Home » Albularyo sa Barrio, Buhay sa Barrio Siete, Business and Politics, Chizmiz sa Barberya

Lumalalang problema ng illegal na Droga

22 July 2009 26 Comments

illegal-drugs2Lalong lumalala ang problema ng mga illegal na droga sa ating bansa, laganap ang ibat-ibang klase ng krimen na ang numero unong dahilan ay mga ipinagbabawal na gamot. Siguro masasabi natin na kahit saan parte sa pilipinas ngayon ay may ganitong aktibidades ang mga kawatan, hindi man bulgar at pasimple lang pag kumilos ang mga galamay nito, lalo na sa mga siudad at maging ang buong metro manila ay maraming mga drug lords na walang pakundangang manira sa kinabukasan ng mga mamayan lalo na sa kabataan. Basahin nyo lang ang The Evils of Drug Abuse na sinulat ni Ellen Tordesillas kundi kayo ma-shock. At kung duda pa kayo sa epekto nang droga, tanungin nyo ang mga Mexicano

Maraming pagdududa na may sabwatan sa pagitan ng mga awtoridad at mga drug lords kaya patuloy ang paglaganap ng ganitong klase ng krimen, at iisa lamang ang dahilan, ang limpak-limpak na salaping kikitain sa pagbebenta ng ipinagbababawal na gamot. Mga hoodlums in uniform sa military at kapulisan at maging mga pulitiko ay maaring sangkot sa mga ganitong gawain, kaya nahihirapan ang mga ahensiya na inaatasan ng ating gobyerno para sugpuin ang mga bulok ng lipunan.

Pwera lang kung mayaman ka at merong kang right connections baka ok lang siguro. At tipo bang merong pang takipan at takutan. Nakaka-lungkot isipin na baka nga eto ang kalakaran ngayon.

Karamihan sa mga biktima na walang puknat na pagbebenta at paggamit ng droga ay ang inosenteng mamayan, maging ang mga menor de edad, at hindi na natin isasantabi ang mga mag-aaral sa ibat-ibang paaralan ay maari rin napasok na ng mga sindikato, dahil na rin sa pagkaka-alam nila na ang mga kabataan ay mapupusok at madaling mabuyo sa mga bisyo. At higit na mas kaawa-awa pag nagkataon ay ang mga magulang na walang ibang hinangad kundi ang magandang kinabukasan para sa mga anak.

Ang Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) na pinangungunahan ni Director Dionisio santiago ay humihirit sa Gobyerno ng all out war laban sa diumano’y sabwatan ng mga ilang bulok na awtoridad sa lipunan at mga nagpapalaganap ng droga, ayon sa isang pahayagan na aking nabasa, tila ba ang gustong mangyari mala-Mexico na gyera,.. Bakbakan, unahan, ubusan at handang isugal ang kanilang buhay para lamang masugpo ang mga ganitong mapanirang aktibidades ng mga kawatan… Kailan lang ay bumalandra sa mga pahayagan na ang anak ng isang PDEA agent ay hindi nakaligtas sa karumal dumal na krimen, bagamat ito’y hindi kumpirmadong balita at tila nakuryente pa ang malacanang sa gang rape expose na ito, dahilan na rin sa bagong pahayag ni Director Santiago ng PDEA… “No crime was committed against the narco-agent’s daughter”.

Bago ang huling pahayag si santiago, ay ito ang mga nilalaman ng balita sa mga dyaryo.

Na diumano ay dinukot at halinhinang pinagsamantalahan ng isang sindikato ng droga , at nang matagpuan ang biktima ay nasa impluwensiya na rin ng droga. kung totoo man ito ay sadyang napakasaklap ang kanyang sinapit, at siya ang pinagbalingan at pinaghigantian ng mga sindikato sa kadahilanan na ang kanyang ama ay miembro ng ahensiya laban sa Droga.

Wala na silang sinasanto, wala na silang pinipili, sobra na ang kanilang kalupitan at labis na panggugulo sa matahimik na buhay ng mamamayan, sarili lamang nila ang kanilang iniisip, at nais lamang ay humakot ng pera sa maling pamamaraan at hindi alintana na maraming kabataan ang masisira ang kinabukasan ng dahil sa Droga na yan.

Kung ako ang tatanungin, panahon na para ibalik ang parusang bitay. Ang sinumang mahuli sa mga nagpapalaganap nito, lalong lalo na sa mga nagkakanlong ay dapat ng mabura ang kanilang kasaysayan sa mundong ibabaw.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13556 times by 4377 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a Geodetic Engineer, graduated at Saint Paul University in Tuguegarao city, in 1992. He's a surveyor. Yung maninilip ng pag-aari ng iba. lol. (siyempre naman nya pag-aari yung mga lupain na aking sinisipat at sinusukat). An OFW for more than 16 years in several countries in middle east such as in saudi arabia, dubai UAE, and Doha Qatar. He's currently employed as Consultant for a large multinational company in Luanda, Angola since May 2007. He blogs at http://bravedier.blogspot.com/

26 Comments »

  • an2nette says:

    Hi! Jeri, yan ang problema na hindi malutas lutas bagkus lumalala pa, hoping against hope na sana mabigyan ito ng solusyon ng gobyerno

    • jeri says:

      hi din sayo kapatid… dapat na nga na pulbusin na ng PDEA at mga Narcotic Agents ang mga kawatan na ito para maalis na ang pangamba sa lipunan.

  • dencios says:

    kasi kaya lumalala:

    pati ilang kawani ng lokal na pamahalaan e nakikisinghot din

    o kung hindi man e nakikikaskas sa kinikitang pera ng users.

    meron naman DAW na hindi talaga aware na talamak na pala ang lugar nila sa bogahan.

