Meet The Writer: Lee
Isang karangalan sa akin ang ipakilala ang ating ka-barrio na ito. Isa siya sa masusugid na reader ng Reyna Elena at Barrio Siete, pati na rin ang iba pang blogs ng ating mga ka-barrio. Problema nga lang, hindi na niya ma-access ang iba dahil alam nyo naman ang bansa na kanyang kinalulugaran.
![]()
Nonetheless, napakasayang kasama ng taong ito. She will never fail to make you laugh sa mga comments at napakagandang one-liners na binibitawan nya. Ngalay na ang panga natin sa katatawa pero siya di pa rin natigil sa pagpapatawa. Hehe.
Ngayon, pakinggan natin ang humble beginnings ni Lee. Opo, ito ang kwento ng buhay ni Lee.
~Reynz

UMAGANG UMAGA LITANYA NI MADERA—
“Aba e kung gusto mong makatapos ng pagaaral pagtitiisan mo kung anung meron tayo, pagkasyahin mo yang allowance mo kasama na dyan ang pamasahe,pambili ng ballpen, papel, eraser at pati pang meryenda pati na rin skul project kaya nga tinawag na allowance e, e kami nga nung araw anung ala allowance 5 kilometro nilalakad madilim pa papunta ng skul at puro pitak pa lalakaran at paguwi my buwan na kaya my excuse ako na grade 6 lang ang inabot ko”—-
PAEKLAT NG MADERA KO YAN PALAGI—
PAEKLAT KO NAMAN—
Lee: Ma kulang po itong 10 per/wk—
3 pesos po pamasahe balikan ang layo kasi eh natuto tuloy ako mag 1,2,3 sa jeep at makipag habulan sa driver na my bitbit na tubo.
Diko na maalala magkano ballpen basta alam ko nakatali ng lubed sa bag ko para di mawala
Papel? Nanghihingi lang ako sa katabi ko
Mader: “Kinukwentahan mo ba koh? Alam mo naman ang kalagayan natin di lang ikaw ang nag-aaral my 2 kapang kapatid.
Lee: Hindi naman po ako nagkukwen——
Mader: Aba e sasagot kapa? Pasalamat ka nga my 2 pesos ka araw-araw ako nung araw blah—blah—yakiti—yakiti—yak-yak,
…tapos ang usapan panalo ang nakalalamang.
Tsk, hanggang hi-skul nalang talaga kaya ni mader, wala kasi kaming namulatang tatay sabi kasi ni mader ayaw nyang mabaril sa luneta kaya bago pa kami dumami ng husto iniwan na nya ang aming tatay na ang prinsipyo sa buhay ay matulog ng matulog. So ngayon mas priority na pagaralin yung sumunod sakin na lalaki kasi yun daw ang magdadala ng pamilya kelangan makatapos,o sya kako basta kako pag nakatapos na sya e tulungan naman nya ko patapusin namin yung bunso naming babae…hirap talaga maging panganay.
Lee: Mag ja-Japan nalang po ako Ma, magsisinger nalang po ako…
Mader: Haaa? Naku anak di pwede magsama sama tayo dito sa hirap pero walang aalis mapapariwara kalang dun….
Nanalo nanaman ang nakalalamang, sa halip na singer na kumakanta-kanta e sewer sa factory na pumapadjak-padjak ang bagsak ko sa edad na 17 anyos litsi talaga ala man lang ka class class.
Diko ikinahihiyang mananahi ng factory ang aking ina pero di naman ako papayag na tatanda akong mananahi at mapaparis sa amin ang magiging mga anak ko.Kahit naman di ako nakatapos ayokong kalyuhin ang pwit ko kakaupo at kakatahi sa pabrika na kakarampot ang kita.
After 2 yrs, naging bisor— another year head ng mga bisor konting tiis lang aasenso din kahit dika manapak ng tao, kahit di ka manggamit, mas masarap yung umasenso sa sariling sikap…
Hanggang isang araw napansin ko tumatanda na pala ko pero nagbunga naman ang pagsisikap ko kahit pano manager na ko ng mga inspector at nakaupo nalang ako sa Makati opis pakamot-kamot, pamando-mando kunyari busy palagi pero ang totoo minamaster ko yung crossword puzzle na tagalog ng isang tabloid.
