Meet the writers: Bluepanjeet
Blue and I would smack the heck out of each other on gay issues. I like it. He doesn’t like it. But like The Cat, Bluep is one tough to find blogger and he and I maintain that respect when it comes to differences of opinions just to show you peeps that not all bloggers/writers here agree with Reynz all the time. A very spiritual person, dun pa lang, laglag na ako. But who would imagine that Blue would be one of Reynz’ defenders of truth, freedom, liberty and equality? Read on and you will find out.

Ako si bluepanjeet, tawagin nyo na lang ako si Bluep (bloop). Sa mga oras na ito ay huhubaran na ako. Ako yung may-ari ng On The Wings Of My Dream at Bachelor Pod at ang boses sa likod ng Rock The Faith Podcast. Ako yung madalas umepal sa Reyna Elena, sa Now What, Cat, sa Kotsengkuba, sa My Nosebleed, sa Anak ni Kulapo, sa Chuvachienes, sa Heyokity, sa IfoundMe, sa Exodians, ki Mahalia at kung saan saan pang dot com simula pa noong 2007. Gusto ko sana isulat dito yung aking mga madradramang karanasan, at mga makabagbag damdaming salimuot ng aking virginal life ngunit naalala ko asar nga pala ako kay Ate Charo.
As usual ingles na lang sana uli ang bokubolaryo ko pero mukhang di aakma sa barrio kaya’t hayaan nyo na lang muna ako mag tagalog kahit sa totoo lang eh gusto ko mag ilonggo at bisaya datapwat di naman ako marunong at kasalukuyan pa akong tinuturuan ni exodians at IFm umintindi ng lengwahe nila. Gusto nyo sample ng illonggo at bisaya? Wen? Mangan Tayon?
Ayoko pagusapan ang credentials ko dahil di naman mahalaga yun sa akin. Ang totoo nyan ang credentials ko ay puro psychological report lang ng guidance councilors ng bawat iskul at kolehiyo na pinasukan ko kasi may topak daw ako. Yun ngang psychologist namin sa seminaryo na madre, di nakayanan ang toyo ko sa ulo kaya in the middle of the session namin sya ang nag Catharsis sa halip na ako. Ayun nagka kancer sa kunsimisyon sa akin. Kawawa naman. Huli ko narinig, gumaling daw si sister nung paglabas ko. Sana naman buhay pa sya.
Ipinanganak ako ng araw ng lingo, araw ni San Miguel Arkangel sa Barangay Dos sa Quezon. Kaya tuloy bata pa ako kwatro kantos na ang pinadedede sa akon ng aking mahal na ina. Ipinanganak ako nung mayo uno. Kaya naman ang nanay ko ay naglalabor sa mismong araw ng labor day. Masaya parati ang aking kaarawan. Marami palagi ako bisita. Katunayan nung nagreview ako ng board exam ko sa maynila ay inabot ako ng kaarawan ko dun. Nasa Wendys ako noon, nagbabasa ng tungkol sa anatomy ng vagina at kaugnayan nito sa Vulva, dun lang sa may Nagtahan, sa kanto ng Malacanang, ng biglang dumaan ang madaming tao, sobrang dami tao. Binabati ako sa aking kaarawan. Ang pinagtataka ko lang, parati sila sumisigaw ng “makibaka, itaas ang sahod”.
Lumaki ako na bugbog sarado palagi sa tatay ko kasi naman wala ako ginawa kungdi pasabugin ang aming gasul, tagain ang buntot ng bawat pusang aking makikita, magpaputok ng five star sa kwarto ng nanay ko at banlawan (hugasan) ang buhok ko na may shampoo sa kaiipon lang na dram sa araw ng walang tubig. Nagtataka ako kung bakit nagagalit ang tatay ko sa akin eh naglalaro lang naman ako.
Pilyo daw kasi ako sabi ni tatay. Dalawa daw kasi ang puyo ko. Nung tingan ko naman sa salamin eh wala naman akong puyo kungdi tatlong lepong lang mula sa mga bato na tumama sa ulo ko na nakuha ko sa pandaraya ko sa jolen at sa tex. Kaya naman minabuti ko na habang bata pa eh magbago na. hindi na ako ngpapasabog ng gasul o nagpapaputok ng five star sa kwarto. Ang ginawa ko na lang ay chinannel ko ang aking pagka aggresibo sa makabuluhan at kapakipakinabang na bagay. Nagpraktis ako ng boksing at ginawa ko ito sa aking mga kalaro. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako na ako na lang ang nasa labas ng bahay na naglalaro dahil sabi nung mga nanay ng mga kalaro ko, puro pasa na daw ang katawan ng mga anak nila. Inisip ko, ano kaya nagawa ko masama? May nasaktan ba ako?v

Ipinasok ako ng nanay ko sa Catholic school, junior kinder pa lang ako. Tandang-tanda ko pa nung nag-entrance exam ako, limang taon lang ako noon. Sabi nung nagiinterview na madre sa nanay ko: “ay ang cute naman ng anak nyo.” Oh please! Sabay tanong sa akin “do you know how to read?” “yes sister”. Sabay ngiti ng madre. Pinabasa ako. Nakapasa naman ako. Tapos sabi nya “okay spell DOG” ang yabang ko sabi ko sa sarili ko, yakang yaka ko yan. Inispell ko sya “B-I-T-C-H” nagulat yung madre at tinanong ang nanay ko kung san natutunan yung salita na yun. Sumabat ako. Sabi ko “dun po sa book of words. Ang tawag daw po a babaeng aso ay bitch”. Ngumisi ang madre. At ang nanay ko naman gusto ako sapukin.
