Makabagong SONA Mabits
Mula sa Session Hall
Bastusang Pambansa,
Bastusan Hills, Kyusi.
Before I do my oral report, let’ us all tie a yellow ribbon.
Tenkyu mga kababaryo… barrio council, mga writers, contributors, mga tanods, mga miron at mga amuyong… Hello.
Lahat ng aking sasabihin ay pwedeng di nyo na malaman. Dahil lahat naman ng ito ay nasa history books, basahin nyo na lang. Pero for purposes of me planning to stay past my Kapitana term, you have no choice but to listen. Sayang ang gown ko, ganda pa ng hairdo ko.
Ang mga nangyari nitong nakaraang taon ay pihadong alam nyo na dahil napanood nyo na sa TV. Pero kahit pa, sasabihin ko pa din. Bagsak ang ekonomiya ng mundo, wala kang magagawa dahil damay lahat tayo dito. At di kataka-taka, mas kawawa ang mga patay-gutom dahil hindi katulad ko, wala silang mga nakatagong pesoses. Subalit ngunit datapwat, malakas pa rin tayo.
Gud news sa mga kabaryo, bad news sa mga taga kabilang ibayo.
Palakpak muna jan.
Nung naging kapitan ang tatay ko, wala pa kayo. Kaya kahit sabihin kong sya ang pinakamagaling, maniwala na lang kayo. Ngayong panahon ko, I want our baryo to become high tech. Para tayo maging hitech, uunahin natin ang mga masisipag kong tao. Kailangan nyo na namang magbayad ng VAT para sa makabagong gastusin. Alangan naming mag-abono ako.
Ang edukasyon thru the CyberEducation na bilyong dolyar ang halaga ay babayaran natin sa mga taga ZTE. Pasensya na dahil biased ako sa teaching industry, teacher din kasi ako. Kaya naman lahat ng silid aralan lalagyan na natin ng Wii para sa kaalaman ng ating mga mag-aaral. Para sa PE, we will eqip it with WiFit at WiiSports.
Magdadagdag tayo ng 95,000 silid aralan. Kada classroom, hahatiin na natin sa dalawa. Maglalaan tayo ng 1.5 Bilyon para training ng mga teachers, saka na muna ang sweldo. At dahil karamihan sa libro natin ay palpak ang mga datos, wikipedia na lang ang gagamitin. Marami na tayong mga iskolar na napagtapos. Andyan si Atty. Agaton na ating pinag-aral, abogado na sya ngayon ni Dr. Miki Melo. Andyan si Lualhati na nagtapos ng accounting, bookies na sya ngayong ng jueteng dun sa barrio namin.
Ang magandang edukasyon ay susi sa mas maganda at makabagong buhay.
Magtatayo tayo ng makabagong daan na pwedeng daanan ng mga spaceships para mas mabilis ang pagbibyahe ng ating mga pananim mula bukid to the marketplace. Mga makabagong kagamitan para sa mga magsasaka kagaya ng kalabaw na multi-lingual para pwede na tayong makipagsabayan sa buong mundo. Yan ang act local, think global.
Kumpara nung forty payb years ago, mas dumami ang ating mga infra projects. Mga daan papuntang kawalan, at mga tulay na gawa sa hangin. Mas marami na kasing congressman ngayon kaya mas maraming nangangailangan. And we always put our people first.
We have upgraded our erports and seaports. Ngayon pwede nang dumaong ang eroplano sa pier at pwede na rin ang darko sa runway, and vice versa. Pati text pinapatulan na natin ngayon, kaya naman nagreklamo na din ako sa mga cellphone owners na mag facebook na lang.
At dahil hi tech na tayo at bilyon bilyong pesoses ang pumapasok sa ating IT industry, gagawa na tayo ng bagong Departamento para may mangalaga ng pondong ito. Bukod sa Department Secretary, magtatalaga din tayo ng 50 undersecretary at 50 assistant secretary. It is a two-pronged approach: may pwesto na naman tayo para sa ating mga kabati, at may pagkakapuntahan pa ang pera ng IT industry.
Kaya naman lahat tayo, win win!
Palakpak muna ulet.
