Mahalaga sating mga pinoy ang edukasyon
Mahalaga sating mga pinoy ang edukasyon, parang nagiging priority pa nga natin kesa sa relihyon. Walang masama kung mag ambisyon tayo para sating mga anak na maibigay sa kanila ang pinakamaganda at pinakamataas na antas ng pinag-aralan. Minsan nga sumosobra na ang pagpu push na ginagawa natin sa kanila, ngayon natin na realize yung ginagawa satin ng ating magulang nung araw na nayayamot na tayo minsan sa kanila na ngayon ay inaabot na rin natin sa ating mga anak.

Photo Credits: Valenzuela City: Barrio ni Malen
Sa kagustuhan kong mas mabigyan ng magandang edukasyon ang aking anak, at the same time makasama sya sa labas ng bansa habang akoy naghahanap buhay, pinasya kong kunin silang maglola na dun na muna sakin mag stay at dun na rin sya mag aral muna (south asia).
Since sa isang british school ko sya ipapasok aba e dapat naman magaling mag inglis ang anak ko. That time mag-e eight yrs old pa lang sya at katatapos lang ng Grade 1.
Habang nasa bus kami paluwas ng maynila para ayusin yung mga papel nila paglipad, naisipan kong subukin ang inlish na nalalaman ng aking anak.
AKO: anak, sige nga speak ka nga ng inglis, ayun my lobong lumilipad, pano mo sasabihin yun sa inglis?
SON: ,theeere, the flying is the baloon—
AKO: ngaaaaaaakkkk! Anak mali yun, di ganun—
SON: pano po?
(ok, I have to understand my son since nobody use english at home)
AKO: ganito anak, theeere, the baloon is flying away—
(nasamid ng mineral water na iniinom yung katabi ko)
Nakarating na kami sa Edsa, pagtayo namin habang papalabas kami ng upuan (tatluhan kasi nasa my window side sya,middle ako at sa saide yung mama) hinimas nya sa ulo yung anak ko at ang sabi ba naman e—
Cute boy, like mother like son—
Abah syempre tamis ng ngiti ko like mother like son ba naman e—- teka — nakababa na kami,
Ulangyang yun ah, nagoyo ako, diko nasakyan kagad ang damuho nangiti pa ko e ininsulto nako ng mokong.
Ok to make the story short (kakaumpisa ko pa lang ang haba na kagad e) ayun nag-enroll yung bata at ang gusto nung British na Principal e mag start nanaman ng Grade 1 yung anak ko since sabi nya e this is a British school daw at very high ang standard, oxford standard kunu—
WHAAAAT???
No, sabi ko, Im not agree—
He has to continue, Im confident na fit sya for Grade 2 since he start studying at the age of 2.
Ok,fine, fair sabi nya but he has to take an exam before he proceed to Grade 2.
Ok, natapos ang exam, bumilib sya aba e kala yata nya ang edukasyon sa pinas e puro laro lang pag ganyang edad.
After 2 years of studying outside Phil nakikita kong parang tinatamad na yung bata at nag iiba ang ugali, nagiging spoiled na gaya nung ibang mga bata which is not good dahil wala sa family namin ang nang iispoiled ng bata, then my mother decided to go back home ang leave me again (singhot).
Ang moral lesson?
Di porket inglisirs at super mahal ang skul e maganda na at high na ang standard dahil sa nakita ko mas marami yung laro, kantahan, drawings, kainan ng mga bata kesa turuan sila ng mga academics at kahit na nagkakagulo sa classroom ay wala man lang akong nakitang sumigaw at nanaway na teachers.
Para sakin, the best pa rin sa Pinas, sa tanggapin man ng iba o hindi.
Viewed 23138 times by 6400 viewers
lee is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.














Korek ka dyan Lee! Actually, kausap ko lang wifey ko kanina at sabi nya eh hinto na raw muna anak ko sa daycare. Baket? Naboboring daw anak ko dahil mga tinuturo daw eh tinuro na ng wifey ko.
Hindi ko naman sinasabi na promil child anak ko pero sa observashun nya eh parang ang baba daw ng level ng tinuturo.