“okay lets try another one” can you recite a poym? (poem).” “of course sister” tumayo ako at tumindig ng tuwid at nagsimula na tumula…
“In Die… vow
Thing none knew see in die
Who bought, who bad
The hill key none taught see in die
Last fog see in die….”
Tatapusin ko sana poym ko pero pinigilan na ako ni sister “okay okay that will be fine”. Kitang kita ko sa mata ni sister na natutuwa sya sa akin kasi yung noo nya ay kumukunot at pinagpapawisan na sa may patilya nya. “Let try your drawing skills. Here’s a pad, a pencil and crayola, try to draw a boy and a girl”. Masunurin ako kaya ilang Segundo lang natapos ko ang drawing. “ano to?” sabi ni sister sa drawing ko na dalawang letter V na magkasalubong.
“Sister yan daw po ang pinakamadali na drawing ng boy at girl. Turo po sa akin ni butchukoy na kapitbahay namin. Yung po na nasa ilalim ay binti ng babae na nakabukaka sa lalake at yung pong nasa ibabaw ay binti ng lalake nakabukaka sa babae. Nagsasayaw po sila Sister ng tango.”
Natameme si sister. ilang segundo siguro na di sya umiimik. naimpress ko siguro kaya walang masabi sa sobra paghanga. “okay bluep you are an incredible boy. let’s have the final test, give me 3 words that you know and try to tell me what it means”. “sige po sister”
“school – a place where we learn values and christian living and what we call second home”
napangiti si sister. “very good bluep”
“teacher – our second parents who we must repect and obey”
“Excellent”
lumabas na ang ngipin ni sister. Hanggang tenga na ang ngiti nya. Sa isip ko noon. papasa na ako. kaya yung ikatlo na word hinirapan ko na. bata pa kasi ako tinuturuan na ako ng nanay ko sa vocabulary. minsan bago ako matulog ay binabasahan ako ng nanay ko ng mga words galing sa dictionary na di ko maintindihan sa mga children’s books na pinababasa nya sa akin. Kaya minabuti ko na banggitin yung salita na nabasa ko kay Dr. Seuss at Cat in the hat:
“Pooo-keh” (Puke)
nagulat si sister. pero bago pa sya nakahirit inunahan ko na sya
“an act of vomiting or throwing up”
biglang huminga ng maluwag si sister. Nagpunas ng panyo at sumandal sa kanyang upuan. Tumayo sya at pumunta sa kanyang kapwa mga madre. Natapos din ang exam ko. Pinaghintay kami ni sister sa labas. At ng bumalik si sister sa amin. kinamayan nya nanay ko.
“Congratulations Mrs. Your son po is accepted in the Junior kinder. Pwede nyo na o sya ienrol sa registrar just near the hermana fausta hall”
“Naku sister salamat po. pasensya na po kayo sa anak ko. may pagka pilyo po ng kaunti yan”.
“Mrs. you don’t have to worry. Kids are innocent, they dont know what they are talking about. Bibo po anak nyo. sa sobrang bibo para nga po gusto namin iaccelerate sya sa High school. Pero wag po kayo mag alala, ako po bahala sa kanya” Patay! haha
Umalis kami ng nanay ko na nagtatanong. ano kaya ibig sabihin ni sister dun. either matalino ako o talaga lang mature ako sa aking age. Hindi ko alam till now kung yun ba ay compliment o sarcasm.
Mula senior kinder hanggang Grade 3 consistent honor student ako. pero pagpatak na ng grade 4 nawala na ako sa honor roll hanggang HS. May ceiling grade kasi ang conduct namin sa catholic school. dapat at least 88 ang grade mo sa conduct para makasama ka sa honor roll. pero dahil nga sa paborito ako pagalitan ng mga teacher ko, puro 87 ang nakukuha ko na grado. ang palaging drama ng mga teacher ko every year pag may PTA meeting ay “Mrs. matalino po ang naka nyo, conduct lang ang problema kasi makulit sa klase”. Kasi naman pag nagdidiscuss ang teacher ko sa unahan, kung ano-ano ang ginagawa ko sa klase. Kapag hindi ako naglalagay ng thumbtacks sa upuan ng mga katabi ko eh nagpapaiyak naman ako ng babae.
Minsan nga nasampal ako ng kakalase kong babae nung Grade 5 kasi sya ang nabunot ko sa Christmas Party. Katabi ko sya sa upuan ng buong taon at palagi ko sya naamoy na malansa at amoy isda. Palagi ko rin nakikita na may kulay pula sa upuan nya kapag sya ay tumatayo. At nagtataka ako kung bakit kinukulayan nya palagi ng puting chalk ang palda nya bago kami maglabasan. So ang ginawa ko, niregaluhan ko sya noong christmas party namin ng isang kahong Modess at Whisper, yung with wings. Sa halip na magpasalamat sinampal ako sa aking kaliwang pisngi.
