Home » Chizmiz sa Barberya, Opinion

Manu-manu ang bilangan sa darating na halalan?

1 July 2009 32 Comments

Mukhang exciting pa sa koboy stories ang halalan na darating. Ang latest news is that – Manu-manu ang bilangan sa darating na halalan. Naki-kinita-kinita ko na… agawan nang mga balota, bilangan sa ilaw nang kandila, brown-out bigla ang meralco, palitan nang mga kinahon na balota hahaha!!! Pero, teka …. eto muna…

Dutch-Venezuelan Smartmatic and Filipino Total Information Management Corp. (TIM) decided to partner on a project to automate the 2010 Elections. By partnering, they sorta created another legal entity. Ang problema, walang basbas nang SEC. Ano yon?! Nadala sa tagay?! Eto ang tinatawag na “Marriage for convenience”. Ano kaya nangyari? Nag-away ba sa hati-hati? Hindi pa man nag-sisimula ang halalan, nagkakagulo na sa BoredRooms nang mga to mga kabisyo! An sabi sa chizmis na nasagap ko (andyan din sya sa betamaks sa sidebar):

The Commission on Elections (Comelec) will “call off” its deal with the winning bidder for the 2010 election automation project if the technology firm fails to submit its incorporation papers by Friday, Comelec Chairman Jose Melo said. Source: Dito

HUH?! Contracting procedures eklavu! Ina-ward ang kontrata sa isang engkantada? Walang cedula? At ni hindi nakapag-enkorporada? Ibang klaseng Contracting Procedures pala sila! Kahit sinong engkanto, pede palang i-award ang kontrata, saka na ang cedula. Tsk! Tsk! Tsk!

Alam nyo mga ka=tungga, nag-aral po aketch nang federal contracting chorva sa george washington university, pero hindi ibig sabihin na ang ginagawa namen eh syang ginagawa sa Kumulec. Ewan ko ba sa drama nila. Ba’t piktapos i-award ang kontrata, tsaka lang mega-check nang cedula. Sa-men? Meron gina-tawag na pre-qualification. Dito namen ga-hingi ang mga certificados rekados at todo todong due diligence. Magkano ang proyekto na to? P7.2 billion pesoses. Can you imagine kung ilang boylets ang mabibili ko nyan?!

Ang latest news mga kunichiwa was that, nag-pullout na daw ang Total Information Management Corp. (TIM) as partner of Smartmatic. Nag-titili ang Senator Gordon! Suspisyus! Suspisyus!

“Is there somebody forcing partnership with Smartmatic or is this a deliberate attempt to torpedo the automation process so there will be cheating as usual?” asked Gordon, who has been vocal on his desire for poll automation to happen in next year’s polls. Source: Dito

Tipong ang problema nang mga lecheng kontratista na to eh “marriage for convenience” para lang makuha ang kontrata at hindi ang matapos ang trabaho para sa bayan.

Pour moi, puro mga sira-ulo cute ang mga ‘to. Mag-mula dun sa nag-award nang kontrata for not doing the usual due diligence, spelled Komolek, pati na tong dalwang Kamponrasyon na walang pinagkaiba sa mga Corporate Thugs at lalong lalo na kung sino man ang film direktor at producer na namamahala nang dramang to. Yun eh hinala ko lang naman. Dahil, sa hinaba-haba nang kadramahan na to! Manu-manu lang naman pala! Leche! Hmpt!

Photo Credits:

Poll watchers gather to take a closer look at the contents of the ballot box during the start of the official canvassing of votes for the country’s local and congressional elections Tuesday May 15, 2007 at suburban Pasay city south of Manila, Philippines.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13577 times by 2594 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

32 Comments »

  • Rob Angeles says:

    Tsaka one year lang ang preparation? May 2010 and election sa atin and nationwide ang automation. Kaya nila in one year? Di naman sa tinatanong ko kakayahan nila pero mukhang malabo yun. Di basta basta implementation ng ganyang klase ng automation.

  • jeri says:

    Payagan nyo na ako ang maunang mag-komento.

    Malapit na naman ang halalan
    pero manu-manu pa rin ang bilangan
    paano uusad ang ating bayan
    kung ang mangyayari ay puro kadayaan

    Matagal na ang ganitong situasyon
    Panahon pa ng hapon at kopong-kopong
    Ang tanging makikinabang pag nagka ganun
    kundi ang mga buwaya na naka-upo sa ngayon

    Sa tuwing sasapit ang eleksyon sa kapuluan
    Pera ng pulitiko magsipag-labasan
    na ninakaw lang naman sa kaban-bayan
    ipapamudmod sa mga konsehal at sa mga kapitan.

