Kung bakit hindi ko iboboto ang idol kong si Lito Lapid
By: Francis Isaac
Noong bata pa ako, hangang-hanga talaga ako sa aktor na si Lito Lapid. Sa katunayan, palagian kong inaabangan ang kanyang mga pelikula na madalas ipalabas tuwing Lunes ng gabi sa IBC 13. At dahil wala pa kaming TV noong mga panahong iyon, madalas akong makisuyo sa pinsan kong medyo may-kaya o dili kaya’y makipanood sa aming kapitbahay.
Ito ang dahilan kung bakit sa murang edad pa lamang, agad nang tumatak sa aking utak ang pangalang Leon Guerrrero na humahati ng bala gamit ang punyal na itinatapat sa dulo ng kanyang baril.
Pinahanga din ako ni Julio Valiente na nagpalaya sa bayan ng San Basilio mula sa kamay ni Johnny Delgado, gamit ang kanyang de-taling mga tabak.
Naaalala ko rin ang karakter na si Geronimo—isang Native American na ginampanan din ni Lito Lapid. Ngunit dahil sa kamusmusan, hindi ko naitanong noong mga panahong iyon kung paano nagkaroon ng mga Apache Indians sa Pilipinas.
Sa lahat ng mga pelikulang ito, iisa lamang ang temang paulit-ulit na binabalikan ni Lito Lapid—ang nag-iisang de-baril na bayani na kayang gumupo sa ‘di mabilang na mga kontrabida.
Ngunit sa kabila ng aking paghanga, hindi ko magawang iboto si Lapid. Ito’y sapagkat tungkulin ng mga kagawad ng Senado na gumawa ng batas—at ang paggawa ng batas ay hindi biro, sapagkat ang anumang polisiyang ipagtitibay ng Senado ay makakaapekto sa milyun-milyong Pilipino.
Kung kaya’t ang mga senador ay inaasahang gumugol ng maraming oras sa pag-aaral ng mga panukala na magsusulong ng interes ng mga mahihirap.
Inaasahan din natin ang ating mga senador na lumahok sa mga debate’t talakayan upang matiyak na masasala nang husto ang mga ipapasang batas ng Senado.
At inaasahan din natin ang ating mga senador na tutulan ang baluktot na impluwensiya ng Malacañang—lalo na kung ang tangi lamang nitong hangad ay pahabain pa ang termino ng kasalukuyang nakaupo sa puwesto.
Sa ganitong mga batayan, malinaw na hindi naging maganda ang performance ni Lito Lapid bilang senador nitong nagdaang anim na taon. Ni halos wala siyang talumpati na kung saan isinulong niya ang mga panukalang batas na magsasakapangyarihan sa mga mamamayan. At lalong hindi natin siya narinig na tutulan ang baluktot na ambisyon ng kanyang cabalen na si Gloria Macapagal-Arroyo na manatili sa pusisyon matapos ang Mayo 2010.
Kaya’t nanawagan ako sa ating mga kababayan: HUWAG NA NATING IBOTO SI LITO LAPID. Masakit mang aminin, subalit hindi ang mga tulad niya ang kailangan natin sa Senado—kahit pa magaling siyang umasinta at mahusay siya.
Viewed 6672 times by 1778 viewers
reynz is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.















Hindi natin kailangan ang katulad niya…
Ayokong mangarap ang kabataan ngayon at tingalain ang isang katulad niya na sumasabak sa pulitika na kapos sa kaalaman ng batas.
Dapat may edukasyon at patas lumaban sa buhay ang ihalal. Hindi natin kailangan ang artista at mga socialites….
It all goes down sa CREDENTIALS and INTEGRITY… hehehe… unfortunately hindi iyon maipagtibay ni Lito Lapid…
wala sanang problema kung noong nahalal ay di sapat ang kaalaman. ngunit sana nagsikap magkaroon ng kaalaman at patunayan na dapat lamang sa posisyon. walang iniwan yan sa ordinaryong trabaho na ibinigay sa yo at dapat tapusin at gampanan nang maayos.
Si VILMA SANTOS lang sa lahat ng artista na sikat ang may karapatan na maglingkod na tapat sa bayan.
The rest–pareho ng mga taong bomoto sa kanila.. walang alam.
Sorry KOKOY… hehehe… kokontra ako… pero bati tayo…
If you go to Lipa City… you will see ALL the new elementary school building with stainless sign installed saying: “VILMA SANTOS TYPE BUILDING”
Para naman sa akin, I was looking at Isko Moreno who is taking up Law Degree while in office… but I am not sure too.. kasi silang lahat once na pumasok ng politics para lakas ng loob iwanan ang mga original career… Napaka-loose ng accountability system sa atin kaya madali ang access sa pera ang mga nakapwesto…
Yeah i agree, these actors should stick with the things they do best. tsk