Milyong milyong lupa na ang ating naipamigay sa mga magsasaka. Lahat silang nakatanggap ng lupa ay may kanya kanya na ring paso para paglagyan ng kanilang bagong lupa. Ang natitira na lamang ay yung mga mangilan ngilan na magsasaka na sa halip magtanim ay walang ginawa kundi maglakad at mamasyal ng mamasayal sa Maynila.
Marami ang nakinabang sa ating Employment Programs. Nandyan si Aling Charing, dating katulong sa Hongkong, nandito na sya ngayon at nagtratrabaho sa kapitbahay naming bilang kasambahay. Gud lak Aling Charing! Andyan din si Baleleng, matapos nyang makachukchak ng Arabo doon sa Dubai, narito na sya ngayon at binigyan nating ng scholarship ang kanyang mga anak at binigyan natin ng perang pang negosyo para sa bagong buhay.
Yung ibang naiwan sa kulungan sa Dubai, sensya na muna, swertihan lang.
Nakinabang din ang daang libong mamamayan na walang tahanan under our housing programs.Yung mga tumulong paalisin ang mga squatter sa riles, ngayon ay may bahay na rin sa tabi ng riles. Ang mga Mangyan na kagaya ni Mang Gusting, under our livelihood projects, ay tinuruan ng hitech na pamamaraan sa pangingisda. Sa halip na net ang gamit nya, lata na para diretso agad syang sardinas at pwede na agad ibenta sa tindahan.
Mas malaki na ang kita nya ngayon, hitech pa.
Mula pa noong kopong kopong, nananawagan na tayo para sa murang gamot. Di ko lang agad pinirmahan ang batas dahil hinintay kong mapalapit sa SONA na ito para mapansin nyo. Salamat sa akin, mababa na ang presyo ng gamot. At dun sa gumawa ng batas na ito na jowa ni Korina, di sya dapat pasalamatan. Ano bale?
I have one word for you… Don’t talk when your mouth is full!
Palakpak muna ulet.
Marami sa mga kababayan natin ang malaki na ang natitipid sa kuryente at sa gas. Dahil wala naman silang pambayad, nag-uuling na lang sila at di gumamagamit ng electric appliances kaya mababa na ang konsumo. Kaya naman malaking halaga ng dollars ang ating natitipid dahil dito.
Sa health insurance, gud news na naman. Parami na ng parami ang mga albularyo hanggang sa ating mga cities. Kaya naman accessible na ngayon ang ating health providers.
An ating banking industry ay patuloy na umaangat dahil sa ating improvements. Hindi na ito makikialam sa mga nalustay na pera ng mga policy holders kagaya ng CAP at Legacy Group. Celso Delos Angeles, thank you!
At FYI, ako ay naimbitahan ni Uncle Sam ng kabilang ibayo. At dahil big time ito, dapat masaya kayo. We will discuss nuclear ekeks and whatnots.
Sa ekonomiya, bumaba na ang inflation. At dahil di mo naman maiintindihan kahit ipaliwanag ko kung ano ang inflation, wag na lang. Basta gud news din yun. Bumaba na rin ang bilang ng mga kababaryo natin na nagsasabing mahirap sila. Hindi na sila mahirap ngayon, mahirap na sa daga.
Kung kaya sa suma total… yun na yun.
Sa isang baryo na paboritong landingan ng bagyo at nasa gitna ng lindol area, kailangan natin ng hitech na pamamaraan para makaiwas sa mga ito. Ang ating mga tauhan ay patuloy na nag-iisip ng makabagong pamamaraan ng pagkaka-gastusan. Patuloy ang ating pagtatayo ng mga hitech na dike para maiwasan ang mga baha. Di ko na kasalanan kung yung mga itinatayong yan ay nadudurog kapag nababasa.
Hanggang ngayon, lumulubog pa rin ang Camanava area, nilalahar pa rin ang Pinatubo, at putik putik pa rin ang Bicol basin. Kaya nga kailangan gawin nating mas hitech. Mas magastos pero di hamak na mas malaking kita matibay.
Ang mga biktima ng bagyong si Frank ay di natin matulung-tulungan dahil kailangan natin ng batas para dito. Ang tatamad talaga ng kongreso. Lagi na lang bang ako?