Sa isip ko di nya nagustuhan regalo ko kaya nung mag grade 6 kami bumawi ako sa kasalanan ko. Kahit di ko sya nabunot, inalam ko ang taong nakabunot sa kanya at nakipagpalit ako. Nung sya na ang tinawag ng teacher ko, pumunta siya sa gitna ng nakabilog na upuan suot ang makintab na pink na bistida na may raffles sa leeg, kinuha ang regalo na may nakalagay na “Gladita”, binuksan nya regalo nya. Nung nasira na lahat ng wrapper at nabuksan na nya ang halos 5 kahon na magkakapatong sa loob nito na tumutulo na ang pawis nya sa dami ng scotch tape na nakadikit dito, nagalit sya ng makita nya laman ng regalo at nilapitan ako at saka sinampal naman ako sa kanang bahagi na pisngi. Hindi ko maintindihan minsan ang babae. Ginawa mo na lahat para iplease, galit pa rin. Hirap kaya humanap ng panty na kulay itim, madaming lace at sampung piso lang halaga sa tsangge.
Dumaan ang HS at napabarkada ako. Pero unti unti nawala pagka pilyo ko. natuto ako makisama. natuto ako makinig sa problema ng iba. at natuto din ako makihalubilo sa ibat ibang klase ng tao. Pero andun pa rin yung pagiging pilyo. Hanggang sa nagka Gelpren ako at natuto ako lalo na irespeto ang mga babae.
Nung nagkolehiyo na ako. iniwan ko gelpren ko nung High School kapalit ng bago kong girlpren sa college. nung huli kami nagusap, ang sabi ko sa mga kabarkada ko sa inuman, iniwan ko si girlpren A kasi boring, masyado mabait at walang latoy. apat na buwan after naging kami ni girlpren B. napagtanto ko na napasobra naman ata ang enthiuusiasm nito bago ko girlpren kasi walang araw na di ako minura. Tumataas na lahat noon ang presyo ng gasolina at pagkain pero ako minumura pa rin.
Hanggang sa pagkalipas na apat na taon na naka earplugs. tinawag na ako ng panginoon at tuluyan na nga akong pumasok sa seminaryo.
Sino ang mag-aakala na ang pilyo at malikot na bata noon ay nagnais maglingkod sa Diyos. Marami ang tumaas ang kilay nung mabalitaang pumasok ako sa seminaryo. Hindi sila lubusang makapaniwala. Kahit ang kaklase ko na si mahalia ay piihado nagulat noon nung mabalitaan yun. kasi nung nasa catholic school ako, ako ang number one kaaway ng mga guro. Kung hindi man ako nagbabasa ng buong passage ng Exodus during time ng opening prayer eh binabato ko naman ng papel si teacher babalina pag nakatalikod. Kaya hindi ko sila masisisi. walang makapaniwala. Buti pa kay Katrina Halili may naniwala nung sinabi nya na wala silang sex video ni Hayden Kho.
After some fruitful years in the seminary. I felt I was not ready. I heed the call but I see myself not worthy to become a capuchin because of some imperfections that I need to perfect. Kaya nagvoluntary leave ako to the dismay of my superiors na hanggang ngayon ata ay di pa maka move on sa sobrang tampo sa aking paglabas. Haller almost 8 years na kaya.
kaya ng simula ng lumabas ako, ang naging misyon ko ay dalawa lang. (1) ang ipakilala si Kristo sa bawat makikilala ko kahit wala akong “K” (2) at ang ipa-alam sa madlang pipol na kaming mga nagsilbi at nagsisilbi sa diyos ay tao lamang. marunong masktan. marunong matukso. marunong magalit at marunong din manakit. dahil tulad ni kristo na nagalit sa templo at pinahahagupit ang mga palamara, tao din ako tulad ninyo.
Kaya kung minsan may nababasa man kayo sa mga komento at post ko na maaanghang at tila hindi nababagay sa isang dating seminarista, ito ay sa kadahhilanang gusto kong ipakita sa lahat na tao lang ako, kami at ang mga kapatid ko sa pananampalataya: tulad ninyo at tulad ni Kristo.
Minsan ang hirap sa mga tao, pag nalaman na anak ka ng Diyos at alagad ka ni San pedro ay lalayo na sila sa inyo o di kaya naman ay ilalagay ka sa pedestal at lahat ng galaw mo ay dapat akma sa kung ano ang ideal. Bawal ang magalit, bawal maging matalas sa salita, bawal uminit ang ulo at bawal mag-alburuto dahil pari at dating seminarista kami. Kayo kaya ang walang sex ng buong buhay nyo, tingnan ko lang kung hindi uminit ang ulo nyo.
Ang mga alagad ng Diyos at mga dating seminarista na tulad namin ay hinubog hindi lang sa ispiritwal kungdi maging sa sosyal, sikolohikal, pisikal, emosyonal at political na pananaw. ‘wag kayo matakot sa amin. Di kami nangangagat. Tao din kami tulad nyo. Pakinggan nyo podcast ko at dun nyo makikilala si bluepanjeet na siraulo.
Para sa ibang tao, ang himala sa kanilang buhay ay ang gumaling sila sa kanilang mga karamdaman, tumama sa lotto ng jackpot o di kaya naman ay makahanap ng trabaho pagkatapos masisante. Pero para sa akin, ang tanging himala na nangyari sa buhay ko ay nakapagbago ako mula sa aking kasuklam suklam na nakaraan. Wala na akong hihilingin pa na himala sa buhay ko kungdi ang himala ng tuluyang pagbabago, hanggang sa makita ko ang panginoon sa kabilang buhay na sa akin, at sa ating lahat ay naghihintay. The Glory of God is always man, fully human, fully alive (St. Iranaeus).
Thing none knew si bluep. Who both who bad!
