Home » Chizmiz sa Barberya, Chizmiz sa Parlor

Katrina Halili at mga sex videos ni Hayden Kho

25 May 2009 66 Comments

Bakit may social relevance ang pagblog tungkol sa sex video scandal nina Katrina Halili at ni Hayden Kho? Sa mga makikitid ang utak at ang mga ipokrita at ipokrto na sinisisi ang mga bloggers sa pagtalakay sa sex scandal, ito basahin ninyo. Ito ay hindi lang kaso ng pornograpiya kung hindi violation ng human rights . Hindi pa ako ang galit niyan.

th_recess_21

HINDI. HINDI at higit sa lahat ay hindi. Imulat ninyo ang maliliit ninyong mata at medyo palawakin ang pag-iisip.

ITO ay kaso ng karapatan hindi lamang nga kababaihan kung hindi ang mga mamamayan na nagnananais na ang kanilang ginagawa sa pribadong bedroom ay hindi kakalat at gagawing pagkakakitaan ng mga walang kaluluwang negosyante. Medyo galit na ako.

th_recess_31

Sa ganitong mga kaso, ang mga babaeng nasasangkot ay napapahiya subalit iyon ang kapalit upang lumabas ang mga kasong natatabunan lang dahil sa ginagamir ang pera ng may pera. Kagaya rin ng mga biktima ng rape, nabibilad ang kanilang puri dahil sa imbestigasyon.

Hindi ang mga bloggers ang nagkasala nito. Kung ang blog ay pasweetum-sweetum, maari siguro. Pero kung ang blog ay may misyon na ilabas ang katotohanan, anong bandwagon mentality ang sinasabi nila. Sumakay ba ang mga bloggers na ito sa wagon? TSEH. Ito galit na ako.

th_recess_41

Sa pagbabasa ngbalita, dito makikita ang pagmamanipula ng mga bayarang abugado sa kaso at sa balita… na kulang na lang putungan nila ng korona ang kanilang kliyente ay gusto nilang gawing SANTO. Halller. Disappointed ako kay Lorna Kapunan nang sabihin nito na nagbago na raw si Hayden KHo dahil ito ay nag-a-undergo ng psychiatric treatment. SO Patawad na siya, GANON, sumagot kayo. GANON ba ang batas. Ang sabi pa ay matagal nang nangyari yon? Sus. Ibig bang sabihin pa gang krimen ay nangyari na matagal na kailangan patawarin na ang nagkasala? Ngayon ang ipinalalabas nilang biktima ay si Vicki Belo. Haaa. Pakiuntog nga ang ulo ko.

th_banginghead

Una ay pinalalabas nilang may personality disorder si Hayden. Bigla silang sinupla ni Miriam. Hindi raw sila naniniwala pero binago nila ang kanilang strategy. Ginawa naman nilang lulong sa drugs.

Ngayon naman, ang lahat ng sisi ay binubunton kay Chua, ang kaibigan dawn a siyang nag-upload sa internet.

Sabi ni Adel Tamano, na abugado ni Vicki Belo, (presidente pa naman siya ng PLM), huwag daw makisakay ang mga pulitiko. Bigyan ko kaya siya ng malaking salamin. Eh pulitiko rin siya eh.

Ngayong umaga ay galit na si Lolit Solis at ibinuking na may sustento si Hayden Kho, mula kay Vicki Belo ng 300,000 pesos isang buwan. Sa interview kay Lolit Solis sa SNN nina Kris Aquino at Boy Abunda, inilabas niya ang sikretong ito. Ito ay kuwento ng aking kaibigan na tumawag pa sa akin ng long distance para ikuwento ang latest.

Anong pakialam natin, pera niya yon. Magpakabulag na siya wala tayong pakialam.

May pakialam tayo kung ang mga ginagastos niya sa kaniyangboylet ay kiniclaim niyang business expense. Lumiliit ang taxes na binabayaran niya. So at the end tayo palang taxpayers ang nagsusibsidize sa kanilang love affair.

Lahat ng retrato ay ninakaw kay Lee.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 16723 times by 4271 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a part-time educator who was also a former Dean. She is a CPA with a PhD in Economic Development and Doctorate in Business Admin., enjoying her early retirement because of her disability; of being brain challenged, hehehe! that's according to her.

