Home » Buhay sa Barrio Siete

MABUHAY ANG MGA PANGO

30 June 2009 143 Comments

“Tayoy mga Pinoy

Tayoy hindi Kano

Wag kang mahihiya

Kung ang ilong mo ay

Pangoooooo!!!”

Nung panahon ko usung-uso yang kanta na yan, peborit din ni mader ang kumanta nyan na si Heber Bartolome, pero palagay ko kundi pa nagkaanak si mader ng pango dipa nya maa-appreciate yang kantang yan.

Teka nga muna, maraming magagandang katangian ang Pinoy na wala ang mga banyaga. Kung tutuusin dapat proud pa nga tayong mga pango. Maraming mga dis-advantages ang mga pango pero meron din namang advantages.

Nung bata pako palagi akong tinutukso kasi sa pamilya ako lang ang pango, ang hirap kasi bata pako ang kapal na ng salamin ko sa mata walang matuntungan yung salamin kaya nakatali sa likuran kung hindi e palaging babagsak e mahal ang salamin wala kaming pambili twing malalaglag. Twing lalabas naman ako ng bahay ay dapat palagi akong my dalang payong dahil pag daw umulan lunod ako kagad.

Sa pagkakatanda ko pango rin yung idol ko nung araw yung original na rapper na si Vincent Dafalong.

Minsan nagkasarilinan kami ni mader at kinausap ko sya ng masing-ganan—

tanong ko kay mader—

AKO: “ma, bat po ako pango bat kayo po ang laki at ang tulis ng ilong nyo? Yun pong mga kapatid ko ang gaganda nila at matatangos ang ilong”

MADER: “naku anak, wag kang mainggit sa mga ilong namin unique yang ilong mo anak, nirerepresent mo na ikaw ay isang tunay na Pilipina”.

AKO; “ e bat nga po ako lang ang pango?”

MADER; “kasi anak yung hilot na nakuha ko malabo mata at matanda na, e sa laki mo nahirapan kaya ayun walang mahawakan kaya sa ilong ka hinila.

Araaay—

I still remember yung time na yung former boss ko e nagiinuman kami sa rooftop nung office namin, panay pindot sa ilong ko (nang-aasar) sabi ko naman aba—aba—abah—wag nyang ginaganyan yang ilong ko at kung sa dami lang ng advantages e mas marami ang pango kesa matangos ang ilong, aba at nanlaki ang mata ng lokah, hala sige raw mauna ko magsabi dahil it will take a minute lang daw yung sasabihin ko compare sa sasabihin nyang advantage ng matangos ang ilong at disadvantages ng pango— hala ako pa hinamong ng lukaret huh!

Hala sige kako gimme 30secs each;

Nakita mo nabang maghalikan yung mga matatangos ang ilong? Yung mga puti nakita mong maghalikan? Malamang paktapos ng halikan nila puro sila my stiffneck.

Kelangan pa nilang itagilid yung ulo para lang maglapat ang kanilang mga labi? Dyan kaming mga pango nakakalamang, pwedeng pwede kaming maghalikan ng derecho ang pagmumukha ng isat isa at dina kelangan pang kumeleng.

Ang pango pag nangulangot kahit anong parte ng daliri mo ang gamitin mo ok lang kahit pa hinlalaki di gaya nung iba tyani pa gamit o hinliliit sa sobrang tangos ng ilong (malalim kasi)

Ayun ang bruha, binugahan ako nung iniinom nyang margarita dina nakasalita at tinaas na yung dalawang kamay nya— means surrender sya sa pango!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 34464 times by 8129 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.

143 Comments »

  • lee says:

    ngeeeek nandito na kagad?lol ang bilis ah.
    namimiss ko na si darbs, nagalit yata sakin hahahahaha.
    pag nandyan si darbs nandyan din si dfish? kambal kaya sila?
    si royal minister john miss ko na rin wala nakong kahampasan ng kawa, bat palagi syang wala?
    dencios, magkapit bahay ba kayo ni john dyan sa dubai?paki kalampag nga.