Kala nyo ba e madali kong narating yung narating ko? From barrio to Makati e napakasaklap at pait na karanasan na malait-lait ka nung mga elite na company dahil nga sikat-chupoy ang mga nakatapos ng clothing tech sa UP nung araw kaya parang sila lang ang may space sa napakagagandang opis ng Makati at makita pa lang nung receptionist yung CV ko e tingnan nako ng mula ulo hanggang paa at parang nagpipigil ng pagbunghalit ng tawa na kung nagkataon at my sipon sya e lolobo ilong sa pagpigil ng tawa.
Syempre tumulay muna ko sa alambre at bumuga ng apoy habang kumakain at lumulunok ng admiral blades sabay talon sa bubog bago ko nagkaron ng seat sa isang di kalakihang kompanya sa Makati.
Ang pagkakataon nga naman pag kumatok dimo inaasahan dumarating,
Ayoko po mag-abroad ok na kita ko dito satin. Sa edad na 27 ok nako sa sweldong 12 taw, baby pa naman anak ko diko maiwan (pero yung inutil kong asawa matagal ko ng gustong iwan).
Edad 28, lumalaki na yung baby ko kelangan ko maghanda sa future nya, mahirap tanggihan yung offer managerial post pero no big deal ang educational background malapit lang ang Recto di naman kamahalan at puro friendly pa ang mga tao.
In fact pag-aagawan kapa nila pag nadaan ka, konting pray para makapasa ako sa exam malalakas ang mga kalaban ko puro managers din ng malalaking kompanya satin, tapos sa UP ng Clothing Tech at IE yun kasi ang requirement at pag nakitang taga UP e yun pa unang tatawagin kahit nasa likuran syat kadarating lang sa pila at habang nilalampasan ka sa pila e mababangga kapa nung siko nyang naka bukadkad at parang sinasabing “tsupi, tabi kayo tabeeeeeh”.
Nakapasa sa exam awa ng Maykapal, at magaan ang dugo sakin nung manager ng EDI Staff Builder na naka share kolang sa taxi na syang namilit sakin na mag submit ng CV sa kanya.
Nagustuhan ako nung 3 banyaga na nag-interview, pinahinto kagad yung interview kasi nung una sila nag-iinterview sakin e nung after sometimes, siguro nakahalata sila na ako na nag-iinterview sa kanila siguro naasar sakin kaya para matigil nalang yung pagdadak-dak ko ako na ang kinuha at sa halip na QA Mngr ang post e di nalang daw yun ang post ko, ginawa akong assistant nung isang interviewer na Technical Director ng kompanya at ginawa din akong head ng isang department.
Dinaan sa sipag, tyaga, puyat, tulo ng uhog at luhang pinaghalo dahil mabigat yung project na binigay sakin, malay ko bang gumawa ng manual? Dinga ako makasagot ng tagalog na crossword puzzle, e manual pa gagawin ko? English pa? Wala, after ng probation ko malamang mapauwi nako kasi sinu bang makakaintindi sa English ko?e ako nga diko maintindihan?
Ng dahil sa manual, paggawa ng system sa sarili kong department, paglelecture ng mga basic procedures sa mga tao ko at least 1 hr bago umuwi, yung department ko ang napansin kesa dun sa mga talagang experienced na mga banyagang head ng ibang departments.
Napansin naman ako, naka 3x na napirate ako ng mas malalaking kompanya at syempre pa mas malaki ang offers at post.
