Leon Guerrero…Este Lito Lapid! Flies (langaw) To DC too!
Senator Lito Lapid is part of GMA’s entourage to Washington DC.
Oo isang battalion ang dala ni PGMA sa DC.
Baket???
Ewan! Kunsabagay DC yon, kahit ako gusto kong makarating doon.
He he he. Sino ba ang ayaw makita ang White House at ang Lincoln Memorial?! Cruise the Potomac River, pumasyal sa Virginia…and maybe sa North Carolina?! Basta mas exciting pumunta sa US East Coast, right?!
Teka…si Lito Lapid daw eh talagang personal na kinausap si PGMA (sorry ayaw ko banggitin ang first name nya, akin na lang ang first name na yan! Hmpt!) para isama sya sa grupong pupunta sa Washington DC.
Hindi kaya nagka-mali ng pinuntahan si Lapid?! Di ba dapat sa West sya pumunta since napakahilig naman nyang mag-star noon sa mg western movie-version ng pinas?? Bernardo ng Pulang Lupa! (tsk tsk tsk…sabay hampas sa likod ng kabayo.) He he he.
Sorry sya bicolana yata ito. Uragon baga. Ang tatay ko mahilig kay FPJ at kay Eddie Garcia. Syempre sikat si Manoy sa bayan nya.
Anyways…dahil nga ako ay barriotic girl, di maaring hindi ko kilala si Lito Lapid. Alam nyo naman dito sa barrio…dapat ang bida ng action movies eh di namamatay. Pag binabaril ang bida…umiilag din ang mga nanonood, sabay sigaw sa kalaban ng “P—-ta ka! Matigbak ka na!! and the likes.
Well nakakatawang isipin na dahil sa attachment ng mga pinoys sa mga liblib na barrio sa mga pelikula ni Lapid, nanalo syang Senator bigla. Dismal indeed. Much as my dismay when Erap was elected President. Pati Nigeria gusto kong pag-migrate-an that time! Lalo na nung tumakbo for President si FPJ…
Buti na lang ang mga magulang ko kahit mahihirap na tao at di mataas ang pinag-aralan eh malawak ang pag-iisip nila. They can distinguish fiction from reality at never sila bumoto sa kahit sinong artista.
Sabi daw ni Lito Lapid sa pagsama nya sa DC (syempre sinabi nya in tagalog):
“I hope I’d be lucky enough to be chosen among the five that would be allowed to accompany the President when she meets Obama. This will be my first time ever to meet a US president in person because I might not have the chance anymore. So I asked the President herself to sign me up on this trip.”
GOSH. Wag na syang piliin utang na loob! Nakakatakot baka magkalat eh. Ewan. Ambot sa imo Lito Lapid!
Viewed 13519 times by 3600 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.















ang hinde ko makakalimutan kay lito lapid eh yun nakikipag barilan siya habang hawak-hwak yun bituka nya papalayo sa ground zero HAHAHA
oo malen. at yung bala na nag-split into two so patay ang 2 na kalaban! hahaha.
at kung bakit hindi sya nauubusan ng bala! ang tindi.
@Glo, isa ako noon sa mga avid fans ni Lito Lapad. Senador? Since when? Really? napakahuli ko na talaga sa balita. ma-google nga to make sure. pero kung totoo man well, Filipino voters hindi kayo nag-mamaramihan. We also have Ronald Reagan the actor and of course Gobernator Arnold Swarziniger.
@Bloop, I agree in that sense. What I am referring is the election process. Pag nakapangalan na kasi mukhang mas madali lang. Ung administrative part well, you explained it beautifully.
Hindi ko ma-imagine ang reaksyon ng mga kabaryo ko sa panahon ng kampanya. alam mo na pag may artistang kasama lahat ng kabaryo labasan yan. parang diyos diyosan na kasi yang mga artista lalo na sa baryo. si Lito Lapad pa talaga. oh my. hahaha!
Darbs,
Ayan na ang resulta ng circumvented populist elections – meaning, kung sino ang sikat, sila ang binoboto. Overall, walang sustansya at puro kabobohan lang ang nangyare.
Bloop,
In fernezz to Vilma Santos, hamak naman may nagawa at intelihente yan kesa kay Lito Lapid.
Let’s ask pampanga kung ano ba ang na-icontribute nya sa progresso ng Pampanga. It really boils down to that.
may naipatayo naman si Lito Lapid… yung mansion nya.
saka yung ibang mga dike na gawa sa laar na nadudurog kapag umuulan.
si vilma nag-aral ng publis admin sa UP para matanggap ng mga rectos. kelangan nya i-prove ang sarili nya sa mga ito na mapapasok nya ang politics.
sinabi nya sa isang interview that ralph is mentoring her in being a govt official. o di ba?
mas iboboto ko pa yan as vice president kesa kay kiko.
oo naman, si Lito Lapid pa? eh di yan nauubusan ng bala. naalala ko yung isang pelikula nya, dalawa kalaban nya… eh iisa na lang ang bala nya… sempre Lito Lapid, kaya ang ginawa nya, inilagay nya yung kutislyo sa dulo ng baril nya saka nya ipinutok!
galing, nahati yung bala, patay yung dalawang kalaban!
nakasakay pa yun sa kabayo ha?