    • dencios says:

      si silver din nawawala haha. ang daming absent. wala na tayong ka orgy…. sa kulitan haha

      • lee says:

        @dencios, nyahaha gara ng term moh, ka orgy sa kulit lol, o nga e may work na ang pareng silver at bc bchan na rin

      • reynz says:

        hakahak natapos na ata ang pagiging tambay ni silver, finally nakuhang kargador ata sa pier or nag-iimbak nang mga lata sa pabrika hahaha basta nung isang araw ata nagsimula mag por hora kada otro dia yong blogger naten hahaha

      • dencios says:

        kamahalan pati ikaw namimiss ko na din.. bihira ka lang mag reply sa mga comments namen e.. (tampo kuno)

        hehehe

      • lee says:

        kamahalan, tinuturuan daw nyang mag syoktong yung mga taga pabrika hahaha.
        tampo naraw ang dencios kamahalan,kiss mo nga ng mawala tampo hahaha

        @dencios, tampururot hahaha

      • dencios says:

        (nagmumukmok sa silong ng kubo)

        LOLs. lee online ka maghapon a. kala mo a. nkikita kita pagala gala sa barrio. may ngatngat ka pang inihaw na mais haha

      • lee says:

        @dencios, lol hindi yun mais, labo ng mata mo, tubo yun.

    • jeri says:

      Pambihira ka naman lee.. bakit pati mga pango dinamay mo na sa blog mo, porke ba’t nalaman mo na isa rin akong pango…bwa ha ha ha.

      Pero di bale ng pango, parati naman mabango.
      at kahit papano, ako nama’y guwapo.
      Kahit itanong nyo pa sa aming barrio.
      Lalo na sa mga magulang ko.

      he he he he

      • lee says:

        @jeri, tabi tabi pi po lol.
        mabango ka ba talaga? paamoy nga– nyahaha

      • reynz says:

        dumaan den ako sa litsing sipit na yan,
        akala ko tatangos ilong ko paglaki ko
        litsi
        ayan, nagkalat tuloy sya
        sa pag mumuka ko

        gusto ko syang ipatukod
        nung dumating ako nang amerika
        kaso di kaya
        nang sweldo kong tres dolyares
        kada otro dia

      • lee says:

        nyahaha kamahalan, nabiktima ka din pala ng sipit.
        ginawa ko din yan kaso ang higpit nung sipit nung araw na kawayan kala ko nabakbak yung ilong ko tinigilan ko hahaha

      • jeri says:

        Bakit ba naman pati sipit
        Di ba mahapdi ito at masakit
        pag sa malakamatis mong ilong nakakapit
        para kang pusa na pumipilipit, dahil sa ubod ng sakit.

        ay! bwesssiiit!

      • lee says:

        @jeriiiiiii hahahaha

      • Mahalia says:

        jeri baka sa liit ng ilong natin, di na natin naamoy ang mga di kanais nais. LOL!

      • jeri says:

        @mahalia…Sobra nga laki ng ilong ko eh..
        yun na lang nilalaman ng mukha ko.. bwa ha ha ha..
        napagkakamalan tuloy na Ilong na tinubuan ng Mukha. ay! bwessssittt talaga!

      • lee says:

        @mam mahalia, hahaha kahit daw maliit ang ilong malaki naman ang butas kaya sagap din lahat ng amoy hahaha

    • darbs says:

      namimiss ko na si darbs, nagalit yata sakin hahahahaha.

      @Lee hindi mo ata nabasa ung “ilokanong sagot ko doon sa… saan na ba ung entry na un?”

      Ang bilis kasi ng turn over dito kaya pag hindi ka makabisita ng 24 to 36 hours ng barrio siete, you will get lost.

      The truth is… walang galitan dito sa Barrio Siete… at walang pikunan…kung meron man magkape na lang.

      O anong say mo @Lee?

