Home » Dear Ate Charing

Maala-ala mo pa kaya: Ang Hopia

15 July 2009 101 Comments

Dear Ate Charing,

Onse anyos po ako nung panahong yun at since weekend, nasa bahay si mader. Lingguhan lang namin makita ang aming ina dahil sa manila sya kumakayod para sa aming ikabubuhay at kung weekend naman sya ang lahat lahat gumagawa ng trabahong bahay, walang tigil, ni halos wala din syang time na maka bonding kami dahil gusto nyang tapusing lahat ng trabaho sa bahay na pwede nyang magawa.

Simula ng magkamalay ako, namulatan ko na syang naninigarilyo pero di naman sya heavy smoker, siguro pambawas ng stress. Siguro sa kakulangan na rin ng kaalaman, kahit na nung ipinagbubuntis nya yung aming bunso ay naninigarilyo pa rin sya at ang di ko maintindihan nuon pa kinakain nya yung abo ng sigarilyo at yung upos ng palito, pag buntis lang naman daw nya yung ginagawa, kaya ako natuto ding kumain ng upos ng palito (infairness manamis namis ang lasa lol)

Isang weekend na natatandaan kong nasa bahay sya, since magkatulong kaming naglilinis ng bahay, yes ang linis ng bahay nung araw e kinukuskos ng dahon ng pakiling na my sabon ang sahig at aanlawan din pagkatapos kaya mapuputi ang sahig, for the first time, inutusan nyang bumaba ng bahay ang aming bunso upang bumili ng sigarilyo sa katabing tindahan. Di naman sya worried dahil di naman kelangang tumawid ng kalsada at tanaw naman ang tindahan mula sa aming bintana.

Since first time nung sister ko na lumakad mag isa papuntang tindahan (ang batang 6yr old nung araw lalo pa kung bunso e para paring baby) tanaw sya ni mader sa bintana habang paparoon sa tindahan, ng sa kalahatian ng daan ay nadapa yung aking kapatid. Tanaw pa rin ni mader habang papabalik ng bahay, pero nagtaka sya…my kinakain.

Pagpasok ng bahay ay agad inabot sa aking ina ang binili nya at sabi’y…

“eto na po yung hopia ni ate at ni kuya, kinain ko na po yung sakin, hahatian nalang po kita mama kasi 3 lang po ang nabili nung perang binigay nyo sakin”

Nakatingin lang akot naghihintay ng magiging reaksyon ng aking ina since hindi naman hopia ang pinabili ni mader sa kanya e… sigarilyong “hope” ang pinabili.

Niyakap ni mader yung bunso namin at naiyak sa tinuran ng aking kapatid.

Naisip ni mader na sa kabila ng pagsisikap nya para samin, selfish pa rin pala sya at na guilty sa nangyari dahil pang sigarilyo lang nya for pleasure e pambili na namin ng tinapay na pang meryenda. Mula nuon, diko na sya nakitang nanigarilyo, ever!

Moral of the story: Kung uutusan nyo ang anak nyong bumili ng hope sa tindahan, make sure na bibigyan nyo rin ng pambili ng hopia!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 10018 times by 2132 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.

101 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.