Deus Meus et Omnia!
I thank you! Vow
Viewed 13809 times by 3019 viewers















Wow, what a nice story bluep!
Ang kulit mo pala nung bata ka pa. Naloka siguro lahat ng mga madre sa school mo. hehehe…
hahaha! kung maging writer ako dito kung sakali man like “Meet the Writer Darbs” … (ambisyoso) kung sa bisaya pa “nangabisyon na man hinoon” or mag-apil apil na man hinoon.
Anyway, kung isulat ko ung life ko… parang copy and paste na lang ata ang gagawin ko sa story ni bluep at palitan ko na lang ang pangalan.
blue,
magkapareho pala tayong pasaway noon. ako naman noon balak magmadre, ang lakas ng tawa ng kuya ko.
Hahaha, talagang nagbabalik ang mga alala sa Sacred Heart College. Naalala mo ba yung tutusukin ka ni Mrs. Boksing M ng espada sa CAT na espada ni Marlon P? Nagsitakbuhan at nagtalunan kayo sa bintana. hahaha.
Totoo, aaminin ko, shock talaga ako noong malaman kong nasa seminaryo ka. kaya pala tumahimik ang Lucena noong pumasok ka sa kumbento. Nawala ang lurking mischief around the corner. But I was happy for you.
Teka, parang kilala ko yung sampalera mo. Mahilig syang mag-lagay ng isang dangkal na pulbos sa kanyang face diba?
Alam mo kahit na di ka naman natapos sa Seminaryo kitang kita ang naiwan nitong katuruan sa iyo. Naging mabait ka nang tao–uy, palibre naman sa Jollibee!
And look what you’ve become, a very sucessful blogger, a reliable technical advisor and a good friend.
Kahit naman noong nag-aaway tayo, you always showed a soft spot. Di ka naman talaga ubod ng angas. Ganon lang ang pakikitungo mo noon. Tsaka nalimutan mo na ba na ilang tanghalian mo rin akong inimbita sa inyo? Kumain tayo ng piritong galungong at kamatis. Lalo na ang sipag mo ay na discover ko noong mag-pera sa basura tayo. Very good ang leadership skill mo na na momotivate ang buong grupo na pumunta sa malalapit na bayan.
Naamoy ko pa ang varnish ng upuan project natin kay Mr. Navela (di kaya rugby girl ako noon? hehehe), yung crew cut mong gupit, yung prefab building na nagtanim tayo ng mustasa sa likod, yung pagpunta natin sa tabi ng college building para sa “projects” ng CAT pero nag sisipag yosi lang tayo doon, at mga antics mong di ko na mabilang pero di mahirap kalimutan. Kaya tuloy may nightmares of High school pa rin ako. hehehe
Congrats Bluep!
Ang gara naman ng comment na ito. Puno ng makabuluhang detalye. Nakakainggit na you both have kept in touch throughout the years.
Ang saya ng paglalarawan mo. Nakakatawa pero di over acting. Di ko kilala si Bluep – isang pagdalaw sa website nya pa lang nagagawa ko – pero you make readers feel na he’s an excellent human being.
Parang gusto ko nang maniwala. “,)
Nice comment Mahalia. Ako kaya suportahan din ng mga real life friends ko? Mga lekat na yun 2009 na Friendster pa rin ang alam sa internet. Ewan. Di bale na nga.
@Jan, thanks. It is indeed a privilege na naging close kami nitong si Bluep (kahit imahinasyon ko lang). Rare ang makakilala ka ng kaibigan na noong panahon pa ng mga bellbottom at buhok at bangs na ginugusot at kini kinky para may mala tower kang ulo.
@Bluep–nalimutan ko na yung “kwentuhan” natin sa salas ninyo until binanggit mo. Kawawa naman si Alex, half half na sya ngayon. hahaha. Biro lang Alex baka napapadalaw ka dito.
bluep, i read this last night. nagcomment din ako last night. now, i’m commenting again kasi binangungot ata ako kgabi about high school days! LOL! grabe! honestly pakiramdam ko i went back 16 or 17 years ago! but it’s very nice to remember though. dami ko na nkalimutan about the past e.
Mahal, alala ko ata lagi kyo nagbabangayan ni bluep sa corridor hahaha.and i remember grade ten tayo non you were crying dahil sa pangaasar nya bgo tyo magline up sa CAT. Remember ka platoon kita non? i think. Si kuya Ramon platoon leader natin? Sobrang taray pero malambot din, i used to pretend na nihihilo ako then sa awa ibibigay nya espada ang buckles pra ipolish ko ng makaupo ako. LOL! And i remember ikaw si medusa!… i agree magaling si bluep na leader di ko alam kung pano ka nya napa agree na mag medusa! LOL!