      • lee says:

        dati pa yan darbs,luma ng post yan hahaha.
        anung mase sey ko?
        lab na kita darbs.
        i wab yu bards hahaha

        • lee says:

          nyaaaaak baliktad naman ngayon name mo hahaha sori sori my hang over pako hahahaha

        • darbs says:

          isip… isip… palaisipan.

          Ano kaya ang magandang sagot nito.

          Scenario:

          a. Minor de edad na malditong pinoy pero marunong agrapingat uray nu minor may lahi atang Dr. Kurukongho.

          b. Kung ako ay binata na mahiyain madaling ma-embarrass especially about love. porke walang nagmamahal di alam kung ano ang mahal bugas at gasto sa kasal.

          c. Conservative na binatang pari (bakit meron bang may asawang pari na pari? unless Independente Iglisya Filipinista priests/clerics/bishops or the Anglicans )

          e. May asawang tao na pumapapel na parang binata pa dahil of course experienced sa buhay mas agressive mas matatamis ang laway at walang takot ipangako ang buwan, kabitoonan at karagatan dahil libri lang kasi.

          f. sino pa ba? mag-isip muna in addition sa scenario kung ano ang tamang sagot…

          bwahahaha!

          • lee says:

            @darbs, gumulo lahat ng gugulo sakin.
            twing umaga lang nakakatikim ng suklay ang buhok ko ginulo mo pa hahahaha

          • lee says:

            @darbs, isa pa—
            ang ulo ko walang laman kundi maliit na utak na nakalutang sa sabaw—
            ang ulo ko displey lang para lang my kapitan yung buhok ko—
            at para lang tuloy tuloy ang bisnes ng mga gumagawa ng suklay–

  • Monique says:

    MADER; “kasi anak yung hilot na nakuha ko malabo mata at matanda na, e sa laki mo nahirapan kaya ayun walang mahawakan kaya sa ilong ka hinila.

    Aray ko po!

    Pero kidding aside, ang pinoy sobrang insecure sa pangong ilong. Di ko sinasabing lahat, pero karamihan. Aminin… at one point ng mga buhay natin inisip natin bakit ba di naging matangos ang ilong ko tulad ni (insert name).

    Pero nung mabasa ko ito, marami nga palang advantages!

    (thinking para sa anak ko: anak, di na ako mag iipon para sa nose lift mo). rofl!

    • lee says:

      @monique, naku ateng wag kana mag ipon hahaha nakakatakot yung 2 friend ko nagpa lagay sa ilong ayun yung isa palaging nagluluha at my sipon parang ngongo magsalita at yung isa naman tumabingi kakatakot talaga dimo masabi baka sayo matapat yung pangit na operasyon

      • dencios says:

        dyaskeng ine ka lee tawa ako ng tawa. ang kulit ni inay hahaha.

        kaya ako halik ng halik e paikot ikot pa kamo kasi wala namang nagbabanggaan haha.

        kulit mo lee, pakiss nga!

      • lee says:

        @dencios, kulit si mader ko, tahi-tahimik lang yun paro nasa loob din ang kulo nun wala akong panama dun (aquarian din yun)

    • reynz says:

      isa na ako dun Monique hahahaha
      insekyurada ako sa ilong ko
      nun
      parating napapaginitan nang mga ka=opisina ko sa makati
      na pag uuwi daw ako nang bikol
      wag muka ko ang ipapantulak ko sa jeep

  • Snow says:

    I am proud to be a Pinoy! ;)

    • lee says:

      @snow, we are all proud to be pinoy, yung iba nga lang katabi ni jeri di proud maging pinoy lol

      • jeri says:

        Aray ko! bakit naman?…basta ako, kahit pango, proud na proud..

