Home » Chizmiz sa Parlor

May-December Romance, Unacceptable Nga Ba?

18 June 2009 21 Comments

Gosh, it’s all over the news! Ruffa Gutierrez is reportedly head-over-heels in love with John Lloyd Cruz!

ruffalloyd

Opo, mga ka-Barrio, usap-usapan at bulong-bulungan ang isyung ito sa Philippine showbizlandia ngayon. Apparently, mukhang nagkadevelopan ang dalawang ito sa taping ng tv show na ‘I Love Betty La Fea’. Marami ring nagsasabi na magkasintahan na nga raw ang dalawa ngayon. However, mga ka-bloggers, mukhang hindi pa yata aamin ang dalawa ito kahit na binuking na sila ni Annabelle Rama.

Hmmm, bakit nga ba parang tikom silang dalawa sa kanilang relasyon? Dahil ba sa 34 years old na si Ruffa at 25 years pa lang si John Lloyd Cruz? Ayaw ba nilang aminin ito dahil sa 9 years ang age gap nila? O baka naman natatakot lang si Lloydie na umamin dahil sa talagang malakas ang personality ni Annabelle Rama? Monster mom ba naman si Bisaya…hehehe…

Isang update lang mga ka-barrio:

Nagkabati na sina Annabelle at Ruffa. And apparently, according to Ruffa sa isang interview na ginawa ng PEP, ayaw na daw nyang isama sa lumalaganap na huntahan ang pangalan ni John Lloyd Cruz. Masyado na daw publicized. Hehe.

Well, napakarami kong katanungan Virginia pero…

Ano ba masama kung umibig ang isang lalaki sa babaing mas matanda sa kanya?? Heller! Don’t tell me na hindi pa rin katanggap-tanggap ang ganito sa madlang people dito sa Pilipinas?! Goodness naman, marami ng ganitong kaso sa ating lipunan ngayon and these couple seems to get along well inspite of their age difference. Heto mga example:

Si Governor Vilma Santos nga 10 years ang age gap kay Senator Ralph Recto – going strong pa rin sila. Si Kris Aquino naman, 11 years ang tanda kay James Yap and look at them, may Baby James na.Tapos si Demi Moore naman day, mas mahaba hair ng lowla ninyong ito dahil 15 years lang naman ang age gap niya sa kanyang lovey-dovey na si Ashton Kutcher!

Well, in my own honest opinion, all is fair in love and war. Tsaka ano vah, we are no longer living in the 18th century so dapat, hindi na big deal ang May-December romance. Nangyayari naman talaga ang ganitong klase ng scenario mapa-celebrities man or mapa-normal kind of people.

Yun lang po. I, thank you…

Related Posts with Thumbnails

Viewed 9977 times by 1348 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
Snow is the author behind Dear Bloggery. Married to a college schoolmate with one cute kid, Snow is balancing time with family and work to ensure sanity.

21 Comments »

  • dencios says:

    mam snow, haha. tama ka, hindi na big deal iyan. basta sa akin lang,

    ang pag-ibig kahit wala sa panahon e tutubo’t tutubo iyan kahit saang lugar pa ke compatible man o hindi.

    • Snow says:

      Ako rin dencios, para sa akin ok lang ang May-December affair basta nagmamamahalan ha kasi may mga iba ginagawa lang sugar mommy ang girl. yun ang nakakalungkot.

      p.s. ngayon pa lang ako nakasilip sa internet world. tumakas lang, kapag nawala ibig sabihin nun sa isang araw ulit…hehehe…bakasyon si kumander. family first daw muna…hehehe.. ^_^

  • N!ckph says:

    Vicky Belo and Hayden Kho, rich (read: age) doesn’t matter talaga.

    “Age is an issue of mind over matter. If you don’t mind, it doesn’t matter.”
    ==Mark Twain==

    • Snow says:

      Well, kuya N!ckph, eh yaan naman pong 2 yan eh magisip na kayo talaga kung love ba yan or what…hahaha…hindi convince sa dalawang iyan… ^_^

  • reynz says:

    hindi lang mga pinoy ang mga nag-re-raise nang eyebrows like this, mas matindi sa tsismis ang mga itims hahaha, eto mga ka-opisina ko, ayuff kung mag-tsismisan when it involves a younger guy and an older chick. moi?? [wag na nating pag-usapan] hahaha

    • Snow says:

      naku kamahalan kung nagiibigan naman di ba, why not? as long na walang nasasaktang tao.

      p.s. evaporate muna po, mommy duties muna. ;)

  • Roy says:

    hindi na nakakapagtaka ngayon yan… praktikal na ang buhay… este ang ibig kong sabihin, hindi mo talaga kayang pigilan ang pag-ibig (naks!)