@ chi–ay oo nga, favorite ka ni Kuya ramon. Baka kasi super crush ka nya noon pero di mo pinapansin, kaya lagi kang pina-uupo. ay sows, bakit kasi nagpapakiputan pa kayo ano, kung ano ano lang, baka kayo na ngayon–habang nag-shi shine pa rin ng mga belt buckles. hehehe jk.
wahehe! naku labo! kuya ko tlaga yon! di ba nagseminary rin yon lumabas din? naku tsismis na to! anyway tlagang me kapilyahan rin ako non dapat kasi sumali rin ako sa dramatics club e. LOL! i remember si alex, drinamahan ko rin yon once, sa CAT rin di ba Ex-O ata sya non? sa awa dinismis ako nakauwi ako ng maaga LOL! while you and everybody else were standing in the heat of the sun! Naku! baka mabasa nila to…everybody has their share of naughtiness when they were children naman db?nasa loob lang kulo ko haha! tamo si bluep, forgivable pa rin LOL! peace bluep.
what? he’s gone? how? when? naku ano ba yan di ko ata nabalitaan. wait sinong jeff ba jan?
naku sorry, oo nga pala. naku nkalimutan ko sya. nasa isip ko kc si jeffrey T. e. bless his soul.
haha ayus lang. Dami naman kasi sa atin ang namesakes eh. Tatlo kaya ang Jeff sa atin. Jefferson D, Jeffrey T. at Jeffrey D.
haha bakit weird naman ng girl na un n sumampal sau!
ang saya ng childhood in fairness
Bluep,
Suki ka pala ni Ms. Tapia sa guidance. LOL.
Bwahahah….
Buti di ka napa-admit sa mental. hahahha…
fakagat naman sa alagad ng jos…
who both who bad…
sejo pala ako dapat nangumpisal…
tumatayo pa ba yan?
langya ka. haba ng entry mo, pero binasa ko. para akong eng eng dito na tawa ng tawa. wahahahah!
alam mo, noon, pumasyal ako ng infanta, di ko alam kung papano pumunta dun. basta sa batangas ako dumaan. layo pala teng. pagdating ko lucena, wala na byahe, kaya pagala gala ako sa lucene ng walang pupuntahan.
pasok ako ng bar na me live band. susginuu, kadami pala banda dun na puro taga-olongapo, pati waitress kakilala ko pa. ayun dun ako natulog. sarap jan sa lucena.
San ka galing at sa Batangas ka pa dumaan? Walang daan sa Quezon papunta sa Infanta. You have to pass Laguna via Lucban Quezon before reaching Infanta. Kaya nga ang nakakainis dito sa gobernador namin ay napapabayaan ang infanta, polilio at real kasi isolated sila. Hindi gumawa ng daan para direcha na ma-aaccess ang infanta.
Oo haha dami live bands dito. Kaya lang ngayon maunti na kasi nauso na ang coffee shop na kung saan acoustic na ang tumutugtog
hmmm…
mahigpit na kuraparoko sa kapilya ng barrio…
kelan ang simula ng linguhang pagsimba sa barrio?
ay i-tsek ko po yan….
‘di naman po kase ako makapagsimba dito, bukod sa di ko maintindihan ay para ba gang may entrance fee(oops sori po, napansin lang)…
nawala na kase ang pinoy na pari dito…
Angola, Africa Bluep…
colorful pala buhay mo kuya bluep. (kuya daw oh?) hahaha! dapat hindi ka lang blue, dapat rainbow. char!
Dami kong kasama dito na nagbasa nito. Pero mga hinayupak na ito pina transalate pa. Susmiyo! Pang 2 minutes lang ako eh
Tanong ba naman sa akin eh “totoo ba yang story na yan?” wahahaha..Op kors!
Mga onaks kasama ko dito na tinuturuan ko managalog. Aliw nga ako ehh at naalala ko mga good old days ko sa kamay ng mga madre at pari. elementary kasi ako umuulang ng sulat nanay ko para mag attend sa awarding sa amin pero pag dating high school, umuulan pa rin ng sulat yun nga lang complaint letter at dapat sya kausapin ng guidance.
hello sir bluepanjeet! si dioniscio ito, uma-aydol sa inyong mga writers ng barrio
nakakatuwa ang kakulitan. haha. di kaya hinimatay sa kunsumisyon ang mga madre sa inyo noon? hehe. nakakatawa/tuwa kwento mo, hindi naman nakakasuklam. minsan nagdadaan naman lahat dun pero ang mahalaga madaming aral at madaming nagbago. nakaka inspire..
nyahahahahahahaha. natawa ako sa kampana at sa topsider. lol
napupuntahan na pala kita noon pa ser mula ke bro.utoy kaso di lang nagcocomment
silent reader mo ako (basta yung nagbabasa pero di nagkokoment haha)
teka naisip ko hindi pala lahat nagdadaaan sa mga kalokohan mo noon kasi ibang level yang sayo e hahahahaha (pero syempre pas is pas, yey!)
wahahahhah! ako salamin sa haruta. wahahahha!
bakit ako alam ko ang mga yan pero di ko alam gawin? nyahahaha
maraming magagandang post si bluep sa blogsite nya dati talagang panay panay ang basa ko ng posts nya saka sa kanya ko nasusubaybayan yung survivor pilipins,nung una ok na ok pa tapos next ang problema ko lang magpost ng comment ayaw pumasok tapos later on wala na talaga dina ko makapasok sa site
haha honestly lee hindi kita blinock haha. Pati nga si Mtoni di makapasok sa site ko. si Bro. Utoy nga nagrereklamo din na di maka comment. Ewan kasi sometimes may masasamang espiritu sa blog ko LOl
Mawalang galang na sa ibang writers na nagpost so far dito sa BS – teka spell out natin, masama dating e, dito sa Barrio Siete – itong post mo ang the best. So far.
Sa email feed ko ito unang nakita. I scanned the page. Ay sus, ginoo, napangiwi ako. Ang haba! I had coffee and went back to reading.
My first impression was – is this guy for real? Baka short fiction ito? Then I read more, and more, till I gobbled up the whole post. No, I didn’t have constipation after reading you.
