Katrina Halili’s opening statement at the Senate hearing of the Katrina-Hayden sex video
FIRST READ sa mga ka Barrio Siete folks po naten dyan, naharbat ko sa kumareng Badet sa parlor… sipag mag-transcribe. Eto po ang opening statement ni Katrina Halili at the Senate Hearing of the the Katrina Halili Hayden Kho sex video.
“Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag uusapan dito. Minahal ko si Hayden. bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isisping ako lang ang nagmamay ari ng puso niya. pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan wala itong pinatunguhan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay yung puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya. At naniwala ako na minahal nya rin ako ng lubusan.
Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako madali niya ako napaniwala. Ako ang biktima rito. Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit alam kong habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin.
Patay na ako pero may video pa rin at may Internet. Dalawa lang kasong sinampa ko sa pambababoy na ginawa sa akin sa pagkatao ko. Gusto ko siyang matanggalan ng lisensiya bilang doktor. Wala siyang karapatan maging doktor. Gusto ko rin siyang makulong at pagdusahan niya ang ginawa niya sa akin.
Pero ano pong iginanti nila. Kasama ni Hayden ang kanyang ina. Sari-saring paninira ang binato nila sa akin at sa mga taong tumutulong sa akin. Inabuso na ako at binaboy ako pa ang may sala. Inabuso na nga ako sa sex video. Inaabuso pa rin ako sa sex video, inaabuso pa ako muli sa publiko.
Ang issue dito ay pang-aabuso sa kababaihan. Ang pambababoy sa akin at sa iba pang biktima ni Hayden. Sa kultura po natin habang buhay na latay sa pagkatao ko ang ginawa sa akin. May ina din po ako na nasasaktan. Araw-araw na nagdurusa. May anak o kapatid din po kayo na babae. Ayaw din nyo mangyari sa kanila ang sinapit ko.
Sana ipagpatuloy ng Senado at madaliin ang pagsusulong ng mga batas na may layuning itaguyod ang karapatan at proteksyon para sa aming kababaihan dahil iba na ang ginagamit na panggagahasa at pambababoy sa karapatan ng kababaihan. Sa Intenet, sa blogs, DVDs at iba pa.
Nabiktima ako. Isa ako sa maraming babaeng naloko at niloko ni Hayden Kho. Pero may hangganan ang katangahan. At sa araw na ito buong loob na humaharap sa inyo na puno ng respeto sa sarili. Ilalaban ko ang aking karapatan ng mabuhay ng marangal, ng walang takot at malayo sa karanasang inabot ko dahil sa sex video.
Sana po sa publiko itigil na po natin ang pagtangkilik sa mga sex videos at malalaswang panoorin. Kung walang tumatangkilik wala rin din pong gagawa ng mga sex video. Sana po ang pangalang Katrina Halili na lang ang huling sa mga sex videos. Sana po wala ng susunod pa. Salamat po.
Viewed 15307 times by 2569 viewers
yami is happily married to husband Neru. They are blessed with two kids. Yami graduated with a degree of Journalism at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). She worked as a reporter of People's Journal and People's Tonight, both publications of Philippine Journalists, Inc., for 15 years. She maintains Mom writes for a cause, a personal blog.














sino kayang speechwriter?
Si Lolit? hahaha!
Personally, ano po ang dating sa inyo ng sinabi ni Katrina?
quite honestly yami, i don’t buy her “victim” story. reading this statement, i felt like it’s not her. maybe because nakita ko na yong video and i have already made up my mind kung sino ang babaeng to and it’s something na (sorry to say) wala akong respeto. parehas lang sila ni hayden kho. it takes two to sashay you know. i wanted to be fair with her, kaso everytime i go back to the video, leche! hahaha! wag na lang nga!
my personal belief is that, i think she’s in a marathon with hayden kho as to who gets to win the sympathy votes of pinoy people kaya she’s acting this way. i believe na yan lang ang pag-asa nya to get the pinoy’s sympathy to sorta get back her dignity.
pour moi? hay nakuuu… pokista.