Di lang sa Pinas nangyayari yan. Pati dito tate, yung mga tinatawag na ISD, mababa level ng pagtuturo.
@Rob, ganun din ang inabot ng anak ko, sa sobrang aga nag start mag-aral nagsawa kagad at yung turo sa skul na napuntahan nya e para pang kinder lang o pang playgroup lang kaya na bored tinamad tuloy.
kaya yun ang nakuhang lesson nung sister ko, wag ipasok ng sobrang aga ang mga bata.
eh kasi dyan sa US ayaw nia ma-stress ang mga school kids! hello???? life is stressful al througout. kaya dapat maaga pa turuan na pano mag handle ng stress. para sa first broken heart eh hindi mag suicide yung bata. di ba???
@glo, tama ka dyan ganun din sa school na pinasukan ng anak ko abroad sabi nung british na principal let them play more, abah nagbabayad ka ng mahal para paglaruin lang ang anak mo e grade 2 na?
oo lee. i think pag tuntong ng bata ng grade 1,bawas laro na sa school dapat. para the kids can learn responsibility . di ba?
Rob, meron akong nabasang isang credible analysis sa state of education sa US – primary education in the US pales compares with the educational system say of Singapore. The US best excels in the grad school system, kasama na dito ang mga promil kids sa iba’t ibang bansa na naging iskolar syempre…They make US grad schools flourish with academic competitiveness…Reactions are welcome…
Gusto ko ang topic na ito.. salamat lee sa pag post mo nito.
Siguro naman bawat magulang walang ibang hangad kundi magkaroon ng edukasyon para sa mga anak, dahil ito ang pinakamahusay na ipapamana natin sa kanila… yan din ang madalas sambitin ng aking mga magulaang noon, dahil nga salat kami sa karangyaan sa buhay. ang pag igihan ang pag-aaral,upang makatapos para maging tuntungan para sa mga adhikain sa buhay.
tama ka dyan jeri! depende na rin yan sa bata kung papano sya mag-handle ng schooling nya. so wala yan sa school talaga. nasa bata yan.
however, role nating mga magulang na i-prepare sila bago pa pumasok ng grade 1. kahit pumapasok sa prechoool ang bata, we still teach them at home. like bulding up their study habits. so papasok nila sa grade 1, ready na sila.
@jeri, yan lang naman ang pwede nating ipamana sa kanila at alam ko at naranasan ko ang buhay ng di nakapag aral sa kolehyo kaya talagang push ako ng push sa anak ko na wag matulad sakin.
di madali ang buhay ng walang aral at di biro kaya gusto kong maibigay sa anak ko yung di naibigay sakin ng magulang ko.
speaking of promil user… si sen. Chiz Escudero promil user din pala yun kaya matalino.
pati pala si erap promil user din…. kaya lang Over use. he he he he
nyeh! hahahaha! promil user din anak ko dati. pero nung age 1 nagpalit na ako ng gatas. ang mahal ng promil kasi!
ngayon ilang years na kaming lactum. wala pang commercial ang lintek na lactum na yan, lactum na kami.
Anyone, nakaranas uminom ng dragon coffee nung kabataan nyo? Nasa pakete sya. Ito ang Milo namin noon…
@dfish, batang darigold yata ako hahaha, yung dragon diko alam
Ate Glo tanong ko lang po… me tampo ka ba ke Sen chiz?.. he he he
hahaha jeri,si chiz peborit yan ng sister ko,at pag tinanong ko kung bakit sabi lang nya cute,ngek!
@dFish.. Yung Milo di ba Ovaltine din yun.
Kasi sabi ng bunso ko ang meaning daw ng Milo ay “Masarap Inumin Lasang Ovaltine”.
hahaha oo nga noh, ganyan din kami nung mga bata kasi bihira lang kami makatikim ng milo at ovaltine kasi nung araw para samin luxury na yan lol
@jeri, di hiyang ang anak ko sa promil lol, namulubi ako sa gatas ng anak ko nung araw yung Gain ba yun?
