Meet the Writers: Mel Beckham
Call me Mel and I am writing this article dahil pinilit ako ni La Kapitana. Hahaha!
Sabi niya, ikuwento ko naman daw ang aking buhay sa inyo mga minamahal na tagasubaybay ng Barrio Siete at nawa’y kapulutan ninyo ng aral at tips sa pagiging maganda ang kuwento ng inyong lingkod.
Sa totoo lang, pressure ito. Kasi naman medyo hindi inspiring ang aking buhay. Wala pa akong narating sa buhay. I’m still struggling to make ends meet on a daily basis. Medyo pasaway pa. Baka magsisi pa kayo at binasa niyo ang post na ito. Hahaha!
Anyway, tulad ng sinabi ko sana ‘wag niyo kong sisihin kung ‘di niyo man ito magustuhan, dahil sa totoo lang, wala akong pakialam. Charot!
Ito ang aking kuwento.
Apat kaming magkakapatid. Ako ang pangatlo. Tatlo kaming babae (bawal ang kumontra), at lalake ang aming youngest.
Noong una pa man ay nakikitaan na ako ng pagka-mahinhin. Hindi ako nakikipag-laro sa aking brother. Madalas ang mga ate ang kasama ko sa paglalaro. Wala naman naging problema ang mga parents ko about my pagka-mahinhin, siguro akala nila phase lang yun. Yun ang akala nila.
When I was in elementary, consistent ako sa honors list. Sa private school ako nakapag-primary but eventually lumipat na rin sa public school noong nahihirapan na ang parents namin na pagsabayin kaming apat pag-aralin sa pribadong paaralan. Hindi na kasi kinaya ng scholarship kaming apat. Anyway, grumadweyt naman ako with high honors.
High school was a different playing field. Doon ko naranasan ang maging both physically and mentally challenged. Maraming kompetensiya. Sa academics, sa extra curricular activities, lalo na sa boys. Sa batch namin ay tatlo kaming full-blown bading, the rest ay hindi pa tanggap ng PAMET ang kanilang sexuality.
Masaya ang aking high school life. Doon ko naranasan ang saya ng buhay estudyante. Ang maging bading ay hindi pala balakid upang matamo ko ang aking mga gustong gawin bilang mag-aaral. It was my ticket to joining lots of things. Sumali ako sa dance troupe. Active din ako sa musical. Pati pagiging boy scout, este, girl scout ay pinatulan ko rin at naging active sa pagsali ng jamborees. Nagsimula din akong magsulat para sa aming school paper. In fairness, yung dalawa kong ate ay kasama ko rin sa editorial staff. Malamang yun ang dahilan kung bakit natanggap din ako bilang writer. Nasa dugo na siguro naming ang maging literary genius. Etchos. I was an achiever in high school.
College was another ball game. Although I did good in school, there was another part of me that struggled.
No, it was not my being gay. Ang pagiging bading ko ang tumulong upang maka-survive ako sa parte na ito ng aking buhay.
When my manang got pregnant when she was still studying, my father was disappointed in her. Tumigil siya sa trabaho bilang engineer. Nasa bahay na lang siya palagi. Nawalan yata ng gana dahil sa hirap na dinanas niya sa trabaho at pagsisikap upang kami ay mapag-aral, wala din palang mangyayari. My mother’s income is not enough to support us in our daily needs. Baon pa kami sa utang. Left and right, up and down. Lahat na yata ng points sa isang compass may utang kami.
My other ate was fortunate enough to study sa isang state university kaya walang problema sa tuition. Pamasahe na lang ang aatupagin niya. My brother unfortunately, stopped studying. He decided to work instead. Sumama siya sa isang classmate sa bayan nito at doon nagtrabaho sa isang construction to support himself.
In my case, well, it was tough. Although hindi naman kamahalan ang tuition namin buwan-buwan, saan ko naman hahanapin ang ipambabayad dito. Sabi ng Daddy ibebenta na lang daw niya yung tools niya upang pambayad sa tuition ko. Masakit yun para sa kanya kasi all those equipments ay pinaghirapan niyang bilhin at i-collect. Most of those ay imported brands pa at medyo may kamahalan. Anyway, wala din naman akong choice kundi sundin siya para may pambayad ako sa eskwela.
Upang may panggastos sa pang-araw araw na eskwela, nagbenta po ako ng laman.
