Home » Karenderia Palista at Recipe

Kinunot na Pating o Page

24 May 2009 42 Comments

May baklad kami noon sa Bicol at kung minsan may naliligaw na mga apo ni JAWS (maliliit na pating) o kaya ng page (string ray)

May resipe ang lolo ko niyan. Ito:

Mga kailangan sa Kinunot na pating o page

Isang malaking lata ng gata ng niyog. kung kayo nasa probinsiya, manghingi kayo sa kapitbahay ng isang ulo ng niyog. Kung mabait ang kapitbahay ninyo, ipakudkod ninyo na rin.

Dalawang maliit na apo ni Jaws ( siguro mga one foot lang ang size dahil kung mas malaki
baka nakakain na ng kamay ng tao. Ngiii)

Bawang

Paminta (yong malalaki)

Asin

Suka (isang tasa)

Dahon ng malunggay

Luya

Palambutin ang nilinis na apo ni Jaws. Huwag bibiyakin o puputol-putulin.
Saka na kayo gumanti.

Pag kakaunti na lang ang tubig, ilagay ang isang tasang suka at hayaang maluto ang pating
sa suka. Buti nga sa kanila. Pang-alis daw ito ng lansa.

Hanguin. Himayin na parang kinukurot ang pating o page na
pinakuluan. Sabihing buti nga saiyo, buti nga saiyo. Laman lang ang inyong kukunin.

Initin ang ¾ ng lata ng gata ng niyog sa isang kawali. Maglagay ng bawang na
pinitpit . Pamintang pinitpit din.Kumuha ng palu-palo at hampasin ng
hampasin ang luya hanggang ito ay mapitpit din.
flat.

Ilagay sa nilalagang pating. .Pag kumukulo ng kaunti ang gata ay
ihulog ang hinimay na apo ni Jaws habang inuusal
ang buti nga sainyo.

Haluin, hanggang tuyo-tuyo na ang gata.
Ihalo ang natitirang Gata . Timplahan ng asin .
Tikman. Pweh. Ipagpatuloy ang pagluto na mahina na ang apoy. Pay medyo tuyo na ilagay ang dahon
ng malunggay. Mapait ito pag-overcooked.

Patuyuin ng kaunti ang gata.

Luto na.

Ilagay sa pinggan.Pagkakataon mo nang kainin ang pating dahil kung ikaw ang
kakainin, di ka na lulutuin.

Kumuha ng beer.

Ano Tagay na mga pre.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12344 times by 2792 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a part-time educator who was also a former Dean. She is a CPA with a PhD in Economic Development and Doctorate in Business Admin., enjoying her early retirement because of her disability; of being brain challenged, hehehe! that's according to her.

42 Comments »

  • Glo says:

    hahahaha! favorite ko ang kinunot! di ba nga merong joke na takot ang pating sa mga bicolana at bicolano. kasi may hawak na malunggay at nyog. hehehe. patay kang pating ka. kinunot ang labas mo. ;) hahaha! manay Cat…wag kalimutan ang maanghang na sili sa recipe mo.

    • The Cat says:

      naku glo,
      sa lahat yata ng Bicolano ako ang hindi marunong kumain ng sili.

      kaya noon sa indonesia, natawa sila sa akin. kinakain nila silang labuyo, nilalagyan lang ng asin.

      • Glo says:

        hahaha! ganyan ang great-grandma ko kumain ng sili. yung malilit, dudurugin nya lang sa asin, then ulam na nya yun. grabe ano.

        when i was in thailand, somrgashboard ako dun sa maanghang. tuwang-tuwa yung mga thais sa akin. umusok pati ko sa anghang ng food nila! ;)

      • Glo says:

        i mean umusok ang tenga ko sa anghang.

      • reynz says:

        PEKENG BIKOLANO den ako pagdating sa sili! Lecheng sili na yan! Di ko ma-take! Hahaha! My brother in law is from Iriga City, at ganyan sila, ulam ang sili. Idi-dildil lang sa asin, ok na. Grabeeeeee!!!!

      • Glo says:

        hahaha! sa akin kasi ginataan is not ginataan kung walang sili. ;)

    • Snow says:

      farm frog pa lang nakakain kong exotic. niloko lang akong chicken yun kaya napakain ako. teka, masarap ba talaga yang pating? siguro kakain ako niyan pero yung baby pating lang ha? ^_^

  • reynz says:

    aside from bikol express, i love kinunot! i do! when i am home in legazpi, yan ang hinahanap ko hehehe

  • alex says:

    kaya pala… sabi sa discovery ba yun o national, may marami ang pating na nakain ng tao kesa tao na nakagat ng pating… sa bicol pala ang dahilan…
    peace

    • The Cat says:

      alex,
      totoo yan, pero hindi lsng ss Bicol, nsghahanting ng pating. Sa quezon, kable ang ginagamit nila, nakatali sa puno ng niyog, pag kumagat ang pating, kalabaw ang hahatak.

      mahirap hulihin ang pating.

      sa bicol, meron silang sibat. sisibatin nila yan and then they will allow it to swim hanggang maubusan ng dugo.

