Lovers in Paris-umakyat ka sa Eiffel Tower
Sakit na ng aming pamilyang mga tiga Barrio Siete ang magtravel. Tumira rin ang kapatid ko sa Italy nang ilang taon, kaya kapag gusto naming pumunta sa Europe, meron kaming matitirhan. Yan ang sinasabing budget travel. Nakikitira.
Ito sa France.
Effiel Tower

Ang Eiffel Tower ay itinayo noong 1889 para sa World Fair. Ito ay dinesign ni architect Gustave Eiffel kaya ang pangalan niya ay Eiffel. Natural anoh? Ito ay may taas na 320 meters at bigat na 7,000 tons. Mayroon itong tatlog palapag kung saan mayroong restaurant sa una at ikalawa.
Some statistics for the tower are as follows:
26 months of building
1710 steps to the top
700 assembly drawings
150 construction workers
50 engineers
40 drafstmen
120 million visitors in 100 years
Ito naman ang Louvre Museum-ang labas.
Kung nanood kayo ng Da Vinci Code, nakita ninyo siguro ito.

louvre museum
Hours: Open everyday except Tuesday from 9:00 am to 6:00 pm
Monday and Wednesday: closing is 9:45 pm
Historical background
Dati itongp putris ehek, fortress pala. Noong si Charles V ang naghari sa France, ginawa niya itong library niya. Bongga di ba?
Noong 1594, si Henry IV naman ang nagpalaki para paglagyan ng kaniyang mga classical na kayamanan at mga paintings.
Si Louis XIV at nagpagiba ng original na building nito at nagpadagdag ng mga bagong structures.
Pero ang taksil, nang tumira siya sa Versailles, kasama ng kaniyang kabit, iniwan niya ang Louvre at napabayaan ang kanilang library-ang Louvre.
Noong 1793, ito ay binuksan as museum sabay nang pagbagsak ng monarchy sa France.
Anong makikita sa Louvre. Marami, kaya lang nawala ang file ko ng mga retrato doon. Ito lang ang nasalba ko.
Si Mona Lisa

Mona Lisa
Ang Mona Lisa ang pinakapopular na painting ni LEONARDO DA VINCI maliban sa kaniyang Last Supper na pinagmulang ng kontrobersiya ng Da Vinci Code dahil nakalimutan lang niyang lagyan ng baso sa lamesa at ginawa niyang mukhang babae si St. John.
Ang retratong hindi mo malaman kung nakaismid o hindi lang makapagdecide kung siya ay hahalakhak ay retrato ni LIZA GHERARDINI called LA GIACONDA . Ito ang original na ninakaw noong 1911 at nabawi lang noong 1913. Ano sila baliw, sino ang bibili ng nakaw na painting na kilalang-kilala.
Ito naman ang Venus de Milo

Venus de Milo
Sino si Venus de Milo? Hindi ninyo kilala si Aling Venus? Siya ang Greek Goddess of Love at Beauty. Sa Rome, siya si Aprhrodite. Siya ang nanay ni Kupido na ikinulong ko sa baul at tinapon ko sa dagat, bwahaha.
Bakit kamo, maraming taong nag-uunahan makita siya. Kasi kagaya ng Mona Lisa, pag nalamang galing ka sa Louvre, ang tanong saiyo ay nakipag shake hands ka ba kay Venus.
Pag sinabi mong oo. Patay kang bata ka.
Egyptian cats
Ito sa parte ng exhibit ng Eypt culture. Kita ninyo naman, mga pusa ha, sikat. Naniniwala kasi ang mga Egyptians na ang pusa ang guardian ng underworld. bwahahaha.

Egyptian Cats
Ito ang Great Sphynx

Sphynx
Ito ang nakabantay sa daan papunta sa mga kuwartong may nakadispley na Egyptian collections kagaya nito.
Hoy kita ka pa rin.