I’m a laid back guy. I read from the safety of my inbox usually. But you are a special case. I have to haul my ass here and leave a comment.
It’s a pleasure to have met you, Bluep. One post and I’m already a believer. Thanks, pinasaya mo Sunday ko. “,)
Ako rin, ikinalulugod kong makilala itong si tito panjeet! hahaha… ay bluep pala… “Wag nyo po akong ibagansya” (sabi ko sa tanod.)
Mabuhay ka!
sa toto lang jan tama ka,regular reader nya ko kaso lately ang daming na block na sites dito
Gumamit ka lee ng Proxy server o VPN para maacces mo mga sites na nablock ka. yan ginagawa ni KK dati nung nasa Tsina pa sya.
Hi Bloop. Si miriam ito bagong salta sa Barrio.
Ang ganda naman ng talambuhay mo. Dahil sa kwentong ng kakulitan mo nung bata ka pa, dapat pala na intindihin ko rin ang bunso ko. kasi gaya mo makulit din ‘yon, medyo matindi lng ng konti ang kwento mo, hehe. pareho mo rin ‘yon matalino.
Dati ka pa lang seminarista. Dapat pala behave kami dito, hehe.
Natouch ako sa sagot mo bloop. Alam mo kasi kapag usapang anak na, hay naku makalaglag luha na…yan tuloy…singhot…ibig sabihin lang hindi ka likas na salbahe noong bata ka pa eh kasi kung magkaganon, sinubukan mo na sana ang droga at gaya ng sinabi at sa tingin ko rin malaking bagay kapag supportive ang mga magulang.
Salamat bloop gagawin ko ‘yan. Sa true lang naman. mabait sa ngayon ang mga anak ko sumusunod pa. sana di magbago kapag nagka-edad sila. kapag lumaki na kasi may sarili na silang set of friends…salamat sa pagbahagi ng karanasan mo bilang anak. Maswerte rin ang parents mo kasi naging mabait ka naman (ngayon).
Nice anecdote about praying over each other – you and mahalia. Nahirapan siguro sa inyong dalawa yung classmate nyo.
Dito sa Barrio Siete at sa palasyo. It tickles me na at least at some point before nakasanayan mo mga tao dito e you were once sorely tempted to pray over mga tao dito. Or way off ba ang sapantaha ko. “,)
Sobrang lively kasi mga utaw dito eh. Wala ka bang naranasang culture shock? Ooops I forgot you were Bluep the menace nga pala for most of your youth – nothing should shock you at all. Ahahaha
Bluep eto na nagpaparamdam na hehehe. Sorry sobra bc kc po and medyo ngka health problem ako. hindi na nga ako makasulat sa blog ko e. di na ata umaandar utak ko hehehe. kakatuwa to ha! naglulat din ako ng mlaman ko na nsa seminaryo ka, ke kuya wayne ko pa nlaman yon. hehehe. grabe! tinamaan ka ata ng kidlat at naconvert ka e.Nung HS tyo di ko mlimutan yong opening prayer mo na whole bible ang prayer! hahaha! glit na glit tlaga si teacher babalina that she has to stop you reading the bible.pilyo ka tlaga! inubos mo oras ng subject na yon sa prayer pa lang! hahaha! ano na kya ngyari don pagkaresign? kaw ata dhilan kya ngresign e. LOL! Anyway me quiz sa facebook… ke Mahalia ko rin nakuha… teachers ntin nong HS. try mo. thumbs up! nahirapan din ako… silipin mo. tah for now!
wahaha! ay oo pinagbawal magbasa ng bible. pencil sharpener? LOL! ke mahalia ko lng nkuha yong link.
Bluep 6 Charity ka nga ba?
charity rin ako. actually sa sobrang inis ko sa section ntin non di ko malimutan! daming nagaasar sa kin pti sna rodgel at anthony! kaya sa faith ako natakbo andun kc si kuya wayne e si kuya nman isa pa ring asar! naturingan pang pinsan! hehe… kuya, if ever na naligaw ka dito.. miss u all dyan. hehehe… peace.
kaw tlaga! no disrespect, pero buhay pa ba si mam? di ko na kc tanda. oh no1 wait! she resigned, didn’t she? kaw tlaga! wawa nga e.
naku sana nga sore throat lang. lemon with honey or luya lang katapat. pero cancer nku sana wag nman wawa nman. bluep lahat ba ng teacher ntin kinausap mo? pagka tpos mong mgseminary? pano si mam babalina? LOL! joke.
haha! ngayon ko lang nabasa ang story of your life bluep! tawa ako ng tawa! loka-loka!
busy-busyhan ang lola mo! hihihi
i lurve your story at pagkasaysay mo.. bravo!!!
uy, bago profile mo reesie..
Hello igsoong bluep. I must be frank na installment lang muna ang reading at reaction. I have an ADHD problem kaya i could not finish the whole thingy. hanggang 5 to 6 paragraph lang siguro ako but I try to read more habang kaya pa ng aking concentration.
Here we go: Wheew, igsoon tagalog man o englis pag pinag-usapan na ang buhay buhay parang walang katapusan ang inusapay. hahaha.
Salamat pala igsoon sa special mention sa exodians.
Correction lang igsoon. Wen? Mangan Tayon? they are not bisaya or ilonggo words.
Those words are like these: Dungdungwen kan to unay unay… Ilokano words un sila igsoon.
