Mag-Monkey Business Na Lang Tayo….
Last month ay binuksan ko ang aming munting business. Bago dito, punong puno ako ng excitement at determinado akong maging success ito. Andun syempre ang support ng aking better half na di nag-atubiling bigyan ako ng capital to start the business. Akala ko okay na.
Eto at two months na ang aming negosyo. Ang dating pangarap ay naging reality check. Ang hirap pala mag-business. Kung ikaw ay sumasahod na ng malaki sa isang kompanya ay naghahanap ka lang ng sakit ng ulo kung ikaw ay magnenegosyo pa. Easy option pa rin ang maging corporate saguiguilid. Yun nga lang, lahat tayo ay nag-aambisyon na maging captain of our destiny kaya ayan, nagsusugal sa negosyo. Pero kailangan pag-aralan ng mabuti ito.

Okay lang sana ang mapagod at magsakripisyo para palaguin ang business kaya lang maraming unwanted obstacles o balakid along the way. It’s up to you to be strong. Let me enumerate some of them:
Number 1. Government red tape and inefficiency. Klarong-klaro ito: may red tape na, inefficient pa. Akala natin sa pagdating ng digital age ay naging moderno na ang mga ahensya sa gobyerno, yun pala ay pa-atras pa ang systems and processes. Binigay kong halimbawa sa aking blog ang DTI. Lintek, more than one month na, di pa nila kami masagot kung approved ba ang sinumite naming business names. Whereas I remember in the year 2000, within the day lang ang pagkuha ng name sa DTI. Paano naman ito? Kung di naman obsolete ang system ay maaawa ka na lang pag nagpupunta sa munisipyo eh, kasi makikita mo sulat-kamay pa ang pagrecord at pagsulat ng resibo. Nakikita ko ito kasi pumipirma ako sa logbook pag kumukuha ng package sa post office. Susmaryosep. Kaya wala akong tiwala sa automated polls eh. Baka naman automated na tapos one month pa rin natin hihintayin ang resulta ng eleksyon. Wala pa sa expertise ng gobyerno natin ang maging high-tech, I tell you.
Number 2. Labor problem. Cheap labor is overrated here in the Philippines. Anong cheap eh saksakan ng arte at may pagka-attitude problem ang mga namamasukan sa trabaho. Minsan tuloy iniisip ko na kaya ganito kahirap ang Pilipinas kasi tamad at walang tyaga sa trabaho ang ibang tao. Katulad na lang ng naging boy ko sa shop, di pumasok ng tatlong araw at di man lang nag-text to notify kung ano ang problema nya. After three days, nagpakita si Boy na parang walang nangyari. In the meantime, affected ang sales ko kasi nabawasan ako ng tao. Naalala ko tuloy ang ibang tsimay-kasambahay na naghahanap pa ng kung anu-anong requirements sa amo bago sila mamasukan. Kung wala kang aircon, LCD TV, radyo at shower eh hindi sila papasok sa yo. Karaoke bar ata gusto ng mga ito! Suma total: major headache pa rin talaga sa small business ang availability of reliable labor in the Philippines.
Number 3. Greedy landlords. Okay lang kung pag-aari mo ang puwesto na kinatatayuan ng business mo. But doing business just to pay exorbitant rents is another form of slavery altogether. Minsan talaga hindi realistic ang rates na pinapataw ng commercial space owners kaya ang ibang negosyante, feeling nila ang kinikita nila ay napupunta lang sa mga gahamang lessors. Hindi ako magtataka kung bakit nagsasara ang ilang businesses ng dahil sa kanila.
Number 4. High taxes. Taxing small business owners to the max, while exempting the big ones who are not prosecuted for their tax evasion. Kailangan ko pang tanungin si Kapitana dito. But do you explain the fact na ang ibang negosyante ay may two sets of receipts: one for their file and one to show the BIR? Ang impression ko kasi, pag nagdeclare ng lahat ng income plus labor cost, rent, supplies and utilities, wala ng matitira kay small business owner. Dapat talaga maging mautak and consult an accountant, if possible.
Knowing all of the above now, do you still wonder why the so-called underground economy thrives in this country? And for some people, monkey business is still the best business?? No tax declaration, audit and accounting whatsoever
Viewed 11315 times by 2239 viewers
annalyn is a Technews Columnist of the Manila Bulletin, one of the Philippines most widely-read English broadsheet. You can find her blogging at http://www.annalyn.net, which is her main blog, http://www.weddingfactsheet.com, which is a wedding blog and http://www.balutpenoy.blogspot.com, a food blog.