Inabot ko na yung post na Deputy Country Manager, diko na pinapangarap pang mas tumaas dun pramis kasi sa edad ko ngayong 42 wala na kong planong habulin pa yung mas mataas na posts. In fact, nung narinig kong ibebenta na yung company namin na at my offer ako na pareho ang salary pero mas mababang post babalik ako sa pagiging QA/Tech Manager (eto na nga yun dito sa China) tinanggap ko na rin kasi diko naman kelangan ng posisyon at di naman ako nagkamali ng desisyon, masaya ako at perfect na sakin kung ano meron ako ngayon dahil less ang responsibility at less pressure with the same salary dahil ang plano ko mag retire ng maaga at ienjoy ang aking pamilyang naiwan ko ng matagal.
Kung anu man meron ako ngayon, utang ko yun sa Maykapal at sa aking butiking este butihing Ina at sa aking inspirasyon…ang aking unico iho..
Lee started as a machine operator and become head supervisor in her very first company. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.
Viewed 12439 times by 2680 viewers














may patingin-tingin ka pa sa itaas na parang nag-iisip. hahaha
okay guys, simulan na ang pagpagapang ng hantik kay Lee.
ahahahaa alam na alam mo style mam cat ah, parang pinagdaanan mo rin hahaha
@lee
Minsan mahirap magkunwaring busy kasi baka gayahin ng mga bata..hehehe… ^_^
lee,
hindi naman crossword ang ginagawa ko. nagbabasa ako ng magazine. lol.
Dito lang ako magko-comment. Tinatamad na akong mag scroll down. Lol
Lee, pag may tiyaga may nilaga. At pag may nilaga, may kakainin. Kung may kinakain, bongga ka! Hehehe
Congrats to everything!
LOL @ mam cat.
naimagine ko lee na senyas ka ng senyas tas ikaw pala ng cocrossword lang haha. sabagay ganun talaga kayong mga boss haha joke. kung ikaw lang nman ang boss ko papaalila na ko, pede mo pa akong saktan hehehe
halata yung magazine mam cat lol, kung nasa opis ako solo ko rum kaya walang nakakakita at kung nasa field naman ako abaaah mas lalong walang nakakakita hahaha
@mel, salamat at tunay ka dyan pag may nilaga my patatas at kamote isama mo na mais saka mane.
@dencios, hahaha magpapaalila na pwede pang saktan hahaha type ko yan my pagka masokista ahahahya
From crossword to blogging. Nag-e-evolve din yata ang mga productive habits ng mga nasa desk lang, hehehe di ba darbs. Another benetton-like istorya ng Barrio Siete…
dika manniniwala @dfish nagturo sakin gumamit ng computer at mag open friendster e yung anak ko ahahaha my konsulasyon naman sa pagpapaaral ng anak kahit pano kahit na nga obvious na naaasar sakin pag diko na get kagad yung tinuturo nya lol lol
nyaaaaaaahb sinu yang panget na yan?guaaaaard palabasin yan hahahahaha
Hahaha, me lahing pihanha to…Gusto mo guard smack kita? In ferness, mader has always been your NEDA Directress ha…
hahaha alam mo dfish, diko alam kung pano nako kung wala ang aking ina na syang palaging gumagabay sakin kaya nga hangat nandito pa sya sa piling namin ibigay ng lahat ng kapritcho
nakakataba naman ng puso ang introduction ng kamahalan nalulusaw tuloy ako biro mo iintroduce ka ng reyna ng ganyan?
Ibig sabihin, bawal ang anti-Tiananmen sentiments sa barrio Siete aderwais ma-castaway si lee?
ganun na nga po @dfish baka pasabugin na pc ko at kahit sa barrio dina ko makapasok.
did you know na dito bago ka makakuha ng connection lalo pag foreigner ang nakatira naka tap yan? pag may namention ako na word ng mainit dito bigla blocked kagad ako? at pati sa phone pag my nabanggit ako kunyaro yung word na T—t, yung lugar na kinuha nila ng pilitan sa kabilang ibayo nila e bigla mawawala ako sa ere? kahit di nila naiintindihan basta my mga words na mainit sa kanila babantayan ka na
Grabe, ganun kahigpit…Buti na lang hindi tayo nagma-Mandarin dito sa Barrio Siete…
Bilib ka kung paano na supress ang information about T-Square sa loob ng soil/teritoryo nila.