May psyciatrist kayo sa seminary nyu? Ang sosyal nyu naman.
New Found words:
Dalawa daw kasi ang puyo ko.
Duha daw ang akong “alimpulos” (puyo)
No wonder, bog bog sarado ung kalaro mo. I will end my reading here. By the way, you remind me of my older cousin. Tigasin masyado but good man. Matapang lang talagang kagaya mo pero mabait din.
Ung bangs mo ang galing nga pagkaputol. Balikan ko na lang ang next.
to be continued…
hahaha! anak ng tinapa. transformation ha? Parang si St. Paul.
In conclusion: Nice… ang masasabi ko lang, you have a sense of humor igsoon no question.
Thank you for sharing.
Bluep, Pauline ang istorya ng buhay mo ah – ang mga pagtutugis sa mga kapwa Kristiyano,kahit si sister hindi nakaligta sa bangis mo. Pero tignan mo naman ang hiwaga ng pag-ibig ng Diyos, sadyang may habag ang Diyos at kung wala ay ewan ko lang kung saan ka na ngayon…
DFish Ganoon talaga siguro ang pag-ibig ng Diyos. ang syang pumukaw sa ating puso’t kaluluwa. ang syang nagdulot sa atin buhay ng ginto’t aral at pag-asa. sikapin daw sa ating pagsuyo ating ikalat sa buong pag-ibig ni “who you say that I am?”… I’m just singing the Pag-ibig ng Diyos. hehehe.
Almost the same. may similarity din. mas sosyal ka lang na konti.
I understand bro.Nakakainggit nga eh. What am i waiting? Mauna muna si DFish bago “siguro” ako. Na recruit mo na ba si DFish?
Hoy darbs, kulang ka sa tulog no at na-nominate mo naman ako…Sa ngayon, hapi na muna ako sa pagiging tambay sa waiting shed at maliwanagan sa daang tinatahak…
Halata bang kulang sa tulog? hahaha! yap, parang ganoon na rin siguro ako. patambay tambay na lang muna sa waiting shed for now.
halatang halata ung lack of sleep. anak ng tinapa nga tung blog blog na tu hindi ka makakatulog hanggat maubos lahat ung laman ng isip.
ung kakalogan, hey hindi ako ang nag-originate nun ha. very serious ako. infact, nakuha ko lang ung kakalugan kay Brother Utoy. at ngayon ito seconded ni bluep at patuloy na hinubo ni DFish. hahaha! nandamay na naman.
Salamat kapatid bluep sa suggestion na magiging writer/contributor sa Barrio Siete publishing corporation. at least may naniniwala din kahit konti sa ating kakayahang makapagsulat. alam mo na hindi talaga ako isang manunulat. baka konting praktis pa yap I will take the challenge but not yet.
God Bless igsoon!
Palibhasa NY pizza sa agahan,pananghalian at hapunan ang sinusubo nitong si darbs, sabay higop ng rice coffee harhar…Thanks for the invitation bluep…
there is this old old pizza house dati sa Araneta Coliseum that we go to noong paslit pa ako’t pag di ako nakatikim eh nag-iiyak ako sa tapat nang Carnival, i forgot the name of that Pizza place, pero masarap yun NUN hahah M&M sumtin!
Truth be told. masarap kung masarap, but again I am not a pizza eater nor pasta eater. usually doon mo ako makikita sa Chinese na Eat all You can.
I don’t really know why hindi ko masakyan ang Pizza. maybe siguro this has got to do with my barriotic taste bud.
believe it or not i cannot even finish one slice of pizza. Dalawa or tatlong kagat lang that’s it. I can’t eat anymore. Rice pa rin ako kahit ibaligtad man o ipatiwarik.
@BlueP not so sure dag-dag doon sa info mo, isama mo na rin ung ginamit nila na oven sa pagluto ng pizza.
@ darbs! way to go! sa Chinese eat all you can na lang tayo instead of NY Pizza. *wink!
@Bluep, kapag andito ka na, (its not a matter of IF but WHEN, dahil alam kong darating ka ano!) ay ilibre kita sa Eat All you Can, promise! Promise!
Magdala ka rin ng back pack, dahil tulad naming magkaka-ibigang Pinay kapag nakain doon, nag babalot talaga kami! ahhahaha.
Patago lang ha? hehehe
@Mahalia you said,
No problem!
Hey, baka makapag long driving kami ngayong summer sa Chicago. But I am not sure kung saan part sa Chicago. Basta ang sabi ng kaibigan near the lake daw ung lugar na puntahan. And you already know na yang chicago andami ring lakes. But anyway, pag andyan na kami sa chicago I will just post some pictures para ma-identify mo kung saang part ng chicago.
@Darbs – dito na lang kayo sa San Pablo, pito pa ang lawa. Eat all you can pa ang mais haha
@mahalia, buti pa kyo dyan pd mg puslit sa eat all you can…love chinese!
@Chi – ang hirap lang sa chinese cuisine eh kalimitan deep fried at stir fried. Mataas ang cholesterol level. too bad I dont anymore eat noodles and rice on a regular basis. Siomai lang palagi ang tinitira ko kasi ang sarap haha
i beg to differ, Chicago pizza rules! hehehe
di ko na ata tanda yung pizza place na yun. kasi nagpupunta lang naman kami dun sa araneta kapag pasko, nanonood ng palabas sa COD. wahahahha!
sorry walang aangal! but i think of all the pizzas i’ve eaten spinach pizza anf yummiest! 2nd ang pandesal na me cheese ang katsup! hahaha!
diba medyo mapait ang spinach? buti kamo chi di lumalaki ang braso at binti mo tulad ni Popeye pag nakain ka nun haha
hay naku! wala yang pizza ninyo once you have tasted PHILLY CHEESTEAK hahahaha once you’ve tasted it, there’s no going back! hahaha
@ Reynz, I have yet to taste Philly Cheesteak sa Philly. Meron dito sa New Philly pero I doubt theyre the same. Kapag napadaan kami roon, saan ba ang masarap na kainan?