66 Comments »

  • yami says:

    Mam Cat, maikling pakli ko lang bago mag-may-I-go-out-ulit para maghanda ng late agahan dito sa balay.

    Kaisa mo ako sa pagka-disappoint kay Atty. Kapunan bilang babae at bilang isang ina. Mas kasuklam-suklam ang malaman pa na dati o kasalukuyan siyang tagasuporta sa mga karapatan ng mga kababaihan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang ipagkanulo ang katulad ni Katrina para sabihin niyang ito ang nagtulak kay Hayden sa paggamit diumano ng droga.
    Gusto ko lang malaman, may anak din kaya siyang babae? huwag naman sana, pero paano kung paano mangyari ang katulad na eskandalo sa pamilya niya.
    Isa pa po. Ang sa akin lang hanggang may sumusuporta kay Kho (image builder, attys.fee,condo rent,atbp)patuloy ito sa pagiging mayabang. Alam po natin na kung sino benefactor niya.
    Last na po.tama po si sen bong sa sagot niya sa ina ni kho na lahat ng ina ay habambuhay na naniniwalang inosente ang kanilang anak. Pero kailangang may managot sa nangyaring krimen. ‘yun lang po muna.
    **
    Mam Cat,disapir po ako muna ulit pagkaluto po kasi’y pupunta pa ako ng ilog para maglaba.

  • The Ca t says:

    yong ang aking kinaiinis yami,samantalang naturingang pa naman siyang tagapagtanggol ng mga babae.

    Biruin mo ang sinirang buhay ni hayden dahil lang sa kayabangan niyang maipagmalaki ang kaniyang
    mga conquests.

    Ang nakakainis yong kitang-kita nong trying hard ang mga bayarang abugado para siya maisalba.

    kawawa rin ang anak ni vicki belo. wala silang magawa. alam na alam nilang niloloko ni kho ang kanilang ina.

    sa mga anak masakit yan. at si kho ay arogante pa ang dating.

    anong masamang pagbablog tungkol dito.

    mga prude ang mga nagsasabing hindi dapat ito pinag-uusapan sa blog. Bibigyan ko sila ng salamin, malinis ba sila?

    • yami says:

      Mam Cat, sa lahat ng umpukan, mapa-opisina, simbahan at palengke…alam mo ba pati nga anak kong lalaki na 9 years old nagsasabi na katrina-hayden ang topic nila sa labasan ng mga kalaro niya…pero hindi ‘yung video (hehe) issue lang po…tapos sa blogosphere, bawal…di naman sa kung ano…wala po akong makitang masama. Ngayon pa! :D

  • The Ca t says:

    sinabi ko na hindi kami tatapak ng kalyo pero pagtinapakan kami ay hindi lamang kalyo ang tatapakan namin.

    • reynz says:

      hahaha! what’s the issue ba? because we blogged about the sex scandal? i think ang claim nang kabilang group is that we should have not blogged about it.

      well, anong gagawin naten? tabunan nang flowers and pretend everything is beautiful at the doctor’s office? hahaha!

      these bloggers aren’t seeing the light!

      • yami says:

        Hi Reynz.

        makikisingit na naman ako, alis ulit…hehe
        May issue pala na bawal iblog ang issue. Bakit daw po?

        Sarap ngang pag-usapan, lalo na ngayon oras ng meryenda dito sa Barrio…sarap ng mainit na pandesal na pinalamanan ng matamis na bao.

        ngayon pa na painit ng painit ang issue dahil nadagdagan ang mga karakter at nanganak o nagsanga ang issue…ang dati na parang simpleng issue lang ng patagong pagkuha at ang ‘mahiwagang’ pagkalat ng video ay isang lumalalim na issue ng droga (daw), love triangle at paghihiganti pala.

  • Snow says:

    Ms. Cat yang number 3 pic sa article mo ang gustung-gusto kong gawin kay Kho and company.

    Nabasa mo na ba yung sinabi ni Lolit Solis. Heto basahin niyo para mag-init ulo niyo.

    http://www.pep.ph/news/21842/Lolit-Solis-reveals-Hayden-Kho's-motive-behind-sex-videos

    Kitang-kita na mali ang mayabang na si Kho na yan. Pero heller??? Ano ginagawa nila? Kinakampihan pa si Hayden. Ang nagagawa nga naman ng pera.