Etchos lang!
Kahit mahirap ay hindi po ako kumapit sa patalim, kumapit po ako sa blusher at lipstick. Nag sideline ako bilang assistant ng isang make-up artist. At dahil natural naman po ang aking taglay na ganda, ginawa ko itong puhunan. Sumasali ako ng beauty contests sa mga barangay . Unfortunately, hindi po palaging happy ang ending. Most of the time ay hindi ako nananalo. Palagi na lang runner-up or semi-finalist. For your information po, walang cash prize ang maging semi-finalist lang. Kelangan mong pumasok sa top 3 para makauwi ng cash prize. Kung walang top 3 finish, wala rin akong pera. Kung wala kaming raket sa pagme-makeup ay wala rin akong talent fee.
Minsan tanging pamasahe lang papuntang school ang aking dala. Three rides ang papuntang school namin kaya sa tricycle lang ako nagbabayad ng pamasahe. Mahirap kasing takbuhan ang mga tricycle. Yung sa jeep, sumasabay lang ako pagbaba sa maraming estudyante kaya ‘di na mapapansin ng driver kung sino ang nagbayad at hindi. Minsan naman, nilalakad ko na lang mula kanto hanggang school kapag naibayad ko na sa jeep ang pamasahe para sa tricycle. Siguro mga dalawa o tatlong kilometro din ang nilalakad ko nuon. Doon ako dumadaan sa hindi nadadaanan ng mga tricycle para hindi ako makita ng aking schoolmates na naglalakad papuntang school. Nakakahiya kaya, popular pa naman ako. Hahaha!
Mabuti na rin lang at likas akong mabait at friendly. May mayayaman akong friends na nagpapahiram ng pamasahe sa akin at minsan nililibre nila ako sa lunch. Minsan kapag nagsa-shopping sila ay sinasama nila ako upang maging stylist. Siyempre may libre din akong outfit. Hehehe. Kung wala namang manglilibre sa akin ng lunch at wala akong baon ay pumupunta ako sa library tuwing lunchbreak, doon ako nagpapalipas ng lunch hour, kaharap ang mga libro upang makalimutan ang gutom. Yun na rin ang dahilan kung bakit sexy ako at kasing-payat ni Kate Moss. Payat hindi dahil sa diet, kundi dahil sa gutom. Hahaha!
In fairness grumadweyt din ako eventually with not so high honors. Halos bumagsak din kasi ako sa Math of Investment at P.E. Hindi dahil bobita ako sa Math at P.E. ha, kundi dahil ito ang subjects na madalas akong absent dahil weekends ang schedule, at madalas may raket kami sa pagme-makeup on weekends.
Sabay kami grumadweyt ng ate ko. Civil engineer na siya ngayon sa Middle East. My parents were so proud of what we’ve achieved despite those trials. Daddy eventually started working again. And now we’re back on track.
Presently, I am working comfortably dito sa bukid. Sabi nga diyan sa profile ko, I’m juggling different kinds of jobs. Totoo, kasama yan sa aking present job description.
I still consider myself struggling and working my way up to reach my goals in life. Ang importante sa akin ay nakatapos ako ng aking pag-aaral at nagtatrabaho ngayon upang matustusan ang aking pang-araw araw na pangangailangan at konting luho. Nasusuportahan ko na rin ang aking mga pamangkin sa kanilang pag-aaral. May naiaabot na rin ako sa aking parents kahit konti.
My biggest achievement so far is that napagtapos ko po ang aking brother sa kanyang pag-aaral. He is currently working for Nestle.
Maraming salamat sa Barrio Siete for making me a part of this.
Sana ay may konti kayong natutunan mula sa akin. Hindi hadlang ang kahirapan basta’t magsikap lang at magtiwala sa Kanya. There’s always sunshine after the rain.
At sa mga kapatid ko sa pananampalataya, laging tatandaan ang sinabi ni Manpreet Brar sa Miss Universe 1995:
“If your back is bent, only then will somebody climb on it. So stand up straight and nobody will ever climb on your back.”
Oh siya, tapos na ang aking lunch break.
Magmamasa pa ako ng semento. Okay, GO!
Viewed 15290 times by 2451 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.