        Ang pagkaka-alam ko
        ang pinaka proud sa lahat si buraot alyas kulapo.
        isa syang tunay na pilipino
        taas noo kahit kanino……

        kasi… nakayuko na taas noo pa rin
        abot ba naman ang bumbunan nya sa gitna ng kanyang ulo.

        at malapit ng maging kalbo… ho ho ho

      • lee says:

        @jeri, di si buraot, yung nasa ibaba mo hahaha.
        hay nakuh basta lahat tayo proud na pango (deep inside ang sakit ng loob ko kasi di ako makasuot ng mga malalaking sunglasses hahaha)

  • jules says:

    ang tatay ko naman, nilagyan kami ng sipit sa ilong nung bata kami ng kuya ko. in fairness, tumangos nga ilong namin, compared sa mga kapatid namin na hindi sinipitan ha. hehehe. pero totoo kayang yun ang dahilan kung bakit tumangos ilong namin? kasi hinihilot din kami noon, panay hila sa buto-buto namin mag-kuya, ang tangkad tuloy namin. hmmm…

    • lee says:

      @jules, totoo yun, yung hihilutin yung buto sa ilong pataas makakatulong yun kaso di nila yun ginawa sakin ewan ko ba kainis bc bchan kasi si mader nung araw e ang lowla ko naman bc bchan sa pagiingat sa ulo namin na wag maging tapilpil nalimutan yung ilong hahahah kasi wala naman daw akong pagmamanahang pango kaya di nya naisip yun lol

      • jules says:

        sayang naman. di bale na, at least unang tingin pa lang, alam na pinay ka. hehehe…

      • lee says:

        @jules, ganun na nga, walang kawala ahahaha pero diko malaman sa kabila ng pagiging pango ko madalas di ako mapagkamalang pinay— nagiisip pa kung anung nasyon ko— baka kala nila ilong na tinubuan ng mukha, nyahaha

  • Dinah says:

    huwaaah, title pa lang sang-ayun na ko! ang ganda din ng ilong ng mader ko at sister ko, pero mas malakas dugo ng padir ko, kaya hayun pango ako. yung asawa ko naman, ganda din ng ilong, pero mga anak ko, sa akin nagmana! pango lahat. at sabi pa ng biyenan ko, pindutin ko daw tuwing umaga. he he

    • lee says:

      @dinah, buti ka my tatay na pinagmanahan ako wala talaga kaya hirap silang magpaliwanag hahahaha.
      oo tama yun hilutin mo nalang, kaya lang syempre yung mga bata iritable pag hinilot mo, till 16yr old pwede pa yung hilot.
      yung anak ko sakin nagmana nyahahaha di hinilot kasi yun lang daw ang nakamukha sakin waaaa ang mader ko minsan masarap pagalitan.

  • dFish says:

    lurking, lukring, lurking. inaamoy lang muna ang mga posts. sa laki pa naman ng butas ng ilong din. bwahahaha. lee you broke the silence of my nose, bwahahaha….

    • lee says:

      @dfiiiiiiiiiiisssssssshhhh, hay missssssshhhhhuuuuuu na, hoy bat ngayon kalang sumulpot?nasan ang kumpare mong si darbs?miss ko kayo,pramis.

  • dFish says:

    nagtitinda lang ng i luv pilipins t-shirt sa baclaran bwahahaha. mabenta eh. si darbs, baka nag part-time strawberry picker din sa barrio brooklyn…

    • lee says:

      @dfish, mukang sumama loob sakin ni darbs dahil sa “n” nayun nyahahahaha siguro naman di sya “n” para magtampo sakin hahahah

    • lee says:

      @dfish paki sabi fish este peace na kami, kakamutan ko sya ng likod, tatanggalan ko sya ng eng-gron sa kuko, tatanggalan ko sya ng uban, tatanggalan ko sya ng lisa at kayumad,bati na kami kamo.