    Kapag nakita ko si Belo at si Solis. Heto rin masasabi ko. Paano Vicky at Lolit kung ang mga anak ninyo nasa sitwasyon ni Katrina at nung iba. I’m sure maghahabla kayo ng kaso.

    Actually, mas naawa nga ako dun kay Maricar kasi imagine, nung kinukunan niya ng video yung girl GF niya! Pervert talaga yang si Hayden, walang galang sa babae.

    Dun sa mommy ni Hayden. Madam, mag-isipisip ka. Babae ka rin, ikaw ka ma-video ng ganun.

    Hay, Silver… May aprovel ka ba dyan? Highblood talaga ako dyan sa Doctor na pervert na yan!

    • Silver says:

      Wala na akong aprovel Snow. Kaya asahan mong highblood na naman ako.

      Lalo na sa mga pretentious na kokak na moral-moralan kuno.

      • yami says:

        Silver,
        Parang ganito, kunwari ayaw mong makinig sa umpukan na ang pinaguusapan ay S.E.X. dahil malaswa (susmaryosep! mapapaantanda ka pa) pero ‘wag ka kinikilig ang mga ayaw makinig…hehe…Peace man!

        Pssst, Silver…napanood ko ‘yung part 2 nung kay Maricar….kaso once lang ang daya ng lolo ko, binura agad…

      • Silver says:

        Yami,

        Matindi ang kay Maricar. Naawa ako sa babaeng yun. Maganda pa man din talaga. Ginago lang ng lalake. Tsk.

    • yami says:

      hehe, Snow puso mo…pareho tayo ngitngit din ako kay Hayden. sabi dito sa bahay bakit daw ako affected…kasi nga obvious naman na palabas lang ang kunwaring remorseful na statement ni Hayden nung isang araw. sabi sikat daw na image builder ang nasa likod nun.

      gusto ko rin ‘yung pic no. 3, hehe.

      • yami says:

        Silver,

        Oo nga, napanood ko din kagabi. Bakit kaya silent si Maricar sa issue? Sa isang banda parang mas maganda na lang na quiet siya kasi wholesome ang image niya. at sa so far, siya ang mas may matinding ‘act’ sa video. Poor girl. Well, sana lang may mangyari sa kaso para na rin sa kapakanan ng lahat ng mga babaeng nabiktima sa pagkalat ng SV na ‘yan.

      • Silver says:

        Yami,

        Tama lang ang strategy na ginagawa ni Maricar. Wag muna siya magpamedia. She should file a case against Hayden na lang.

        Mas prefer nya siguro na tahimik siya kasi mas makakasira sa reputation nya – as a doctor and a model too. Mas mabuti pang tahimik kang gumagawa ng strategy.

      • Silver says:

        Yami,

        Ang sa akin lang e walang masama kung tayo e magblog na may importansya sa readers mo o relevance sa mga issues ngayon. That’s fine.

        Pero kung may isang blogger na magblog na may sexual innuendo like yung nagblog ng about sa jakol – ayun, sapul na sablay ang isang yun. Kasi naman, anong relevance ng JAKOL sa usapin ngayon di ba?

        2 ang punto dito: IMPORTANCE AT RELEVANCE.

  • The Cat says:

    snow,
    nakakahigh blood di ba? parang nakita rin yata sa video na yon na binigyan ni hayden ng bagay ang kapartner niya sa sex videong yon.

    • Snow says:

      Yeah, I saw the videos sa phone ng isang friend ko. Naawa ako sa mga kinunan niya ng video, dapat siyang magbayad wala siyang paggalang sa babae. Wala siyang pinipili, mapa-GF niya or one-stand yata bini-videotaped niya. And hey, don’t he deny it! Pino-focus pa niya para kitang-kita ang face. Kawawang mga babae. :(

  • Dinah says:

    sinong normal na tao ang mag iipon ng sex video, bilang trohpy ng mga conquests nya? pervert nga ang tawag dun di ba? kakainit nga ng ulo yung dialog ni hayden na condemn the sin and not the sinner! ano sya, hilo!

