LANGOY TILAPIA, LANGOY-SARILING SIKAP
Livelihood projects kuno!
Parang ganoon lang kadali sabihin na kailangan ang mga tao ay magkaroon ng mga maliliit na negosyo para umunlad. May kaunting ipon, negosyo agad. Hindi ganoon kadali kabayan. ahem, ahem.
Kung buhay ay ang aking inang, hindi lang sila tataasan ng kilay kung hindi sasabihan pa sila ng sandosenang tse.
Mahilig siyang makinig at sumunod sa mga sinasabi ng mga pulitiko—kagaya nang namudmod noon si Erap ng mga tilapia para sa mahihirap na gustong magkaroon ng aquarium…ehek…ng palaisdaan sa likod ng kanilang bahay.
Bago pa man yon ay masubukan ng aking mother ang magkaroon ng tilapia fishpond sa aming likod bahay sa Quezon City.
Maliit lang noh. Actually para sa personal consumption lang namin. So hukay naman kami.
Hindi lang dalawang pirasong tilapia ang pinalangoy sa ginawang maliit na isdaan. Marami.
Nagbilang siya ng ilang linggo at naging buwan. Kinakausap pa niya para lumaki. Kinakantahan.
Hindi nanganak ang mga isda.Tila ba lahat ay lalaki ang mga lintek.
Lumaki man ang mga isda ay mga bansot naman. Nagastusan pa si mader sa feeds.
Ang mga pusa-kal na tumutulay sa aming mataas na bakod ay nakikipangisda rin. Ang tubig ay kailangang palitan dahil magiging lason ang
tubig na hindi umaagos. Ilang galon ding tubig ang nagamit.Gastos din sa kuryente dahil
may sarili kaming water pump.
Ilang buwan ay tuyo na ang isdaan. Nagkaroon kami
ng tilapia festival. Piniritong tilapia,inihaw na tilapia at sinigang sa miso na tilapia. Huwag kang magbabangit ng tilapia, naghahyperventilate si mother.
Pagkatapos noon,bawal na ang tilapia sa bahay.
Kung gustong kumain ng isda,magbukas ng Ligo. Tipid pa sabi ni mother.
Sa green revolution naman siya.
Nagtanim siya ng upo. Daming bunga.
Dahil ito ay gumagapang, nakarating pa ito sa kapitbahay. Pati bunga ay nakikikapitbahay. Nakikipagtsismisan siguro.
Ilang linggo rin kaming napurga ng upo.
Palagay ko kung tumagal pa iyon ay palagi
na akong mauupo.(Korni ko). Ang mga bisita
namin ay pinababaunan ng upo.Isang bungahan
lang yon, tapos namamatay na ang tanim.
Hindi tumubo ang mga buto na galing doon.
Kailangang bumili na naman ng buto.
Pero tsamba lang pala yon. Wala siyang
berdeng daliri. Kasi penk ang kaniyang nail polish.
Tinanim niya ang ampalaya,nakalbo namin ang dahon, isang bunga lang
ang sumipot, naghingalo kaagad.
Nagtanim siya ng kamatis, maputla pa sa taong natakot sa multo ang kulay.
Balik palengke ulit siya.
Gusto ninyong malaman yong proyekto
niyang itik ?
The Ca t
Viewed 11098 times by 2009 viewers
The Cat is a part-time educator who was also a former Dean. She is a CPA with a PhD in Economic Development and Doctorate in Business Admin., enjoying her early retirement because of her disability; of being brain challenged, hehehe! that's according to her.














Naalala ko ang guilty pleasure ng tatay ko noon: ATING ALAMIN.
In fairness, marami kaming natutunan sa show na yun. hehe.
geronimo ba ang apelyido noon. naku nakikinig din doon ang aking mother.
Yep, si Mang Jerry Geronimo. Magaling siya Ms. Cat, we watched the show every Saturday or Sunday yata at si Mang Jerry ang nagtanim ng entrepreneur lesson sa utak ko na hindi ko pa masyadong nagagamit ngayon.
By the na muna mga cyberfriends, 2.39 Manila time na. May pasok pa ako bukas ng Lunes. Hay, namumutla na ako ng kakapuyat sa pangangampanya para sa Top 10 Emerging Influential. Dapat dapat magperform sabi ng Reyna kundi ilalagay sa kawa. ^_^
Sige po, sleep muna me… Babush…
Bigla kong naalala ang yumao kong ina, kung may tilapia festival kayo, kami naman ginatan festival, handa namin, ginataang gabi o laing, langka, papaya, puso, suso, sitaw, kalabasa, tulingan, dessert naman ginataang kamoteng kahoy kaya isang sakong niyog ang kinukudkod ng mga kapatid ko, ang kaso mo wala akong makain sa mga niluto niya, di kasi ako kumakain ng gulay, bilo bilo lang na halo sa ginataan ang nakakain ko.
snow,
sige mstulog ka na. baka magaya ka rin kay silver, gising sa gabi. baka magsama pa kayo sa paglambitin sa kisame. hahaha
Weee…
Haha. Ang pinakamasarap na tilapia daw e yung dito daw sa Talisay, Batangas. Sa Taal lake mismo. Kaso si Gov. Vilma e inaayos ang mga fishing pen chorvalais dun sa Taal lake at sa Pansipit River kasi nakaka-cause na ng pollution ang sobrang fishpens. Minomoderate na nila ngayon ang mga fishpens dun.
an2nette,
masarap din yong ginataang suso at puso ng saging. kami nga may ginataan pang santol.