Yap, hindi ko makalimutan ang scene na yan. magaling din namang mangabayo si Lapad di ba? Dahil halos lahat ng mga movies nya may kabayo talaga.at palaging tagapagtanggol talaga ng mga inaapi. ung theme for the MASSES talaga.
Malakas talaga ang tama ng tao sa mga actors ano? Good for your Tatay at Nanay at alam nila ung fiction at totoo.
Pero kahit anong sikat ni FPJ, wala talaga silang laban kay Gloriang Lavandera. Mas magaling ung kanyang produksyon at ung movie nya na HELLO GARCI!
hahaha! kasi nga living in pinoy movies ang pinoys. porke bida sa pelikula kala nila bida din sa politics. ewan talaga. mag bopols ba o ano?
Sa totoo lang when FPJ ran for Pres. halos lahat ang reaksyon ng mga kakilala dito sa NY noon “panalo na yan” dahil nga sikat na pangalan at artista pa.
siempre ang isasama nung Ale e yung mga super closest friends at mga kakampi nya. pero panu naman ang gastos ng taong bayan para lang matupad ni leon guerreo ang kanyang dream? e ano naman ganansiya ng taong bayan? aber?!?
@Dinah, wait, ibig mong sabihin pag politisyan ka dyan sa Pinas like senador pang serbisyo sa tao ang layunin? since when? Ang alam ko sa panahon sa kampanya alam ko SERBISYO ANG PRAMIS. Pero pag nakaupo na, ang posisyon ay para sa SARILING KAPAKANAN lamang, PARA SA KA PAMILYA lamang, paryentes, kamag-anak at higit sa lahat sa KA DYNASTY LAMANG.
Ay korek ka jan ms.dinah. Ang congresswoman namin si annie susano, laging ksama sa listahan ng junket ni gma mula pa nung umpisa at ngayon nga sa dc. Pero pag nangampanya naman, ang pinapangalandakan ay gagawin din daw nya ang mga nagawa ni binay sa makati, free hospitalization, free school supplies,uniform at sapatos etc. etc..muka kasi tatakbo sya mayor ng kyusi sa 20101. Ewan! wala sariling paninindigan.
i’m anticipating a slow motion effect when he tries to shake hands with bam-bam (thanks darbs for the nickname, hehe) tapos biglang haharangin ng bodyguards nito sabay tumbling ni LL ala ben tumbling at madadaganan niya si bam-bam. walang meeting na magaganap si ate glow dahil kay LL. bwahaha
@Mel wag mung kalimutan ung style ni Lapad na pa slide slide… swisss…(sound effect)
I am not sure kung ang mga estudyanti par in ang naglilinis ng kanilang classroom. noon kung kami ang scheduled cleaners for the day ginaya gaya namin ung slide slide na yan sa sahig ng school. ang linis tuloy. pero kawawa ung pantalon. di bale ako rin naman ang naglalaba.
Really?
plus ang assignment nila mag “copy and paste” na lang?
Ang swerti naman.
Sosyal na talaga ang kabataan ngayon. Well, different times. good for them.
By the way, papaano nangyari un?
I am not sure kung ganyan din sa baryo namin.
pero noon mga students parin ang naglilinis ng mga classrooms at may gardening pa. experience yan from elementary hanggang mag high school, hey hanggang sa mag college dahil nga di ba sa looban tayo rin ang naglilinis?
hindi lahat ng private school aircon ang room. dito hinid kung saan nag-aaral anak ko. kaya siya eh laging ligo sa pawis. kawawa kahit anong bihis ko, ganun pa rin. parang bukal ng pawis ang ulo nun eh.
anyways…we parents are campaigning na mag-aircon yung school.
darbs, sa public school sa barrio namin eh ganyan pa rin, tulad ng dati. lahat ng chores sa mga bata, pati pagbitbit ng bags ng teachers pag dumarating at pagtatanim ng mga kamote at cassava. yung harvest di naman sa kanila. ambot.
ung pag slide slide. di ba nakakalinis din un ng sahig?
eh yung suntok nya na patalikod?
hahaha! tama. nakalimutan ko yan.
tsaka ung plakak, plakak na may pasampal sampal sa may taynga ng kalaban.
papak kasi ang system natin bok. kaya yung mga sikatchupoy, lyamado sa public office lalu na’t national position ang tatakbuhan. tingnan mo, nag try sya sa makati, di sya umubra. we need a lot of voter’s education, one of which is that the work of congressmen and senators is to legislate and make laws, hindi para magpakyut.