    **sori po kapitana*** dika kabilang dun. he he he

    Mga “Flying voters” ay matutuwa na naman
    muling magkakaroon ng pagkakaperahan
    matagal ng “Bangkay” kasama pa rin sa botohan
    Dagdag boto ng kandidato para sa bilangan.

    Simpleng tula lamang po, pero me tama yan sa mga kandidato na walang inatupag kundi mangdaya para lamang maka-upo sa pwesto na kanilang inasam-asam,kapit tuko sa posisyon…ngunit wala naman pakinabang sa bayan…Mga buwaya talaga sa lipunan.

    Haayy! gising na ang sambayanan, ngunit patuloy pa rin na nagbubulag-bulagan…

  • jeri says:

    Eto po ang pahayag ni Sen Gordon na nasaba ko sa isang dyaryo:

    May isang malaking grupong nanggipit at nanabotahe sa 2010 national election kung kaya’t nag-away ang dalawang kumpanyang magkasosyo sa poll automation contract ng Comelec.

    nagiging hostage aniya ang sambayanang Pilipino sa poll automation kaya’t inirekomenda ng senador ang pagsasampa ng kaso sa Smartmatic at TIM lalo pa’t hindi nasunod ang napagkasunduan.

  • jeri says:

    Eto pa ang isang hirit ni Pareng Gordon:

    Maaring may nanggigipit, maaring may nakikisosyo, nakikisawsaw o maari rin na ayaw talaga nilang magkaroon ng automation dahil mamamatay lahat ‘yung negosyo nu’ng mga nandiyan sa Comelec at nanggigipit. Kaya ang tawag ko d’yan estafa sa buong bansa eh, hino-hostage ang buong bansa,”

    Ang lupit talaga, ano po?
    punyemas talaga..tama si kapitana..hindi Comelec kundi Kumulec.

    kinnana ketdi.!!!sal-it da amin.

  • jeri says:

    Mga Kapuso, may-ulat ang ating ka-barrio na field reporter mula sa department of justice.

    pasoooooooook!

    reporter: Mga kapamilya, este! mga ka-puso, narito po ako ngayon sa libingan ng maton,,este!..sa tanggapan ng department of justice,upang ibigay ang pinakamainit na ulat….
    Ayon kay Justice Secretary Agnes Devanadera pinayuhan nya ang Comelec na panagutin ang Smartmatic at TIM dahil sa pagtalikod sa proyekto matapos igawad sa kanila ang kontrata.

    Binigyang-diin ni Devanadera na maaaring kasuhan ng Comelec ang buong consortium sa sandaling hindi makasunod sa timeline na ibiningay ng komisyon hinggil sa distribusyon ng mga makinang gagamitin sa eleksyon sa 2010.

    Maaari umanong managot ang naturang consortium sa perwisyong idudulot sa sambayanang Filipino kapag hindi itinuloy ang nakaplanong electronic elections dagdag pa ng kalihim.

    Sinabi pa ni Devanadera na hindi maaaring ikatwiran ng Smartmatic ang pag-atras ng partner company nito para hindi tuparin ang mga isinasaad sa kontrata.

    At yan ang pinaka-huling ulat na ating nasagap. balik sayo kabayan.!

  • Dinah says:

    nung umpisa pa ako ay hindi na kumbinsido na matutuloy ang poll automation. pakiwari ko ba ay puro half-baked ang efforts ng komelek. at maniwala ka na me mananagot dyan sa TIM at Smartmatic? e yun bang binilhan ng computers nung 2007 e may nakulong! asus ko day!

  • lee says:

    nyahaha litsi, sa manu-mano din lang pala mauuwi ang lahat matapos ang mahabang balitaktakan ng mga lintek

  • reynz says:

    nabasa ko sa ellen tordesillas: http://www.ellentordesillas.com/?p=6025

    na meron daw “maligno” na sumali at pilit na sumasali sa partnership na wala namang contribution pero tila ata me “contribution” na ini-expect hahaha!

  • reynz says:

    eto ang chizmiz na nasagap ko sa Ellenville:

    Final control by Smartmatic Corp., the foreign partner in the election computerization project of the Commission on Elections, of how the contracted P7.2 billion cost of the project will be spent is the reason Total Information Management, the Filipino partner, decided to dump the partnership.

    TIM rejected the proposal of Smartmatic, saying this was contrary to the nature of a joint venture and “would expose it to possible violations of Philippine laws.”

    TIM’s fear of exposure to “possible violation of Philippine laws,” sources familiar with the deal said, was prompted by the entry of a person with the highest political connections into the deal as a “carried” partner.”

    A “carried partner,” the sources said, means one who wants to get a piece of the action without contributing a single centavo.