Mostly ata doon sa na-interview bagong generations na mga Tsino never heard T-square.
Mostly teenagers doon sa interview had never seen the man and the tank.and all the seen and unseen.
that incident never happen and never exist— dun sa mga new generation ha talagang tinabunan nila yun at pinalalabas ng myth lang at paninira sa kanila, kaya nga kami walang youtube dito eh kasi sobra lakas ng makukuhang info via youtube
hanggang ngayon nga nawawala parin yung tanker e
That’s really one heck of a gargantuan effort from the government na sa kabila ng open source info, history can never be served in the minds of the young. I’m impressed, este, depressed pala.May flu kasi ako habang binabasa itong istorya ni lee na parang paracetamol na rin sa tuyong utak…
@dfish, buti nalang paracetamol at di midol lol lol
Yikes, buti na lang hindi Canesten para sa alipunga, hahaha
meron akong nasakasama noong chekwa sa lab ng oinagtrabahuan ko. magka-edad kami. 1973 din born. di nya alam what’s the buzz about the T-square.
hehehe. in a way maganda, walang maisip na kung ano ano ang mga citizens nila. maliit lang mundo nila kumbaga. so nagogoyo pa sila ng pamahalaan nila. so maganda di ba, walang friction. kaso pag lumabas na ng bansa, ayun madi-discover nila ang totoo. awakenings to the highest level.
Thanks Glo, for emphasizing this positive of information suppression. It definitely further cements their social cohesion despite the Western/American clamor of massive human rights violations. Do Chikwas need to know this historical aberration? The State said no in view of social cohesion. The West said yes – as an educational medium to promote awareness on individual human rights (the gift of American/Lockean liberalism to the world). Chikwas are known for this dictum: good news, bad news, who knows…
dito mahirap makipagtalo sa mga tao tungkol dyan mahirap silang ieducate sarado mga utak nila kaya nga sabi ko nalang hala magsipaglayasan kayot irty nyong lumabas ng bansa nyo at ng may matutunan naman kayo di yung ganyan na kala nyo e pag my nabangit na ganyan e sinisiraan kayo
Here you go! Lee, what can I say, but bow hat’s off.
@darbs salamat salamat pero dapat tong oras na to nagtatrabaho kot di nakatambay dito ahahaha
shhhhhh… atin atin na lang un. hehehe…ingats.
shhh atin lang basta wag lang mahuhuli at pag nahuli kunyari daming sinasagot na emails kunu
Mag-ala NBI muna ako. Bakit Lee po ang handle nyo?
@dfish, atin atin lang, shrt ng name ko, wag mo na itanong anu yung mahabang name ko hahaha
“Mag-ala NBI muna ako. Bakit Lee po ang handle nyo?”
@dfish, anu daw?diko na get bingi po ako lol
Lee, don’t wori wala akong intsik blood o kahit hardware man lang…Fan lang ako ng ube hopia ng Eng Bee Tin…
Yung katabi mong signage – is it no person allowed at sinuway mo hehe (pagka-rebellious kasi ang mga aquarians). or simply no parking. grabe pati parking pinagbabawal nila…
hahah @dfish, bahala sila my excuse ako, di ako nakakaintindi at nakakabasa ng chikwa character—
huh! nakakabasa ka ng chikwa character dfish?
ako nakakabasa ng chikwa characters…sa mahjong… hehehe
wow! kakainspire naman ang kwento ng buhay mo.
congratulations!
at ako’y may time nang makapag-blog at comment. not bad at all. with the job you love, you don’t have to go to work anymore until you retire.
@darbs, hahahahaha kaw naman nambubuko halata bang mas gusto maraming tambay kesa trabaho hahaha my time nako mag blog kaso ban nako sa sarili kong site kaya tambay nalang dito sa barrio, hahaha nadale mo ko dun ah
Hehe, i don’t read chikwa. officemate ko me intsik blood kaya nakakapick-up ng chikwa words. I look more closely at the signage – yung kasunod ng No, parang dihens naman P. Then i found out from one site na NP in chikwa has a car marked by a red line, not a P with a red line. Halaka – no person nga siguro. Pwede rin no pet hehehe.