Maraming problema ng baryo ang minana pa natin sa ating mga ninuno. Kaya di pwedeng ako ang sisihin ng aking mga kritiko. Si Lean ay isa sa labindalawang rebel returnee. Limang taon pa lang sya ay myembro na sya ng Hukbalahap. Sya ngayon ay pangulo na ng Aling Dionisia Fans Club.
I wouldn’t want anything in this baryo especially in Minadanao to have world peace. Kung may katahimikan sa Mindanao, hindi ko na kailangan mag hello kay Garci at Bedol. Kung tahimik sa Mindanao, di na magiging busy ang ating mga heneral sa labanan, pwede na silang tumutok sa pagbabantay ng ating mga ballot boxes.
Sa mga awayang ito hindi na ngayon tanong kung “sino ang mananalo?”… kundi “ala eh magkano?”
At sa lahat ng dako ng bansa, kailngan nating protektahan ang lahat laban sa krimen. Bawal na ang torture. Kaya kailangan siguraduhing di na makikita, para walang ebidensya. Kung ilalagay mo naman sa drum at babalutin ng semento, siguraduhing walang magtututuro, baka manuno. Kung may mga kriminal man na binigyan natin ng pardon, wag mo na isipin yun, wala yun. Mukha naming mabait na sila ngayon. Tahimik na si Jalosjos, lie low naman na si Manero. Pwera lang sa isang hanggang ngayon ay tinitira ako. Walang utang na loob.
Real government is looking beyond its term. Kaya yung mga kritikong bumibira sa akin na siguradong sila rin naman gusto kung sila ang nasa pwesto, sorry na lang kayo. Mamatay kayo sa inggit.
Noon sinabi ko I would finance automated voting. Hayan at pumasyal pa ako ng Venzuela para masiguradong yung ini-finance ko ay magkakabunga.
At the end of this speech, I would step down from this stage, but not from being a Kapitana. Kala nyo ha? My term ends next years. I will still be the head of this barrio, up to the hanggang hanggang. Meanwhile, I will keep a steady hand on the tiller, and my husband’s in the cookie jar. To make sure na walang mangungupit.
Ang ating kababaryo ay masisipag at maka-Diyos. Yan ang ginawa ni Manny. Sya ang nagsumikap at nagtiis at yumaman at ngayon ay tatakbo uling kongresman. Yan ang dakilang boksingero ng bayan. Mabuhay ka Aling Dionisia!
Palakpak muna. Sige wala kang balato kay Manny.
Ang pagiging Kapitana ay 24/7 job, parang boy scout, laging handa. Kahit na ako ay nagpapa boob job, ang ating barrio pa rin ang laman ng aking isip.
Everything I have done right can be undone by your single wrong. Kaya naman di ako kumukurap, hindi sumusuko. At kung may ginagawa man ako ngayon, subukan mo ding maging Kapitana, siguradong ito rin ang gagawin mo di ba?
Those who live in glass houses should look at themselves in the mirror mirror on the wall. Those who have been in jail should make bait, ikaw din baka ikaw maibalik.
Kaya naman mula Appari hanging Jolo, isanlibo’t isang tuwa buong bansa… eat bulaga tayo ay magsama sama, maghawak kamay, iwagayway at isigaw… I believe! I believe!
Mabuhay ang Barrio! Mabuhay Ako!
Viewed 15227 times by 3117 viewers
BURAOT is your quintessential skeptic but a not-yet-so-hopeless pessimist. Impatient most of the time, hence the name, he yearns to discover the magnanimity of the universe and the infinite folly of human stupidity (yep, that was Einstein's). And yes, oo.. he also want world peace. You can stalk him out at Anak ni Kulapo and I Am Buraot.














Napakagandang SONA Kuya Buraot! Kuwelang-kuwela. Funny but true.
hay naku snow… no choice kundi daanin sa patawa. kasi kung seseryosohin ko yang mga yan. baka magsuot ako ng jacket na gawa sa watusi at sindihan ko sarili ko sa batasan.
teka basahin ko uli mamaya.
now na. hehehhe.
tapos na! pinabasa ko din sa mga pinsan ko at ewan bat mas malala pa sila humalakhak saken.
tawa sila ng tawa, me bayad yan. weheheheh!
Tumira na rin si Buraot. Okey din.
Klap klapan na!