Sabi ko senyo, growing up, sosyalera na ako kahit sa gitna nang putik at babuyan hahaha!
Ang mga tarantadong pinsan ko, tinakot ako na ang tilapia daw is piranha! Mga ayuff na yon! Everytime na nasa sapa or ilog kami, antakot kong lumapit dahil nga kahit yong nakabitay between my legs eh pwede raw harbaten at maubos in a few seconds!
Leche! It would not be until Grade 5 ata when i realized na ginago ako nang mga pinsan ko! Kaya i don’t eat tilapia nung bata pa ako! Hahaha
reynz,
kami naman di kumakain ng dalag at hito.
sabi nila kasi galing daw sa mga nitso yon.
kasi naman sa atin ang laki ng dagat at ang aming isda kaya isnabero tayo sa mga isdang may kulay at
hind nanggaling sa laot.
talaga. sa bicol snob ang mga isda sa tabang. eh ang daming klaseng isda kaya sa dagat. my parents dont eat tilapia at all. eh galing daw sa semeteryo. yeah manay cat,ganyan nga. hahaha! sa los baños lang ako nakakain ng tilapia. masarap kung pla-pla na tilapia. malaki at kulay itim ang balat.
and the funny thing, dito sa US, leche, wala na akong ibang kinain puro tilapia! hahaha! tilapia in parmasean, tilapia in pepper n herbs, kahit nga lumalangoy pa yan, isusubo ko na yan eh hahaha
Silver,
dito sa amin tilapia at catfish ang pinakaapopular na isda.
kaya lang malalaki, hindi kagaya diyan na may malilliit.
Gaano kalake ang tilapia sa inyo ms. cat?
malake pa ba kesa sa balyena?
mga ala alang bumalik,
tilapya, namimingwit kami sa patubig, pero mahaba ang pisi ng bingwit upang umabot sa fish pan ng may fish pan… pag padating ng may ari ay lipat ulit ang sima sa patubig…
bigla ko ulit naalala, samwan na ‘di ko kilala ang nagbigay sa akin ng sideline na itransfer ang mga VHS at betamax[Gabay Kabuhayan yata yun]. Simula ng video isang senador saying “”Give a man a fish and he will eat for one day, Teach a man how to fish and he will eat for the rest of his life”", qoute lang din nya kaya dalawa ang double quote, daming quote. Anyway project pala ng gobyerno, kasama ang pag gawa ng sabon(ayun ang daming sabon tinda sa may highway sa Bulacan), pag gawa ng hotdog at longanisa(lumakas kita ng mga gilingan ng karne sa palengke), at ang mga hayop tulad ng Bangus(yun pa yata uso nun), Itik, Pugo.
Ang sinundan ng mga nasa katungkulan sa amin noon ay ang pagbababuyan. Hay baboy, sa listahan ng aming barangay maraming nakalista na nabigyan ng biik na ‘di kilala sa amin(baka lang ‘di pinakilala tulad ng ginagawa ni kapitana dito) nakakagulat(?) lang na ang mga nasabing kilala na nasa listahan ay namatayan ng biik(hmmm).
Kung alin ang nag uso, ‘di makakabenta halos ‘pagkat halos lahat ay mayroon sa likod bahay, so purga ang pamilya sa kung san ang uso. Buti nalang di nakakain ang sabon.
peace!
Bwihihihi! Uso uso lang naman, pag puro sabo, umikot ka sa boung bayan, puro sabo hahaha! kaya walang benta, taz awayan pa sa nag-iisang customer! hahaha!
pahabol pa po pala ang pyramid, ‘di ko alam ang history ng pyramid mula Egypt papunta sa pinas… at bandang huli ay nakarating sa senado… buti nalang ‘di rin nakakain!!!
for me, kung saan ka me “passion”, dapat dun ka mag-concentrate. ang nangyayari kasi, porke “uso”, dun ang karamihan. ang nangyari, magkakatabi, pare-pareho ang negosyo. tutuo, kung ano ang intensyon mo, yun din ang gantimpala mo. show-off ka? malulugi ka for sure!
.
mga 8 to 10 inches na galing sa china o sa vietnam.
diyan kasi sa atin may maliliit na msarap prituhin na malutong.
dito ang kakapal ng balat. mahirap prituhin not unless deep fry mo siya na sayang naman ng manteka. tapos amoy pa sa bahay ang lansa.
