Mamboboso Nation
Kahit maliit pa ako sa Timbuktu, palagi nang may hinahabol ng taga ang mga kuya ko kapag me namboboso sa mga ate ko. Madalas kasi dun sa baryo namin, pagkagat ng dilim, mga naglipana ang mga aswang… aswang sa damuhan.

Wala pa kaming kuryente noon, ang ilaw naming ay bote ng bilog na may lamang ga-as. Kaya sanay na sanay na kaming matulog ng patay ang mga gasera. Bukod sa iwas boso, parang mas tahimik din.
Kahit na kasi anong gawin mo sa mga dingding ng buong bahay ninyo, kayang kayang butasin ng mga aswang kasi puro gawa lang naman sa pawid. Wag ka rin mag-iiwan ng mga panty sa sampayan, kasi sigurado yari yun sa mga manananggal.
Nakaboso Ka Na Ba?
Lumilipas ang panahon, nagiging hitech na. High tech na rin ang bosohan. Kung kami me nakakabit na salamin sa sapatos noon, ngayon camera phone at video na ang gamit. Tsk Tsk.
Kapag bata ka pa, lalabas ang natural na pagka-interesante mo sa isyu ng sekswalidad. Pero sa panahong ito ng cybersex, pornography at nagkalat na scandals, napansin ko lang, parang malaking kaibahan ang pagka-malikot ng mga kabataan noon at kabataan ngayon.
Noon, ang simpleng pamboboso na nakagawian na namin ni Bluepanjeet at pantsa-tsansing sa mga tsiks ay maituturing na kakyutan. Minsan nung itinaas ko yung palda ng kapitbahay naming tsikabeyb, sa halip na batukan ako, kinurot pa ako sa pisngi. Ang kyuuuuttt!
Ngayon, di mo na kelangang kupitin ang Tik Tik ng tatay mo. Kasi sa bangketa pa lang nagkalat na ang ganitong mga babasahin. Ultimo dyaryo, nakabilad na ang hubad na katotohanan ng walang pasintabi kung sino ang makakakita at makakabasa nito. Sempre, di mo pwede ipagkaila ang mga istorya sa loob nito. Wag mong sabihing di mo kilala si Xerex at si Totoy Mola. Aminin!
Natural sa ating mga kelots ang voyeur. In plain english, bosero. Sa scientific na pag-aaral, natural tayong madaling mabighani sa ating mga nakikita. At sempre kung ito ay may kinalaman sa sex, mas doble ang ating pagkabighani, tayo ay nababato-balani.
Pero ang pamboboso ay isang stage ng ating sexual development na bagaman at wala sa libro ay ating dinaraanan sa ating paglaki. Technically, hanggang mamatay tayo bilang lalaki, ang ating sense of sight ang ating pangunahing pleasure sense.
Pero ang pamboboso ay naiiwan na lamang in the confines of our bedroom. Private eyes na lang ika nga. Kapag ito ay patuloy mo pa ring ginagawa, fixated ka na.
Ang recent issues ng mga sexcapades ni Hayden Kho ay isa lamang sa mga high profile cases of pamboboso and letting others make boso. Ito ay gross kasi kahit kyut pa sya, di na sya bata. And at that age, making boso of women without their consent is conduct unbecoming to say the least. And making others see it is just gross.
I’m sure kapag nagkaanak si Hayden, para yung biik na nakatungo. Batet? Kasi nahihiya sya dahil baboy ang tatay nya.
These things that make baboy our women are thriving only because a)there is a demand for it, b) it is cheap to manufacture, c) it is accessible for everyone and d) all op the above. Ang ganitong problema ay pwede rin nating idagdag sa mahabang listahan ng mga kasalanan ni Gloria at ng Papa nya. Pero kelangan nating magpakatotoo sister… dahil aminin man natin o hindi, nasa kultura natin ito.
Oh, oh… mamaya ka na mambato ng kamatis. Wala pa ang argumento ko.