  • dFish says:

    Ano yung “n”? Di ko to nabasa sa The Buzz magazine ah…Duda ko, nilagnat lang siguro ang mga daliri sa kaka-type hehehe…

    • lee says:

      nasermunan ako sa pagiging taklesa ko waaaa kasi naman wala akong break fluid na nainom nung araw na yun(singhot)dak-dak lang ako dina nagiisip ay di pala dak-dak, typing pala

      • dFish says:

        Sabihin mo lang nasobrahan mo lang pag-inom ng Chinese wine na babad sa cobra at butiki…Sa Barrio, ganyan laang, napapa-englis pagnalasing ng kulapo…

      • lee says:

        tsk, ayain mo nalang maginuman nalang kamo kami at patatabla nalang kamo ko,pitik sa tenga tabla na.

    • lee says:

      @kitty, bat ka napa-aray?byuti ka naman ah

    • lee says:

      @kitty, nyaaaaah wag na sayang pambayad hahahaha kita mo si belo di rin naman matangos ilong nya hahahaha

    • lee says:

      @kitty, i had a chance or i can have my nose done anytime kaya lang nakakatakot kasi di naman lahat maganda ang result,my mga bisyo pa ako na di talaga pwedeng paayos ng ilong kasi bisyo ko na yung lamugin yung ilong ko kakakusot lalo pag my flu ako kaya dina pwede yung ganun pag naopera na e baka malimutan ko malaglag hahaha

      • pusa says:

        honga no nalimutan ko nilalamog ko rin pala ilong ko hangang maging parang si rudolph na sa kapulahan hehehe.

        pareho ba tayo ng ilong? malambot pos pag giniginaw malamig parang ilong ng pusa? hahahaha

      • lee says:

        sakto ganun din ang ilong ko hahaha kaya pag winter dito pula ilong ko kasi lamog hahaha kaya ayoko magpa opera ng ilong mahirap na sana kung palaging nakatali yung mga kamay ko para diko palaki makusot ilong ko

      • roni says:

        @lee, syut sa banga ng hitana (gypsy)

      • dawn says:

        @roni, pano mo nalamang mahilig ako sa outfit na hitana? ahahahaha

      • lee says:

        @roni, pano mo nalamang mahilig ako sa outfit na hitana? ahahahaha.
        ngeeek, anu yan? my engkanto ba dito? parang may dumaang engkanto sa tabi ko…???

    • jeri says:

      wag na kayo ke Dra. Belo,
      mas mahusay si Dr. Hayden Kho
      habang nireretoke ang ilong mo,
      panay kuha ang Camerang nakatago

      sisikat pa kayo sa You Tube, maging sa Buong Mundo.

      • lee says:

        nyaaah, jeri wag mo nga akong takutin ng ganyan at nangangamba parin ako na baka yung SV na namin ni haydin-cam ang susunod na kakalat sa youtube nyahahaha

  • lee says:

    natatawa ko dun sa minsang napanood ko korean show pa contest ng mga pusa, ang basehan pala ng pinaka cute e yung pinakapango at walang ilong, sabi nung isang male host(pango din) kung sa tao daw pala naiapply yung ganun e sya na ang panalo at pinaka cute lol

    • pusa says:

      ganun? eh di ako ang pinakakyut na pusa bwahaahahha… leche meron kasi sabi ng sabi sa akin patapyasan ko na ilong ko huhuhuhu LOL

      • lee says:

        @kitty, yung kasama ko dito ayun nagpa ayos ng ilong sa makati med pa kasi pumalpak kay belo pinaayos sa makati med but the damage has done para na syang ngongo pag nagsalita at parang naduling duling pa ngayon

      • jeri says:

        Sabi ko naman sa inyo
        Ang pinamahusay ay si Dr. Hayden kho
        kita mo’t naging tanyag sa buong Mundo
        sa pagreretoke ng ilong na Pango.

        kaya ayun, dahil sa sobrang katanyagan
        pati sa senado siya’y inimbitahan
        at madlang pipol siya’y hinusgaan
        kung karapat-dapat ba syang hangaan

        O… ano say nyo mga kabayan…
        tangkilikin na si Dr. Hayden kho na crush ng bayan
        dalhin na ang lahat ng pango mong kaibigan
        wag kang pahuhuli, baka pulitin ka sa lang kangkungan.