@glo, tinry ko din sya sa promil kaso magkaka almoranas baby ko pag pinilit ko hahaha
lee ang MAHAL ng Gain! yan din ang gatas ng nephew ko kasi.
glo, ang side effect naman daw nung gain sabi nung pedia nya bukod sa masyadong hyper yung bata e, masyado daw nagiging advance ang isip at memorya pero pag my natutuhang bago madali ring makalimot kaya di rin maganda.
i have no clue what a PROMIL is. wa biro.
hahaha! palibhasa purita kami nun, ang iniinom namen eh katas nang NYOG. hahaha
EXPLAIN PLEASE hahaha
@glo, nakakahimatay hahaha.
kamahalan buti di ka nagtae ng nagtae hahahaha
reynz, promil is a formula milk. sila yung unang nagpa-uso sa commercial na apg batang promil daw eh matalino. because promil has formula that enhances brain activity ng mga bata.
glo,yun nga sana gusto ko sa anak ko nung 6mos na sya kaso di sya nahiyang, tigas ng u-u nya
kami naman noon eh kape de arroz. yung bigas na sinunog sa kawali yan ang kape namin. tapos sabi ng great grandma ko, buti daw yon at gamot sa sakit ng tyan! eh di inom naman kami. yun pala nagtitipid lang sila. kasi walang pambili ng coffee powder na ginigiling na coffee from the roasted coffee beans.
@glo, yan din ang kape namin nung araw hahaha
lee, naim-imas ti sigged ti kalluto nga inapoy. am nga kunada, laukam bassit asukar, ayna ken imasen ti ubbing. he he he
wen, agpayso mamati ak kinyam lakay
Nung bata ako, yung gatas na liberty yata yung aking iniinom…tapos nasa grade 1 nako nakamamador pa rin, gamit ang liberty condense milk.. jowk! he he he.
jeri, am lang katalo na e lol
Kahit saan school man mag aral,high standard man yan o nasa low class, depende na rin yan sa bata kung papaano papasok ang edukasyon sa kanya.
kahit pa ipadala mo pa sa Harvard kung skul bukol din,..useless din.
Me ka-klase nga ako dati sa Saint Paul Univ. sa Tuguegarao,.. tinanong sya ng magulang nya kung kelan ba talaga sya ga-graduate, dahil magna na sya, as in magna-nine years na. Ang sagot ba naman ni kumag.. Next years po.
Jeri – ayos talaga mga comment mo. Fan mo na ako ngayun ang forever. hehehehe.Ganda ng post. Dami ngang Politico diyan pinag aaral mga anak. Para siguro d halatang magna rin. magna-nine years. hahaha!
@fatherlyours….totoo naman diba? nasa bata rin lang naman yan, at sa paggabay ng mga magulang.. Minsan kasi,marami rin yung mga estudyante na hindi nila iniisip ang kahalagahan ng edukasyon.. marami talaga yung “easy go lucky”.. buti kung anak ka ni ate Vi, para batiin ka na lang sa TV ng… I love you Lucky… heh!
nyahaha my fan na si lakay jeri, si manong mon pa fan nya
hahahaha! leche ka Jeri! seryosong seryoso akong nagbabasa! hahaha!
Meron pa mas masahol dyan kapitana…yung Suma… suma-kabilang buhay na ang mga magulang hindi pa nakatapos sa pag-aaral…he he he he
eto pa jeri: suma. SUMASAMPUNG TAON!
hahahaha.
SUMA-sangayon ako dyan ate Glo.. he he he
@jeri, nayahaha jeri ka talaga, alam mo sa totoo lang kasi nga since galing ako sa publik school gusto ko rin namang makapag aral ang nak ko sa Ateneo o DLSU man lang, naks manlang daw hahaha kasi kita mo naman ako eto parang taga kanto magsasalita ahahahaha.