Hello Annalyn. True, there is no entity in our country that truly supports entrepreneurship. I remember when I helped my sister in starting her business. Bago sya kumita, yung government na ang nauna.
Sometimes, we see government people in public talking about support with SMEs but there is no efficient machine to really help. At yung DTI na yan, inis na inis ako. Isama na rin BIR na ang daming etcetera eh pagdating naman ng filing ng tax, pahirap pa rin.
So, paano magkakaroon ng interes mga PInoy na mag negosyo eh sa umpisa pa lang eh dami na etcetera.
Marami din matatalino sa atin. Masipag. At kamukha ng sinabi mo, maarte. Masyadong spoiled. Di naman pangit ang pagkakaroon ng preference pero sana naman eh matutong mag umpisa sa ibaba para pag nasa taas na eh malawak na maging pang unawa.
Tamang-tama ka Rob. Yung comment ko about the workers, hindi naman general. Dala lang siguro ng disillusionment ko sa mga namamasukan na puro arte. Let’s face it, kaya di mapakali ang mga workers kasi naghahanap sila palagi ng mas mataas na suweldo. pero from a business perspective, malulugi ang negosyo. Naalala ko tuloy ang friend ko na binibigyan pa ng LOAD ang katulong para lang tumagal sa kanya.Araguy.
I feel you Annalyn. Eto. When I was in Business School, umuwi ako in Manila to put into action yong Business Plan ko. Nasa US pa lang ako, I was already happy dahil online chorva na ang SEC, online checking business eklavu na ang new biz registration ever. Leche! Maniwala ka dyan!
I hired and paid exorbitant fees for someone to make lakad my papers sa SEC and DTI. An taggggaaaallll! So, may I go home ako at ako pa mismo ang nag-lakad. Hindi pa naman na sanay ako sa init! Leche! Matutong tutong ako sa ayuf na init!
Project 1: SEC! Leche! Daming papel na pirma! Dahil bago ako sa Manila, inis ako sa system na ganito, nagbayad ako nang runner. Solved.
Project 2: DTI! I have a friend na tiga DTI, indi umubra. Ako mismo naglinya. Eto nakakatawa. Sakto impunto ako na ang neks human being to be serviced! Punyeta! Alas dose! LUNCH! Waaaaaaaaaa! Waaaaaaaa!!!! Alam mo yon?! Pinabalik ako nang hapon! Leche! Linya uli!
So ayun, after about 4 or more pa siguro hours of linya, nakarating kami sa REYNA. ni-review ang papers. Indi nagustuhan ang name. Yong name kasi merong “Village” ba’t daw namen lalagyan eh hindi naman kami subdivision. Tama nga naman. Pero leche! Like… “Internet Village” EH ANO ANG PROBLEMA NYA NUN?! Para kaming kangkong nang kakaisip nang name in 1 second else lilinya na naman kami sa impierno! Grrrr! Kelan sila nagkaron nang powers na palitan ang biz name??? Biz name is a strategy na dapat sa owners lang at di sa kanila unless na meron nang licensed at registered na di mo na pdeng gamitin. EH HINDI EH! Ni-research na namen yun eh!
HINDI PA TAPOS ANG LITANYA KO! hahaha!
Neks! Mayors Permit. Sa City Hole. Noon ko lang nalaman, na hindi pala kami ang DAPAT mag work nang permit sa City Hole. Sino? Ang Barangay Captain. Kanino kami magbabayad nang fee? Sa Barangay Captain. SAAN KA NAKAKITA NANG GANUN?!
Sa barrio, ang mga kapitan natin, kala mo mga tiga-walis din ng kalsada. Pero dito sa metro manila, wow, naka Rav4 pare. Malakas ang kita ng mga Barrio Captain sa city kasi lahat ng business, dumadaan muna sa kanila. Election sa mga BF Homes lang, talagang pang-national ang mga budget…
HINDI PA TAPOS ANG LITANYA KO! hahaha!
Neks! Kelangan merong kang fire extinguisher at baka merong kang box nang posporo na sasabog sa kung saang kanto nang business mo.
Saan namen binili? Dun sa nag-lalakong tiga fire department.
Saan namen nilgay? Dun sa lugar na sinabi nya “according to fire requlations” chorva.
Balik nang balik ang leche every week. Kinukumusta kami. One time ibang mukha ang dumating. Mali daw ang lagay nung fire extinguisher. Me multa daw kami. Ha?! Saan daw namen binili. Sabi ko – senyo! Sino ang nag-ligay? Kasamahan mo. Aregluhin na lang daw! Ha/!