    • Snow says:

      ‘condemn the sin and not the sinner’
      hmmm…gusto kong iuntog ulo niya sa pader…mga 100 times…

      • dencios says:

        hello ms.snow OT lang kagabi ilang beses kong ginahasa ang blogsite mo pero di ako makapasok ng komento.. sayang.. gusto ko pa naman ang mga topic mo..

    • The Cat says:

      usapan namin yan sa aming e-mail group yong about the mother na may hawak pa raw bible at rosaryo.

      sabi naman noong isa, bakit si mayor sanchez, may hawak ding bibliya.

  • reynz says:

    “May pakialam tayo kung ang mga ginagastos niya sa kaniyangboylet ay kiniclaim niyang business expense. Lumiliit ang taxes na binabayaran niya. So at the end tayo palang taxpayers ang nagsusibsidize sa kanilang love affair.”

    I LIKE THE ARGUMENT.

  • Rob Angeles says:

    300K?! Damn! super yaman ang tita! As usual, lalaruin nanaman nila argumento para lang maka lusot. Sa atin talaga pag may pera mga naglalaban laban eh kung ano anong magic lumilitaw. Band huli taong bayan nalilito kung sino tama.

  • Silver says:

    Ako, napanuod ko ang video. Kaya wag na kayo magtaka kung baket sobrang nagpanting to the max ako kay Hayden at his cohorts na tipong gusto ko silang KAPUNIN sa inis ko.

    Isa pa yang mga nag-iissue na di na dapat ibiblog kay Katrina issue. GANON?!?!

    Pretending utopia na lang ba? Hay naku.

    Wala na akong aprovel kaya skyrocketing na ang highblood pressure kooooooo!!!!

  • dencios says:

    hindi puede ang basta sorry sa mga ganyang bagay. e nakabinbin pa nga ang batas para sa ganyang kasirauluhan tas wala lang?

    para kay Adel Tamano, pede bago ka sumatsat e amuyin mo muna yang kilikili mo. e pumupulitika ka din.

    MAPAPARUSAHAN KA HAYDEN! wag ka magtago sa pagkapraning kuno mo at pagsosorry mo dahil walang naniniwala. ang mga naniniwala lang sayo yang mga tinapalan nyo ng pera.

    at para sa mga NAGPATAPAL NG PERA SA MUKHA kabilang na ang pulitiko, abogago, ilang blogers etc etc (kung tatamaan ka, matamaan ka) e maghelow na kayo ke satanas!

  • darbs says:

    Nagbago na kaagad…in a matter of hours?

    Wow! What religion he + cohorts are practicing?

    Niadtong High School pa si buktot sa Barrio Siete…HUSTISYA NGA GIPAKANAOG sa Binastos: Suspended UG HARD LABOR

    Case: Nasakpan nga nangsiplat (13 seconds) sa batiis sa madreng gwapa nga hamis man giod pud ang batiis… nganong wa man pud daw mag suot ug STOCKINGS! hahaha!

    Cross finger: hinaut nga dili ta kilatan. Peace po!

  • malensky says:

    basta ako inis ako sa kanilang lahat – from katrina to hayden to vicki.

    si katrina, pumatol sa may jowa.

    eto namang si hayden, cheater na perv na mukhang pera na saksakan ng tanga. hinde marunong magtago ng video, paano nag-leak yun? siguro nasira yun laptop nya at pinagawa sa greenhills kaya nag leak lol

    at si vicki, walang maloloko kung walang nagpapaloko…haller, hinde ba sya aware na pera lang ang habol sa kanya ni hayden? binalikan pa nya yun ogag na yun ano bah!!!

    kung ako lang ang BATAS ha, ikukulong ko yang 3 yan hahahah

  • The Cat says:

    ngayon pa na painit ng painit ang issue dahil nadagdagan ang mga karakter at nanganak o nagsanga ang issue…ang dati na parang simpleng issue lang ng patagong pagkuha at ang ‘mahiwagang’ pagkalat ng video ay isang lumalalim na issue ng droga (daw), love triangle at paghihiganti pala.

    alam naman ninyo ang mga elitistang bloggers na gusto paintellectual ang discussion.

    yon bang huwag pag-usapan ang tsismis. they so like to condemn the bloggers who unlike them blog nothing but their acquisitions, their namedroppings and their money-making online.