Chauvinistic Laws of a Sexist Nation
Ang Pilipinas kong mahal ay magpahanggang ngayon pabor pa rin sa mga kalalakihan. Kahit pa ba dalawang babae na ang naging presidente natin, mas marami pa rin ang lalaki bagamat isa dun ay myembro ng pederasyon.
Maraming batas ang di pa rin pantay sa usapin ng gender equality. Isang sampol. Pag nangaliwa si mister, hindi ito adultery, ito ay concubinage. Pero pag si misis ang nangaliwa, ito ay adultery. Pantay na pantay ano po? Parang hating kapatid. Panganay yung isa.
Kaya Reynz, wag ka muna umasa sa Gay Marriage sa Pinas. Yung ngang women’s rights malabo pa rin hanggang ngayon eh. Maghintay muna ang mga boylets. Wahahahah!
Hangga’t hindi napapantay ang batas sa usapin ng ganitong issues, hindi matutugunan ang mga isyung may kinalaman sa sekswalidad gaya ng pornography, sex videos at mga scandal scandal na yan. Ang pagiging chauvinist di lang ng batas at ng mga mambabatas, kundi maging ng ating society as a whole ay malaking balakid sa kapakanan ng mga kababaihan.
Hindi rin ito malulutas sa mga pagpapapogi ng mga mambabatas alone. Matagal nang may mga isyu ng sex videos na walang consent ang babaeng nabiktima. Pumunta ka lang ng bangketa, me ebidensya ka nang makukuha. Di na natin kailangan sina Katrina. Di na kailangang mag-ubos pa ng oras at pera ng bayan para mag-imbestiga. (di na rin kelangan ang SOCO) Matagal nang nakabuyangyang ang mga ebidensya-sya-sya-sya.
Dalawang punto. Patas na batas at patas na pagtingin ng lipunan.
Kaya ikaw brad, tigilan mo na ang pagbili-bili ng ganyan sa bangketa, dinadagdagan mo lang ang demand.
No Execute, No Prosecute
Minsan, kahit na anong batas batas ang nandyan, wa epek din. Kasi bukod sa walang nage-execute, wala ding nagpo-prosecute.
Ginagaya kasi ng lahat ang zarzuela at moro-moro sa kongreso, kaya lahat gaya-gaya puto maya. May mag-execute man ng batas, wala ring napo-prosecute dahil sa corruption at nepotism. May napro-prosecute man, wala naman nagpapatupad ng batas. Hey buhey.
Masalimuot ang issue ng pornography. Depende kasi kung anu ang ide-define ng batas na pornography o art at ano ang smut o freedom of expression.
Pero susginuu naman, kung ang dyaryo ay may nakahubad na babae sa front page at nakabilad ang hiyas sa centerfold, ano naman ang kinalaman nun sa balita? At ano naman ang relasyon ng mga kwento ni Xerex sa current affairs? Ang usapin pa ng accessibility ng lahat sa mga malalaswang babasahin ay after-effect ng kawalan ng nagpapatupad ng batas. Ebidensya yung pamangin kong 5 years old na inutusan ko bumili sa kanto.
At kahit na anong raid ng mga tropa ni Doods sa mga nagkalat na mga pirated at porn dvds at kung anu anong scandal sa mga bangketa ng Maynila, wala rin epekto. Panis. Kasi pag nangre raid, magtatago lang yung iba. Pag alis nila, balik na ulit sa tatlo isangdaan. Bakit di natin subukang i-raid yung mga nagma-manufacture ng mga yan?
Dalawang punto na naman. Ipatupad ang batas at ikulong ang mga hinayupak na gumagawa ng mga yan.
Pahabol na Sulat
Isa sa aking personal na paniniwala, you cannot face the problem when the problem is your face, ehe we have to admit the presence of a problem, before we can address the solutions to it. Kasi kung di mo alam ang problema, pano mo masosolusyunan ito? Parang yung sakit ko, kahit na anong gamot ang ibigay sa akin, kung di naman talaga nila alam kung anong sakit ko, kahit na ano pa ireseta ng doctor, di mo alam kung eepekto.
Pero di ako nandito para pag-usapan ang sakit ko. Ang sakit ng bayan ang nisasabi ko.