@fish, hahaha no parking lang yan kasi ako lang pwede mag park, parking ko pag yoyosi after lunch hahaha
Wow, Lee! We are so happy na isa ka na ring writer sa ating bonggang-bonggang Barrio. ^_^
Siguro kung pag-ipun-ipunin lahat ng comments nitong si Lee,ilang articles na rin siguro hehehe.
@snow, dayong writer lang po miron lang.
@dfish, hahahahaha langya muntik nako mahulog sa upuan
Hahaha – the point is matagal ng writer tong si Lee in the guise of a commenter hahaha. Chikwa robe ba?
Tama ka dfish, grabe rin magkomento si lee. Marathon. Hinihingal na nga ako sa dami ng number of comments nila Ms. Cat, Silver at Darbs! *lol*
Onga eh – ako pabugso-bugso lang. Pero itong si Lee (na akala ko noon ay lalaki – no gender bias here) akala mo’y comment sa thesis proposal hehe…Gayahin ko si darbs: Peace Lord of the Rings, toinks
DFish pabugso-bugso lang.(mongalit-mongadtu, mao ba?)
Si lee? OIL. di ko makalimutan.
Avatar ni Snow yan ang tininingnan ko pag marinig ko ang salitang enkantada. dikripsyon. puti daw. walang mukha. blue ang kulay ng buhok. puti ang katawan. sino pa ba un?
@snow, nyak hinay hinay napo ako ngayon kasi palaging wala sa teybol lol medyo bc na kasi(bc pa yan ng lagay na yan)
@dfish, writing in guise of a commentr hahahahaha grabe na to ah, marami lang akong comment pero puro walang kawawaan ang mga pinagsasasabi hahaha
darbs, exactly, napansin mo kahit sa mga dreams natin of dead people, madalas walang mukha…i nominate Snow to head the Barrio Siete Paranormal Department
jows ku kayong dalawa gusto nyo pang gawing white lady ng balete si ms.snow hahaha
@dfish
paranormal department? ako??? nyek takot nga ako sa multo. fairydust na lang ok pa, mala-tinkerbell…hihihih…huy, papasok na ako…bukas na ulit.
Tignan mo nga naman kung gaano ka sharp ang mga third eye natin darbs. Eh, takot pala eh itong si Snow sa multo eh…
Yap, i agree. walang mukha. ganyang ganyan sa avatar. u don’t have to imagine. so mysterious. di ba?
Seconded!
mukhang may support tayo mula kay lee. sa kanya ang huling halakhak.
Snow, just believe ikanga ni Master Oogway ng Kung Fu Panda, in Barrio Siete’s Law of Contradiction – kung sino pa yung bulag, siya pa ang mas nakakakita…
YES! akala ko rin dti lalake si Lee!
grabe.
NYAKKK napagkamalan pa pala akong lalakeh, muka lang pong lalake pero musong mamae hahaha
The impressions stem i think sa mga walang kakime-kimeng mga komento mo…
hay naku ok na nga lang,si Bluep din kala nung una lalake ako, at si silver kala ko din nung una lalake at ang mahal na reyna kala ko nung una e babae yun pala babae nga hahaha
Startalk portion muna: Lee, ano madalas binibili mo sa karampot mong allowance pag recess?
recess? walang recess recess kuko ko ngina ngata ko pag recess mas mahirap kasing maglakad ng napakalayo kesa walang recess.
ang resulta ulcer,kinain nung malaking bituka ko yung maliliit na bituka ko.
“kinain nung malaking bituka ko yung maliliit na bituka ko.”
Ano to – intestinal malawakang rally?
yun imaginin mo kung pano magrally mga bituka hahaha
sign off na rin. meeting with the writer Lee and the others.
