Home » Business and Politics, Chizmiz sa Barberya, Opinion

Mahal ang Kuryente Pero May Power Shortage?!

16 September 2009 22 Comments

MeralcoBill

Photo harbat here.

Tanong sa mga ka-Barrio Siete: MAGKANO ANG BILL NYO SA KURYENTE?

Sa amin, ang bill ng kuryente sa bungalow ko? Aabot lang naman ng 2,000 pesos a month. Ang mahal di ba? I bet meron pang mas mataas dyan sa bill kong yan. How about 3,000 pesos a month?? 4, 000 pesos a month??

At ang matindi pa nito, buwan-buwan nagtataas ang bill natin sa kuryente. Buwan buwan na lang. Every single month, may dumadating na bill sa iyo, kung ano ano ang laman na breakdown na kadalasan di maintindihan ng common juan then makikita mo din ang pagtaas ng bill mo.

NAKAKAIRITA. Lalo na kapag nabasa nyo ang balita na ito:

The Philippines is facing a looming power shortage that may last beyond 2010 if left unaddressed, the Department of Energy (DOE) said.

Domestic power plants can only generate 1,020 megawatts (mW) of electricity, just one-fourth of the Philippines’ requirements of 4,100 mW next year, the energy department said in a presentation outlining its P933 million budget for next year.

The electricity shortage has already resulted in black-outs in the Visayas region last year and may result in further power outages in Mindanao this year and in Luzon next year.

Despite the power capacity lack, Energy Secretary Angelo T. Reyes appeared hesitant to ask the President to declare a state of emergency in the energy industry.

THE WHAT?!?

Ang mahal ng bayad natin sa kuryente then may looming power crisis next year?? Anong kalokohan ito? Saan ba napupunta ang binabayad namin sa mahal na kuryente?? Leche, buti pa ang PETROMAX sa barrio dati. Walang power crisis.

E ano naman itong nabasa ko:

“This is not a one-dimensional problem of supply. Of course it will impact on tourism and investments,” he said.

Ha?? Ano nga po ulet?!  Naloka ako sa phrase na yan ah.

Before sila magsabi ng power crisis ek-ek and knowing na palaging nagtataas ng bayad sa kuryente ang mga animales na ito, why cant they address the public about the real deal in the energy sector? Saan ba napupunta ang malaking halaga na binabayaran namin?

I need EXPLANAYSHUNS sa issue na ito. Ano ba itong mga ito?? Ang mahal ng kuryente tapos may power shortage pa?

Teka, makapagsibak na ng kahoy na panggatong para sa 2010. :P

Related Posts with Thumbnails

Viewed 8852 times by 2373 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.

22 Comments »

  • Reesie says:

    we all have the natural resources to create power/energy, pero bakit kulang tapos ang mahal pa!! kainis!

    • Rob says:

      Nagtataka rin ako dito sis, napaka yaman ng bansa natin sa natural resources and here we are listening to this bullcrap. Hanggang ngayon ba tingin ng mga korporasyon na ito na kaya nila utuin lahat ng Pinoy? Kakapal ng mga mukha.

      Teka, di lang sa electric…Ang dami pa mga utility companies dyan na ang daming etcetera.

      • silver says:

        Precisely.

        I am wondering kung bakit nagkanda-kulang kulang ang mga resources na yan samantalang we are DEFINITELY rich in those resources.

        I smell something fishy here.

  • Chi says:

    huh!? naku magkandila na lang! mura pa. LOL. ngak! pano na ang computer?????? d pd ng kandila!!!!! litsi!!!!

    • silver says:

      Chi,

      Pwede naman ang pugon at de-padyak para sa computer. Meron akong computer, pentium 3, de-padyak – all in one na PC at barbecue grill. Pag uminit pwede na akong mag-ihaw ng karne sa ibabaw.

      ROFL.

  • Glo says:

    meralco yan silver di ba?? pag electric coop dito sa barrio siete ko, as in 3 folds yata ng mahal. ang aming bahay kubo sa barrio, 3 thousand ang monthly electric bill. ang totoo wala pang 1500 yan. eh ang DAMIng additinal charges. like yung mga loans ng coop noong panahon pa ni mahamo eh binabayaran pa rin namin. i was told ang tindi ng corruption sa mga electric coops. we pay a really huge amount for the crappiest service.

    hayyy.

    dito naman sa bahay kubo ko sa city, ang gamit lang 2 desk fans, isang, 2 energy-saver bulbs at saka isang plantsa i use once a week. ;) 6nasa 610 pesoses na yan manay!

    ang tindi.

    • silver says:

      O di ba? Ang mahal mahal ng charges nila sa kuryente. Kesyo nagtaas or scarce ang mga ganito chakaness tapos ang service is CRAPPY.

      Tapos ito pang may power crisis ng 2010?!?!

      Nakakapagtaka na naman.

