Home » Meet the writers

Meet the writers: Ajay

25 May 2009 39 Comments

Tawagan nyo na lang po akong Ajay, although hindi ako Bombay. Sabi ng iba, mestisa raw ako pero hindi naman talaga. Sa tingin ko nga, exotic ako kase nakasungkit ng Kano na nagandahan sa aking morenang balat at mahabang buhok. As in…. kung titingnan ang dyamanteng nasa kamay ko, ang haba talaga ng hair ng lolah nyo. Hahaha!

2893958162_bd5d4da1ab

Nung sinabi ni Reyna na mayroong barriosiete.com ay nagbiro agad ako kung puwede bang sumali. Kasi, kahit naman mala Carrie sa Sex and the City ang buhay ko eh barrio girl at heart talaga ako. Ang lugar namin ay Barrio Leyte…. Southern Leyte nga lang. At ang salita dito ay Cebuano. Kinsa man nganhi ang kamao mosulti ug Bisaya? Raise your hand! Amiga ta day! Appear!

Napunta ako sa Barrio Leyte dahil sacrificial lamb ako sa hiwalayan blues ng aking mga magulang. Lima kaming magkakapatid at ako ang bunso. Nang hindi na makayanan ng aking ina na alagaan kaming lahat ay pina-ampon nya ako  sa aking lolo’t lola. Buti sana kung malapit lang sa Maynila, eh sa Visayas pa. 18 hours by bus, dalawang araw naman pag barko. Pag nag-plane ka, baba ka ng Tacloban at five hours pa papuntang barrio namin. Ang layo, di bah?

Ang pinakamagandang nangyari: di ako nagsisi na ako’y naging laking barrio. Napakagandang lumaki dito. Ang bahay namin ay nasa tabi ng beach at tuwing umaga na lang ay namumulat ako sa kaasulan ng langit at kalawakan ng dagat. May mga bundok pa sa kabilang ibayo. Para bagang isang nature painting.

Grumadweyt ako na valedictorian sa mababang paaralan ng Kopong Kopong at sa tuwa ng lolo ko ay nagpakatay pa sya ng baboy para gawing lechon. Pagkatapos ng elementarya ay nagtungo na ako sa Maynila para mag-high school. Ibang buhay na naman kasi ang apartment namin noon ay nasa Tondo. Hindi na makukulay na isda ang nakikita ko kundi nagtatalakang kapitbahay at madudungis na batang naglalaro sa kalye. Mula sa karanasang ito, natuto ako ng salitang “adjustment.” Buti na lang I found solace in writing about things and people around me.

Hanggang sa paglaki, writing pa rin ang inatupag – isang bagay na nahubog sa akin ng Barrio Leyte. Adventurous na Bisaya raw ako kaya nag-ambisyon na magpunta sa iba’t-ibang bansa at natupad naman ang pangarap na ito. Pero totoo pala yun, kahit saang ibayo ka magpunta ay babalik-balikan mo ang iyong “roots.” Kaya eto, nagsusumikap mabuhay sa ating bansang Perlas ng Silanganan. At higit sa lahat, di ko malimutan ang “roots” na aking kinagisnan. I left my heart in Barrio Leyte, and that’s the truth. Pangarap kong someday ay dalhin ko ang asawa’t mga anak ko sa lupang tinubuan kong ito. After all, there’s no place like home sweet …… barrio! Abangan ang mga kwentong walang kwenta kwento ko dito.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 11976 times by 1960 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a Technews Columnist of the Manila Bulletin, one of the Philippines most widely-read English broadsheet. You can find her blogging at http://www.annalyn.net, which is her main blog, http://www.weddingfactsheet.com, which is a wedding blog and http://www.balutpenoy.blogspot.com, a food blog.

39 Comments »

  • Glo says:

    hahaha! hanep sa picture. inggit ako. hi ms ajay!

  • reynz says:

    Welcome sa Barrio Siete, Binibining Dalagang Bukid hehehe

    • johnonymous says:

      Oo nga welcome, Binibining Dalagang Bukid… handa ka na bang makipagkilala sa mga Tigreng Taga-Bukid?

  • Rob Angeles says:

    Hello po Ms. Ajay!

  • The Cat says:

    welcome ajay. nagsama na naman tayo. :)

  • dencios says:

    hello ms.ajay! nakapunta na akong leyte. ang mahal ng danggit jan hehehe.

    ako din pagdating ng panahon na magkapamilya na ko sesettle din ako sa mga talagang roots ko.. yun nga lang di ko pa alam kung sa Camarines Norte o sa Dumaguete

    Magandang umaga mula sa Dubai!

    • reynz says:

      Ka Dencio! Ikaw na lang ang hinihintay sa Barrio! hehehe! Kung merong Bb. Dalagang Bukid, need ang baryo nang Ginoong Talakitok hehehe

  • ajay says:

    Hello sa inyong lahat. Am so eksayted to be part of Barrio Siete. Nahahawa ako sa adrenaline high ni Reynz. Bawat bisita ko sa site, sangkatutak na articles ang bumubulaga sa akin. Ang galing-galing…. ng mga kasama ko! Ngayong ipinakilala na ako, wala akong choice kundi magsulat. Coming up soon!