@glo, kamahalan, ako naman SUMA-ma sa mga miron hahaha
ako SUMA-ma sa mga tomador ng alak!
hahahaha. pero retired na ako ngayon. i dont drink anymore.
hehehehe
@glo, sa sushyalan nalang ako nainom, cocktails nalang hahaha ek ek
me too cocktails na lang pag may pagkakataon. kaso dahil natural na tanggera ako eh sangkatutak na cocktails naman inumin ko. hahaha. kung lalake magbabayad. mag-re-reklamo! kasi mas mahal ang cokctails. eh kaartehan lang ang pag-gawa nyan. hahaah.
buti pa yung vodka straight, no ice. o kaya bourbon, make it double. o di ba? ang lakas ng sipa ng mga yan! hahahah.
lee sana magkita tayo.mag bar tayo kasama si kapitana.
my favorite though: dry martini. stirred not shaken! parang james bond! hahahaha.
alam mo meron akong martini shaker sa bahay ngayon. 2 years na sa akin, di ko pa nagagamit kahit minsan. hahahaha!!!!!!!!!
mali! shaken not stirred pala!
@glo, nung araw din tanggero ko lol kaso ang aga ko nagbisyo kaya ngayon sinisingil nako hahaha
@ Lee, wag na sa DLSU, nagkalat ang H1N1 virus ngayon dun.
@jeri, malamang dina uso h1n1 pag nag college na anak ko hahaha
akma ang post mo lee sa panahon ngayon na talagang gusto nating bigyan ng magandang education at ating mga anak.
ako din, pinili kong ilagay ang anak ko sa isang private school na catholic school dito sa city na pinaka-malapit sa barrio namin. kasi kawawa naman ang mga bata dito na nasa public school (kung saan ako ang-aral dati).
kasi wala na silang ginawa kundi magwalis at mag-alis ng damo sa grden ng schoot at mag-igib before mag start ang klase sa umaga. then ganun ulit bago mag=uwian sa hapon.
kaya ngayon eh kayod marino ako. kasi mahal ng tuition. lahat ng bilihin pa sa school na ito eh puro mahal. like books at PE uniform. tyaga na lang ako. kesa naman sa public school sya.
excuse me!!! sosyal na to! nung panahon ko, pinag-lalampaso kami sa lecheng marcos type building. taz sa hapon, bubunutin namen mga damo sa ilalim nang mga kamoteng kahoy nun! putik na putik ang lola no! kaya wag nyo akong sisihin kung ako eh me bahid nang putikan hahaha
hahahaha! oo lampaso to death din ako noon. with matching kuskos sa sahig ng mga dahon ng madre de cacao para pamatay sa mga surot!
nagtanim kami noon ng pechay, monggo, kamote, kamoteng kahoy sa school. elementary yan.
OMGGGD! hahaha! true! true! lecheng madre cacao na yan! and because we hate it, sometime we use yong dahon nang saging di ba? kaya ang hita ko nun mistulang barko! punggok na ako, barko pa hita ko!
kami elementary! talagang kamoteng kahoy pinatanim samen.
eto ang kakainis!
kanino ang ani?! sa lecheng principal!!! GRRRR!!!!
yes reynz. ang dahon ng saging kasi eh makintab sa sahig.
yes, sa mga teachers ang ani!
nyaaaaah anu vaaaah, ganyan din yung sabi ng anak ko twing dadaan daw sya dun sa public school palagi nalang nyang nakikita kundi nagwawalis nagkukuskos ng desk at nagtatanim ang mga bata ahahahaha.
kaya nga palagi kong panakot, sige kako pag dika nagsikap mag aral dyan nalang kita ipapasok hahaha
lee pareho tayo. panakot ko din yan sa anak ko! hahahaha.
@glo, nayayahahahaha mga ulangyang ina panakot e public skul hahaha.
sa totoo lang glo nung araw naman e di ako nawawala sa top sa klase tinamad nalang naman ako nung ang laging nao-onor e yung apo ng principal at anak nung head ng faculty, pero kahit naman tamad ako mag aral at never akong nagbasa ng books e di pa rin nawawala sa top kaya nga lang e dina ko kayang pagaralin sa college.
na-shock kasi ang anak ko na nag-iigib ang mga bata. then yung iba naka-tsinelas lang. tapos daw naglalakad papuntang school. kasi yung public school sa barrio namin eh 1 km from our house. mga bata lakad lang sila. ako din noon lakad balikan. may baon lang na lunch.