Pag buhay ang pinag-uusapan, hindi lang konti ang natutunan, maraming marami talagang natutunan. Salamat dai sa share. Very inspiring din ung story ng life mo. Pero ung dad mo, medyo nakaka discourage konti ung naging reaksyon nya. pero nabawi naman doon sa mother mo mukhang strong ang personality. again thanks for sharing.
hello darbs! oh siya, hindi na konti. hehehe salamat din at na-inspire ka. =)
Yes, indeed. once again thanks!
Thanks for sharing your story with us, Mel! Ang galing mo Day!
Pwede akin nlng yang shirt mo? At pwede ba kitang kunin bilang stylist ko. Charing!!! Hahaha.
thanks reesie! you know the tshirt is only P139 sa children’s department ng SM. Lol
Mel,
Parang I have an idea kung asan ka banda…lols.
Hahah..
Go lang ng go gurl! Laban kung laban!
Silver,
neighbour namin dito ang mga zubiri. *wink*
Lol
Puedi rin siguro, Welcome nga pala ulit dito sis!
mwahaha! oo nga naman. Sis na lang. Hehe
I salute You!!!!
Thanks for the story at least totoo ka, samantalang ang mga leche doon sa kabila kung makatipa ng keyboard akala mo mga high profile yon pala no profile!!!! at least sa barrio siete pwede tayo mag high hells…
Bluep, salamat po. Karangalan sa akin ang maging kasama ninyo at maging parte ng barrio siete. =)
Nickph, thanks po.
Question, nagsusuot ka din ng high heels? Hehehe
pagbiglang dumating ang asawa ng girlfriend ko naisusuot ko ang high hells niya… masakit pala sa paa pagtumalon ka sa bintana hahaha!!!
Next time ‘wag high heels ang isuot mo. Platform shoes or wedges para pantay ang lapat pagtalon mo at hindi masakit sa paa. Lol
“Masaya ang aking high school life. Doon ko naranasan ang saya ng buhay estudyante.”
Ang bayang pinanggalingan ko ay heavily populated ng mga gay, very bright, talented, artistic gay. It was such a blessing to have grown with this kind of environment. Ang high school ko rin ang pinakamasayang part ng buhay ko habang nakakasalamuha ko sila sa simbahan, school activities, sa teatro. They were really part of my formation as a person. They have so much respect in my town because most of them are a cut above the rest in terms of intelligence and talent…
Thank you for sharing your story…
You are most welcome dFish!
Na remember ko tuloy ung graduation song namin, I forgot the title per parang ganito ung lyrics..
High school life
oh my high school life
Oh kay exciting kay ganda.
High days oh my high school days
la la la la la.
Nakalimutan ko na. antagal na kasi.
i-try ko ngang ma-google.
high school life sung by sharon cuneta!
Thanks Glo!
Quick question. ano nga ba ang “daragang-magayon”
beautiful woman? anong salita yan… sounds like karay-a or bicol. palagpat lang (just guessing) thanks!
syempre beautiful maiden. bicol word yan.
Welcome Mel! Mabuhay Ka! Apir!
Kuya Rob, salamat. ~beso beso~
welcome sa Barrio Siete, Mel! i know your political entries are of a different taste hahaha! we’re very glad to have you here besides, teka lang! sino ba ang bading who writes political stuff?! hahaha!
i like that kasi it kicks out some wicked thinking out there na parloristas lang ang mga badings and i like it! more powerpuff to you gurl!
ate reynz, thank you for giving me the chance and for making me a part of barrio siete. this is the moment talaga. hihi
yun talaga ang gusto natin di ba, na alisin ang stigma about gays. kahit na in our little way ay we can make a difference.
once again, maraming thank you india.. =)
shucks ‘day alam mo bang naka-plaster ang ngiti ko habang binabasa ko itong entry mo. you made my day! i can soo relate in soo many ways lalo na dito –> “Kahit mahirap ay hindi po ako kumapit sa patalim”
HAHAHHAHHAHA
te, mabuti naman kung napangiti kita. at least hindi ka na-bore. hahaha
HMPT! dyan kami nagkakaiba ni Mel, moi? kung ano anong patalim hinawakan ko maka-graduate lang ako sa Amerika hehehe!