@darbs, alis kana?magtatrabaho ka na? lol lol
@dfish,anu kaya chura nung green lady na yun,nilulumot?hahaha
si darbs, magpahinga na yan galing trabaho…
Lee, may pinaparinggan ka bang gravatar? Yung soft version lang siguro ng kalaban ni Superman ang mukha…
Wish you darbs a green lady in your nightmare, ngakngakngak…pordiosporsanto,panabangi…
@fish, sus kaw naman guilty kagad dika naman mukhang lumot hahaha
Aktwali, yung gravatar ko, kuha ko yan sa padir na may crack at nilulumot tapos yun, tinutubuan ng mala-fern na damo…Haha, but this is your dance moment sa Barrio Siete, kaya hala bira, more startalk questions pa mga ka-barrio…
oo nga @dfish samantalaysing,at bukas layas nanaman ako buti nalang ngayon naipost to kung hindi hanggang sa pagbalik ko neks wik diko malalaman na napost na pala ako wahahahahah
Ayos, perfect timing for posting from Kapitana pala to.At saka, hindi ka na siguro ma-trace ng GPS ni Kapitana kung sakaling may startalk questions…From 1 to 10 – how do you rate yourself in terms of clothing fashion? (ano ba tong mga tinatanong ko?)
@dfish, zero kasi di dapat pinagpa-partner ang parehong printed hahaha
Lady painted in green.
In my dream, a nightmare?
I DON’T THINK SO!
hahahaha!
Sabi ko pa sa dream
ngakngakngak… hrrrr! ngasab, ngasab, hingal… drooling!
sabi pa sa green lady in your nightmare, pordiosporsanto, panabangi…
Mosungag man ni gamit iyang simod sir! moungad man morag baboy.(palaban ang asong ito parang baboy.)
Tungod sa kahadlok ni “green lady, nightmare in your dream” milukso na lang sa bintana bahalag mangapiang dili lang itugyan sa aluman nga bolitas ug gipalibutan sa pamilok sa kanding. (very unsavory looking)
ganyan talaga noon ang hirap, ngayon, medyo iba na ang mga linya ng mga bata.
@orphicpixel, tama ka dyan, iba na sila talaga ngayon at wala ng effort kasi nga magulang ang nageefort at akala nila ang pera pinupulot lang dito suskupu kung alam lang nila
perho tayo nanay na mananahi. may baby ka na pala. di halata kasi ang perception ko sayo ay dalaga ka pa. saka sa pic mo ang gorge mo. hawig kayo ni hotbabe andrea.
nyak, salamat dencios hahahaha aktwali muka kamong sasayaw ng pandango lol, oo baby ko malaki pa sakin, sabi nila si Lotlot de leon kamukha ko ah sabi naman nung iba si madam auring daw hahaha
Heto, honest to goodness impression – Suzie ng Unang Hirit…
ms.Lee,
hala ang dami mo kahawig, Lotlot, Andrea del rosario, Suzie entrata. dramatic actress, sexy bombshell at reporter. kumpletos rekados
@dfish, nyaaaah mas maganda naman si susie, si pekto ang kamukha ko hahaha
@dencios, honestly? si inday garutay kamukha ko hahaha
Hehe, ayoko kong makipagbuno sa impression ko hehe.Baka masiraan ako ng bait hehe.
langya nakakahiya puro ako nagcocomment sa sarili ko bwahahaha sibat na muna ko pero bago ko sumibat magiiwan ako ng JOKE di ako makapost sa site ko e…
100 years ago they sed
if a black man can
become a President of USA,
pigs would fly!
Now on the 100th day of
Obama’s Presidency
Guess what?
Swine Flew!