    The fear of TIM president Jose Mari Antunez that he and his company might get entangled with the law was triggered when an associate saw the “powerful person” huddled with a Smartmatic principal and a member of a prominent business family from Cebu at the coffee shop of a Makati hotel last week, a source said

    • lee says:

      ayun kamahalan, si manong djb, pinagtatatadyakan at pinagsasasampal na yung smartmatic sa twitter nya hahahahahaha.
      pag nagkataon bukol ang smartmatic sa boots ni manong (gulat ako, kaya pa palang manadyak ni manong?)

  • dencios says:

    di ko maiwasang isipin na scripted ang nangyayari ngayon lahat. kung ibabalik sa yan sa mano mano dapat i confirm ng maaga kasi baka sabihin nila hindi sila ready sa eleksyon, subsob ko sila sa kili kili ng mga arabo!

    • reynz says:

      kaduda-duda nga na scripted sya dahil if the “unknown” party eh humi-hingi nang kalahating bilyon ata yon, eh siempre indi bibigay yong isang partner – ayun – chugi ang partnership. i guess, that was the idea.

  • dFish says:

    Kailan kaya maging totoo ang ating mga lider sa adhikain ng demokrasya, na kung saan mas isina-alang alang muna ang kapakanan ng karamihan kaysa mga personal na mga interes. Sa oath-taking ng mga bagong halal na opisyal, nandun nakatalaga kahit papano ang mga adhikaing iyon. Para nga ba sa atin ang demokrasya o gaya-gaya lang talaga ang Pinas sa Amerika na kung saan ang demokrasya, kahit na nag-evolve ay pinangangatawan ng mga nakaupo. Halimbawa na lang – noong binalangkas ang kauna-unahang Constitution ng Amerika – nandun sina James Madison, George Washington, Alexander Hamilton at Benjamin Franklin. Ang mga ito ay napabilang sa mga propertied classes noong kapanahunan nila. Sa pagbalangkas, pwede nilang isaalang-alang muna ang kanilang mga investments at mga interes. Pero hindi – mas nangibabaw ang pagbuwag sa aristokrasiya, at pagbalangkas ng isang Consti na tutugon sa problema ng despotismo mula sa Englatera at popular rule na kung saan ang mga tao ay kailangan ding gabayan ng isang central government para hindi na lang magwala ng magwala. Sa umpisa pa lang – may vision na ang mga framers ng Constitution at kasinghalaga dito, ang kanilang mga karakter. Pilipinas – kailan kaya matitikman ang tunay na diwa ng demokrasya kung ganito na rin lagi ang ating mga lideres – mas inuuna ang pansariling mga interes at investments? Ewan ko lang…Nakakapagod…

    • jeri says:

      Ang laging sagot ko dyan………. BOYlets! este… BOYKOOOOOOOOOOOOOOOOT.

    • reynz says:

      dFish: naku ikokorek kita dito:

      Kailan kaya maging totoo ang ating mga lider sa adhikain ng demokrasya, na kung saan mas isina-alang alang muna ang kapakanan ng karamihan (sadyang di sinama ang buntot nang sentence na to hahaha)

      Korekshun.

      Once na naging opisyal ang mga lecheng yan dFish, sina-salang na nila AGAD AGAD ang kapakanan nang KARAMIHANG MIEMBRO NANG PAMILYA NILA. im fak pati kebigan nakasabit eh.

      Grrr!

  • jeri says:

    Yang puso mo kapitana, alalahanin mo nakapako lang yan ng lasang de-uno. wag kang masyadong hot, bka ka ma cardiac…tulad ni d’king of POP.

  • Snow says:

    Puso mo mahal na reyna, what else is new sa ating gobyerno? Puro lang sila plano pero walang natutupad. Gosh, akala ko pa naman automated na, para tuloy tinatamad na akong bumoto, imagine naman, pen at balota na naman with matching cover ang botohan. onli in the pilipins. tsk..tsk… :(

  • jeri says:

    Mula sa kasama nating field reporter may bagong Update tungkol sa Poll Automation..

    Passooooooooook!

    POLL AUTOMATION TULOY NA.

    Ito ang pahayag kahapon ng Commission on Elections na tuloy na ang poll automation sa 2010 makaraang muling magkasundo ang magkapartner na mga kumpanyang nanalo sa bidding ng proyekto.

    At ayun pa sa ating bubuwit,.. Matapos ang halos da lawang oras na executive session kahapon ay inanunsyo ni Comelec Chairman Jose Melo na nabuo muli ang nalamatang tambalan ng Total Information Management (TIM), local partner, at ang Smartmatic International, foreign partner, para sa P11.3 bilyong poll automation contract.

    At yan ang pinaka-huling update tungkol sa katarantaduhang walang katapusan.

    balik muli sayo kabayan.

  • [...] July 1, ibinalita ko senyo na posibleng maging manu-manu ang bilangan sa darating na eleksyon. Well, na-areglo ang mga sapakan at sabunutan. Nag-kiss ang make-up ang mga [...]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.