nagbenta ka rin ng laman ate reynz? Lol
antaray mo lola, andami mong bling bling hahahah
hinde ako maka move on, uulitin ko lol
Lol. Friendship ‘bands’ po kasi ang mga iyan kaya obligadong suotin. Ang worry ko baka umabot na nga sa siko eh. Hahaha
napakainspiring naman pala ng yung story. oo wala masyado drama, pero that is the story of millions of people out there. may parte din na naalala ko ang aking high shool life, yung part na sa library ka lang dahil walang pangkain. ay sus, drama ko din yun. di bale na gutom, wag lang patay gutom.
salamat sa pagshare ng story mo.
you’re welcome po. i’m sure model slim ka rin nuon ms.dinah.. Hehehe
This is one trait that’s very true to all of us. This is one accomplishment na sweet talaga di ba? Congratulations to you!
korek ate reynz. proud ka talaga na masabi mo na may napagtapos ka ng pag-aaral. worth it ang pagod lalo na kung makikita mo na they’re doing okay.
i love u mel! mwah!
ang galing mo.
si Mel ang sagot sa kahirapan! hahaha!
seriously! madami sa barrio ang merong mga opportunity but they’d rather not take it dahil ok na yong pa-bilyar bilyar which is sad
ate glo, i love u too. hihi
ate reynz, ang sarap batukan ng mga ganun ang mentality. lol
Ang saya naman… sa bukid ka nag-work..walang trapik.. puwera na lang kung may trapik ng baka at kalabaw…. INGGIT AKOW!!!!!!!
mas matindi pag trapik nang pato! hehehe! dito sa Amerika stop ang trapik makatawid lang ang mga pato, sa barrio! leche! hinahabol hahaha
yung mga baka sa amin, nakapila sa terminal ng jeep. nanghaharang pa.
haha.
naku sinabi mo pa reynz. yung kapatid kong kambal minsan eh napabarkada sa mga tambay dito. yung mga walang ginawa kundi maglakad-lakad sa kalsada, tapos inuman at kwentuhan kung kaninong bahay sila abutin.
sabi ko dalhin na nila mga damit nila dun sa mga bahay ng mga yan. eh mga walang pangarap sa buhay. yung isa nga dun eh college graduate din pero di tumatagal sa trabaho kasi lagi daw inaaway ang boss!
galit ako sa mga kapatid ko kasi ayokong ma pick-up nila ang indolence ng mga ganyang klaseng tao. buti natauhan sila eventually at sumunod sa akin.
yung isa working na ngayon, ung isa one year na lang sa mariner’s school.
ganun sa barrio namen Glo! puro mga Lapad Gang! pag baba ko nang jeep! hingi agad pambili nang lapad! leche talaga! taz reklamo nang reklamo na ang hirap nang buhay! haller! naghirap den kamo kami hahaha
ganyan nga. kaso may bagong usbong na lapad gang dito. yan eh yung mga lalaki na ang mga asawa eh DH sa abroad.
ang galing nila ano?
@glo pinaalala mo ung typical na tambay sa atin. yan na yan talaga ang description ng mga tambay sa atin ano. one more thing kahit tambay di mauubusan ng pera. ito sila ung nakikita mo sa mga inuman. sa sugalan. sa basketbol court. volley ball court. pustahan pa yan bawat laro. ANG SARAP TALAGA NG BUHAY SA PINAS kahit papaano.
yeah masarap in a way na puede kang patambay-tambay at your own risk. puedeng pa-tamad-tamad. kaso kainis tignan ang mga yan lalo pag andito ka sa barrio. while ikaw eh super subsob sa trabaho sila naman tambay lang.
hahaha! naalala ko tuloy ung lolo ko. pinapagalitan ako kung nakihalobilo ako doon sa mga maghapong naglalaro ng chess sa may waiting shed sa baryo. ang tawag nya doon mga tamad.
But mas malala ang mga tamad dito sa newyork. maghapong patambay tambay din ang mga ito. maghapong naglalaro ng chess sa central park.ang guess what? may mga benefits pa man din.
