Manny Villar: Land grabber?!
Wala akong paki-alam kung ano ang horoscope ni Jamby Madrigal, but I love her now! Hahaha!
In fact, I was so enamored by her wit dun sa presidential debate sponsored by the University of the Philippines and the Philippine Daily Inquirer, I started following her news stories. True, strategically, a vote for Jamby is a vote against Noynoy, my candidate. But she’s doing a pretty good job in helping me understand some of the stories I have no knowledge about.
For example, I’ve read about some of these land-grabbing issues but in the beginning I thought they were just spin and campaign chorva you know. But as the decibels of the land-grabbing music continues to rocket past the billboard chart in politics, ano ba talaga to, I asked.
Well, FL an FB friend forwarded me an email explanation:
200 families na inagawan ni Villar ng lupa humihingi ng tulong kay Noynoy o kahit kanino sa senado.
Ang problema: Noong 1998, pinalayas ng Crown Asia, ang mga residente ng Paradise Park, isang 5-hectare property na sekwestrado ng gobyerno, dahil ang lupa daw ay pagmamayari na ni Villar. Matagal pa bago sila pinalayas, sila ay nag apila na sa mga kinauukulan na sila’y bigyan ng prayoridad na mabili at madevelop ito.
Malaki ang kanilang pangamba na kung makapwesto si Villar lalo silang gipitin.. Ngunit handa silang makipaglaban sa kanya.
Ang sabi ng Crown Asia: Binili daw nila ang lupa sa isang nagngangalang Nunez.
Ang patunay ng mga dokumento ng gobyerno: Ang lupa ay sequestered ng PCGG. Bago ito nasequester ang nagmamayari ay ang dating Mayor Argana ng Muntinlupa.
Ang nangyari:
1. Ang Paradise Park Neighborhood Association ay may 200 member families (sa Brgy. San Vicente, San Pedro, Laguna) na dating nakatira sa loob ng 5 ektaryang Paradise Park.
2. Karamihan ay mga vegetable farmers na nirahan doon mula pa nuong mga 1980.
3. Nung nasekwester ang lupa, sila ay nag-organisa at nag apila sa Sandiganbanyan, OSG at pamahalaang lokal upang payagang sila na ang bibili ng lupang kanilang tinitirahan.
4. Taong 1998 nang si Villar ay Speaker of the House, dumating ang mga guardya at biglaang silang pinalayas dahil ang lupa daw ay pagmamayari na ng Crown Asia. Sa katunayan binili na ni Villar ang mga katabing lupa para sa Colina subdivision at golf course.
5. Nagkaroon ng labanan at 2 leader ng PPNA ang napatay – si Ka Felix at isang kasama nito. Kaya napilitan silang umatras at magsiksikan sa 2 ektaryang kanilang dinepensahan.
6. Ngunit binakuran ng Crown Asia ang daanan at nakulong sila sa loob hangga’t sa nagmagandang loob ang kalapit na subdibisyon at hinayaan silang dumaan doon.
Ang tanong ng PPNA: Paano nakuha ni Manny Villar ang lupang sinekwester ng gobyerno? Ano ang mangyari sa kanilang apila?
Ilang beses na nilang inilapit ang kaso sa Senado at SandiganBayan. Tila ang napapansin lang daw ay ang mga kasong natutuklasan ng mga may mataas na katungkulan.
Ngayong lumalabas na ang mga kaso laban kay Villar, silay natatakot na matabunan ang sa kanila. Matagal na nilang tiniis ang pangigipit na ito.
Here’s the video:
Viewed 7134 times by 2088 viewers
reynz is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.














truly scary. para bang nakikinikinita ko na ‘bullet day’ puro subdivision na ang Pinas! wag sanang ipahintulot ng Maykapal.
@bing – I hate the site of Pinas with so many subdivision. Heller, will they kill the industry of farming, huh? No wonder, we are asking help of Thailand for rice!
But hey, di ba dati tayo number 1 producer ng rice? No, wait – ginawa na nga pala nilang subdivisions at highways ang mga lupa ng magsasaka.
Here’s another article I found:
A few weeks ago, a group of mostly Dumagat farmers made allegations that presidential candidate Manny Villar and his wife Cynthia grabbed 480 hectares of their land in Norzagaray, Bulacan. According to the farmers, Villar and his wife Cynthia — through their companies, Capitol Development Bank and Manila Brickworks, Inc. — obtained a loan from the Banko Sentral ng Pilipinas (Central Bank of the Philippines) and secured it with the farmers’ land. When the Villars failed to repay the loan, BSP foreclosed the property. In September 2008, the farmers filed a plunder case against the Villars with the Office of the Ombudsman. They also filed criminal charges against them for swindling which is still pending in court.
Capitol Development Bank (now Optimum Development Bank) and Manila Brickworks, Inc. have interlocking directories. Mrs. Villar was the president of Capitol Development Bank at the time the Norzagaray property was mortgaged to BSP.
Read the rest of this story here:
The Dumagats and the Land-grabbers: http://eclarino.ning.com/profiles/blogs/the-dumagats-and-the?xg_source=msg_mes_network
ganyan ang nagagawa ng koneksyon ng negosyo at gobyerno sa Pilipinas.
pag may negosyo ka, kulang pa rin ang kapital mo para yumaman. kailangan mo ng kapangyarihan ng gobyerno.