Tongga-tulations Buraot! natumbok mo ang dapat na sinabi ni arrowyo! lol!
speechwriter din kasi ako dati. kaso lahat ng sinusulat ko inaayawan.
itong sona na ito ang dapat palakpakan!
*clap clap clap*
[...] by darbs on July 28, 2009 By the time the “Klap” “Klapan mga binayran!” klap klapan ng mga kasinungalingan nila was held inside the kamara, may sinunog na sa may bakuran [...]
buraot!
an tawa ko nung nabasa ko yong tungkol sa securitization chorva hahaha di nya siguro alam ang CAP or LEGACY GROUP! hahaha
reynz, baka yung speech writer kapatid nung taga GMA, di muna nagre research.
Natawa naman po talaga ako dito. At sobrang napakatotoo..
Hahaha, panalo to Burs. Pumalakpak ako dito sa post mo pero iba ang tunog ha, pinaghalong pyangpyang at kawayan ng tinikling hahaha…
dFish, kala ko tenga yung pumapalakpak. weheheheh.
standing ovation!!! mabuti na lang sa SONAng ito ko napiling dumalo at isuot ang aking super low backless na fuchsia blue na baro at saya na gawa sa lace..
ako naka bahag.
Ayos! ang husay talaga tumirada si Idol Buraot… ang galeng-galeng.. Funny version of SONA 2009. ha ha ha ha
I can say that this is the correct transaltion of FULL TRANSCRIPT ng SONA speech ni amaSONAng Pandak.. ha ha ha ha
Bastusang Pambansa,
Bastusan Hills, Kyusi
Ito pala ang tamang address ng batasan. ha ha ha ha hagalpak talaga ako sa tawa pag si Buraot ang bumanat.
PGMA SONA: A boastful, triumphant Arroyo, who took credit for the Philippine economy’s uninterrupted expansion during her watch or an apologetic Arroyo, who has caused so much pain and misery for a lot of Filipinos and has managed to damage, in varying degrees, existing democratic institutions.
More importantly, though, the government cannot claim full credit for the country’s economic performance because there are factors that affect economic growth that are beyond its control. The government doesn’t control the weather, which affects agriculture immensely in monsoon Asia. A devastating El Nino or a La Nina could spell a big difference on whether agriculture output would be robust or weak.
jeri, kaya nga sa speech nya me mga iwas pusoy. kagaya na lang nung mga isyung minana pa kuno ng administrastyon nya (meaning wala syang alam dun).
yung subic clark pinagyayabang nya na di daw natapos nung erap administration? eh ang timeline naman talaga ng project na yun eh hanggang matapos ang term ni erap. plus e di ba tinaggal nila si erap? sempre yung big projects di matatapos.
Sobra nga ang kapal ng Mukha nya. Hindi man lang siya nahiya sa mga pinagsasabi nya sa Plenaryo.. she’s nothing but a big Bullshit.
ah! correction, pandak pala sya, kaya small bullshit na lang.. he he he
Naku sounds familiar sa sitwasyon ng recession ngayon…
iwas pusoy mahalia…. hugas kamay…
HAHAHAH ansaya! san ka nakakita ng erplane na pwedeng mag take off sa pier?? HAHAHA
nakangiti ako habang binabasa ko ito kuya buraot. thank you
@malen, kasi puro makabagong ekek ang tumining sa tenga ko dun sa speech nya. kaya hayan, hayteks.
chuva, pramis? hehehheh
Lokang loka na ko di ko pa nababasa ng buo…hahaha!
Grabe!!
Basahin ko sa bahay.
THIS IS THE BEST SONA EVER INDEED! Walang kasinungalingan at talagang transparent! When are you going to run for presidency? Boboto ako!
hayaan mo next years. pag bumaba na si GMA. hehehehh.
bluep, dapat puro jokes na lang ang sona. tutal the whole exercise naman ay puro kaplastikan. the reports, the entourage, the show-offs, at halos lahat lahat. kunyari bati bati. pero sila sila nagsasaksakan sa likod at pinagpapartehan ang bayan.
“next years” ????? whahehe… mukang indefinite ah!
ganun ang patutsada ni Ate Glow…
Ang lupet mo talaga buraot! Hahahahha…
wala yan kay Palparan. wahahahah!