O ayan, pwede ka nang mambato ng kamatis. Samahan mo ng tuyo ha. Saka suka. Eto kasing video ni Vicki Belo, walang ka asim-asim.
Viewed 19667 times by 5479 viewers
BURAOT is your quintessential skeptic but a not-yet-so-hopeless pessimist. Impatient most of the time, hence the name, he yearns to discover the magnanimity of the universe and the infinite folly of human stupidity (yep, that was Einstein's). And yes, oo.. he also want world peace. You can stalk him out at Anak ni Kulapo and I Am Buraot.














wahahahha! masakit yun. yung principal namin ganun ang ginagawa sa bra nung mga estudyante. hehehehe.
May nahule akong naninilip dati sa barrio namen.
Binigyan ko nga ng sipa sa groin.
hehe.
instant justice! bira na kaagad. mao ni sya ang sampol sa wala nang inusapay. caught in the ack… SIPA NA KAAGAD!
Isog giod ang Filipina. bantog rang andres de saya…or under de saya kang Kumander Misis. hahaha!
Peace po mga madame. Kurong giod ta mag-ayog buhuan ang kilid. (hesus kong maloloy-on) dili ni sya katawa-anan.
Hehehe, para sa akin, kundi mo itinaas ang palda mo, walang mag-lalaway sa yo. pag nag mini ka, face the consequences, asahan na me mag-iistok sa yo. Jusme, binti nga lang, nakakapaglaway na! Di mo man alam na naka-video ang sexcapades mo, again, face the redundant consequences, di mo na kailangang ipaglaban ang moralidad mo. Pero sadyang me mga manyak talaga sa lipunan, di maiwasan. Would you give them a chance?
Roni,
Malay ba ni Katrina na manyakes ang doctor nya?
Remember, pasyente ni Hayden no-Kho-kote si Katrina sa belo clinic kaya dun sila nagkakilala.
Yun na nga, ibig ba sabihin, pag kinati, sige na lang? Di ba dapat kelangan din mag-isip isip sa mga posibilidad na mangyayari. Pag sinipa mo ang bola, syempre tatalsik yun, pag malakas ang pagkakasipa mo, malayo ang abot.
Tsaka bakit nakaabot sa senado? yun ba ang pinapagka-abalahan ng mga senador? worth ba ang taxpayer’s money para sa ganung mga bagay? Kung ako ang hahatol, pareho silang dapat managot sa batas (kho at katrina), pareho silang guilty at parehas dapat ang parusa. Kung magkaganun, palagay ba ninyo eh mauulit ang ganitong insidente? Hindi ba’t magdadalawang isip ang gagawa ng mga ganung bagay? Anu sa palagay nyo?
Roni,
Aabot sa kabilang baryo ang bola. lols.
Ginagamet lang ng senado ang issue kasi syempre, 2010 na. Time to make papuge.
Bigyan natin si Bong ng baby powder para puge. lols.
parang yung mga chicks na magsusuot ng mini tapos hila ng hila pababa. kainis kamo minsan yung ganun. magsusuot ka ng ganyan tapos super cosncious ka di ba.
Apiyr, Buraot!
pag nakikita ko name mo reesie, nagke crave ako ng chocolate. hehehehhe.
di mo alam? base sa name ko ang reese chocolates?
cute nga yang ganyang mga name. hersheys, kisses, reesie, at sergs, wahahaha, lokal.
samahan mo pa ng tsokonut at nips. pero kidding aside, reesie is a good variation of the name reese ha?
kapag nakikita ko si reesie alam mo ba, si resse witherspoon naiisip ko. ^_^
Ano tu umpisahan nyu na bang balutin na parang puto maya ang mga kababaihang Filipina? Para wala na talagang laman ang makita? hahaha! wow! what a society? hahaha. unsa na giod kaha ang mga madre? init na gani kaayo karon ang gisuot. well, lisuda ning sosyodad sa Pinas puro bright tanan. hahaha!