Hahaha.Hoy Lee, before you flew, would you be kind enough to answer my gentlemanly westyon?
ah hahaha napag tripan kolang yan suotin kasi tumaba ako dina magkasya yung mga damit ko kaya ganyan ngyari hahaha rate ng fashion fm 1-10?
answer: zero
LOL! nagkatotoo nga. hindi na sya tagapagaligitas ng us lol
Grateful Tilapia. Answer – safe and sound. And so with your takas…
@fish, di ako fashion victim kahit anu lang basta komportable ako suot ko oki na mahirap kasing kumilos pag fashionable nga suot mo mayat maya naman tingin ka ng tingin sa salamin kung ok paba saka jowsmio sa trabaho ko di pede pa-fashion fashion kelangan amboy ang kilos– kilos maton
Understandable yan Lee – it’s your dance moment in d Barrio Hall…
@dfish
Lee may point si dfish haha. this is yur moment pero NOT ur final take! yesss… lol
Dens, parang dance debut lang ano. Syempre, mamaya pa ang dating ng Kapitana at mga Konsehales para sa inspirational talk, message. Ako – isa lang sa mga usisero hehe…
@ser dfish
kagagaling ko lang sa blog mo ser dfish
ang ganda pala sa bahay mo.
oo nga ser mamaya pa dating nila kamahalan, behave na ako pag anjan na sila.hehe
@LEE
anu oras balik mo? namimiss na kita agad
Attendance check sa Barrio Hall: choreographer,principal,tanods,intermission presentors,sa labas naka-abang ang mga traysikel draybers,emcee,operator ng sound system, nag-decorate ng stage at iba pa.
Uy dens – matsalam sa dalaw sa tolda. My more serious alter ego…
@dfish, nyahaha debut dance lampas na sa debut kahit dobol debut lampas na lol
@dencios, empake po ako at mamaya gabi flt ko lunes na balik ko,mamimiss ko din kayo waaaaa diko mabitbit laptop ko nalaglag nung huling trip ko sira huhuhu.
LEEEEEEE!!!!
laglag ang panga ko sa paghanga ko sayo. mabuhay ka sister!
@Glo, bakit type mo tong pandango dress ko?hala sige sabayan mo ko pagsayaw hahaha
Heto na, pumapasok na yung legit question ko about fashion. Ihanda mo na listahan ng fashion tips mo Lee…
@dfish, hahaha di ako makatapos ng empake hahaha di ako makaaleeesss hahaha, isang tip ko basta my underwear safe na safe kahit liparin ng hangin ang palda hahaha
Hahahaha. Kahit boys pwede tong gamitin…Useful, very useful…
@dfish, bakhet nagpapalda na rin ba mga boys??? alam ko lang yung mga bengoli na naka longgi hahaha
Hehe – it’s the case of less is better lalo na sa travel…
baka binenta na sa magbabakal. lol
nyak mam cat pinatimbang ba sa magbabakal hahahahahaha.
ibang klase mga tao dito mam cat,marami nakong lugar na napuntahan pero iba mga tao talaga dito,malulumapressure cooker pagpapakulo ng mga utak
Lee,
Wala akong masabi sa talambuhay mo. Grabe. Idol na kita. lol.
@silver, naku waaaaag di ako idol material hahahaha tara asan na yung tagay ko
kaka-inspire naman ang story mo!
@dinah, salamat kahit na nga mas madami yung nakakainis na inabot ko hahaha
oki huling hirit na talaga alis nako hahaha kanina pako umaalis di matuloy tuloy.
last JOKE:
ARMY: Boss san ba dito nagpupugad mga NPA?
JOHN: Sir, matagal nako dito sa bundok pero
wala pako nakikitang pugad ng NPA,
anu po bang kulay ng ITLOG nila sir?
see ya leyter,aligeyters see you neks week,tenks to oll!
Questions: Who is John? Residenti ba sya sa area? How old is John? May sidula ba si John? pinag-aralan ni John.
Leeee, at long last..taga-barrio ka na! WEEEEE.