    *ano ba ang masarap sa droga? curious tuloy ako haha. loko lang.

    • Agent X44 says:

      Dencios, baka hindi lang nakikikaskas,maaaring sila mismo ang mga nasa likod nito, ewan natin.. parang yung napapanood natin sa mga sinehan, maaring ganun nga.

      Ang bawat mamamayan ay nararapat lang ng na maging aware sa problemang ito dahil pasimple lang pag kumilos ang mga galamay,..baka mamulat-mulat tayo isa na pala sa ating kamag-anak ang gumagamit ng droga.. so have to be vigilant about this serious thing.

      Kunwari ka pa dencio, eh tirador ka ng “Diatabs” at “lumotil”..(pag nagtatae? he he he he..

    • jeri says:

      Dencios, may kasabihan na ang Droga ay nakakabata, dahil mamatay ng maaga at hindi na abutin ang pagtanda.. ha ha ha

    • jeri says:

      kapatid, yung mga Arabo dyan sa dubai esply yung mga teen ager dyan, mga user din, kahit sa lugar na yan may mga addict na rin hindi nga lang garapalan tulad sa pinas.

  • Agent X44 says:

    Sana na nga antonette, habang iniisip ko na lumalaganap na ang mga galamay ng sindikato maaring mas marami pang kabataan at mamamayang pilipino na masisira ng dahil sa Droga.. kaya tama lang siguro na magkaroon na ng all out war laban sa mga sindikato. at sana puspusan ang pagtugis sa kanila ng taga PDEA at ibang ahensiya laban sa droga, lalo na sa mga nagkakanlong na nasa poder ng awtoridad.. at dapat maparusahan ayon sa kanilang kasalanan, at walang takipan o absweltuhan..

    • Jeri says:

      Agent X44, palagay ko narcotic agent ka? o kabilang ka ba sa vigilanteng grupo laban sa droga?. Sang ayon ako sa kagustuhan mo Agent para tuluyan ng mawalis ang dumi at kalat sa lipunan.

  • Mel says:

    i so agree na ibalik ang death sentence lalo na sa druglords.

    in terms of the justice system naman natin, medyo lamang pa rin ang mga mayayamang drug pushers na nahuhuli. unfair pero totoo. case in point: alabang boys. hinahanapan pa rin ng lusot ng kanilang mga abogado samantalang yung mga pobreng counterpart nila ay diretso na kaagad sa piitan. sorry na lang.

  • Jeri says:

    Mel, Yan nga ang masakit sa justice system ng bansa, iba yung tinititigan at yung tinitignan…nabibili nila ang hustisya, at nagpapagamit naman ang mga abogago at mga huwes(teng) sa mga kalookohan ng mga kawatan na yan. dapat sana ipakita nila sa bayan na ang batas ay pantay pantay, at walang kinikilingan. palaging ang mga taong walang pera ang nasasadlak, nagiging sangkalan sa pagkakasala ng iba.

  • N!ckph says:

    Bekos Filipinos are yunik…

    Nagrereklamo dahil marami ang anak, ayaw naman gumamit ng contraceptive. Nag-family planning nga pero 12 ang naging anak, well yun naman talaga ang plano para at least kahit dalawa daw makapag-abroad.

    Mahal daw ang bigas pero walang reklamo pag GIN ang binibili.
    Hirap maaprobahan ang cheaper medicine, pero ang illegal na droga ay talamak kahit hindi aprobado….hmmmmp. wit a minit!!! baka aprobado ng ilan???

    Bilang isang dating sumisinghot ng dragon katol, ito ang baluktot kong payo sa PDEA. It’s time to produce your own SHABU contaminated with CYANIDE and distribute it to the drug addict community. Let them die they deserved it. Makakatipid pa kayo ng space sa kulungan at saka sa tax galing sa amin na mga mukhang perang OFW, mababawasan ang drug related crime & by the way huwag kakalimutan magpadala ng anonymous tip sa trimedia para mabulabog ang mga adik… leche an tagal naman dumating ng inorder kong marijuana sa e-bay.

  • Rob Angeles says:

    Sa tingin ko dito maganda and death penalty..Teka, teka, teka o kaya naman eh sunugin na lang ang mga ulupong na yan. Barilin sa ulo, kuyente or lethal injection basta lang mamatay mga walanghiyang mga yan.

    Pati yung mga nagbibigay ng proteksyon sa kanila, burahin na rin mga yan.

  • darbs says:

    Balita ko doon sa Amsterdam-Holland may program doon ang gobyerno nila para sa mga hard core addicts.

    Kung sa mga Maryjane users naman heto ung isang scene about sa coffee shop doon. http://goeurope.about.com/library/weekly/uc_amsterdam_c.htm

    • reynz says:

      naku darbs! i was reminded of amsterdam!

      sabi kasi nun nang boss kong italyano, go visit one of the “coffee shops” downtown. eh alam mo naman ako, banye-banyerang kape ang hini-higop ko, so invite ko ang friend ko na mag-kape. nakakita kami nang coffee shop, tinuro nung mama sa kalye, pagpasok namen, taka ako ba’t napaka-usok! hahaha! taz ang amoy eh marijuana and sum’tin sum’tin! leche! ibang klase palang coffee house ang lintek! grrr!!!

  • jeri says:

    sana ganun din sa pinas.

  • [...] I can’t help thinking about those kids… And I can’t help thinking about Jeri’s story. So many lives have been broken and lost in this place where I do volunteer [...]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.