@Buraot, mula noong maliit pa ako around 19Kupong Kupong, ganyan na ang mentality ng kabaryo. hanggang ngayon parang sabi pa noong kakilala mas lalong pa dawng lumalala.
Parang mas mahirap pa atang mag apply as a regular employee dahil hinahanapan ka pa ng Civil Service Exam, may katakot takot na interview pa, may entrance qualifying exam pa. at may exit entrance pa yan. plus hanapan ka pa ng transcript of records— basta maghirap ka pa bago matanggap sa trabaho.
isa pa yang civil service na ganyan. yung mga ordinaryong tao nagkakandahirap sa civil service eligebility samantalang yung mga political appointments, kahit di naman pasado sacivil service nagiging permament. tsk tsk.
hahaha! palakasan at padrino systerm pa rin kahit kelan. sus, i dont believe in that civel service ek-ek na yan. eh ang tindi ng kopyahan dyan during the exam. i never took it though, i ver worked in a govt office and i ahve no plans of working there. puro tulog ang empleyado. hayyy
honga. ganyan din si ping lacson noong tumakbo sya sa presidency. kahit talo, oks lang kasi di pa naman tapos ang term nya. me ganyan atang rules. hehehhe.
May indian pa yang pelikula na hinding hindi ko makalimutan… Geronimo!
wahahah! anggaling mo, natandaan mo pa yun. wahahahha!
di naman sya napili.
sayang, sana nagpa photoshop na lang siya para may pic sila ni Obama
Grabe naman itong Lapid. Naku, gusto niya lang magpakuha ng picture para ipamigay sa press. Gagamitin niya siguro sa susunod na publicity stunt niya sa next political campaign.
Kaloka naman itong mama na ito. ~roll eyes~
so kung 6 sila at pinalitan si Lito Lapid, bobita ang Gloria at sinama pa si Lito Lapid na wala namang role sa White House kundi gasto lang sa pera nang mga Pinoy. ang tanong, ano ang role nung ibang bilang nang bente?! nag-sa-shapping sila ano?! hahaha!
Malamang Reynz magsa-shopping lang yan sa Target Mall or Walmart. Nakakaasar, tax natin ginagamit nila sa travel ek-ek nila.
Nakakapagod na pong magbayad ng tax, tapos sa ganyan lang nila ginagasta.
pustahan tayo, yong iba dyan wala sa Washington DC kundi kung saan saan ang takbo at me mga binibisita! hahaha! mahilig ang mga yan pumunta nang Franklin Mills Mall sa Philadelphia! tanungin mo si Chuva hahaha
correct! nagla-lamierda. alam nyo naman pinoy hilig sa libreng biyahe. then will mix business with pleasure. well ok lang naman kung natapos mo na yung business part eh di mag lamierda ka na. pero etong mga langaaw na ito eh talagang pleasure lang ang gagawin doon, wala naman silang business to eb there in the first place.
Kapal naman ng mukha ng mga yan na sumabit sa byahe ng pangulo. E puro kaekekan lang naman ang gagawin ng mga yan, gastos pa ng mga taxes natin ang byahe nila.
Yan si Lito Lapid e malapet ko ng mabato ng bakya sa TV kahapon sa sobrang inis ko. Litsi.
[...] sa Malacanang. Kesyo “Honor daw ng Bayan”, “kesyo inimbitahan daw”, “kesyo Kailangan daw kasama si Lito Lapid para makapagpapicture kay Bam-Bam“ [...]
mam Glo natatawa ako sa itsura ni Lapid nung napanood ko sa PinoyTv ang interview sa kanya kasi katawa tawa ang ginawa nya.
parang sarkastiko pa tuloy lumabas ang sinabi ni Mike E sa news na hindi naman daw invited si lapid talaga. haha, natatawa ako sa itsura ng pagrereprt ni mike patungkol kay Lapid.
Ngayon ko lang nabasa to ah.. siguro nasa Malange ako noong lumabas ito.. kasagsagan ng pamumulot ko ng bomba.
eniweys…hir wi gu… kahit huli na ako sa komentaryo.. trip ko lang naman mag koment.
Ewan ko ba sa mga ibang pinoy lalo na sa mga liblib na barrio kung bakit binoto ang nangangabayo na ito, eh taga butas lang naman ng silya sa senado.
sa aking pagkaka alam ni walang kahit kalahating papel na naisulat nya para makagawa ng batas… bagkus puro pambubutas ng silya sa senado..
at bakit kailangan pa siyang isinama sa washington? ano naman ang naging papel nya duon.. letche talaga itong Aswang na may pekeng nunal, palibhasa kabalen nya ang hinayupak na Leon guerero na yan.
taknaynay…mekeni me ketung.
Hiyaaaaaa! tigidig tigidig.