      • Glo says:

        imagine may geothermal din dito, sa kabundukan ng sorsogon andun ang PNOC (Bacon-Manito) at katabi nya ang NAPOCOR.

        di ba dapat ang unang makinabang sa producto ng geothermal power eh ang bayan kung asan ang source nito??

        eh BAKIT pagka-MAHAL MAHAL ng kuryente in this place???? sagutin nga nila yan in my face??!!!!!

        maraming bulsa ang napuno ng pera ng electric coop. palit-palitan lang sila. one after the other. ang service di naman gumanda. laging brownout, without notice pa. lumakas lang ang ulan, papatayin nila ang kuryente!

        pag sumabog ang transformer sa malapit sayo, sasabihin milyones ang halaga at oorderin na nila sa japan or somewhere else. ten years daw bago dumating sa barrio ang inorder na transformer. so sa lagay pala WALA SILANG SPARE? sa dami na ng binayad namin sa kanila…di sila makabili ng spare ng kung anik-anik na gamit. putek talaga pag di lahat ng may sungay lumabas sa bibig mo pag electricity services ang pinag-usapan dito. kaya kami dito, pray na lang wag sumagot si transformer. kasi kahit walang bagyo, brownout sa baryo for 10 years.

        pag nag-reklamo ka sa electric coop, sasabihin nila ang mahal daw kasi ng binabayaran nila sa napocor. sasabihin naman ng napocor bakit daw bibigyan ng kuryente ang electric coop eh di daw nagbabayad, dami daw utang sa kanila. ano ba talaga kuya?!

        sana nababasa to ni sonny escudero ko kaya ni chiz. kasi nasa bakuran lang nila sa buhatan ang main office ng SORECO II. well i just really wanna say one thing. F**K SORECO II!!! PI nilang lahat. i won’t be surprised if some group will just blown those 2 suckers (soreco and napocor) up, out here.

        coop di ba??? so ang consumedores kuno eh may share sa electric coop. ASAN NA ANG SHARE namin??? late 70s pa ang kuryente sa barrio at isa ang bahay namin sa pinaka-unang nagpakabit. HELLO??!!!! year 2009 na. tapos ang LAKI ng bill namin lagi?! PIIIIIIIIIIIIIIIII talaga nilang lahat!

        opppppssss sorry for the rant. it’s that crappy out here and nobody else seem to be complaining. so akala ng mga hayup na yan matino ang service nila. well for the record. ang mahal ng kuryente for the crappiest service in the whole world!

        BOW! ;)

  • Mel says:

    sabi nila after ma-privatise ang supplier ng kuryente ay mag-iimprove na raw ang service at wala nang power outages.

    mga sinungaling!

    eh halos kada sabado dito sa bukid walang kuryente! ang bill namin 3k on average. sa bahay less than 1k. mas mahal yata mag charge ang mga coops kesa corporations.

    • malensky says:

      shucks, magka-barrio tayo mel. kahit pyesta, brown out sa bukid…tuloy laging napapanis yun buko salad namin haha

      PS, effective ba yun mga power saver device na worth 2K yun nabibili sa sm hardware?? guaranteed bababa daw ang kuryente ng at least 25-30%. trulalooo??

      • silver says:

        Mel,

        Hindi ko din maintindihan ang pinagsasabi ng mga bwiset na ito. Ang mahal mahal ng kuryente, minsan inuuna pa nating bayaran kesa sa pagkain tapos may lalabas na balitang may POWER SHORTAGE daw??

        Oh c’mon! May hidden agenda na naman ang mga punyemas na ito. Dapat klaruhin nila sa general public ang mga ganitong balita.

        Malen,

        Di ko alam yan. Yan ba yung naimbento ng hapon something something??

  • Monique says:

    Isa din ito sa current na issue sa Barrio namin sa Mindanao. To think galing pa sa geo-thermal plant and not completely sa oil ang nagpapatakbo ng kuryente sa Mindanao ha!

    Mahal din ang electricity sa amen! reklamo na ang beauty ko dahil nadiscover na ng janakis ko na merong technology called Air-con! lol!

    ito yung link re: Looming Power crisis in Mindanao

    • silver says:

      Naka monique,

      Kaya nga awa at habag ako sa mga kababayan natin sa rural areas na alternative nga ang source ng energy nila tapos sila pa ang nagbabayad ng pagkamahal-mahal.

      And to think na minsan, mas inuuna nila ang kuryente kesa sa pagkain, right??

  • reynz says:

    monique,

    andun sinulat na pala ni Glo! hahaha eh samantalang ang Tiwi Geothermal eh nagbebenta pa nang sobrang koryenta sa National Power chorvalais di ba? geothermal, galing ki Lord, although equipment lang nila ang ginamet pero kung kuomolekta talo pa comolek!

  • pusa says:

    hay nakows eh me chorva kanina sa news na ang power shutdown daw sa 2010 eh sasakto sa araw ng eleksyon bwahahahha kaya kung maari eh ngayon pa lang bigyan na ng “special powers” si gloria macapal arroyo para ma-prevent! what d heck???

    tara magipon na ng panggatong at candles

  • Snow says:

    Napapansin ko lang, kapag malapit na ang eleksyon nauuso yang power shortage.

    • Monique says:

      Sinabi mo pa miss snow!

      @Mel, naalala ko sabi ng isang bossing ko dati sa davao, ngayong meron na daw Electric Power Industry Reform Act eh dapat daw mas mura na ang electricity natin… aba aba… wala naman yatang nagbago… mas mahal pa nga.

  • [...] No kidding?! Electric Coop? Will bring the price down? Of course, I can’t argue with Mr. Del Mundo, he is an authority in this subject. Pero subukan nyong pumunta sa Barrio namen sa Bicol o kaya sa Gubat, Sorsogon na lang kaya, sa barrio nang isang kasamahan namen sa Barrio Siete – as in 3 folds pa kamo ang mahal! [...]

  • [...] This post was mentioned on Twitter by Silver. Silver said: RT @tweetmeme Mahal ang Kuryente Pero May Power Shortage?! | Barrio Siete http://bit.ly/9fvnDY [...]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.