      • reynz says:

        jeri! maliii!!!

        hindi matangos ang ki hayden kho!

        maliit lang sya.

        di ako bilib kung matangos.

        i mean, ok ang haba.

        pero di talaga matangos.

        tama ba?!

        ~evil na evil grin~

      • jeri says:

        Kapitana…Alin ba yung matangos na mahaba na tinutukoy mo?… di ba ilong yung topic natin..he he he he

      • dencios says:

        sakin tama lang ang haba pero mataba.. haha

      • jeri says:

        @ kapatid na decios, ilong na pango ang pinaguusapan natin,
        hindi yung mahaba at mataba mong nasa ilalim.

        bwa ha ha ha

      • reynz says:

        teka lang hehehe

        eh si dencios kasi eh! ano ba!

        ilong di ba?

        ~evil pa rin~

      • dencios says:

        dagdag ko pa. sobrang maugat pa. ilong ko pala maugat LOL!

      • jeri says:

        Kakaiba pala sa lahat ang ilong mo ka dencio… bukod sa humahaba at tumataba, inuugat pa.. naku po! lintik naman ang ilong na yan… saan ba tumubo yung ilong mo na yan.. bwa ha ha ha.

        me duda ako, yung ilong na yan, madalas katambal ng iyong dila.. he he he jowk!

      • lee says:

        @jeri, dati nga pango din si hayden mukang retoke nalang din yung ilong nya.

        hahaha kamahalan iba naman yang sinasabi mo dina ilong yan ahahaha.

        @dencios, anu yang mataba na yan at may ugat?nasa ilong palang topic,next yan ang topic natin hahaha

      • dencios says:

        @lee, hahaha. pre si kamahalan lang ang matutuwa nyan, pano kame? dapat yung sayo naman. ilong mo naman haha. absent ka ata ngayon hehe. mamaya susulpot ka na naman ulit hehe

      • lee says:

        @dencios, pare for private viewing lang ang ilong ko not for public consumption nyahahaha, ang kamahalan palang ang nakakita ng tunay na ilong ko sa close-up hahaha

    • roni says:

      siamese….hehehe, yun ba yung pug nose?

  • pusa says:

    ganun? katakot lang talga magparetoke no… sige sipit na lang muna

    • lee says:

      @kitty, hot compress, hilot pataas yung buto kaya lang epektib yung hanggang 16yr old lang hahaha

    • lee says:

      yan din problema ko di ako makasuot ng sunglasses na malalaki kasi mahuhulog, sabi ng mader ko pag nakasuot ako ng sunglasses mukha daw akong bangaw juice ko

    • lee says:

      @kitty, hahahaha oo mas effective yun,yung tyahin ko 17 na nung mag start kaso sumobra naman ang tangos parang loro na tuloy

    • jeri says:

      ganun? katakot lang talga magparetoke no… sige sipit na lang muna….

      he he he..di ba mas takot ang Pusa sa sipit.
      matapakan lang ang buntot ito’y pipilipit

      Jowks lang po. miss CAT.

  • mel beckham says:

    alam nyo when i was younger iniipit ko ng clothes pin ang ilong ko. lol. kapag nakakakita ako ng batang medyo pango ang ilong ay sinasabihan ko na sa umaga paggising nila ay pisil-pisilan nila ang ilong para may chance pa na tumangos. bwahaha

  • Mahalia says:

    Hi Lee, wag kang ma -despair, scientific findings say that humahaba pa rin raw ang ating mga ilong sa buong lifetime. Kaya by the age of 60 may pag-asa pa.

    Likes ko naman ang pango. Sabi nga ng mister ko mas maganda raw sa babae ang medyo maliit ang ilong. para raw butones. Kaysa raw sa mukhang parrot. Di na raw mapansin ang byuti, tutok ka na lang sa ilong.

    Baka naman sinasabi lang niya iyon, dahil flat talaga ang ilong ko. kung hahaplusin mo ang pisngi ko madudulas ka sa kabilang pisngi, wala kasing bakod. LOL.

