Masarap ang manok…
Masarap ang manok lalo na at malutong ang balat nito. Pag tinatawag ng pagkakataon na kumain ako ng mabilisan, pumupunta ako sa fastfood at ang palagi ko inoorder ay Manok. Buti kamo di ako binubuni. Masarap kasi ang manok lalo na yung pitsyo (breast) kasi ito yung parte ng manok na masustansya at walang cholesterol o taba.
Kapag umoorder ako, sinisugarado ko na tamang tama lang sa akin, walang labis walang kulang. Yun kasi ang turo sa amin ng aming ina at ama. Wag kang kukuha ng pagkain na di mo kayang ubusin.
Pero ikaw, pano ka ba umorder sa KFC o McDo? Inuubos mo ba order mo o nagtitira ka?
Panoorin mo to, para malaman mo kung saan napupunta yung Manok na itinitira mo.
Short film ito na ginawa ni Ferdinand Dimadura na naka ani ng parangal sa Berlin Film Festival noong 2006. Isa ito sa 32 na Maikling Pelikula na nakapasok mula sa 32,000 na entries. namamayagpag ito ngayon sa youtube. Bakit kamo? eto panoorin mo!
Viewed 8650 times by 1574 viewers














umaga, pag-gising, bukas ng computer…nag handa ng mga anak pumasok ng school…nag basa ng B7,at pinanood ang video….maya-maya sa hindi ko malamang kadahilanan, tumutulo ang aking luha….
ang akala ko habang nanonood ng video, ang mga nakukuhang tiratira ay ipapakain sa mga alagang baboy……iyun pala sa mga batang iskuwater…talagang nakaka-iyak na sa ibang sulok ng daigdig ay may mga taong ina-apreciate ang mumunting bagay na tira tira na ng mga mayayaman…at ito ay makikita sa ating bayang Pilipinas!
mag-kahalong emosyon ang naramdaman ko…matuwa dahil may nakain ang mga bata at maawa sa kanilang kalagayan…..na kahit pinag halong tira-tira ay kinakain nila tsk tsk tsk talagang napapa-iling ako…
at pag dating ng aking mga anak…..ipapanood ko sa kanila ang movie na ito….to show them na talagang hindi dapat mag-aksaya ng pag-kain, dahil madaming nagugutom sa ibang lugar…..
naalala ko nanaman ulit yung le cirque dinner ng party ni Gloria, imagine kung ilang pirasong chicken ang nabibili ng isang order sa dinner na yun??
Heto pa ang isa: http://www.youtube.com/watch?v=KPg5IH4O7lM
Nakakalungkot talaga. Ang ginagawa namin noon pag kumakain sa labas or sa fastfood tapos may tira, pinapabalot tapos binibigay namin dun sa mga batang namamalimos sa Philcoa or Katipunan. Kahit tira lang, malaking bagay din para sa mga batang walang makain.
bigla akong nalungkot…
nung nagpart time ako dati sa isang 7eleven, yung mga fastfood dun na hindi nabili within 24 hours eh hindi namin tinatapon nor na pinapagbili pa. kasi isa lang ang nagdedeliver ng 7eleven fastfood sa buong luzon (not sure with other main islands). yun eh galing pa manila. sa tuwing may tirang fastfood, tinatabi yun at hinihintay yung truck na magdedeliver ulit ng bagong fastfood tuwing hatinggabi at ibinabalik sa kanila yung foods. hindi ko lang talaga sure kung tinatapon na yun sa mismong center ng 7eleven or kung pinapamigay or ginagawang fertilizer etc. pero sabi ng manager namin sa branch namin, kaya daw hindi pinapamigay yun ng bawat branch sa kung kanino eh kasi since lampas na nga sya ng 24 hours, baka sakaling may mga bacteria na na nabuo dun at maaaring ang pulubing pagbigyan eh sumakit pa ang tyan at masumbong pa ang kumpanya magkaron pa ng bad image. sabi nya baka daw tinatapon yun pero tinatanggal muna sa pack para hindi makitang galing 7eleven, kasi sa basurahan baka pulutin parin ng mga bata at sumakit ang tyan masabi na naman na galing samen
pero actually di pa panis yung food. kasi kahit 24 hours na eh nakaref naman sya eh. minsan nga nanhihinayang yung may ari pinapagbili saming mga employees ng buy 1 take 1 instead na ibalik sa center kasi loss of revenue din yun.
I love KFC lalo na yung gravy. Pero not too much kasi masama naman yung sobra sa life!
Teka dyan mailibre yung friend na ime-meet ko mamaya…hehehe…
OMG waaaaaa
(
maraming batang kalye talaga ang nag aabang ng mga tira ng mga customer sa mga fastfoods, nakakaawa kasi habulan blues ang nangyayari sa kanila ng mga security guard, naghahanap sila ng pantawid gutom, mas mabuting ipabalot na lang ng mga kostumer at ibigay paglabas sa mga bata pag may sobra
Nakakalungkot na talaga dito sa ating bansang Pilipinas. Sobrang layo na ng gap ng mahirap at mayaman. Kawawang mga bata galing na sa basurahan kakainin pa rin. Grabeeeeeeeeeeee…andiyan pa yong AMPATUAN Massacre…Madam naman umalis ka na kaya sa upuan mo.
nakakaantig naman ng damdamin…kung anong patapon sa iba eh biyaya naman sa mas nakararami. ako instead of giving money sa mga namamalimos ay binibilhan ko na lang ng isa o dalawang balot ng tinapay kesa pera para mas malamang na pakinabangan nila. mahirap na baka iyong mga street beggars ay under ng mga sindikato.
Sori but I could not eat KFC’s fried chicken. I’d rather buy chicken at the supermarket and fry ‘em myself and/or broil.
skinless chicken simple rekado, salt and pepper once cooked saw-saw sa tuyo squeezed with lemon.
But of course I can eat KFC’s mash potato, coleslaw and the chicken pot pie.