  • mel beckham says:

    double standard. bakit kung ang guy ang mas matanda okay lang, pero bakit kung kaming mga girl ang mas matanda ay may issue.

    ay teka, bading pala ako. bwahaha!

  • Mars says:

    nako, jackpot si john dyan, may lola, tita, gf, at kung ano ano pa

  • darbs says:

    Si GI Jane ata ang nagpauso nyan ah.

    She has been married to the actor Ashton Kutcher since 2005. -wikipedia

    That is what you get sa 400 hundred years of western domination, kung si Evanghelista pa doon sa kanyang Winner Speech.

  • arbee says:

    love knows no boundaries…if it is love that what they have. but, hey, its showbiz…can’t tell which is true from which is not. hehe

    well, as long as everybody’s happy.

    just droppin’ by.

  • chuva says:

    Ngek! Tama yan SNOW, hindi na dapat gawing issue yan. May difference ang 34/25 sa 25/16. Kung hindi naman labag sa batas.. bakit hindi diba?

    Kaya nga ako, ang hinahanap ko 22. Hindi naman siguro applicable yan kung 27 lang ako diba? :D

  • Reesie says:

    bakit kaya napakalaking issue pag ang babae yung matanda tapos bata ang lalake? pero okay lang kung matanda ang lalake pero bata ang babae? it so umper sa aming mga babae na hndi puedeng mangharbat ng mas bata sa amin. hhaha

  • GabbyD says:

    what makes may-december? is 10 years enough?

    i always thought u needed a larger age gap

  • Glo says:

    what’s the big deal? biologically, younger men matches older women. sexually that is. the same with younger women and older men. match ang peak ng sexual libidos ng ganyang mga edad.

    so…hindi mapipigilan ang attraction between them. it’s gonna be explosive. until they are both consumed. ;) hehehe.

  • reynz says:

    they look good together. i don’t see any problem. masakit sa puso ko pero kung sa kanya maligaya si Lloyd, papayagan ko si Lloyd hehehe

  • lee says:

    aba e ang tingin ni annable sa kanyang si Rofa e prensepe lang ang babagay e si Elmas nga ayaw nya nung una kasi di naman Prensepe, pero sabi naman ni Anabil e ang ikinagalit lang naman daw nya e bat parang ikinakahiya ni john si Rofa e maganda naman ang anak nya.
    yung sister ko mas older ng 5yrs sa asawa nya pero andres yung asawa nya hahaha,ako ewan mas gusto ko yung mga lalaking malaki ang edad sakin ayaw ko nung ka edad ko mas lalo na yung mas bata sakin pero im not against dun sa mga babaeng mas matanda kesa dun sa lalaki

  • Yami says:

    Snow,

    personally mahirap ang boylet na bata kasi in the long run hahanap din ng ka-edad niya ang mga ‘yan unless super duper rich ang lola.

    Sino nga ba ‘yung…ah si Raymond Bagatsing ‘yung nagpakasal sa mayamang columnist ba ‘yun or businesswoman. Ang laki ng age gap nila. Siguro sobrang in lab si Raymond, ano????

  • reynz says:

    @yami…

    “personally mahirap ang boylet na bata kasi in the long run hahanap din ng ka-edad niya ang mga ‘yan unless super duper rich ang lola.

    *prstttt!* hu! hu! hu! meron kang pina-ala-la! waa!!! waaaa! HUWAAAAAAAAAAAAAA!!!

  • Dinah says:

    Im older sa husband ko ng 2 years. sabi ko, ang mas matanda, siya dapat nasusunod! o di ba, panalo!

  • batongbakal says:

    ok lang kung totoo na may relasyon nga sina ruffa at john lloyd. ang masama lang ay kung mali ang akala ng babae at sa panaginip lang pala niya ang relasyon.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.