Marka demonyo
Marka demonyo. Yan talaga pag tinamaan ka, sigurado ako, susuka ka. An sama kamo nyan. Kaya tuloy, nag-dadalawang isip na ako. Meron ngang mali sa ating saligang batas. Oo, dapat na nga talagang palitan ang mga kademonyohang nakasulat dun. Gaya na nga nang impaktong nepotismo. Pasensya na kayo medyo grrr ako. Finally kasi, nagkaron na rin nang TV ang barong barong ko at dun ko nasilayan ang gruesome na mga litrato nang mga pinatay sa Maguindanao.
Nepotism
Kakagat ba ang ating mga tongressman at mga tiga senado na magpasa nang ley na ipagbawal na ang nepotismo? Saan ka nakakita nang lolo, lola, tyuhin, tyahin, asawa, anak, kapatid at kabit na mga opisyales publiko kundi saten? Tingnan nyo, ang resulta is warlordism. Sa totoo lang, wag ka nang tumingin sa Maguindanao. Warlordism na talaga ang pulitika saten.
Oo, kahindik hindik at talagang hindi makatao ang ginawang kaimpaktuhan sa ating mga kapatid na nasawi sa Maguindanao, pero sino ba talaga at kanino nagsimula ang pagiging demonyo nang mga warlord na to kundi sa mga opisyales na rin naten?
Kanya-kanyang cheezmaks kung bakit tender loving care and treatment sa mga Ampuputa. Ang sabi-sabi 2004-2007 karambola. Ang iba naman, ang sabi, kagagawan ni Cory Aquino dahil sya ang naglagay sa mga pamilyang Ampuputa. In ferness, malay ba naten na magiging demonyo ang mga Ampuputa. Siguro at that time, anghel sila. Walang nakakita na marka-demonyo pala.
Ex-public official running for public office again
Kakagat ba ang ating mga tongressman at mga tiga senado na magpasa nang ley na ipagbawal na kumandidato uli ang isang naging Presidente? Hindi ba kahayukan sa poder na yun at hindi magandang aral sa ating mga kabataan? Ano ang idinudulot na magandang aral nito na kaya nga anim na taon lang ang termino nang isang Presidente eh dahil na nga sa very reason na yon. Tipong self-defeating sya at talagang talamak ang pagiging hayok sa isang poder oras na ultimo kaanak eh sya pang umeepal para ituloy ang kandidatura nang isang ina. Eto ang sinabi nya kanina sa TV:
“My dear mother, in your decision-making, my sentiments must be taken as inconsequential. My political future must be brought to the back seat because as public servants, we have sworn to give our all to our country,” he said in a speech.
“Madame President, I believe that the best service I can give to my constituents, whom I’ve grown to love so much, is urging you not to deny them the privilege of being represented by your person,” he said.
(Source: Inquirer)
Ano ang kaibahan nito nung panahon ni Marcos na akala mo eh sya na lang ang natitirang nilalang sa Pilipinas upang maging lider?
Death Penalty Ibalik
Kakagat ba ang ating mga tongressman at mga tiga senado na ibalik ang Death Penalty? O takot at baka mabulyawan nang European Union at nang simbahan? Bakit sa Estados Unidos, chinugi nong lastweek yong Washington DC Sniper pero walang umalma kahit na isa. Sa Pilipinas? Bakit buong armada nang mundo galit at talagang sasampalin ka pa nang kung ano anong litanya na tatanggaling keso oras na ibalik ang death penalty? Para saken ang mga taong walang respesto sa mahal na buhay nang isang tao ay [fill in the blanks].
Frustrating. Karamihan sa pulitika, ganun, all in the name of service to the people. At karamihan, sa likod talaga nang simbolong ka-angelan, marka-demonyo.
Viewed 11507 times by 2391 viewers















nakalalango raw kasi ang kapangyarihan…di yata nila makita ang sarili bilang mga ordinaryong mamamayan. iyong mga nagsasabing ‘mahal nila ang bansang pilipinas at ang mga pilipino’ na hanggang salita lamang ay mabuting ipakita nila ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagbaba sa kanilang puwesto. ang pagmamahal na walang kalakip na gawa ay pagmamahal na patay o baog. daming baog sa gobyerno ngayon…
hay, garapal talaga ano? hindi nga labag sa batas pero labag sa diwa ng batas!
Sabi nga ni Ruffa Mae:
TODO NA TOOOOOO!!!!!!
Amfootah,oo! Anak ng fuchsia!
ibalik ang death penalty, kahit sabihing di yun ang solusyon, my katiting manlang silang katatakutan.
sa sarili kong opinyon ayoko sa death penalty. hindi naman ako talagang relihiyosa, pero naniniwala akong Panginoon ang nagbigay sa atin ng buhay at sya lang din ang may karapatang bumawi nito..
kung mali na sila dahil walang awa silang pumatay sa kapwa nila, maitatama ba yun kung susundan pa ng isang kamalian which is pagpatay sa kanila? maaari ngang hindi mali sa batas natin kung ipapatupad, pero sa sarili kong pananaw yun ay mali sa Kaitaasan.
Ang dapat na ipagbawal eh ang special treatment at mga house arrest para ang mga mayayaman at maimpluwensyang nasistensyahan at nasa kulungan ay talagang magdusa. that way mas mararamdaman nila ang hirap. kung death penalty isang aray lang yan, taz wala na kasi sa ilang segundo patay na sila. unlike kung habang buhay ang sentensya at walang special treatment tot he point na sa sahig sila tutulog, maglilinis ng cr at gagawa ng gaya ng gawain ng isang ordinaryong kalabosom,that way habang buhay nilang mararanasan ang hirap to the point na sila mismo ay humiling ng mamatay..
kung ako tatanungin ayoko sa death penalty pero ayoko rin sa special treatment at house arrest, yun ang dapat alisin!..