From New York City! Check the link below, mukhang related sa pinag-usapan natin:
http://exodians.wordpress.com/2009/05/page/32/
yan nga ang susunod ko sanang sasabihin darbs. at least sa 1st world countries merong allowance ang bum. kasi daw para may gagatusin habang job hunting. lalo an sa europe ganyan. kaya ang nangyayari tamad na ang mga tao sa kanila. eh saan ka nga naman nakakita ng bum na merong allowance monthly.of course at the expense of the tax payers. yung boss ko dati na aleman galit na galit sa ganyan. kasi taxpayers daw ang bumubuhay sa bums.
bum pala ang tawag sa mga tambay dito.
kala ko ba e di inspiring,sus napaka inspiring… napapansin ko na marami palang nag gagandahang dilag dine sa barrio nagsisipagtago lang at ngayon naglilitawan na,anu pang hahanapin mo e dimo na kelangang dumayo pa sa kabilang barrio dito palang busog kana.
im sure yung mga taga kabilang barrio ang nadayo dito ngayon wahaha kung my pupusta lang naman
lee! nice seeing you back! buti naka-alpas ka sa tsaynez army hahaha
salamat kamahalan, di nga ar,y e mga nakasuot ng pang astronauts cum over actings hahahahaha
totoo ka lee. ako na ata ang tinatawag na tambay or bum ng baryo siete.
Lee, na miss ka namin!!! Saan ka ba nagsusuot ha, ineng?
@darbs,ikaw nga nangunguna sa tambayan e behave muna ko ng konlti ngayon hahaha kadarating kolang e pakitang gilas muna bisi-bisihan muna kunyari.
@sister ganda,na miss ko din kayo pati yung bukayo sa barrio,napasobra lagay ko ng lana sa kili-kili kaya ang layo ng nalipad ko buti nalang di ako nadapuan ng h1n1,pero mamaya lang makikita mo na ko sa tambayan tumatagay na ulit lol.
LOL.
Oh Lee, tagay muna tayo ng Gordon’s gin. *Hik*
Lee, you’re back! Hihi. Dito sa barrio siete magaganda ma, may sense pa. Lol
naku mel kaya nga at san kapa nga barrio tutungo? e dito nagmamahalan ang mga tao e dun sa kabilang barrion sila sila nagpapataasan ng ihi ayun tuloy nagkakapikunan at nangibang bario na tuloy si manong hahaha.
hala pareng silver tagayan mo ang ating dilag na si mel
Sa ngayon dahil na observe po natin na parang may schedule ata na ni-refresh ang top commentators every month or quarterly. not sure.
Nasabi ko kasi ito dahil na copy and paste ko ung last month na top commentators ito ung naabutan ko dito nung May 2009. Heto ang copy and paste.
# The Cat (207)
# lee lee (203)
# Reesie Reesie (71)
# Snow Snow (66)
# yami yami (66)
# Glo Glo (65)
# Johnonymous Johnonymous (64)
# Rob Angeles Rob Angeles (59)
# bluepanjeet bluepanjeet (51)
# dencios dencios (48)
Ito ung blog entry link sa exodians.
http://exodians.wordpress.com/2009/05/27/barrio-siete-ang-dayong-memorial-influential-blog/
me kulang ho sa kopyang yan.
tanda ko si ate silver pinakamasipag magkowment bat nawawala pangalan nya.
mtoni you are right. top 10 lang kasi ang nilista natin kaya ganyan.
Suggestion lang po mtoni: paki fill-in mo naman ung field ng Website doon sa add comment mo para naman mabisitahan natin ung website mo. unless you don’t want us to visit your site. thanks!
Mtoni,
Silver na lang. hahha.
Fetus pa lang ako eh. Hehehhe…
@mtoni. You are right! Number one pala si Silver sa listahan. Sorry…my bad!
Silver (273): DareToSpeakOut
Kailangan ko nang magpahinga.
nyahaha grabe ka darbs di ka lang tambay scorrer kapa sa tambayan hahaha.
langya pareng silver my fetus bang ang lakas tumagay?
sarap siguro magkaron ng kapatid na tulad mo..masipag at masikap tapos ate na kuya pa.
hehehe. tama ka ano? Pinag-iisang Yin-Yang. sali mo na rin na mostly talagang talented, matatalino, very artistic at creative. mataray nga lang lalo na pag alam nilang tama sila? hahaha! sumibat ka na lang at baka masampal sampal ka pa.
Hahaha! Parang ganun na nga. Hehe
such an inspiration para magpursige sa buhay!
inspiring one, kelangan ito ng mga nawawalan ng pag asa
It was a good read, Mel. Good job, keep it up, girl!