May point kayo Reynz as to whoever gets the public symphaty first. Pero since gullible ako ehehe may konting simpatiya sa akin si Katrina.
Ilang beses mo pinanood ang video mudra? hahaha..
video as in ‘yung sex video? na-tanga na naman ako…tulala sa kawalan…haha
ini-iskip ko pag me BABAE akong nakikita HAHAHA! ano baaa!!! pwede bang tanggalin yong babae sa scene?! hahaha! hindi ko sya kelangan! bawal sa religion ko! hahaha
Ngak! E 90 percent of time dun sa sex video e may babae!
lols.
Kala ko sasabihin nya kasama pa din sa trabaho nya yun.
Nadali sha ng HAYDEN CAMERA. napaka CAM Whore kase ni Hayden.
scripted ata e, talaga naman mga senador kahit di relevant na tanong sige pa rin
basta may maitanong lang hala sige…
eh mga users den ang mga lecheng yun eh! mga walang kakwenta kwentang tanong! basta lang may i ask! hahaha! ano yon? agawan nang 15 minute fame???
trite but true what else is new, ika nga!
@ reynz, I also made up my mind on katrina. both HK and KH deserve the scandal based on the karma principle. Nasa initials nila ang K(arma). Hehehe.
Going back to the video: as a doctor myself, i really thought that HK was doing a pap smear on KH. But he did a poor job because of poor lighting conditions.
From my experience, i usually do it w/ a halogen lamp behind my back. LOL.
Ang sa akin lang, coming from a point of view lang:
kahit na sinasabi nilang slut si Katrina, may karapatan pa rin siyang humingi ng hustisya kung siya man ay naabuso.
Kaya kesyo pokpok o prostitute pa, lahat tayo ay may karapatan na humingi ng hustisya kung tayo man e naabuso.
Nakita ko ang video at obviously na hayok sa sex si Hayden. Well, they can do all the balagbagan sa kama all night long kasi sex life nila yun, labas na ang publiko dun.
Ang pagkakamali ni hayden e vinideo-han pa ang mga bagay na dapat ang mga unan at kumot lang ang nakakaalam. Take note, hindi alam ni Katrina. Rinig na rinig ko ang sinabi ni katrina na “patayin mo ang ilaw, nakakasilaw”.
Ayaw ni Hayden. Bakit? e kasi naman kinukunan nga nya ng video. Hindi na lang kumibo si Katrina.
Ang isa pang ayaw ko sa senate hearing na ito e ang mga politikong nakiki-agaw ng timeslot. Asus, check nyo nga si Bong Revilla. Tingnan nyo ang line of questioning nya. Maiirita kayo.
at yung sinabi ni katrina sa previous statement niya na pilit siyang pinahaharap ni hayden apparently sa camera pala
Yung nga yun.
Napansin ko yan sa video. Kaya mahihirapan na si Hayden na depensahan ang sarili nya this time.
Andyan ang video. Maliwanag na ebidensiya.
Tumigil na siya sa kabalastugan nya. &^*^%$#@$%
right silver. i am not saying Katrina is, but even prostitutes have a right. pero if i was katrina, di ako sa senado magsusumbong, kasi kita naman natin, nagagamit lang sya, wala namang mapapala.
kasi sa totoo naman, di naman sila kelangan dun sa investigation na yun para mag draft ng batas.
dapat nagdiretso na lang syang mag file ng kaso.
1st read: medyo nakakaawa… in a way victim nga…
2nd read: medyo kulang and drama ng script at halata na… pati pag deliver…
3rd read: kulang nga, wala yung cast and credits sa ilalim…
true! true!
kaya nga sabi ko dun sa earlier Katrina posts, the best that she can do is use this para makapag pass nang law na di na maulit to and to protect yong mga kaliit liitang (hindi yang iniisip nyo noh? hahaha) mga babae sa baryo who have the same predicament kaso di sila artista.
si Hayden? hay naku! kahit lumaki pa yong maliit na nakikita ko, pervert ang lecheng yan!