  • yami says:

    Mam Cat. sa atin-atin lang, ibulong mo nga sa akin kung san banda ang nakaka-nosebleed na lugar na ‘yan. sigurado gate pa lang mahihilo na ako. hehe

  • The Cat says:

    yami,
    huwag na. tataas pa ang traffic nila but they know
    wjo they are. hindi lang naman ito ang nabira. lahat ng nagblog about katrina na para bang may karapatan silang magdikta kung ano ang dapat i-blog.

  • The Cat says:

    yami,
    lalong iinit ang issue na ito pag binuksan na ang senate investigation.

    it involves the issue of drug addiction of celebrities.

    as bloggers we can help show what drugs do to people.

    iimbestigahan daw ng PDEA yong allegation ng nanay ni kho na si Katrina ang naglulong sa kaniya sa drugs.

    Sus, sino ba doctor?

  • yami says:

    Mam Cat,
    re drug issue, parang naulit na naman ang senate investigation about ‘drug addiction of celebrities’

    May point kayo dun, kung sino ang may access sa drugs.

    sa role ng bloggers to show the effect of drugs to people: may naisip ako, ewan ko lang kung papasa…may interview ako sa isang dating user ng ecstasy pero di artista..profile ng isang kabataan na gumamit nito at kung ano ang tunay na pakiramdam ng isang user habang high siya sa ecstasy. graphic po masyado, kung sabagay banner pa ng ng Tonight noon, di naman nacensor.

  • The Cat says:

    Oo nga, napanood ko din kagabi. Bakit kaya silent si Maricar sa issue? Sa isang banda parang mas maganda na lang na quiet siya kasi wholesome ang image niya. at sa so far, siya ang mas may matinding ‘act’ sa video. Poor girl.

    sabi ni tulfo, umalis daw ang buong pamilya sa hiya.

    kaya yong sinasabi ni vicki belo na huwag nang papatol sa mga may girlfriend na, gusto rin niya ng salamin?

    ang kasalanan lang naman ni maricar ay magtiwala sa boy friend na tarantado.

    • yami says:

      Mam Cat, pansinin mo ‘yung pasaring na huwag papatol sa may girlfriend na, parang ‘cue’ ano. ‘di kaya siya ang……ng video tooot!

      Ay talaga Mam Cat, umalis ang buong family ni M. Mahirap talaga kapag kahihiyan na ang nakasalalay. Hindi naman siya pangkaraniwang tao. Una may kaya family niya at artista pa siya.

      Sabi nga ni Manay Lolit, kung walang video, walang gulo.

  • The Cat says:

    sa role ng bloggers to show the effect of drugs to people: may naisip ako, ewan ko lang kung papasa…may interview ako sa isang dating user ng ecstasy pero di artista.

    magandang topic ito yami.

  • The Cat says:

    Tama sinabi ni Manay Lolit. Tumpak siya this time.

    KUNG WALANG VIDEO, WALANG KAKALAT, WALANG GULO.

    Naku silver, marami pang ilalabas si manay lolit solis.

    it is like gucci gang, lumalabas ang baho ng mga ina idolize na mga celebrities.

  • itong mga elitista, walang ka humor humor. halatang trying hard. blogging might be fresh but it’s the same old banana — the rumor/fact mill: our human nature to collectively slow down on car wrecks and scandals, which is ok because –

    1. the scandals confirm our own scandals in our lives. totoo namn talaga eh.

    2. the communal act of slowing down on such things help us identify ourselves as a culture and a nation. it’s a cultural phenomenon. Diniscuss rin to ni magno sa phil. star.

    3. the communal act is a DETERRENT to: committing scandals in the open or making such scandals prone to be performed in broad daylight (in hayden’s case, recording it in video format).

    4. therefore, the communal act ultimately helps analyze the moral lesson.

    History shows that most of the time the rumor mill (and its various agents – blogging, news shows , broadsheets, tabloids) ultimately threshes out the truth.

  • nyak, dapat the above reply ko yun kay reynz when he said:

    “i think ang claim nang kabilang group is that we should have not blogged about it.”

  • Mahalia says:

    di ko sigurado kung ano ang relationship ni kho at halili, but they are not married right? sa akin lang ano, di magkakaganito ang buhay ni halili kung mataas ang respeto nya sa sarili nya and not sleeping around. Isa lang itong video ni Halili na lumabas mula sa isang partner. How many more? tanong lang. I know medyo traditional ang approach. But then, it is prevalent among teens and young adults, pregnancy out of wedlock, abortions, single parenthood, abandonment of children, etc.

