Home » Buhay sa Barrio Siete, Byahe at Lamierda

Labor day

20 August 2009 21 Comments

hurricane bill

Yan ang bumulaga saken on TV screen kahapon!
Saan ako tatakbo ngayon?
Sa Houston, Texas?! Eeeek! Wag dun!
Bahala na! Kaya dapat, mai-uwi ko mga ibang gamet sa Philadelphia.

Alas dos, tinawag kame lahat sa pabrika.
Me importanteng mensahe.
Binigyan kami nang porno.
Binuksan ko.
EEEEEEEEEEEEEE!!!
DSC05387

*kabog* !!! *kabog*
ngayon na ba?! ngayon na ba? gulat ako kung pinag-eebakwet na kami!
sa evacuation, puro one-way street pala ang mga highway dito palabas!
eto ang mga direksyon kung saan saan ang takbuhan!
waaaa!!!

DSC05390

So eto nga…
Bumagsak ang ulan kanina..
Leche! Mabubutas ang kotse ko!
Ganun pala dito sa New Orleans, ayuf ang ulan!
Banye-banyera kung bumuhos!
Nakulong ako sa apartment. Yong kalye, mad river na sya.

Ang New Orleans kasi, below sea level.
Ang ibig sabihin nyan
Pag ang feet mo below sea level
Sana, meron kang salbabida!

Naikwento ko naman senyo, right?
Natutulog ako, yakap ko salbabida.
Eto kasi ang problema nang isang bipolar.
Di ko malaman kung Cinderella ba ako dito? O Sirena ang dating ko?
Twing sasapit ang dilim at umulan
Eto na ako, salbabida ko, todo-todo kong hini-hipan

Kaya ang buhay ko sa New Orleans parating maligalig.
Nung lasWik, i was invited by Chuva na mag-camping sa Upstate New York
Read: mang-huhuli nang mga hubad na lalaki
Dahil sa sobrang i love my work, nakalimutan kong bumili nang ticket.
Nagdusa akong mag-isa sa apartment ko, minumura ko si Paolo!

So, today, dahil I hate my work!
Me boss ka pang Devil na hindi naman naka-prada
Ayokong pakawalan ang Labor Day. 1st monday of September
Nun kasing inimbitahan nga ako ni Chuva mag-camping,
The only ticket available was from New Orleans to Dallas, Dallas to Memphis, Memphis to Chicago, Chicago to Boston, Boston to Phila… Where?!!! Amfutta! Ayuf! 18 hours bago ako makarating nang Philadelphia?!

Kaya nag-book ako ngayon nang early.
Cheappangang tiket ang nabili ko.
$261 to Philadelphia.
This time I made sure na ang byahe is, New Orleans to Philadelphia.
Ok lang na me isang stop-over.
Nag-check si Chuva.

“O! me ticket ka na ba?”

“Oo, meron na. Alis ako nang Friday, balik ako nang Tuesday.”

“Good. Anong oras nang Friday ang dating mo sa Philadelphia?”

“Friday, 10:21pm August 28″

“August 28??!!”

Taka ako, nagulantang ata ang Chuva.

“Tanga! Hindi yan Labor Day Weekend!!!”

“Huh?!” sagot ko!

Minura-mura muna ako ni Chuva. Kung ano ano munang pan-lalait at pang-iismol ang inabot ko. Me mga threats pang kasama.

“Alam mo bang naimbento na ang kalendaryo?! Papalitan mo! Sept 7 pa ang Labor Day!”

“Hindi na pwede eh!”

“At ba’t hindi?!”

“Eh cheapangga nga ang tiket ko!”

“Eh ano ngayon?”

“Pag pinapalitan mo kasi, bibilhin mo na ang buong eroplano sa laki nang penalty.”

~klik~

“Hello?! Hello?! Chuva? Are you there?”

Related Posts with Thumbnails

Viewed 8232 times by 2196 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

21 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.