Little Miss Beauty Queen
Let’s take a break from SONA mania mga kabarrio because this is one very, very important commercial break.
The 2009 Miss Universe is fast approaching. It will be on the 23rd of August, live from Nassau, Bahamas.
photo source: missuniverse.com
It’s always been a dream of mine since I was a little girl in Barrio Siete to be one of those girls parading in my elaborate and magnificent national costume and proudly representing my native country of England. Charing!
Speaking of beauty contests, maraming ganyan sa barrio. Kahit saang dako ng barangay ay mayroong beauty contests lalo na kung fiesta. May beauty contests para sa mga girls, mayroon din para sa mga bading. Minsan mayroon din para sa mga maton na nagpapaka-bading. Ito ang tinatawag na Miss Macho Gay beauty contest. Kung sino man ang umimbento ng ganyang pakontest ay malamang lasing na walang magawang matino sa buhay at pinagtripan ang mga kainuman na gawing katawa-tawa ang mga katulad ko. I hate that kind of contest. It’s stereotyping gays. Nakakainez Veneracion!
Anyway, may isa pang beauty contest na pinapractice din worldwide ang umagaw ng aking atensiyon when I saw a feature on tv about a reality show featuring little girls ages 5-8 years old participating in beauty pageants. This reality show features the backstage drama, the pageant itself and what their mothers (and some fathers) do so that their kids will be crowned as a beauty queen, or princess for that matter. May ganyan din dito sa Pilipinas. Pinauso ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.
In general, it seems harmless. Cute pa nga tingnan ang mga chikiting parading in their gowns and costumes, in full make-up and showing their talents di ba? Aminin, kyut na kyut ka kay Aiza Seguerra noong sumali siya sa naturang pakontest and although hindi siya nanalo ay umarangkada naman ang kanyang career bilang child actress and now as a singer-musician. Back to the topic, I’m sure tulad ko ay inambisyon niyo rin ang maging ganyan, ang maging beauty queen at a very young age. Maliit pa ako ay ginagaya ko na ang mga contestants sa Miss Universe at kung naglalaro ako ng Barbie ay pinagkokontest ko rin sila. I know hindi ako nag-iisa sa ganitong dream. Right ladies?
Well, sa mga readers natin na mga parents, walang masama kung isasali natin ang ating mga chikiting sa mga beauty contests. In fact, I have a niece who once joined a contest like this and I, as her tita, have been very supportive of her to the extent that I did everything so that she gets to bring home the crown. No, hindi ako sumipsip sa mga judges and organizers noh. I’m beyond that kahit puede kong gawin yun pero it’s so effortless and unchallenging. Hahaha! Anyway, we got her the best glam squad and the best outfits that we could get. My cousin (her mother) and I also trained her the best way to answer beauty pageant questions. May formula kasi ang mga sagot sa mga beauty pageant questions. I should know, I’m a certified Thank You Girl and I’ve learned a lot. Hahaha! In the end, happy kaming lahat. Kahit di niya nakuha ang top prize ay masaya na rin kami dahil 1st runner ang niece ko and she’s very happy with her pageant experience. The keyword here is HAPPY.
Ito ang pinaka-importanteng dapat tandaan ng ating mga parents when putting their children in competitions like these.
GUSTO BA ITO NG ANAK MO or IKAW LANG ANG MAY GUSTO NITO?
Minsan kasi, sa ating frustrations noong mga bata pa tayo ay pinapasa natin sa mga chikiting ang mga ambisyon natin na hindi natupad. Gusto natin na ang ating mga anak ang tumupad nito para sa atin. I’m no Child Psychologist but I’m definitely sure that this is so wrong. That reality show shows just that. Pinipilit ng nanay ang kanyang anak na isali ito sa beauty contest dahil minsan ay nangarap din itong maging beauty queen. Ang masama ay hindi naman gusto ng baby niya ang maging parte ng contest at napilitan lang ito dahil ito ang gusto ni madir. Maging ang kanyang husband ay hindi rin totally supportive. Mabuti na lang at umeksena itong si fadir at pinullout in the middle of the pageant ang baby niya dahil nagmemeltdown na ito.
Gusto kong tusukin sa mata ang nanay na yun.
Hindi man ako nanay biologically, at least I know that things you do for your children should always be for their best and not for your own. ‘Di ba mga mothers?
I know one day ay mag-aasawa din ako. And I will make sure that my kids will grow up to become beautiful, respectful and law-abiding citizens like their father and me.
Tulad nito.
photo source: knockedupcelebs.com
Ganyan ang magiging itsura ko pagdating ng araw. Hahaha! Yun na!
Viewed 8070 times by 2350 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.
















hahaha! thank you for your entry! breath of sonatasphere with all these SONA overload! hahaha!
Nahilo na kasi ako sa SONA mania ate reynz. Huminga muna tayo ng kahit 5 seconds. Hihi
@Mel, timing itong entry mo. makihinga na lang kahit 5 seconds man lang.
Sisterette inunahan mo ako dito. hihihihi…
OMG! This blog is officially now the start of our Beauty Contest commentaries sa Barrio Siete!
Uber nice entry Mel.