@glo, ganyan din kami nung araw lakad lang talaga hingal pagdating sa skul tapos ang aabutan mo exercise nalang kasi tapos na flag ceremony hahaha
by the way english speaking din ang mga bata sa school ng anak ko ngayon. ang anak ko naman eh noon pa taglish magsalita. he started sa preschool since the age of 2.5. of course puro laro lang nung una. nung kinder at prep na saka na tutok sa mga lessons in preparation for grade 1.
gusto ko dito sa school nya ngayon kasi mahigpit sa rules ang school. mga madre kasi. peti gupit ng buhok eh 2X3 dapat sa mga boys. sarado ang mga gate at bawat gate ehmay guard na may batuta at baril. no ID no entry pa. di papalabasin ang bata habang wala pang sundo.
eh sa public school? ang daming milagrong nangyayari kasi very open ang compound ng school. kahit sino eh puedeng pumasok. takot ako sa ganyan. di priority ng public school ang safety ng mga bata! nakakatakot.
saan sya glo? Colegio de la Milagrosa? andyan pa ba yung school na yan? my cousins are still teaching sa School of Arts and Trades and di ko na alam kung what happened ba sa Sorsogon Provincial High School, ano na yung school na yun?
also, there’s another weird sounding school dyan sa Sorsogon nakalimutan ko pangalan hahaha
oo sa colegio de la milagrosa si raine. it is now called st. louise de marillac collge of sorsogon.
ang sorsogon provincial eh sorsogon national high school na.
SCAT is now Sorsogon State College.
anong weitd sounding school?
some school ata sa pangpang where chiz teaches occacionally
marillac? national high school? state college? leche! wala akong tinamaan! hahaha! halatang di na naga-gawi nang sorsogon! hahaha
hmmmm…Aemilianum??? something like that. sa may pangpang yan yata.
hahaha milagrosa kakatuwa ang pangalan buti di naging st.andrews field, tagal ko nag isip dyan sa st.andrews field nalang e san andres bukid lang pala ang litsi
yun yun Glo! amelianum hahaha i have no idea why they have a name like that! hahaha Chiz teaches there! yun ang sabi saken nung pangkin ko
wow! chiz teaches there?! maka pag sit-in nga minsan. tell your pangkin to txt me pag may sched ng teaching si chiz dun.
hahahahhaa!!!!!
ambot kung saan galing ang name na yan. siguro pangalan ng isang blessed pari or madre.
GLO! MALI! hahah! TAUGHT THERE on a part-time basis. I think on weekends! SORI! SORI! hahaha! I don’t know kung he still does.
pero sa toto lang glo, kung dun lang sa ibang bansa na private na nga compare dito sa mga private satin sa pinas mas mataas ang std ng turo satin e, yun lang naman ang obserbasyon ko
yes lee mas ok pa rin dito sa atin ang private school. kasi nga may values formation pa ang mga bata. kaya gusto ko s Ateneo eh! sana doon makapasa anak ko ng college. at sana eh afford ko pa pag dating ng araw!
kaya ayun nga ayaw na ng aking mader dito ipasok yung bata hahaha lalo pa dito sa china mga graduates ng private schools di talaga maka english
Ate Glo, Grade-1 pa lang ako english spokening na ako…tulad ng.” Where is the Going?” at “Where is you Go?”,eto pa “You inside go?”….Tapos pag binabati ako ng titser ko ng Good morning ang sagot ko Gudbye.
waaaa jeri para kang bengoli kung mag inglish lol
Leeeeee…thank you for making me smiling tonight…
Meron dito public elem school – Colonel De Leon School – hindi ang titser ang nagrereklamo sa mga nag-aabsent. Its da ader way arawnd – madalas absent ang mga titsers. No argument – magandang investment ang edukasyon and starting young is exemplary. Sa public ako nag-elementary – pero parang ang galing ng mga titser, napakadedicated kahit na sumosobra minsan sa pagdidisiplina. Naalala ko- yung titser namin nung grade 3, pag dumarating, sinasalubong namin, binibitbit ang bag. Napakalaki ng respeto namin kasi nga magaling na second parent. Nag-build yon ng karakter namin.