Dencios, Orphic, Lalaine: salamat po ng marami! =)
Hay naku Mel B, magkakasundo tayo pramis. Pageant fanatic din ako, gawa tayo ng komentaryo sa Miss Universe 2009 ha?
Snow! Naku malapit na! Kelangan ng blow by blow account ng Miss Universe dito. Our expertise is terribly needed! Hahaha
Yeah, I agree. Kaya abangan ng mga ka-Barrio ang ating kuru-koro sa larangan ng pagandahan. ^_^
Astroboy:
here’s another friendship band for you! Ang galing ng parents mo, pinangatawanan nila ang paggiging magulang nila!
thank you roni… =)
Hi Mel, wala naman akong na detect na bitterness sa iyong pagsusulat. At higit na mabuting napagtagumpayan mo ang mga paghihirap na dinanas mo. Matalino ka dahil naghanap ka ng paraan para makapag-support ka sa iyong pag-aaral, ito ang success na dapat mong ipagmalaki. More power to you!
i think it’s my human nature to look for a way to survive during that time. mabuti na lang at hindi ako nagpadala sa emosyon at nag-depress-depressan. hihi.
more power to you too mahalia!
ganda ng t-shirt mo mel. heheheh.
welkam sa barrio mel. no offense, kala ko nung sinabi mong gay kaw, akala ko, gay as in lesbian. kasi yung pic mo, mukha kang babae na nagpakalbo lang. hehehhe.
ahahaha buraot, yun din ang akala ko nagpa shave lang ng hair habang nainom ng kape sa napakalaking mug
hahaha! that is a compliment ha, thank you!
welcome mel,
sorry, late ako, marami kasing inaasikasong pagbantay ng tindahan.
marami sa atin ang tinatawag na tamad ang Filipino pero isang bahagi lang yan ng ating mamamayan.
marami kagaya mo ang nagrarise above sa mga kinalakihan natin sa barrio siete.
hindi natin alam nagiging role model tayo pagbalik doon.
kagaya nang isang pinag-aral ko rin. nang umuwi siya sa kanilang barrio pagkatapos niyang magtrabaho as nars sa ibang bansa, lahat halos ng kapitbahay nila ay gustong makaaral na at makapagtapos sa kolehiyo.
sa kaso mo ang pinakamalaking achievement mo ay ang makapagpa-aral ka ng kapatid.
hindi lang tumulong ka ng kapatid kung hindi ginawa mo rin ang isang Filipino out of millions na maging productive at hindi na maging bigat pang pasanin ng bansa.
Isa lang yon na parang isang patak lang subalit ang isang balde ng tubig ay binubuo ng maraming patak ng tubig.
it also shows your selflessness. dito sa States,wala niyan, wala silang pakialam kung hindi makatapos ang kanilang mga kapatid.
mabuhay ka mel, I am proud to have known you in this barrio siete.
ms. Cat, salamat ng marami. nakakataba ng puso ang iyong sinabi. mabuhay ka din po!
Wow, very inspiring. Pwede sa Maalaala mo kaya.
manong mon, pwedeng maala ala mo kaya naku baka pag dun pinadala ni mel yung storya nya baka gawin syang isang talipandas at pagsayawin ng topless ni lola charing lol
korek lee! manong mon (ay, nakiki-manong na ako, lol) ayoko sa mmk at baka ibahin ang story ko at gawing drama ang comedy. lol
ok mel ipadala natin ang storya mo sa babol gang kay bonggang bonggang bongbong
hahaha i would love to see it on babol gang! hahaah!
hahha! kulit ni mel dito ah…ganda ng profile. pasado na sa comedy bars, eheheh!
hi mel! nakaka antig ng damdamin ang sinulat mo! (hikbi) pero msaya ha. well done gurl. be proud of what you’ve achieved. hirap kya ng nranasan mo. basta stay pretty and be happy!
[...] just in… Mel: Barrio Siete Writer in an [...]
brokenshrire????
taga-davao po kayo?
ang haba-haba po kasi ng experience nyo eh pero di nyo naman sinabi kung taga saan akyo, hehe.
father felmar, opo. i’m from brokenshire. born and bred in davao. hehe
hehe talagang hinanap ko ulit ang post na ito sa barrio siete para tingnan ang reply mo. tama nga! magkababayan nga tayo!