I love the picture..girl na girl!!!
sister ganda kunyari lang yan, costume lang yan kasi nga sasayaw daw ako ng pandango sa barrio siete
dear reyna elena;
wala na yata akong e commenteverything is finekaya lang pagod na din ako magbasa sa mga kwento anyway masaya din kapag binuksan ko nawawala ang aking problema kasi tawa ako ng tawa kaya lalo ako ngayon nagkakasakit 2weeks na akong may sakit hinawaan ako ng kapatid ko sa thornhill ng dumalaw ako sa mga pamangkin ko kaya ito mahina pa din si koaks
bye regards
minerva jones!!! andito ka pala sa barrio! busy me, am here in Philly, attend nang graduation and another wedding this sunday!
ingat na lang sa mga tiga thornhill!
tama ang reyna, buti nalang wala ka dito sa china kasi pag dito ka my sumakit lang sayo ququarantine kana suspect kana kagad ng h1n1
lee, nabasa ko na lahat (kanina kasi pahupyaw lang..haha)
naiyak ako, graveh! nakaka-inspire ang story mo.. grabeh to the nth level. puede nga tong pangmaalaala eh.
idol!
salamat sister ganda, wag naman sa maala-ala baka gawin akong agogo-dancer ni lola charing tapos pag laos na gawin nakong taong grasa lol
Hi lee, mabuti naman at miembro ka na ng Barrio. Ang galing ng kwento mo, inspiring talaga. Congrats.
Testimonial: Si lee ay madaling makapalagayan ng loob. Ang sarap pa kakwentuhan kahit sa comment section lang. Paano na kaya sa real life, no? Someday, I do hope to meet you Lee. I will give you a big hug. regards to your unico ijo.
Mahalia,
Tama ka mukhang madaling maka-vibes si Lee. At hataw sa comments na nakakatawa.
Lee,
All the while akala ko pajoke-joke ka lang, ‘yun pala may tamang pang-Ate Charo rin ang layfsturi mo. Kagaya ng iba sa Barrio natin na may kani-kanyang pe(r)sonality, unique din ang kay Bb. Lee. Congrats sa mga achievements mo.
Ikaw ba talaga ang nasa larawan?
Si Lee? i, agree.
@mam mahalia, thanx sa advance hugs na yan hahaha wag mo ng pangarapin makita ako in person dudugo tenga mo sakin sa walang humpay na kwentong kutchero ahahaha salamat, hugs!
@Yami, salamat ang totoo akoy isang hamak na tambay ng barrion at tagalinis ng kawa ng palasyo lol, ako nga yang nasa larawan at wala ng iba…mukang lukaret no?hahaha.
@darbs, depende— kung may bit-bit kang pang kampay yan magkabati na vibes pa tayo lol
Haaayyyy sumakit mata ko sa dami ng comments LOL! Panalo life mo Lee! Galing!
@Rob, yang mga comments na madami bilangin mo puro sakin hahaha
dear charo….. wow! pang telenobela! grabe! congrats po
thanx Chi, dalasan mo tambay dito ha?
nice seeing you here lee! we are definitely enjoying your craziness hehehe
naku kamahalan kung pwede nga lang wala ng alisan sa tambayan hahaha, thanx ikaw ang inspirasyon ko kamahalan
ganda ng istory mo ate, pwede sa MMK. Sabi nga ay “Success is failure turned upside down.” Baka may bakante diyan ha. need ni fatherblogger ng job.
@manong mon, sabi nga ng mader ko life e parang gulong minsan naflat lang kaya nagtagal sa ilalim
pag ganito kahaba kowments at halos nasabi na nila lahat isa na lang dapat gawin..
magbasa ng kowments.
unaylaketdin!
agbasa ngarud, ading.
apay met gamin nga nagsangit, uray nu awan iti sanga. adulaamin ngem salawasay gamin. hehehe.
@mtoni, hahaha kitaem ta panay kukwak ajay adu nga comments hahaha.
@darbs, anya?han ko nga maawatan imbagam?hahaha
naloka akoo hahaha
sinu bang makakaintindi sa English ko?e ako nga diko maintindihan?
HAHAHAHAHAHHA we adore you here at barrio siete!
@malensky, salamat po malensky idol na nga kita e pareho pala tayo ng pinanganakan…. sa banig!