Nag-alaga ang kapitbahay namin nito. hindi nagitlog. kailangan pa raw may music. *heh*
hindi nya kasi kasama si Tugo…
oy nagpapatawa siya, hindi naman kalbo. hahaha
meron tayong sari-sari mentality. tingnan mo isang kalsada, bawat, ikailang bahay may sari-sari store. sino na lang kaya ang bibili sa kanila?
hinde pa ako nakakain ng hito ever. kase sabi nila sa kanal daw yun lumalaki hahhaha
naalala ko yun napanood ko sa Batibot nun bata pa ako, namingwit silang mag ama ng tilapia, inihaw nila tapos kinain with kamatis. sarrraaap hehe
malen,
dito ang catfish ay hindi itim. mestiso din siya. athindi sa mud nakukuha.
sa atin hindi ako kumakain ng hito kasi noong bata ako marami silang lalangoy-langoy sa malaking canal sa amin.
Alam mo these gaya-gayas are nothing but lazies who don’t want to be creative enough sa business.
There is a big entrepreneurial issues sa atin. Yung mga:
1. Sari-sari store mentality
2. Gaya-gaya competition.
3. Iwas-pusoy ventures.
4. One time big time attitude on profits.
5. Pwesto, pwesto… lakas benta…
ang galing mo mam cat. napapamahal ako sa bawat post mo. natatawa talaga ako sa kwento mo lalo na yung tilapya festival at yung nagapitbahay ang bunga hahahaha. e paanu naman kasi ganyang ang nangyari samen. tas nag ala tanod pa ang ermat ko kasi ang daming magnanakaw ng gulay sa amen. magugulat na lang kame tinatalakan ermat ko ang neybor namen umagang umaga. haha
dencios,
salamat pero ingat kaka mainlab ka masyado sa post ko, pakasalan mo tuloy.hehehe
pero totoo yong maraming magnanakaw ng tanim, para bang tanim ba nila yon?
hindi sila magtanim ng kanila eh.
dito sa amin wala namang nagnanakaw ng mga gulay. pero sangkatutak ang humihingi. camote tops, langka, papaya, malunggay, etc. minsan may araw na kalbo na ang puno ng manlunggay pero ang dami pang humihingi. hahaha!
glo,
bakit di sila magtanim ng malunggay pati ng camote. sandali lang itanim yan. itinutusok lang sa lupa. yong langka matagal lumaki yon. yong papaya naman mahirap magpabunga lalo lalaki ang nakuha mo naku nag bibirth control yata yon.
bluep,
sana nga ganiyang lahat ang mga pinoy, kahit maliit lang lugar sa likdo bahay.
ang kalapati rito sa US ay considered as rats with sings. ang daming poops. Ang itik din kailangan ng malaking lugar na malayo sa bahay kasi marumi ring alagaan.
ah pareho pala siya ng tatay ko na may alagang sasabungin.
ang nanay ko naman nakaabang palagi pag talo siya. diretso sa kawali. ang kunat naman ng balat.
mam cat
ser blupanjeet
sa bakuran din namen di nawawala ang sili (bicolano erpat ko), kamatis at sitaw. importante yang tatlo sa bakuran namen
saka pala mam cat speaking of tilapya, sa bulakan pala noon nuong bumaha ng malaki e napunta ata sa loob ng bahay namen lahat ng tilapya ng kapitbahay namen. haha nalugi ata sila. kung san na napunta mga tilapya nila. ayun pinghuhuli at kinain namen. salamat sa baha
Isa yan sa problema pag palaisdaan, pag bumaha. tumatakas ang mga isda. dali hulihin sila.
noong nakatira rin ako sa malapit sa bangus fish pond, pag baha, naku bangus festival.
pati malillit pinagbibili na.
kaya kami noon, sa umaga, piniritong bangus,
sa tanghali sinigang na bangus at sa gabi ay
yong ginawa naming daeng na bangus.
mga sisters at ang mga brothers, kulang na lamg masgmukha akong bangus. yek yek yek
Mam Cat, pasingit po at pahabol na comment bago matulog…
Balikan ko at babasahin ulit ang sinulat mo napadaan lang kasi…
Wala lang naman po since tilapia ang nakita kong topic, may-ishare lang na inihaw na tilapia ang ulam namin kahapon..sawsawan toyo na pinigaan ng kalamansi at maliit na siling pula. kakaubos lang ngayong gabi. hehe
yami,
naku yummy yonn inihaw tapos nilagyan ng suka at kalamansi. Heavenly. dito walang kalamansi. meron lemon na hindi kasing tindi ng kalamansi.
mga bords, iho dipugol nga mga tilapya, ina. dalagko ba! (malaking tilapya!)
TILAPYA HA?
Here we go the myth of Mindanaon tilapya.
Ang kaibahan sang mga tilapya ina is ginakaon (kinakain) pero sa amon (doon sa amin) ang tilapya indi na sila ginakaon(hindi kinakain ang tilapya), gina-jer-jer ang mga tilapya .
Note: Tilapya in our barrio is the alias of “kalapating mababa ang lipad”.