Egyptian collection in louvre museum
Viewed 11471 times by 2288 viewers
The Cat is a part-time educator who was also a former Dean. She is a CPA with a PhD in Economic Development and Doctorate in Business Admin., enjoying her early retirement because of her disability; of being brain challenged, hehehe! that's according to her.














ang chika kung bakit ganyan ang ngiti ni aling mona lisa kasi daw hindi siya makapag-full smile because wala daw siyang ngipin. hahaha
bahahahah
May isang chika rin dyan mel, sabi ng mga pilosopo kong kaopisina, self-portrait daw yan ni Leonardo Da Vinci!
malamang nga po totoo tsimis kasi kahit kelan tignan painting alanganin muka ng babae.
tingin ko nga non bakla ung modelo eh.
snow,
yon nga ang sabi nila. pero retrato raw yan ng ikalawang asawa ng isang opisyales noon.
ang ganda naman ng france… kailan kaya ako makapunta diyan, haiz.
lol@mel
mel,
yon din ang hinaa ko nakalimutang suotin yong pustiso niy. mwehehe
actually parang napanuod or nabasa ko yata somewhere na yung medium na ginuhitan ni lolo leonardo ay may naka-drowing na na sketch.
sketch ng mukha ni leonardo.
charing!
malen,
behave, tawang lady like ni mona lisa.
ahahaha ay mali, dapat pala hihihi
ressie,
nandoon si vicki belo ngayon. babakasyon.
hahaha…na-stress ba si madam vicky!
May nakita ka bang code dyan sa Mona Lisa, ms. cat?
lols.
Dream kong makarating ng france. Wish ko lang na tubuan ako ng pakpak.
silver,
you just may never know.
alam mo ba nong nasa barrio siete pa kami, merong retrato ang golden gate sa kalendaryo.
kinuha ng pinsan ko ito at dinikit sa dingding.
sabi niya makakarating daw siya doon.
hindi ko naman alam kung saan yong golden gate. sabi ko ako rin.araw-araw ko nang tinitigan yon.
unang araw ko sa SF, dinala ako sa golden gate, hindi pala gold, rusty pink pala, gusto kong bumaba at humalik sa bridge. hehehe.
Oo nga eh.
Iniisip ko balang araw, makapag-around the world ako ala- Lara Croft. Haha.
totoo yan, you’ll never know. ako, pangarap ko makapg europe pero di ko alam na mararating ko sya even before I’m 30. Inismall-small pa nga ako nung expat sa dati kong work sa pinas. Sabi ko kasi balang araw gusto ko makarating sa Europe. Aba ang hitad sabi ba naman, mahal daw sa europe, etc etc. Kulang na lang sabihin nya mismo sa face ko, you cannot afford it. Kung makita ko sya ngayon ipapamukha ko sa kanya – nakarating na ako.
Sayang naman ang photos na nawala…wahhhhh…buti nakunan mo si mona lisa. noong nagpunta kami bawal. tapos ang daming tao, may harang pa kaya halos ang liit na makikita mo. Sa totoo lang na-disappoint ako – ang liit lang pala ng painting
maliit nga lang, parang ang sabi mo ah yan ba?
I love Paris… teka hindi yong pokpok na babae noh? hahaha!
I was there in 1999 with Junsy, mon ami de Marlton, New Jersey et nos soroy soroy aroung the city hangga’t dun sa Notre Dame. Ang lecheng Junsy, minura mura ako kasi pumasok nga kami sa Louvre Museum eh kaso nga naihi ako kaya naiwan ako sa dami nang tao heheh
Pero mga ilang blocks lang away dito, meron kaming museum na pinasukan hehehe live silang uma-ali-aligid at nag-lalakad na mga istatwang walang damit HAHAHAHA dun ko ni Louvre – Louvre and mukha ko hahahaha
I LOVE PARIS! hahahaha!
Ang romantic talaga ng Paris. Mam Cat, salamat sa pag-share, ang gaganda ng pictures. Sayang naman ‘yung mga nawala.
miriam,
nandiyan lang yan. tamad ko lang hanapin. hehehr
Kapag sinipag ka Mam Cat at nahanap mo pics, post mo para kahit sa litrato lang para na rin kaming nakapamasyal sa Paris.