How To Prepare Your Blog For Full Operation
Sa nakaraang post, napag usapan natin ang dalawang importanteng tanong bago tayo sumubsob sa pag blog. At ngayong kating kati na kayo sa pag blog, pag usapan naman natin paano ma prepare ang bagong blog natin. Di natin mailalagay lahat ng kailangan natin dahil di pa natin alam kung paano magiging takbo ng blog natin.
Isa sa mga nakakaligtaan natin ay ang mga internals ng ating mga blog. Oo di pa tayo sikat pero sisikat din tayo kaya mas maganda na ready na tayo at makagawa na tayo ng routine to maintain our blog. Marami sa atin gamit ay WordPress kaya mag focus tayo using the WordPress platform.
Theme
Sa pagpili ng theme, dapat magaling tayong mamalengke. Di ibig sabihin na puno ng kulay eh maganda na. May tinatawag na clean code sa mga themes. Pag messy ang code ng theme, isa ito sa mga magpapabal ng blog natin.
Plugins
Maraming plugins ang available para sa WordPress pero di natin lahat kailangan ang mga ito. Ang mga plugins ay nakakatulong sa pag optimize ng ating mga blog. Below are some of the plugins I use.
- Google XML Sitemap – Ang sitemap ay parang mapa ng mga streets sa ating blog. Once meron na tayong sitemap, pwede natin submit ito sa mga webmaster tools ng mga search engine like Google, Yahoo at Bing. May mga bot na bumibisita sa mga sites natin at para malaman kung may bagong content, gagamitin nito ang sitemap.
- All In One SEO Pack – Di naman lahat tayo eh expert sa SEO at makakatulong ang plugin na ito. Remember, optimize the page and not the site. Walang exact formula sa SEO pero may mga standard practice. Pag usapan natin ito sa mga susunod na post.
- WP-Super Cache – And plugin na ito ay nag gegenerate ng static files. Pag di naka install ito, umaandar ang PHP at mySQL tuwing mag load ang mga page. Ang static files, di gumagamit ng mga resources na ito kaya mas mabilis ang pag load. Ginamit ko ito sa Barrio Siete at sa site ni Chuva. Langyang trapik, halimaw!!!
- Sociable – Usong uso sa atin dati ang article submission sa mga iba’t ibang sites. Nauso ngayon ang social bookmarking and at Sociable and magandang plugin para ma distribute mga articles natin. You can try Digg, Reddit, Delicious at StumbleUpon.
- FeedBurner – Para sa RSS Feed natin
- WP-DB Backup – Mahirap na mawala database at maganda na merong backup ng database natin.
- FTP Backup – Wala ako gamit na plugin dito. Gamit ko lang FTP para maback wordpress installation ko weekly.
Images
Isa sa mga mabigat sa mga blogs ay ang mga images. Kung mapapaliit natin ang size ng mga ito without affecting quality, the better. Naging ugali ko na gumamit ng PNG files imbes na JPEG. Pwede ninyo gamitin ang GIMP, Adobe Photoshop at Elements.
May isang technique gamit si Bluep at ito ay ang pag host ng mga images sa separate site para di mabigatan site sa pag load ng mga images.
Widgets
Dahan dahan sa mga widgets. Nakakganda ito sa mga blog sites natin at nakakapag bigay ng mga impormasyon. Pero pag mataas na traffic ng site, isa ito sa mga magpapabagal ng page load.
HTML and CSS Tweaking
Di natin memorize ang pasikot sikot nga website natin at isa sa mga gamit ko sa pag experiment ng layout ay ang Firebug. Maaari mong edit ang CSS, HTML at Javascript na hindi maapektuhan actual files.
Ito ang initial installation ko tuwing mag umpisa ako ng blog. Napakaraming plugin ang available para sa mga blog natin pero piliin natin muna kung ano mga kailangan and expand na lang as the need arise. Nakaka adik minsan mag ayos ng blog dahil di natin alam kung ano mga ilalagay natin.
Nakatulong sana ang post na ito sa mga readers natin na naguumpisa nang mag blog. Kung meron kayong gustong idagdag or ibahagi sa ating mga readers, mag iwan lang ng comment sa baba. Share mo naman experience mo ka barrio.
Viewed 14842 times by 3049 viewers
Rob is is from the small town of Malaya in Pililla, Rizal. He has a bachelor’s degree in computer science and has over 12 years of IT experience carrying different roles from software development, database architecture and project management. He is now the Digital Producer of one of the most awarded Ads agency in the Philippines, Database Consultant of a BPO company and the founder and author of Social Media Philippines.














base! thanks sa info! dami ko natutunan
hehehe.
Wow, tamang-tama ang info na ito Kuya Rob sa mga binabalak kong kong gawin sa blawg ko at sa mga impending pretty soon. Very informative.
Gagawin mo na ba yung isang napag kwentuhan natin nun?
blog tutorial in taglish, thank you kuya rob, andali maintindihan para sa mga gaya kong walang alam sa CSS etc
i will install those plugins you mentioned. thanks!
Gamitin mo rin Firebug kung gusto mo managarpintero sa blog mo. You can edit HTML and CSS without editing the actual files para safe.
Rob!
Thanks sa info. Tamang tama at magschedule ako ng rearrangement ng muwebles dun sa bagong bahay ko.
Yung Digg, alam ko yan. Grabe ang traffic nyan. Mamaw yan sa traffic. Dati din kasi akong tambay sa Digg.com before ako maging tambay sa palasyo ni Reyna. Hehehhe.
Tinatry ko yung sociable kaso baket parang di lumalabas yung icons dun sa posts ko? Any advise on this Rob?
After you make sure that everything is ready and you already posted some articles or blog post. You can now mind the “traffic” and you can now do promoting your blog. There are so many ways regarding on promoting it. But the most common and effective is posting it on social netsworking sites like twitter.