HINDI PA TAPOS ANG LITANYA KO! grrr!
Neks, an tagal nung business permit! Expired na yong temporary leche chorva! Go kami sa Kapitan. Pipilitin daw nyang ma-asikaso kasi bz daw sya. BZ!!! Ok? Alam mo yon? Dahil me okasyon sa bahay nila.
Pinagbibit kami nang fundador at lechon! Grrr!
hahahaaaa. totoong-totoo ang sinabi mo Reynz. Step 1 pa nga lang ako sa DTI, inabot na ng sampung taon. What more pag kukuha ako ng fire extinguisher. I hope naman me natanaw kang gwapo sa pila nung inabot ka ng lunch breyk?? Consuelo de guapo baga…lech.
Babalikan ko si Rob, mag-aalmusal lang ako. Gutom na ang negosyante con corporate saguiguilid. Grrrr…
eh kung dun nga sa PAGCOR, me aircon na, naliligo pa ako sa Pawis nakaa! gustuhin ko man maging pokpok nang araw na yon, lahat ata nang damit na nakasabit saken eh basang basa na nang pawis kaya hirap mag-pacute sa mga pumipila hahaha
I wonder kung anong business nung monkey sa litraks.
Silver, yan ang tinatawag na Web Monkey, hehehe.
Bilibit or not, meron akong kakilala na monkey business talaga. He raises monkeys, hehehe
Web monkey?
Sapot unggoy in Flipino. Parang spider monkey din. Haha.
Ang lalem ng iniisip ng unggoy na yan. I wonder ilang milyones ang sweldo nyan.
PAMAHIIN!
Monkey signifies kamalasan.
Walang mga sugarol especially sabungero na lalapit sa unggoy o nag raise ng unggoy.
Phillipine Airforce:
pinagbawalan na may pet na unggoy ang mga piloto. dahil noong kapanahunan may haka haka na halos lahat ng pilotong may pet na unggoy lahat ay minalas – nagka plane crash halos lahat. coincidence?
Waah. Di ko alam ang pamahiin na to. Thanks for the heads up, Darbs. Yung Air France pilot kaya me pet monkey rin?? duhhh
buti na lang nagtitinda lang ang nanay ko ng barbecue sa kanto at di na kailangan ng business permit!
BWAHAHAHA! ano baa dinahhh!!! hahaha!
ayaaaan ayan ng sinasabi ko kaya di matuloy tuloy yung maliit na bisnes na dapat bubuksan ko e nandyan si meyon,si gov,si tongresman,si brgy captain,si brgy tanod susku poooo kaya nga kahit gusto ko ng umuwi at mag bisnes nalang diko magawa dahil sila lang ang ipaghahanapbuhay ko pramis.
naka lee! kaya nga tawag City Hole para pagbayad mo nung business permit, andun sa hole ang mga buwaya! hahaha
tama ka dyan kamahalan my post sana ako na kahawig nyan hahaha kaso ayokong mag contribute ng post na maaalala ko kalitsihan ng mga buwayang yan kaya tinapon ko nalang yung post na yun gusto ko maiba naman ang topic na iko contribute ko hahaha
Nakakalungkot naman ang ahensyang ito, kaya maraming ayaw ng magnegosyo dahil sa kanilang inefficiency.
OT.
@Snow, i have a problem accessing your site. it was giving me blank page. just now i refreshed the page at least 3 times. and when i finally had a chance to access the page another problem came up when i sent the comment. the message says “Error establishing a database connection”
“But doing business just to pay exorbitant rents is another form of slavery altogether.”
Ang SM malapit sa amin, ang daming botique nagsasara. Kaya mahal kahit na kasing quality lang ng mga Divi products, eh mahal ang renta. Pero yung isang Uniwide, kahit na gutay gutay na yung mga ceiling heat insulation, siksikan ang mga “botique” kasi mas mura ang lease. Hindi nga kasing sanitized ng SM pero business seem working…Like Greenhills, Baclaran, street food business,etc.