Thanks Ate Snow. Pasensya kung nauna na ako sa pag feature. Anyway, malapit na talaga ang pageant season kaya paghandaan natin. Kinakabahan na nga ako eh. Hahaha
oo nga! at heto pa, hoping pa rin ako na pumasok ulit ang pinas sa miss universe after the miriam quiambao eksenadora fallout sa miss u stage last 1999! hay, more on that thought one of these days.
fly muna ako at gagawa pa ako ng balota. last day of entry ngayon.
magandang araw sa iyo mel!
parang makapatid lang naman ang fashion at fegeant di ba? basta makikisakay lang dahil marami din kasi…
Warning muna: wala akong pinaringgan na taga barrio siete or bloggers or praning na utak kundi ung katrabaho ko lang at my end na kung tawagin ko ay mga talibanes de peurtes. Against kasi sila sa pageant – pageant na yan dahil alam nyu na… women sum’tin sum’tin daw.
BWHAHAHAHA! Akala ko you are representing Las Islas Bonitas de Kurasaw! HAHAHA! British ka nga pala hahaha!
Nagpalit na ako ng citizenship ate reynz. Pinatalsik kasi ako sa Kurasaw. Lol
“I know one day ay mag-aasawa din ako. And I will make sure that my kids will grow up to become beautiful, respectful and law-abiding citizens like their father and me.” – tapos photo, David Beckham and Posh..
Hahaha! Inggitera ko… sa kin lang si David!! Hahaha!
I love the post! Good job Mel.
Thanks Ate Chuva. Sasabihin ko kay papa david na isali ka na sa Waiting List. Number 4062 ka. Hehehe
Did you guys know? Presentation today nang Mutya ng Pilipinas sa EDSA Shangrila???
Nawalan na ng spark ang Mutya, nasapawan na kasi ng Miss Philippines-Earth. In fairness maraming pretty contestants, napanood ko kagabi sa news.
ang akala ko si snow ang writer hahahah
Ate Malen, magkamukha kasi kami. Charing!
Mel, sna may mud wrestling between the beauty contestants o kaya pillow fight hahahahaha
manonood ako nyan pag may segment na ganun hahaha
Mwahahaha! Ibang klase yan Kuya Bluep. Panunuorin ko rin i’m sure it’s gonna be dirrrrrty! Lol
Tagal na rin akong hindi nakapanood ng beauty pageant kahit sa barangay man lang. Refreshing ito sa utak Mel…
Sa Aug.23 abangan mo ang Miss Universe kuya. Hihi
@Dfish, hahaha! refreshing sa utak. at refreshing din sa pus-on, puso pala.
OT. DFish mukha atang nagpakita ka na rin ng mukha ah. no more side view. ano ito prelude na sa pagiging writer ng barrio siete?
Mel, nung grade one anak ko may beauty contest sa skul part ng fund raising activity para sa construction ng school building nila. Eto na during the talent portion biglang naghiyawan ang audience kasi yung nanay nung isang contestant habang kino-coach anak niya sa dance number biglang tinodo ‘yung indak, as in bigay hilig na sumayaw sa baba ng stage. nawala ang focus ng audience sa bata napunta sa nanay. Nakakatawa na nakahiya. second-placer naman ‘yung bata. pero the following school year di ko na nakita yung mag-ina sa ibang skul na pala sila nagenrol. classic na stage mother.
Ate Yami bongga si mother! Kung may mother-daughter beauty contest ay pasok sila. Hihihi
Nice post mel, wagi pa rin ang beauty mo in the end, your inner beauty i mean and being miss friendship in and out of the i-world, mas talo pa non ang lahat ng beauty pageant sa lahat ng baranggay. ate an2nette
Korek Ate Antonette! Kahit sabihin pa nilang multi-billion dollar industry ang pagpapaganda physically, mas importante pa rin ang inner beauty.
May special award ba Mel na Miss Congenitalia?
Kuya Bluep, wala pa, gawan natin yan ng paraan. Lol. Teka, anu naman basis ng Miss Congenitalia award? Hahaha
actually lokohan namin sa nursing yan dati kasi nauso yung miss congeniality na pelikula. eto kaklase ko na loko sabi dapat daw ang pageant may special award na miss congenitalia. pag daw naka swim suit kung sino daw pinaka matambok yun daw ang panalo hahahahaha
kaya everytime na mababangit yung pageant naaalala ko yung joke na yun haha
Hahaha! Yun pala yun. Kaloka!
pinakamatambok? hahahaha!
Sa visaya pa, pinakabugdo.
Darbs, it’s no longer pinakabugdo, ang tawag ana karon kay pinakahubag. Bwahaha
hahaha. i really thought you’re here in england hahaha. ganda mo tlaga mel kamuka mo si posh hihihi. ok tong post na to. tama ka we need a break fron SONA. panalo tong post mo hehehe.
Ate Chi, thank you. magaganda talaga tayong mga tiga-barrio. Hihi. one day makakapunta din ako sa england, ipapa-fedex ko ang sarili ko para mura. Bwahaha
kailan ba iba-blog ung sumali ka mismo…as thank you girl?
Haha Padre welcome sa Barrio Siete. Musta na? Asa Davao ka pa rin ba? Ayan dapat magbehave na ako dito sa Barrio at Nandito ka na haha
Fr. Felmar, malungkot yan na bahagi ng buhay ko. Maybe soon if I gather enough strength to share it with barrio siete readers. Hihi