      Mahal ang shark’s fin.

      • alex says:

        wow galing naman! hanggang ngaun po ba yan? baka mabasa to ng mga tanod mahuli pa yung nagluto (peace)…

        pero ‘di po ba bawal na ang paghuli?

  • johnonymous says:

    Oh, i miss kinunot… I miss my lola who used to cook it… Kinunot na Pagi.

  • dencios says:

    half bicolano ako pero parang di ko ata alam yan? hehe. Makapagbakasyon nga at titirahin ko yan mam cat :)

    ps: 2 days lang ako di nakavisit sa barrion natambakan na agad ako ng mga post. hehe.

    MAGANDANG UMAGA mula SA DUBAI!

  • dencios says:

    ….at dahil di pa nakakain nyan si dencios na bicolano din e pede ko bang itanong kung nakakalakas ng libido yan? di ba pag exotic laging sinasabi ganun ang feeling? haha

    *nagtanong lang po, wag nyo po akong ipapulis sa barrio. :D

  • orphicpixel says:

    naawa naman ako sa apo ni Jaws, pero sa tingin ko okey na rin ang sinapit nya, kesa naman ang pinoy ang magutom ano

  • Silver says:

    Gusto kong matikman ang kinunot one time. Tapos may serbesa tapos kilawing bangus. Oye!

  • roni says:

    naglaway naman ako dito! matagal ko na hinahanap sa internet ang recipeng ito, remind me of my late father’s best pulutan. thank you much, gagawin ko ito ngayong weekend, andaming pating at page dito.

  • The Cat says:

    pero ‘di po ba bawal na ang paghuli?

    bawal kung may huhuli. saka pag sa laot yan nahuli, pagdating nyan sa katihan, chop chop na yan.

  • The Cat says:

    naglaway naman ako dito! matagal ko na hinahanap sa internet ang recipeng ito, remind me of my late father’s best pulutan. thank you much, gagawin ko ito ngayong weekend, andaming pating at page dito.

    sa pinas marami pa ang buwaya aka politiko.

    kidding aside, my ctocodile farm sa Palawan, kay Lucio tan yata yon. ang meat binibenta sa mga Hapones at yong balat, ginagawang luggage o bag o sapatos.

  • The Cat says:

    hahaha! sa akin kasi ginataan is not ginataan kung walang sili.

    Father ko ganiyan. at ang niyog talagang maliputok. sayang na lang yong niyugan nila at youg tanim na sila sa balkon.

  • an2nette says:

    mukhang masarap yang kinunot, first time kong narinig yung word, bigla na naman akong nahomesick sa mga pinoy foods, magaya nga, pwede siguro ibang isda wag yung kamag anak ng jaws, yung mga pipinsanin na lang

  • The Cat says:

    hehe, mukhang di pede ibang isda: the idea is using a cartilagenous fish. yung page (pa-ge) mas masarap kesa pating.

  • The Cat says:

    yung mga pipinsanin na lang

    balyena ba ang pinsan nila? jahaha

  • chuvachuchu says:

    waw i love everything na may gata.

    di pa yata ako nakatikim nito…ibang variation ang luto namin, tuna + suka + gata + malunggay

    sing-sarap din siguro nung pating/page.

  • yami says:

    Hi Mam Cat. Kababalik ko lang po mula sa pagkahimlay, di joke lang po. gaya ni Silver magaralgal din ang tiyan (hanggang ngayon nga eh)

    maghahabol po akong maki-comment ang bilis kasi ng posting ng mga bagong artikulo sa barrio.

    Re: Kinunot na Pating. sasabihin ko lang po na mukhang masarap…may ibang isda ba na pwedeng pamalit kung walang apo ng jaws, hehe. Kung meron po susubukan kong gayahin ang menu…yummy!

  • lee says:

    natawa naman ako sa kinunot na to, diko nakita to dati ah, ang alam ko lang kasi na kinukunot e yung noo hahaha

  • reg says:

    wow kinunot! sarap nito pag me malamig na malamig na softdrinks, ayus! busog! nakakamiss ang mga lutong bicolandia…

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.