Sa opinyon ko lang- medyo dapat i-modify ang grading system natin kasi it’s too hierarchical. Kelangan pa rin i-promote ang sense of equality sa mga kabataan, recognizing na bawat bata ay may kanya-kanyang kakayahan. Hindi yung pagdating ng graduation, isa lang ang parang dumptruck na naghahakot ng medalya. Kaya heto, post ko na rin ang 8 multiple intelligences na sa tingin ko ay worth trying sa educational system. May mangilan-ngilang adventurous schools na rin sa Pinas ang sumusubok nito. Pili ka na lang kung saan si bunso o ikaw mismo nag-e-excel:
Linguistic intelligence (“word smart”):
Logical-mathematical intelligence(“number/reasoning smart”)
Spatial intelligence (“picture smart”)
Bodily-Kinesthetic intelligence (“body smart”)
Musical intelligence (“music smart”)
Interpersonal intelligence (“people smart”)
Intrapersonal intelligence (“self smart”)
Naturalist intelligence (“nature smart”)
nyahaha @dfish alam mo sa totoo lang nung nagaaral pako diko kasi pinapansin yang english subject kaya eto di ako maka english ng matino, pero infairness ha dito sa ibang bansa wala kahit isang namintas ng english ko— kasi parepareho kami ng english hahaha.
Obviously, language is only one type of intelligence. Sa tingin ko – summa cum laude ka sa tsikahan intelligence also known as interpersonal intellligence.
@dfish, palagi akong napapaupo sa likuran sa tabi ng cr at basurahan dahil kahit pipi makatabi ko nagiging madaldal nahahawa sakin hahaha
naranasan mo na bang mapag tinda ng titser mo ng pakumbo at samani sa loob ng room?habang sya naman e nakikipag chismisan dun sa kabilang kwartong titser
@dfish, yan ang malaking frustration ko sa buhay kahit na nga matagal nako dito abroad di natino english ko hahaha kasi nga palagi akong nasa lugar na di naman english ang first language kaya lalong nagiging worst ang english ko
kahit wala akong anak, dahil nga frigid ako’t di ako mabuntis, i still can relate to this entry. marami akong pinag-aral nang nursing. hehehe! hindi na mga bata. me mga bigote pa ang mga gago.
but i sent a number of my nephews and nieces to school. puro lang nga mga impakto. tingnan nyo, puro mga walang trabaho hanggan ngayon. yea, it’s not the school. it’s DA PERSON. kahit na ilang harvard ang ipasak mong certificate sa angog nila, wa epek yan.
but nung nag-decide mag-schooling ang sis ko back to the Philippines, bitbit nya anak nya which was my pangkin. i sent her to Reedley dahil yon ang inaprub nang principal nya here sa Philadelphia. 3 years ang pangkin ko there bago bumalik nang Amerika.
what i found out, hanggang Grade 7 pala sila. in the US, sa school nang pangkin ko Grade 8. and i also found out na sangkaterba na pala ang mga international school in the Philippines so yong curriculum nila is not parehas with the rest.
to me this is not fair sa mga tiga-barrio who cannot afford. and i guess pagdating sa workforce, malaki ang deprensya.
now, considering na sa pinas pa (my niece is back here in the US now) graduate, hindi na naman papansinin ang mga ka-barrio ko.
feel ko ata nang todo ang ma-discriminate dahil barrio siete grad ako.
so, i guess what I am hoping was a standard grade sa lahat nang schools dahil kahit international school sya, accredited naman sya dapat nang CHED di ba?
so why not follow the same rules just like everyone else? otherwise, they are giving an undue advantage sa mga me pera.
naku kamahalan minsan talaga nasa tao yan kahit sa napaka sushal na skul mo pa ipasok kung wala ding plano sa buhay wala din, ako talaga di nakatuntong manlang ng private hahaha buti pa yung bro ko sa private ko pinagaral ayun sakin pa rin nangangalampag
AMENNNNNN!!!!!!!!!
Ameeeen!