“But doing business just to pay exorbitant rents is another form of slavery altogether.”
tama yan! nung nag-apply kami nang space sa SM sa Sta Mesa, yung bago, leche hirap, minsan yong mga attitude kairita.
when they become an 800 lb gorilla pati ugali nagiging gorilla palibhasa demand is high
true ka dyan kamahalan, never akong namili ng basura sa SM (sorry basura yes basura) ang mamahal pero walang quality e dito din naman kasi galing, kilala ko yung manager na nakaupo sa mall of asia assistant nung anak ni henry sy dito siya ang pumupunta at namimili pero mabait naman sya, yung ibang mga small timer ang syang mayayabang umasta sa SM.
nung nagpa-register ako ng business (i-cafe) ko, pinabili ako ng fire extinguisher ng fire department… tapos hindi ko rin ako nakakuha ang mayor’s permit, kasi yung inuupahan kong building bagsak sa zoning, lagpas daw sa poste.
e sampung taon nang nag-e-exist yung building. hindi ako ang unang tenant dun, yung mga nauna nakakuha ng mayor’s permit.
tsk! heto, nagba-blog na lang ako
ROY! you reminded me of another LITANYA ko hahaha! ETO:
So we rented a place. Ngayon, we made improvements dahil nga me motiff ang business ko.
So the work started. Me dumaan, tiga-City Hole. Hinanapan kami nang Building Permit. Sabi ko, why? Dahil kelangan daw namen. Por wat? Kasi daw required.
LECHE! Pati me-ari na shock! Result? Napilitan kami. Hulaan mo kung sino ang nag-trabaho nung permit! At masasabi ko – hindi kami. GRRRR!
hahaha! may instant runner kayo hehe…
tama si Annalyn, mukhang pwede nang isang post ang mga litanya mo
‘City Hole’ i like that term hehe…
HINDI PA TAPOS LITANYA KO! hahah eto na naman!
Let’s talk BANK LOANS THIS TIME! Leche! Hmpt!
So, may I go ako sa isang bank dahil i have been banking sa kanila for years. Naki-usap ako how to loan and how much.
LECHE! NA-SHOCK AKO! Ang say, I deposit P100,000 so that i can loan P100,000!!!
~kablag~
“I deposit P100,000 so that i can loan P100,000!!!”
Hahaha. Parang yung mga nagpapautang para study abroad. Kelangan mo ng show money para visa application – maliban sa babayaran mong docu stamp, kelangan mo ng 1.5 million, may advance payment aside from the 4%monthly interest. Estudyante nga eh, anong pambayad sa interest?
dFish!!!!
ganyan na ganyan ang nangyari sa pamangkin kong tiga-Surigao!!!!! hahaha!
she passed this (i forgot) scholarship and she chose Drexel University sa Philadelphia para nga malapit sa bahay at dun na tumira saken.
amfffftaaaa at dinale yong tatay nang kelangan nang sandamakmak na pera sa bangko, di umubra yong support papers na pinadala ko! ang galeet namen hahaha
she graduated now sa Ateneo de Manila
Reyna, dapat yata i-blog mo na ang business experience mo..mukhang mas marami ka pang nakakasindak na experience sa kin, hahaha. Abangan ang susnod na kabanata
Tungkol naman sa usapang SM, grabe rin talaga ang SM and don’t forget the Ayala Malls. Bukod sa mahal na rentang babayaran mo, me percentage share pa sila ng kita mo.
i blogged this whole experience sa Reyna Elena and i presented all these problems sa class ko nung nasa business school ako kasi part eto nung business plan project ko sa MBA, nabuang nang kakatawa mga kaklase ko hahahaha
hanapin ko and retoke ko for barrio readers hahaha
tutuo yan Reynz. nag-work ako sa bank, at na-assign ako as loans clerk.
ang pinapa-utang ang yung may pera lang, kung wala kang pera hindi ka makaka-utang, kasi nga naman wala ka daw pambayad.
ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan mangutang ng may pera?!
pero palagay ko Reynz hindi yun P100,000 for P100,000. ang alam kong pinapa-utang (maximum) is 70% of your equity, some are even lower.
so yung P100,000, ang mauutang mo lang is P70,000, pero naka-hold out yung buo mong P100K
Imagine?!
hahaha! true yang P100k na utang na yan! at minura mura ko yong kebigan ko.
eto ang solusyon nila. go daw ako nang BPI dahil meron daw silang P50,000 microloan.
GETZ MO?! pinapunta pa ako sa BPI eh ANDUN na ako sa kanila! taz micro loan? anong gagawin ko nun?! GRRRRRR!!!!
Reynz, may business ka pa ba PInas?
hahaha! parang tinataboy via referral hehe…
Exciting pag nai-blog dito ni Reynz kasi kumpleto recado with anecdotes and feelings. Haha
Masyado rin talagang mautak ang mga bangko. Although sabagay sa panahon ngayon, they really have to be careful, kasi baka bukas wala ng trabaho ang pinautang nila. Panay nga ang bigay nila saken ng credit card application eh. Imbitasyon sa panibagong utang? sabi ko, no thanks na lang
[...] related post on Barrio Siete: Mag-monkey business na lang tayo Share and [...]