@reynz, si maricar magaling. in med school, we have this thing called a spirometer, a lung function tool. we tinker with it by, yes, blowing it.
lalong gumuwapo si hayden nung mabasa ng tubig.
maganda si katrina na walang make-up.
tumatayo ang balhibo ko habang nagsasalita c jinggoy, bong at jamby.
nagmukhang palengke ang senado.
hustisya para sa mga biktima.
pero sino nga ba?
that’s all.
ewan ko sa mga lecheng yan kung sino ang biktima! ang barrio ko, hanggang ngayon, walang matinong kalsada! talahib highway pa rin kami taz mga walang kwenta ang mga tanong nang mga leche! hmpt! maka-alis na nga! late na naman ako sa trabaho ko sa mga “mali-liit” na nakikita ko! hahahaha!
ang-liliit nga nila, mas maliit pa sila sa mga langgam!
Mel,
Si bong revilla gusto kong kalbuhin. siya ang nagpasimula ng curiosity sa sex video na ito.
kung hindi nya binanggit sa privelege speech nya ang pangalan ni katrina halili at hayden kho bilang rights ng suspect at victim, malamang, hindi macucurious ang mga tao sa sex video.
Excuse me po, bakit parang di ako maka-cope sa usapan, ang bagal ng computer dito sa amin…may problem yata sa connection…
pasensya na Yami, ganito sa barrio! mabilis kumalat ang chizmiz hehehe!
mabagal po talaga connection at mabagal akong mag-type kaya huli rin sa posting….slow talaga ako hhehe
Pwedeng paki-whisper ki Hayden Kho na ipa-cosmetic surgery yong maliit para lumaki? hahaha!
and still, going back to the videos: In medicine, a spirometer is a lung function device. we literally blow it. we usually blow it in med school as part of our lab exercises. i’m sure maricar reyes had something to compare very later on. hehehehe.
is she going to stand s a witness. i heard from the gravepine that she already has left the country.
will the belo battery of lawyers allow her to appear in the investigation? this would quash their defense of katrina introducing drugs to hayden.
the video showed that it was hayden who gave something to the lady who i assumed to be maricar.
She left for europe ms. cat prior the senate hearing.
ysmi,
naniniwala ako sa sinabi ni katrina na naniwala siya sa buladas ni hayden. she’s only 22. Eh si belo nga singkwenta, naniniwala na mahak siya ni hayden kahit andami ng kapalpakan ni hayden.
Mam Cat, magaling talaga mambola si Hayden, icompare ba naman si Katrina o ihilera kay angelina jolie as one his crushes daw. sweet-talker ang lokong ‘yan. as for belo, paniniwalaan niya sinasabi ni hayden kasi siguro wala ng iba pa na magsasabi sa kanya ng mga gusto niyang marinig kahit boladas lang ang mga ito.
yami,
love daw yong kay belo. hehehe
Kung inlababo siya kay doktora di sana nagkasya na lang siya sa isang partner, di ba?
Peeps,
Kumalat na din sa ibang sites ang mga ringing tone na hayden kho at katrina halili.
ringing tone? panong tunog? hahaha
Check nyo sa links na ito:
http://www.zedge.net/ringtones/679177/katrina-aircon-ringtone/
Ikot ikot lang kayo sa site. Sa ringing tones section nila. Matatawa kayo sa ringing tones lately.
Silver, ano ‘yung word bago niya sinabi ‘yung aircon? inaudible eh.
mga Pinoy talaga lumalabas ang ingenuity sa gitna ng kahit anong issue.
Oo..yung aircon.
ikot ka lang sa site na yan. type mo sa search bar hayden kho. ang daming lalabas.
maraming nag-access ng video ng senate investigation.
hanep bluep, ang luffet mo pala.
o ayan magdasal ka ng 100 na Our Father. at lumuhod ka sa munggo doon sa sulok.
hahaha
o sige bluep, bawas na ang penlty mo. 99 na lang. hohoho at hindi na mongo ang luluhuran mo. asin na.
