Home » Buhay sa Barrio Siete, Byahe at Lamierda

maglaro tayo nang apoy

29 June 2009 31 Comments

IMG_0782

Ang sabi ng matatanda wag maglalaro ng apoy, na masama maglaro ng apoy… pero ewan ko ba baket gustong gusto kong maglandi ng apoy. Bata pa lang ako, mahigpit na ang bilin ng nanay ko na huwag maglalaro ng apoy ever… madalas napipingot ako dati pag nahuhuli akong nagnenenok ng posporo para pangsindi dun sa niluluto ko sa mga palayok palayokan, eh pano ka ba naman makakaluto noh kung walang apoy… hmm feeling ko kaya di ako marunong magluto hangga ngayon kasi naudlot nung nagaaral pa lang ako ng luto-lutuan!

IMG_0781

Kaya nun nakita ko ang mga dragonista na ito na rumarampa nung nakaraang fiesta sa amin, inggit ang lola nyo… .

IMG_0779

… naisip ko buti pa sila pwedeng maglaro ng apoy, at sigurado nun mg abata sila di sila pinipingot pag nahuhuling naglalandi ng apoy.

IMG_0778

Pero the show must go on, sige lang ang rampa, mas malaking apoy at mas magandang kembot mas malaki ang tipangga na makukuha. Okay lang sa kanila maski magkano iaabot mo, pero sisilipin nila kung magkano ang nilagay mo sa sobre at hihiling na ate dagdagan mo naman – dalawa kaming magbubuga ng apoy. Hayss! Ang hirap talgang kumayod ng pera ngayon…

boracay-fire-dancers

feeling ko magandang raket talaga ang paglalaro ng apoy… maski kasi sa boracay, paglalaro rin ng apoy ang in!

boracay-fire-dancers-2

at in perness ha ang galing nilang sumayaw at kayang kayang sabayan ang beat ng tugtog. Pansin ko rin, magaganda ang katawan ng mga fire dancers sa boracay, pero nakalimutan ko sila tanunngin kung requirement ba yun.

boracay-fire-dancers-6

parang gusto ko tuloy ulet maglaro ng apoy! kayo gusto nyo rin?

Related Posts with Thumbnails

Viewed 9335 times by 1590 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
pusa is a skinny lazy cat who doesnt drink milk, hates vegetables, loves to sleep, caffeine addict, sentimental cynic, boyish, bading, childlike, weird, great procrastinator, eternally confused which is right or left, loves taking pictures and love the philippines. you'll find her blogging at http://heyokity.com or at http://www.myukayukay.com/. she's a corporate manager for an architectural and engineering outsourcing company offering a broad range of technical services to international clients based in Makati.

31 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.