Lalo na yung guro namin ni Bluep, naku , Flying saucer ang mga chalk at eraser. Minsan nasapol si Bluep. Wahaha! Tanong mo sa kanya…
si bluep pa? hahaha! i could only imagine! baka mamaya binato rin nang bluep! haha *tago* hehehe
@mam mahalia, hahahaha mabilis akong iilag kaya walang tumama sakin, kaya nga nalipat ako sa likuran kasi twing iilag ako yung nasa likod ko tinatamaan hahaha
mahalia, kala ko talaga nagbibiro ka lang nung sinabi mo dati magkaklase kayo ni bluep
naalala ko si inday, my kid sister, tinanong ko sya kung ano ang english ng MAGANDA AKO
ang sagot eh…ME IS BEAUTIFUL lolss
nsa kin, hinde porket private at mahal ang tuition dekalidad
@malensky, ganyan mag ingles ang mga chikwa dito hahaha.
at salamat nga pala sa pikchur mo na dinekwat ng kamahalan na ginamet,ganda hahaha.
hahahaha. lee nakakaadik ang mga post posts mo dito. bakit sa mismong blog mo hindi ako welcome? haha.
btw u r my first laugh in the morning sunshine. haha (ayan napa english na din ako hehe)
agree ako dyan, ang mga teacher sa atin talagang nasusuway at natuturuan ang mga bata ng moral values
@dencios, e pano kang magiging welcome sa mismong blog ko e ako nga di makapasok sa mismong blog site ko huhuhuhu.
ban ako, nawala ang susi koh, ang kamahalan lang ang pwedeng makapasok dun nyahahaha may lahi yatang akyat bahay gang ang kamahalan.
alam mo sa nkikita ko very cool ka sa anak mo. sarap mo sigurong asawa. swerte ng asawa mo sa iyo kasi dedicated ka kahit minsan di ka nagtatrabaho hhehehe(o seryoso na yan hehe)
@dencios, ahahahahahahahaha ulanghya ka dencio hahahahaha mamamatay ako sayo kakatawa,pano kong magtatrabaho e wala naman akong tatrabahuhin, sabi nga nung boss ko habang wala daw akong trabaho mag gym ako ng mag gym, e kung sinunod ko sya seksing seksi nako nga yon hahaha kaso wala ako dito sa barrio hahahaha langya ka muntik akong mahulos sa upuan sayo.
panong di ka matatawa e naka relate ka hahaha. kasi naman kasi petiks ka pa pala dyan kaya pala sunod sunod ang post at comments.
teka bakit di ka nga mag gym? kesa nga naman tumira ka ng tumira ng tubo dyan sa barrio nyo haha.
@dencios, di ko maka gym bawal, nagka injury ako sa tuhod naipit sumemplang ako sa last derby ko lol pero ngayon ok na ulit sa derby kaya lang dipa pwede gym,saklap nga sa lahat ng effort di rin ako nakapasok sa final wahaha litsi.
seryoso pa ko sa pagsabing dedicated ka yun pala totoo, totoong petiks ka pala at kasabwat mo pa boss mo, hahahahaha.
@dencios, dedicated naman ako ah lol, nagkataon lang tapos na season wala ng trabaho,dapat nga this time nasa pinas nakot nagbabaksyon(singhot)kaso dipa tapos ang sourcing nung mga litsing alipores di tuloy ako makakilos dito,sa galing galing nasatin nakot nagbabakasyon kesa naka tingalngal ditot naghihintay sa kanila (at nagbibilang ng butiki sa kisame lol)
ooops dipo ako petiks, sila gusto kong petiks-kin dahil bawas itong pagtunganga ko dito sa bakasyon ko waaaaaaa
opo alam ko naman dedicated ka talaga e, kaw pah!
teka pretty lee nawala ako sa derby. parang kinky ang salitang derby sa akin hahaha.
@dencios, san mo nasagapo ang chismis na pretty ako? baka petty di pretty lol, sabungera ako kristo sa sabungan lol
Ang edukasyon ang ating pamana sa ating mga anak at hinde eto mawawala magpakailanman.
Tumpak s2las! isangdaan porsyento.
@s2las, totoo yan 100% agree
AMEN. AMEN. AMEN.
Salamat Parekoy sa paglabas ng entry na ito. Ramdam ko ang sinabi mo dito kasi ramdam ko na din ang pagharap sa whiteburd!
AMEN.AMEN.AMEN.
walang anuman parekoy lol
Di lang edukasyon ang pinakamagandang maipamamana natin sa ating mga anak. isa pang magandang maipapamana natin sa ating mga anak ay mabigyan natin sila ng buong pamilya…