Sana nga nandiyan. The manier ( many) the funnier. HOhOhohoho
Mas magugustuhan ko pa si Miriam kesa kay Bong Revilla.
ewan ko ba’t mga kursunada ko mga kontrabida! hahaha! eh kasi naman, kung pagpi-piliin ako, haller, ke Bong na ako! hahahaha! charing! hehehe
“Pag meron po akong nakikitang tao iniisip ko po kung napanood video ko”
Op kors, mabilis nag chizmax sa atin. When there’s smoke, there’s fire and some people will be bringing gasoline with them instead of water.
* The Senate
Parang elementary quiz bee. Can we have more intelligent senators this coming election?
* Katrina’s Script este Speech
Hirap talaga pag artista may ganitong speech eh. Dahil nga sa araw araw eh pag arte ang trabaho nila, hirap magbigay ng simpatya. Nothing against what they do though. Sa kin lang eh nagiigng natural na pag arte.
This will be like the network wars, merong maniniwala kay Katrina or kay Hayden. Implementing the law to avoid future things like this is a nice gesture but di lang naman video na ito issue sa atin. Dami pa nag hihirap at naghihintay ng aksyon mula sa mga pulitiko ng bansa.
Our economy is in deep shit and this issue will surely delay actions for more important ones.
Do I believe her speech? Should I? Ahehehehe.
you’d think na mature na talaga mga pinoy when it comes to politics? nut really hahaha, depende pa rin yan sa makikikbak at mabibili hehehe
maganda ang script. kung ikaw babasa, without seeing katrina, maaantig ka. as a woman, alam ko and i sympathize na victim sya. pero nandun pa rin ang bulong na she brought all of these to herself nung pumatol sya sa lalaking meron ng karelasyon. ako lang yun, kayo ewan ko:-)
hahaha! i am sooo prejudiced na rin also hahaha dahil kahit umagahin nang iyak si halili, i can’t be bought hahaha (sorry silver at yami!) hahaha
hahaha…
Okay lang yan, we can tolerate meaningful barilan este debates here without cannibalizing each other. Different as we are, we are also seeing different angles of the issues and present different perspectives.
Sa akin lang, kesyo sabihin na slut si Katrina or what, she has still the right to file a case if she feels violated. (Obviously she is violated)
Wag lang sana mangyare na bumaligtad siya ala NICOLE bandang huli dahil nako, hahabulin ko na siya ng tabak nun. lols.
Naiirita lang ako sa circus sa senate at squid tactics ng kampo ni hayden no-kho-kote.
kahit anong pagbalibaliktarin natin lumabas nga private life ni katrina na ayaw niya. put yourself in her shoes before giving your 2 cents then again she can do a paris hillton and further herself in fame and fortune.
ang gulo gulo na ng issue na ito! fetish ni hayden kunan ng video ang mga encounters nya e anong magagawa nyo? ang problema nga lang mukhang inilagay nya sa hard drive kasama ng mga mp3s at psp games nya. sana man lang inilagay sa secured and dry place di ba?
both of them (HK and KH) are victims. dehado lang si KH kasi twice syang nabiktima: 1. by hayden, 2. by the person na nagpakalat ng video.
tanga na kung tanga si katrina para pumatol sa isang taong may karelasyon pero katrina was really violated. it was a private act that went public all without her knowledge and control.
wag kayong mean kay katrina. bottomline dito yung video na walang consent nya. pero sayang talaga sya, ang hot pa naman nya
@dencios – I agree. She has the right to be hysterical kasi we know naman sa showbiz na uso ang mga ganyan pero to document it by means of video, que horror di ba?
atsaka, my heart goes out to poor maricar reyes na kinunan ni hayden while they were sweethearts nung college days. dapat talagang magbayad ng malaki thru public trial yang manyak na yan kasi wala siyang paggalang sa mga babae.
i want him to take a bath nga sa kumukulong holy water…grabe, kalokohan sa katawan…
Snow,
Ang strategy ata ni maricar e pabayaang mamatay ang issue or manahimik sabay kambio ng kaso kay hayden.
“make sure that your sins will find you”
—–somewhere in ‘Numbers’ (a bible’s book)—
[no offense, for I'm also a sinner]