilang miyembro ng pamilya Aquino. Halata mong natutuwa sila na makita ang mga tao. Mabilis lang ang pagdaan nung truck na nagdadala ng remains ng Pangulo, at di ko makalimutan ang mga sundalo na nagbabantay on all sides sa casket ni Tita Cory. We waited for two hours and the motorcade was gone in two minutes, pero makabuluhan pa rin ang dalawang minutong iyon. I felt proud that I was part of history that was unfolding before my eyes, that part of a people who loved and honored a President because she did not abuse her power and served the people well.

Tita CoryPICT2556me

Mistulang nagmilagro pa nga ang panahon ng araw na ito. Biglang lumalakas ang hangin at nagbabadya ang ulan pero lumiliwanag muli. Natakot pa kaming mabasa ng ulan pero mumunting ambon lamang ang pumatak. Para bagang nagparamdam si Tita Cory at naghagis ng biyaya sa mga dumalo.

So long, Madam President. Mamahalin namin ang Pilipinas sapagkat mahal mo ito. At iisa kami sa iyong panalangin na ilayo  ang bayang tinubuan sa pangil ng mga sakim. Kahit wala ka na, sana’y buhayin pa rin ng mga tao ang diwa ng EDSA. Alam kong ikaw ay manonood mula sa langit upang tingnan kung aming isasabuhay ang mga dakilang adhikain nito. Let’s keep the flame burning! We love you!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 9980 times by 2730 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a Technews Columnist of the Manila Bulletin, one of the Philippines most widely-read English broadsheet. You can find her blogging at http://www.annalyn.net, which is her main blog, http://www.weddingfactsheet.com, which is a wedding blog and http://www.balutpenoy.blogspot.com, a food blog.

27 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.