Home » Business and Politics, Chizmiz sa Barberya, Komentaryo, Maguindanao massacre, Opinion

Isang Daan na Mamatay Tao

2 December 2009 13 Comments

P200911260951333102722600

Photo credits here.

Ako ay nagtataka mga kabarrio kung bakit iisa lang ang  nasampahan ng kaso sa malagim na masaker sa Maguindanao. Bakit kako iisa tao lang ang nakikita natin bilang suspect ng mga pulis? Asan na ang isang daang John Does na may partisipasyon sa masaker na ito at sila mismong kumalabit ng gatilyo sa 67 na inosenteng namatay???

Hanggang John Does na lang ba tayo sa charge sheet?? Asan na sila?? Di ba dapat pinaghahanap din sila ng kamay ng batas at nararapat lamang na magdusa nang higit pa sa paghimas ng malamig na rehas? Dapat ang 100 John Does na uto-uto at mga walang konsensya e dapat matapang ngayon sa pagharap ng kanilang kasalanan at kargo de konsensya. Palibhasa, mga kababaihan at mga walang kalaban-laban ang kaya nilang patulan. Nakuha pa nilang barilin ang ilang kababaihan sa kanilang maseselan na parte. Asan ang pagiging makatao nila? E kung MASAHOL PA SA HAYOP ang mga taong yan at tila di na tinablan ng konsensya ang kanilang mga apog.

Aba naman oh! Di porket siya lang ang mastermind e siya lang ang huhulihin. Di pupuwede yun. Kahit tanungin nyo sa mga CSIers dyan, dapat kung sino ang may partisipasyon sa krimen, dawit din sila. As if may they pretend innocent with matching beautiful eyes pa ang mga heenayufak na yan! (Sorry, napapa-gay lingo ako pag galit!)

Kung talagang gumugulong ang karaban este gulong ng hustisya, sana naman, mahanap na yang mga mamamatay tao na yan. Hindi iisang suspek lang ang nakikita natin. Susmaryusep!

O eto, namnamin nyo muna ang balitang nasagap ko mula sa aking antenna sa GMAnews.tv:

The Department of Justice (DOJ) on Tuesday filed before a Cotabato City court 25 counts of murder against detained Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. for being the primary suspect in the November 23 massacre in Maguindanao province where at least 57 civilians, including 30 journalists, were killed.

GMA News’ Jun Veneracion said the panel of prosecutors led by Edilberto Jamora filed the charges before the Cotabato City Regional Trial Court Branch 15 past 11 a.m.

With tight security from the police and the military, the prosecution panel arrived at the local court, bringing with them two boxes of affidavits and other pieces of evidence against the respondents.

Aside from Andal Jr., some other “John Does” were included in the charge sheet. The prosecutors hope to identify the other suspects in the course of the investigation. [See: 3 witnesses tag Ampatuan Jr in Maguindanao massacre]

Jamora said the number of charges was based on the medical papers of 25 of the recovered bodies of the victims that have so far undergone “medical procedures.”

Jamora assured that supplemental charges would be filed as soon as the medical papers of the rest of the 57 victims have been processed. [See: 11 witnesses to strengthen case vs massacre suspects]

Related Posts with Thumbnails

Viewed 15023 times by 3174 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.

13 Comments »

  • reynz says:

    EEKKKK! Ba’t me JAMORA dyan?! hahahaha! Waaaaa!!! Amerkano ako! hahaha!

  • lee says:

    tsk tsk, yan na nga bang sinasabi e.
    sabihin pa nilang sumunod lang sila sa utos ng amo,at wala silang choice at kundi sila susunod e sila ang papatayin, e yung paraan ng pagpatay nila dun palang makikita mo ng mga mamamatay at mga halang ang kaluluwa nilat di lang sila basta sumunod sa utos e, talagang trigger happy silang lahat na kasama sa masaker na yun.
    nakakalungkot at nakakainis isipin na nakakalaya pang lahat ang mga yun till now at mababaon nalang sila sa limot.

  • promking says:

    asan na ba yung 100 peopleness.. hindi po tayo naglalaro ng taguan pung.!

    baka iniisip ng kinauukulan na pag umamin ng kasalanan si Ampatuan e ituturo na niya ang mga tauhan niya./ ano kapalit? parole?

    • Silver says:

      Ay naku promking…nakakainis talaga ang system dito sa atin.

      Asan na nga ba ang mga John Does na yan?? Parang mga artista sa blind item na di makita! Lecheness!

  • delta says:

    napanood ko sa tv ang balita, na ayaw matulog ni aptuan sa loob ng selda kasi takot daw ito sa dilim.. alam nyo ba reaksyon na nanay ko? “takot lang yan sa multo kasi baka minumulto na yan nung ibang namatay..nyahaha..

    o kaya man hindi man talaga sya minumulto nun mga namatay eh minumulto na sya ng kanyang konsenya kaya naghahalucinate (tama ba spelling?) feeling tuloy nya isang kaluskos lang eh kakagatin na sya ng isa sa mga minassacre nya…

    kung ako sa mga pulis jan habang nasa loob sya sasadyain kong magkwentuhan ng mga katatakutan at mga nagmumulto dahil di matahimik at ipaparinig sa kanya para lalo syang mapraning sa takot! nyahaha

  • Aldrin says:

    update: dumarami na ang nasasampahan ngayon pero puro ampatuan lang.

    gusto ko makitang masampahan pati yung mga pnp at afp officials na sinasabing nandun nung time na yun.

    • Silver says:

      Hello Aldrin,

      Salamat sa pagdayo dito sa Barrio. Oo nga. Lalo na ngayon at natuklasan ang arsenal nila na kayang magsupply ng 2 brigades ng sundalo.

      Kasi naman, mukhang may partipasyon ang ilang scalawags in uniform sa pasahan at bentahan ng armas.

  • delta says:

    naku hindi mawawala yung mga ganyang partisipasyon silver!!! di ba nga gaya nung mga armas ng milf at mga npa? sabi nga nila san ba kukuga ng ganong karaming armas ang mga yun at bala? ofcourse sa militar din! may mga balimbing na magkapera lang eh bebentahan ang kalaban na pampatay sa kanyang kauniporme! at lalo pa kasi mga militia ang mga tauhan ng mga ampatuan na yan so yung primary nilang armas eh provided ng gobyerno!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.