Pahapyaw ko lang syang binasa dahil me meeting ako hahaha! (Di makatiis!) but i not only like the argument na male chuvinist piggery pa rin ang society naten, but also this is the truth!
Now, regarding sa dalwang babaeng Presidents, I really don’t think na just because they are there equates to some women’s equality – NO ako dito.
I believe, the reason why those two women were there is because, we as Pinoys are different from other culture in such a way na weird nga na male chauvinistic and society, yet we have a very high regard for women as the powerful person in a unit – condo unit i mean! hahaha! charing!
now in terms of gay marriage? delubyo sa Pinas pag nangyari yan and again there’s the weird irony again, whereas our society is openly acceptable of gays, there is some sort of big demarcation line kung hanggang saan lang ang gay. for the most part siguro like right now, entertainment and comedy. oras na pumasok ang gay say, in politics – let’s say ako? makikita mo’t kung ano anong pambabato ang maririnig nyo. hahaha
one more bago ko makalimutan: since this talks about advancement in technology, let me give you this:
isn’t it true, that all these technology advancement are all geared towards SEX?!
DAVAH???
right reynz, kahit pa makananay ang ating society, that means takot tayo sa nanay at most of the times nanay ang nasusunod, chauvinist pa din ang society natin.
gay marriage is way way matagal pa in the future.medyo malabao pa rin sa politics. yun ngang unang sabak ng third sex sa party list, di umubra.
and right, lahat ng advancement in technology had something to do with two things alone: sex and profit.
this is one hell of a holy cow reply! hahaha!
hello darbs. was that a compliment or insult? o satire din? wahahahhha!
ngayon malupet na at hitets na ang pamboboso at humahantong pa sa internet at senado
question!
nung panahon sa barrio pag may nahuling uber na ang pamboboso ano ang ginagawa?
minsan kase may, anak daw ng friend ng tatay na may problem, kaya nagbakasyon sa amin. one day nalaman ng tatay na may ginawang ‘di maganda sa isang gurl. ayun, dumating ang mga barkada ng tatay… itinali sa puno, at nagpabaga ng syense at pinanluto ng hotdog…
pasencya na po… medyo violent…
Alex,
Di pa yan bayolente. Nung panahon ni Majoma e pinapadampot ng bato sa kawa na may kumukulong tubig ang mga nagkakasala.
Minsan e tintali sa puno na puro hantik.
Check mo ang mythical Kalantiao Code. Andun yun.
hay, ‘di na naman ako nakikinig sa teacher noon… thanks po check ko yan!
yep, kalantiao. muntik ko na ngang ipangalan yung blog ko na Alagad ni Kalantiao. Wahahahah! kaso me palabas dati sa tv na ganun na bida ata si Rey Malonzo, kaya ayaw ko na. wahahahah!
Mythical daw ang Kalantiao. Di malaman kung true o hindi.
Pero most likely brutal ang pagkakaparusa ng mga pasaway noon. hahaha.
sa amin, minsan isinilid namin sa sako. tapos nagpalaro kami ng paluang palayok.
kung kapatid ko yun, itatali namin sa puno tapos kukurutin ng buong angkan namin. gamit ay nipper.
sabay iisprayan namin ng water gun, ang laman kalamansi juice.
Ayon sa source: Parang sableng metal ata ang ginawang pamalo doon habang itoy nakatali…
sa isang iglap…pinatahimik ng sak-sak dahil kailangang kailangan ang dugo upang iula sa iyang katawhan…
Now what? Nothing… nawala na lang. charged to experience. wow.. yap!
At ngayoy naging MYTH!
UNGOOOOO!
walang mamboboso kung walang nagpapaboso. lols.
Thank you! Straight forward. hit to the mark.
Reesie,
yung pawid na dingding dati sa CR, tinakpan ng vulcaseal. lols.
wahahaahah! vulcaseal.. meron pa ba nun ngayon? tagal ko na di naririnig yung vulcaseal. hahahahah!
meron pa naman ano ka ba. hahaha.
alam ko kung saan ang factory nyan. kung gusto mo ng sosi e waterstop at elastoseal.
lols.
pati mata ng mamboboso e dikit. lols.