    • reynz says:

      I thought all along na tiga “Andy Fields” ka in Makati hehehee! Me Barrio Roots ka rin pala! Wagiii! I think kelangang isalpak tong entry na to sa Barrio Success Stories! I mean, ‘com’on! Me tiga Barrio na naging columnist sa respected Manila Bulletin? hahaha!

  • malensky says:

    hi BB. Dalagang Bukid!!

    kahali-halina ang picture. Mukhang magkakapitbahay ang mga barrio naten ah.

    Mabuhay ang mga Barrio Beauties!!!

  • mel beckham says:

    Ate Ajay, bisaya gud ko so friend na ta. Hahaha

  • jepoy says:

    Panalo sa sumbrero :~)

  • alex says:

    backround, sumbrero, at main subject panalo!

  • Silver says:

    Ajay,

    Tiga Southern, Leyte ka pala. Hihih. Yung nanay ko, si Sisang Tabak, e galing din Southern Leyte. Hehe.

    Welcome sa barrio siete!

  • ajay says:

    Salamat sa maalab na pagbigay-pugay, mga ka-barrio. Mukhang riot dito ah.

    P.S. Binabawi ko na ang pagiging Bb. Dalagang Bukid. Lintek na Bb Gandanghari yan. Ginang Taga Bukid na lang. ehehe

    • reynz says:

      Lintek na Bb Gandanghari yan

      BWAHAHAHAHA

      I sooooo lurvveee the background at ang ensemble mo ‘day! hahaha! I like! I like! This just reminds me of so many beautiful things sa Barrio that is sooo not appreciated by marami. Just look at the palayan background! Hahah!

  • ajay says:

    Hi Bluepanjeet. Salamat. I resign nga as Bb Dalagang Bukid effective today, ako po ay si Ginang Taga Bukid. Ayoko kasing pagkamalang alalay ni Bb Gandang Hari. Hahaha.

    Reynz, this picture was taken last October during a coverage for Greenpeace. Naghihintay lang pala syang gamitin ko sya dito sa Barrio Siete! Maraming version ang larawan na ito. Meron din sa may ilog. I-send ko sa yo. Bwahaha.

  • roni says:

    Ayyayyay Ajay! Bb. Gandang Bukid, maligayang pagsanib sa Barrio Siete. I can smell the greens, pati kalabaw, sumasama sa hagod ng aking sarat na ilong! Hmmm, sarap ng pinipig na me gata at bagong bayo’ng bigas!

  • ajay says:

    Hello Roni. DI ko pa natikman yang pinipig na me gata sa bukid nyo…..

  • roni says:

    hahaha! akala ko, tipikal na yung recipe na yun sa lahat ng bukid. believe you me, heavenly ang sarap!

    spiking of mindoro, me na-capsize na ferry papuntang puerto galera, today in cnn, twittered by someone, 12 casualties!

  • anonymark says:

    Hi Ajay! Hanep bukid!

  • yami says:

    Hi Ajay. Sensya na ngayon lang ulit ako nakarating sa Barrio. May excuse letter naman ako kay Kapitana. hehe.

    Kamusta? Welkam sa Barrio. Bagong kabaryo po ako dito. Pinopo kita eh matanda pa ako sa’yo. hehe Masarap talaga manirahan sa barrio, sariwa ang hangin malayo sa sakit. :-)

    • reynz says:

      Yami, welcome back! Actually marami pa tayong writers coming in, naka schedule sila everyday kasi medyo ma-trapik na ang time slot naten, but siempre, writers have a fixed slot to go live.

      Mas marami, mas masaya dahil magulo kahit naloloka na ako sa scheduling hehehe

      • yami says:

        Salamat po Reynz.

        Maganda nga ang marami kasi hindi mauubusan ng mababasa ang mga taga-Barrio.

        Iba-ibang menu, mas masarap, di nakakauya or nakakasawa. :)

  • Snow says:

    Hi Ajay,

    Ako ay nagagalak na mababasa ko ang mga akda mo rito sa Barrio Siete! Aabangan ko yan. :D

  • Reesie says:

    Nindot kaayo imong post, Ajay! Bisaya pd diay ka day! APiyr!

  • lee says:

    wow cute naman, sa tagal ko nawala nun at sa bilis ng posting grabe dami ko nalampasan magagandang storya ng barrio,dami ko kasi tanggap na labahin.
    ganda ng background mo sistah parang samin din sa bulakan,sarap ng amoy nga hangin pag dyan namimiss ko na tuloy umuwi

  • dfish says:

    “I left my heart in Barrio Leyte,”

    Parang, parang Don’t Cry for Me Argentina, hehe.

    Magaling – one intelligent, kikay Barrio Siete mainstay…

  • ajay says:

    Hi Lee. Taga Bulacan din ako… yan ang probinsya ng aking ina at me bahay kami jan sa Meycauayan.

    Salamat dfish. Eto ang kanta: “Don’t cry for me Barrio leyte. the truth is, I never left you…” hehehe

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.