  • reynz says:

    hahaha! kwidaw ka! here? lalo na sa Philly? pag me nakitang pagka-gwapo gwapong kano, ang bitbit nyang asyana is “very very exotic” hahaha!

    at sa mga taong PANGO!

    tigilan na kasing kakapanood nang mga pilikulang haliwood! si angelica panganib na lang ang panoorin hahaha

    • lee says:

      haliwud pa rin kami, dyan ko nakilala ang aking 1st love na si denzel at true love na si wesley at ang aking latest na si will smith ahahaha o diba napaka wawafu nila,nakakalaglag ng–pustiso.

    • mtoni says:

      totoo kamo yan inang, sa zambales palibhasa katabi namen ung base makikita mo kaiba talaga taste ng ibang kano.
      imperness taas noo mga eksotik pinay don.

  • roni says:

    hahaha! wait till I make appointment with belo, hahaha!

  • Rob Angeles says:

    Proud pango here! Nagtanong din ako sa mama ko bakit kakaiba ilong ko sa mga kapatid ko. Sabi kasi nya, nung paluin daw ng doktor pwet ko nung nanganak sya eh nabitawan ako at mukha ko naglanding sa sahig. PROUD PA RIN!

  • fatherlyours says:

    proud to be Pinoy din. Dami ngang nating artista nag patangos kaya halata salamat Doktor ang beauty nila. Sana naman makakita tayo ng “nag-papango” para gawing model hind ba?

    • lee says:

      @manong mon, ahahaha dito ko natawa ng husto sayo, sana nga pwede, parang mga nagkalat na kamatis sa catwalk pag nagkataon hahaha

  • roni says:

    lee, katumpak-tumpak ka sa stiffneck, hahaha!, taong apoy ang tawag ko sa mga sobrang tangos, taong tubig naman sa mga pango!

    • lee says:

      @roni, bakit?anung koneksyon?

      • roni says:

        pansinin: (na naman) southeast asian nakatira sa matubig na lugar. sa mga maiinit naman na lugar like desert, mga arabs, pero bakit amg mga caucasians? originally nakatira sa mga alps, where everything is pointed, trees, mountains…etc. parang anlayo ko na, hahaha! mga taong matatangos are proud, like fire, they can hurt or burn (figurative) (remember, everything vibrates).
        ang hirap i-explain sa madaling salita, hahaha!

      • lee says:

        @roni, langya ka roni ginulo mo mga talangka sa ulo ko nyahahah

      • roni says:

        hahaha! nagtanong ka kasi, basta mga taong apoy at mga taong tubig, walang tanong-tanong!, hahaha!

      • lee says:

        @roni, sssshhhh wag ka ng mengay nagmumukha akong tanga—
        nyahahaha

      • mtoni says:

        @roni pero di ba mas dapat asahan mga naktira sa maiinit na lugar ang pango dahil kahit ung metal pag nainitan umuurong?
        kaso karamihan sa mga babaeng afghan halos perfect mga muka..kainggit sila.

      • roni says:

        @mtoni,
        yung metal, pag nainitan, will expand, but not the case of titanium, it has reverse effect on temperature, hehehe. (correct me if I’m wrong)
        yung mga arabs, magaganda talaga…..pero maganda rin si lucifer….from the word luci…a bright light, or let’s say…a bright fire, since yung light pertains to angels…

        @ lee,
        mas mukha kang matalino, kasi curious ka.

      • lee says:

        @mtoni, magaganda talaga sila, sa middle east wala yatang pangit na babae.

        @roni, obviously di ako matalino, pinaglihi ako sa bukok na itlog hahaha.
        speaking of lucifer,sya ang pinakamandang anghel na nilalang walang kapantay ang ganda kaya never akong naniwala dun sa mga characters na pinalalabas nilang napakapangit ni lucifer ang besides kung pangit sya wala syang mga mabibiktime diba.

