Home » Baryo OFW, Komentaryo, Muni-muni, Overseas Filipinos

Mamili ka…. Jet o Tent…?

5 November 2009 11 Comments

hong-kong-airport12

Napakaraming kwentong sa dami e nalimutan ko na, mga kwento at mga pangyayari.

Malungkot, masaya, nakakaiyak, nakakatuwa, nakakainis, nakakapikon, nakakagalit, nakaka bad trip at nakakabuang minsan.

You must admit na lahat tayo ay may topak kung minsan, dont tell me na ev’rytime e friendly ka? na never kang tinopak sa buhay mo? na minsan gusto mong mapag isa? there’s a time na lumalabas din ang pagka bitchy mo, aminin mo, natural yan sa normal na tao…. or else di ka tao.

Pag sa airport, busy ako magbasa, nililibang ko nalang ang sarili ko sa ganun kesa naman mag iikot nanaman ako para mag window shopping sa duty free (never again, grrr) at isa pa, diko feel makipag chikahan galore with the strangers (etchos).

Humahanap ako ng pwesto sa sulok malapit sa CR (sanay ako umupo sa tabi ng CR, palagi kasi ako nasa row 4 nung araw) sa malayo sa nakararami, suplada kasi ko sa personal, sa TV lang ako dakdakera with matching pakaway kaway at pa kamay kamay sa mga fans.

AKO: Nagbabasa ng pocketbook habang nasa boarding area. Sa tabi ko, 2 pinay naguusap, kanina pa walang tigil, nagpapayabangan na para bang gusto lahat ng atensyon sa kanila.

LADY #1: haaa? After 5 yrs ngayon kapa lang pinayagan magbakasyon ng amo mo? tsk, tsk, kawawa ka naman pala.

LADY #2: “makulit yung matanda ayaw kumuha ng substitute ko, gustung gusto nila ko, para na daw nila akong anak.”

LADY #1: “aba e napaka swerti ko pala, 2 yrs palang ako dito pinayagan nako magbakasyon, mahal na mahal ako ng amo ko, kumuha muna ng substitute ko, umiiyak nga pagalis ko, humahabol gusto sumama.”

(sa malas mukang ako nabalingan, eto ngat nakasalpak na sa mukha ko pocketbook napansin pa rin)

LADY #1: “uy, pinay ka? uuwi ka din satin? ang saya saya noh? excited ka rin? buti pinayagan ka ng amo mo? DH ka rin dito? kelan pa? my substitute ka rin?”

Mukha ko seryoso at mukang di nagbibiro at sumulip ng konti from the pocketbook, huh! Ako? Napagkamalang DH? e why not nga naman? there’s nothing wrong naman with DH, kung si Kuh Ledesma nga napagkamalan din, ako pa ba hindi? sabi nga nila “It’s a nobel job…Amen)

AKO: “wala akong substitute, di ako gusto at lalong di ako mahal ng amo ko..”

LADY #2: “haaa? ang saklap naman pala, pinalayas ka? o lumayas ka?”

AKO: (nag aastang baliw na malapit ng atakihin ng pagkabaliw).

“nilunod ko amo ko, ano my problema? irereport nyo ko?”

(sabay linga linga ako kunyari na astang paranoid).

LADY #1 & LADY #2: nagmamadaling nagsilipat ng upuan habang nagbubulungan palayo.

( Bwahahahaha ).

MORAL LESSON: Kung kagaya kita ng asal pag nasa byahe, since di natin kaya bumili ng own jet, next time, magbaon ka ng tent at magkulong ka dun habang naghihintay ng flight mo.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13256 times by 2502 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.

11 Comments »

  • pusa says:

    wahahahha ang shoray!!! pero minsan talaga its annoying pag me mga madaldal na tao sa paligid mo

  • mtoni says:

    ate neks taym sasakay ka ng eroplano eh wag kang iinom ng kape.
    baka mabalitaan ko na lang nag-ala sirena ka.

  • dencios says:

    bok gagayahin ko style mo, baka nga nag monologue ka pa bigla, di mo lang kinuwento hahaha

  • Alkapon says:

    bok, nasundan kita dito..

    dito rin pala si pareng dencios..he he he

    Dapat pala me baon din na kornik para may nginangatngat sa loob ng airport..

    Cute mo pala bok.. medyo gurang nga lang.. ha ha ha joke lang.

    pssst! baka mapagalitan ako.. sorry..

  • Monique says:

    ayup toh! ganito na rin gagawin ko pag may nagtanong… minsan kasi ang kulit ng mga kabayan sa erport. can’t u see? i am “b-c” reading?! hehehe..

  • promking says:

    naman, past time na nila ang kwentuhan. may mga tao talagang hindi mapigilan ang bibig.

    kaya ako, ayoko mag travel mag-isa. mababaliw ako pag wala akong binabasa or nialalaro sa psp. ayoko rin kasi makipag chismisan sa ibang pasahero.

  • Mel says:

    bwahahaha! tumawag yun ng security ate Lee. haynaku masarap magkwento pero not on the plane or the bus or barko or tren. it freaks me kapag nagsisimula ng magkwento ang katabi ko. nambubulyaw pa naman ako. LOL

  • delta says:

    ako sanay magtravel mag-isa. di naman kalayuan within luzon areas lang. pero matagal din nakakainip syempre pag sa bus. pero ayoko pa rin ng kinakausap ako ng katabi ko. lalo na pag di ko type aura nagbibisibisihan ako. nanonood kuno ng movie sa bus or nagtetext or tulog.

  • lee says:

    hahahaha tumawag ba ng sikyo, lastek oo nga noh, pano nga kung tumawag yung mga yun?lalong nadisgrasya.
    madaldal ako talaga pero sa mga ganyan e gusto kong mapagisa, “leave me alone” ang drama hahahahahahahahaha

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.