[...] Ngayon, di mo na kelangang kupitin ang Tik Tik ng tatay mo. Kasi sa bangketa pa lang nagkalat na ang ganitong mga babasahin. Ultimo dyaryo, nakabilad na ang hubad na katotohanan ng walang pasintabi kung sino ang makakakita at makakabasa nito. Sempre, di mo pwede ipagkaila ang mga istorya sa loob nito. Wag mong sabihing di mo kilala si Xerex at si Totoy Mola. Aminin! Read the rest of the entry. [...]
I don’t think the cyber-boso law can be implemented effectively. How can they do such a thing if the servers of those sites are scattered all over the world? Well, yes maybe they can stop the sites based in the Philippines. But how about the ones based in USA?
They should not waste time making a law that can’t be used. Maybe they’re doing such a thing just to say that they did something about the hayden kho scandal.
Pornography is a very big problem that gets harder to be stopped as technology widens its dimensions. Right now, the only thing the government can do is hunt the manufacturers of pornographic dvds. There’s no sense in raiding the dealers because they can get another round of stocks in a blink of an eye.
@Mr. JuanStep,
I’m with you on your comment and what brings into my mind was the initial move to regulate blogging – I still remember that, I think that was last year when some round of talks have it that you’d have to get some sort of license to write and/or publish hahaha!
Smart pinoy politicians! hehehe!
in blogging, i think pag ginusto kaya eh… someone gave me a link where I can find the hayden scandals, after news that there is this belo and the case was on the senate. The site’s content was gone or not anymore accessible. I am not surprised with that…
Remember the Pekeng Pangulo bomb(for gloria)… all the blogs that support that call was cleared without notice…
they can do atleast something… but mas tama pa din yung sa pinagsimulan…
“walang mamboboso kung walang nagpapaboso. lols.”
by MC Reesie
yep. i think that’s one issue ba’t nabinbin yung proposed na batas against pornography. kasi sinaklawan ng mga lawmakers yung issue ng pornography at nauwi sa censorship.
Sa akin e may chance na ma-alis ang mga porn chorvalais na yan.
Gayahin natin ang China. Bwahaha.
Eto seryoso, for the cyberlaw to be implemented, it requires coordination from major search engines like Google.
Pero may conflict dito – ang porn kasi is a legal industry sa Tate. Haha. Tama ba?
So sinong kakatigan ni Google? I wonder.
actually diba pwedeng iblock sa backbone ng pinas yun? parang ganun yata ang sa china? tama ba ang mga pinagsasabi ko? marami IT(cute pa) dito di po ba….?
juanstep. sakto. we have lots of laws na walang silbi at inaamag lang sa mga libro at pampakapal ng mga lawbooks. i think best thing they can do is regulate print media and its accessibility to minors.
ang internet use, unfortunately, would be hard to regulate na the only thing we could do is to self-regulate ika nga. pero since nagkalat ang mga cyber cafes, owners should be held accountable kapag may minors na nakakapag-browse sa porn sites.
it also goes for alcohol ang sigarilyo, dapat may minimum age requirement para bumili.
Most laws enacted were for the good of the country. Pwera yong laws that declares a holiday another holiday, or move the holiday on a monday, tuesday and wednesday and another law to rename EDSA sa pangalan nang tatay nila. Laws are good. Cept that, walang marunong mag-execute nang laws just like what you said. Magaling lang naman ang batasan gumawa nyan.
Ok, there are always exception to the rule.
Ang exception, typically, mga tiga “Barrio” lang ang malelechehan nang batas na to dahil ang mga me koneksyon eh nakakalusot.
Hmpt!
Bluepanjeet angheles nasa lupa ka pa. However, sa langit langit standard bad ka igsoon. bad kaayo ka…hahaha!
Igsoon bjeet, sampol lang na sya kung unsaon mangharrass gamit ang gahum sa pagtoo. gamit ang pakonsensya nga dayon. sa gihapon. no need for translation.
Eto lang ang ayaw kong mangyare sa issue na ito:
Mag-ala NICOLE si Katrina.