  • darbs says:

    Anak wag mag alala kahit ikaw ay pango magsinungaling ka lang ng magsinungaling tataas din ang ilong mo…

    • lee says:

      nyak, daaaaaaaarbs tagal mo nawala, welcome back!
      kung nakakatangos ngalang ng ilong pag-sisingaling e hahaha

  • darbs says:

    nyak, daaaaaaaarbs tagal mo nawala, welcome back!
    kung nakakatangos ngalang ng ilong pag-sisingaling e hahaha

    Leeeeeeeeeeeeeeeeee! salamat sa welcome back! puedi kaya ang mag muah, dito? hindi na lang muah, shake hands na lang. hehehe.

  • darbs says:

    “Tayoy mga Pinoy

    Tayoy hindi Kano

    Wag kang mahihiya

    Kung ang ilong mo ay

    Pangoooooo!!!”

    I don’t think this is right. Hoy, Tatay Bartolome hindi ka ba nakakita ng pangong amerikano? May marami akong amerikanong nakitang pango, kaya itong kantang ito ay kasama na sa mga sinaunang kanta.

    I suggest to put this song doon sa MUSEUM.

  • darbs says:

    @Lee, marami akong nakikitang kanong pango din ang kanilang ilong dito sa New York. Kung puedi lang sanang makuhaan ng kodak para proof gawin ko. However, dominante talaga ang matatangos ang ilong at may matatangos din na halos ilong na lang ang iyong makikita instead na mukha. bwahahaha!

    • lee says:

      @darbs,yung mader ko nga e asar sa ilong nya puro daw butas kasi hahaha matangos kasi ilong nya gaya ng mga kawkeysyans

  • darbs says:

    Ops nakalimutan kong banggitin na ung napakatangos ang ilong, kita na pati utak sa katangusan, sagwa ring tingnan.

    • lee says:

      hahahaha kita na utak, yun yung mga nakatingala at laki ng butas,sila naman nagpapabawas ng ilong,ma pango ma sobra tangos problema ng tao magpaayos ng ilong

  • darbs says:

    May mga pango din naman na magagandang tingnan dahil proportion doon sa mukha.

    By the way, Kano lang ba ang tao sa mundo?

    Ba’t pinag-iinitan masyado ni Bartolome ang Kano?

    Ung mga Briton pala, kano din ba sila? Ung mga taga Francia, kano ba sila?

    Kung sabagay baka itong si Bartolome taga doon sa aming barrio na lahat ng puti ang akala ay kano.

    Ganyan ako noong maliit pa ako. ung mga puting taga Australia akala ko kano un sila. Sabi ko pa, HELLO JOE!

    Yung paring espanyol akala ko kano rin buti na lang pinangaralan nya ako tungkol sa GEOGRAPHY na hindi lahat ng tao na kulay puti ay KANO.

  • Monique says:

    I dunno if this is true, malay niyo, pagkapanganak daw ask your kumadrona or OB na pisilin ng konti yung nose ng baby niyo… para daw tumangos.

    Maybe true maybe not. hehehe.

    • lee says:

      sabi nga pero maraming nagsasabi di raw totoo, ang pinaka effective daw e yung paghilotsa buto with hot compress,kasi pag sobrang bata pa iritado magagalit pag hinilot mo…
      mahaba naman ang chance monique, hanghang 16yr old pwede pang hilutin,pagtyagaan lang.

  • BURAOT says:

    weheheheh. pati naman halikan ng mga pango naisip mo pa? wahahhah! sakto kasi may iniisip ako lately eh. excuse me po, walang malisya ito, pasintabi po.. ang iniisip ko kasi eh kung pano makipaghalikan ang mga may bingot…

  • Cely Pantoja says:

    Kaya laging panalo si Pacquiao kasi pango, tingnan nyo mga nakakalaban, nahihilo pag natamaan sa buto ng ilong.

  • Kikay says:

    High school pa ata ako net nung nauso itong kanta na itu. :)

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.