    Inisip sana niya (siya at ng kanyang generation) ang consequence ng kanyang action. Kung medyo naka-suot pa sya ng pakipot mentality na dating dala dala ng dalagang Filipina, wala sana syang consequences na haharapin.

    For everything we sow, we also reap diba? (for both parties)

  • The Cat says:

    therefore, the communal act ultimately helps analyze the moral lesson.

    people who see this as a tragedy may have suffered the same tragedy, infidelity.

  • The Cat says:

    di ko sigurado kung ano ang relationship ni kho at halili, but they are not married right? sa akin lang ano, di magkakaganito ang buhay ni halili kung mataas ang respeto nya sa sarili nya and not sleeping around. Isa lang itong video ni Halili na lumabas mula sa isang partner.

    both are single when they were sleeping and sex partners. their sin is infidelity to a woman who was practically supporting the man.

    these days sleeping with boyfriends and girlfriends are no longer brow-raising.

    young people fall in love, fall out of love, move on and married later.

    what is pervert is when a sex tryst is recorde d like it was a diary.

    what is more unacceptable is when high profile lawyers try to sanitize the image of the pervert short to making him a saint.

  • Mahalia says:

    that’s exactly what I was saying, how far are we going to move the moral boundaries? if a lower standard is acceptable, why not the other?

  • The Cat says:

    mahalia,
    it is a question or morality and legality of the acts.

    it is immoral to commit fornication aka sleeping and having sex between people who have no impidement to get married.

    but it is not considered a crime except in some countries.

    However, it is a crime to treat women as sex object which include filming of women in sexual act.

    it is in violation of Republic Act 9262, otherwise known as the “Anti-Violence Against Women.

    Individuals can also be punished for “grave scandal,” that is, if you “shall offend against decency or good customs by any highly scandalous conduct.”

  • GabbyD says:

    @Cat

    who are you referring to in the post? link pls :)

    • The Cat says:

      i do not mention a name or names but i think the message has been received.

      and there was already a rebuttal. she should know who she is.

      • reynz says:

        interesting discussion you have mahalia and cat!

        incidentally, someone just emailed me about one blog entry to the effect of calling the whole incident as a TRAGEDY of which i raised my brows!

        was it a TRAGEDY? wasn’t this more like tugatog nang kademonyohan? then again, why should i be commenting on this issue when i am soooo far away to be an actor in the scene! but still, to me this was not a tragedy. and it was never a mistake. for why would you have sex with someone who is “owned” by somebody else? conscious decision to have sex with somebody who is “owned” by anotheh is not a mistake, am i right?

  • [...] kagaya ng ibang makikitid ang isip, maraming matutunan dito sa teleseryeng ito. Nandito ang issue ng pulitika, droga, celebrities at [...]

  • onlinemommy says:

    Magandang umaga ma’am Cat. Saludo po ako sa paraan ng inyong pagsusulat. Mabigat na sulatin pero mukhang magaan dahil po sa paraan ng pagsulat nyo. Kumuha din po ba kayo ng malikhaing pagsulat?

    Sumasangayon po ako sa inyo na nakakapanlumo na ang tagapagtanggol ni Hayden ay isang babae :( D rin ba masikmura ng mga kabaro nyang abogado ang trip nya sa buhay…

    At wag naman sanang pumapasok as “expense” ang sustento ni Hayden para lumiit ang buwis na binabayaran ng kanilang kumpanya dahil isa ako sa mga manggagawang hindi matanggap na ang laki ng binabawas na buwis sa kakampot na kita.

  • [...] an errand, I browsed my feed reader to read the news on inquirer and znet until I stumbled upon the new article of the Cat in Barrio Siete, which tackled another bird’s eye view of the Hayden Kho and Katrina Halili Scandal. Having [...]

  • [...] scandalous video and disrespectful behavior. What for? The entire population in our beloved Barrio Siete has discussed about the matter so I am feeling redundant already! In fact, the Philippine [...]

  • Snow says:

    Pasensya na po sa mga linkback. Naligaw ng ilang buwan ngayon lang nakarating sa Barrio Siete… :P

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.