DI NA BAGO SA AKIN ANG ISSUE NA YAN SA BULACAN LANG ANG DAMING MGA CLASS A AGRICULTURAL LANDS ANG “BINILI” DAW NI VILLAR NA KAYA NAMAN NYA NAKUKUHA AY THROUGH FAKE TITLES OR GINIGIPIT ANG MAY ARI PARA MAPILITAN NA IBENTA ANG MGA ITO SA KANYA… AT ANG RESULTA AY POOF AGRICULTURAL LAND NAGING SUBDIVISION AT ANG ISA PANG NAKAKATAWA JAN HAY GUMAGAWA NG KALYE SI VILLAR SA MGA SUBD. NYA AT ANG RESULTA INSTANT SHORTCUT FROM SUBD. NYA UPTO THE TOWN PROPER OF A CERTAIN CITY… SYEMPRE AS WEA ALL KNOW NEGOSYANTE YANG KUMAG NA YAN AT SIGURADONG MAY RIGHT OF WAY NA BINABAYARAN ANG GOBYERNO SA KANYA. KAYA KUNG ANG PUHUNAN NYA SA ISANG LUPAIN AY 10 MILLION TIMES 1000 O 1500 PERCENT ANG BALIK SA KANYA….
kung ganito kadami ang alegasyon laban kay Villar, bakit hindi siya makulong, bakit hindi siya kasuhan? dahil ba nasa power siya? sus, kung ganun mas nakakatakot nga pag nahalal siya!
hay, korek ka dyan dinah. nakikilabot ako na siya nga ang manalo. diyos ko malulunod tayo lahat sa dagat ng basura at papasko tayo sa kalsada at kung ano ano pa. (actually masaya naman magpasko sa kalsada, wag lang sa C5)
hindi siya nakukulong kasi ang mga batas ng ating bansa ay papel lang, walang tao sa executive branch ng government natin (ie, the president) na tumututok na sundan ang batas!! puro gawa gawa ng batas na wala naman silang kamwangmwang sa kailangan ng bansa. haaaay pilipinas bumoto na ng tama, panahon nang bumagoooooooo
hay chuva. nalulurkey ako sa kemerloo ng politika natin.
Well all allegation just pointing finger they always say the word “Daw”
ayon sa kanila pagaari “daw” ni manny villar. Sabi niya kung may evidensya sila ibibigay sa kanila yung lupa kung may evidensya sila. Hindi kaya nag sisinungaling daw sila. Ay talaga naman sa kanila iyan kung may evidensya daw sila.
Hehehe, kailangan ko na talagang ibenta kay Villar yung mga lupang nabili ko from Ampatuan. Baka kasi government land pala yun at fake lang yung mga title.
Calling Villar supporters, hehehehe, I need a “go between” para maipaabot ko kay Villar that I have land for sale. Sa Maguindanao nga lang. Pero in fairness, hindi per hectare ang hatian ng lupa sa amin noh…AS IN PER MOUNTAIN, o laban kayo? I have a total of two and three-fourths mountains for sale, AHAHAHAHAHAHAAA!!!!
First of all, I’m not a registered voter and I’m not rooting for any candidate. I’ve worked at the Office of President in early 2000 but it doesn’t mean I’m pro-Gloria either. During that time, I was involve in many Right of Way acquisition issues, relocations of informal settlers, etc. etc. From experience kasi – napupulitika din yan. Yong mga informal settlers na yan nagpapainterview sa TV pero yong mga lider nakikipag backdoor negotiations…and for the record – ayon sa batas – ang informal settler ay hindi entitled sa anumang compensation – which I agree naman. In fact – kung pwede lang ipa evaporate na sila – masakit kasi sa ulo.
Doon naman sa allegation ng land grabbing from farmers, fake titles – It hard to make a judgement lalo na kung hindi personally na-witness. Minsan madaling masulsulan ang mga yan, napaka vulnerable kasi. Basta ang natutunan ko dati noong nagtatrabaho ako sa gov’t – huwag maniwala sa lahat ng nababalita sa TV or newspaper. Kasi maraming hindi totoo. Na experience ko rin before, ang daming complaints na dumarating sa Office – pag naimbestigahan ko – yun pala gusto lang magpayad ng malaki doon sa lupa nila or minsan kaaway yong govt official kaya nirereklamo – minsan nagfoforum shopping lang.
Truth is marami talagang agricultural land ang ginagawang subdivision, memorial park, golf course. Hindi lang yong mga allegations kay Villar. Binebenta na ng farmers kasi pera na agad eh, ayaw na magsaka.
On the other hand – marami talagang crook businessman at govt official but it’s really hard to know the truth kasi marami ng hokus focus bago pa lumabas ang mga issue.
Anong area po ito? Quezon City or Muntinlupa? Pasensya po hindi po kasi ako nanonood ng balia?
gab, if you play the video and listen to it, you’ll know HAHAHA charing! the answer is in the video
[...] http://groups.yahoo.com/group/RP-BBUNZ99/message/6 http://barriosiete.com/manny-villar-land-grabber/ http://filipinovoices.com/the-real-villars http://propinoy.net/tag/norzagaray-land/ [...]