It’s in SOUTH PHILLY, dun pumipila sina Bon Jovi, Madonna at kung sino sino pang artista. hahaha! Samen, equal opportunity, kiver kung superstar ka, pumila ka! hahahaha!
It’s a very popular place, hanapin mo lang yong pagkahabhabang pila in the city at yun yun. The place? Di sya magarbo, typical row house sa Philly.
@Reynz Aba at nakikita mo pala si Madonana? Totoo ba reynz na ang bra nya ay cone made of stainless steel? hahahaha
Naku, dito naman sa pinas, pag vip ka eh eepal ng eepal kahit may pila. kaka asar kaya ang mga tao dito. Masyado status quo oriented
wala pa ring tatalo sa isaw.. sabay sawsaw sa sauce na sinawsawan na ng buong bayan…
nakow buraot ingat, makakatake yan sa gout–isaw
yun lang. weheheh. dami bawal. kulang na lang, bawal kumain. hahahahah.
Haha masarap ang isaw lalo pa’t may excess ng mga ebs na di napisil palabas hahaha sarap nun LOL
Mataas yun brods sa uric acid. Lagot na naman ang tuhod mo pag nag ballroom dancing ka haha
Philly Cheesteaktrue! true! kilalang kilala ang Philadelphia sa kanilang Philly Cheesteak. Kumbaga, once you tasted the blackie/black thingy you will not go back. hehehe. I am not sure about that dahil I never tried and will never be…. i mean ung black thingy. hahaha!
Mas masarap pa rin ang Barrio Pizza, ketsap at cheeze lang tapos kapupot na kulangot ayos na haha
CONFIRMED! you are right! it is the New York WATER!
Nagtanong talaga ako. Dahil ang akala ko ang oven ang main difference. WATER WATER LANG PALA.
Salamat sa information igsoon! Cool!
@Darbs. – Nacurious nga ako eh kung ano pinagkaiba ng tubig sa LA at NEW YORK. Baka kako mas malasa ang tubig sa NY dahil sa burak ng Hudson River haha
Mahalia said;
Pahiram sa part na ito dahil parang nangyari din sa amin tu.
De Javu darbs hehe
diko nakita to ah? out of town siguro ko nung post neto.
“Ang mga alagad ng Diyos at mga dating seminarista na tulad namin ay hinubog hindi lang sa ispiritwal kungdi maging sa sosyal, sikolohikal, pisikal, emosyonal at political na pananaw. ‘wag kayo matakot sa amin. Di kami nangangagat. Tao din kami tulad nyo. Pakinggan nyo podcast ko at dun nyo makikilala si bluepanjeet na siraulo.”
alam mo sa totoo lang,my tiyahin ako nakapangasawa ng pari,american sya at nainlove sa aking tiyahin na that time ay sa baguio nakatira at sya ay dj sa FM radio.
nainlove,nagpakasal at napakaraming kwento mula nung sya ay nasa seminaryo pa hanggang kung san san na nakarating, respetado syang pari pero nung umalis sya sa seminaryo para pakasalan ang aking tiyahin maraming ibat ibang mga naging reaksyon ang mga tao considering twas 70′s na masyado pang conservative ang mga tao sa mga ganitong issues.
marami ako naging kaibigang pari, gaya ng ibang tao normal din naman at simple lang ang mga gusto nila,yung mabuhay ng matahimik,masaya silang kasama,maraming kwento at matatawa kapa mga pari then yong brother ko pastor ng INC pero walang usapan tungkol sa religions ng isat isat kundi yung mga bagay bagay at mga pangyayari sa buhay lang ang pinag uusapan.
sayang diko mapakinggan podcast mo di na ako makapasok sa site mo
@Lee – haha baka block ka sa Tsina nung pinost to haha
seriously, naiinlove din naman ang mga pari, kaya lang ang iba lalo na yung Grade 6 pa lang ay nasa seminary na ay immature pagdating sa love. Kasi nga di normal yung kanilang experience. Kaya nga ngayon ang trend is bago pinapapasok sa seminary, ang kalimitang payo ng mga bagong pari ay mag enjoy muna sa labas, mag girlfriend, magtrabaho at pag stable na sila at tinatawag pa rin sila saka sila pumasok. Kasi iba ang maturity ng mga pari na college graduate at nakapagtrabaho na kesa sa mga uundergrad na pumapasok. Mas malaki ang mortality ng mga vocations na teenager pa lang pumasok na sa seminary. Usually kasi yung mga young professionals na nagpapari eh alam na nila ang gusto nila sa buhay nila. firm na decision nila at talagang committed na sila
Madami din ako kaibigan na iba religion pero never naging issue yan sa usapan. Most of my closest friends are Christians, latter day saints at Muslim and sa totoo lang wala sila pinagkaiba sa atin.
Ang naweweirduhan lang talaga ako ay sa INC. Hindi ko alam pero lahat ng nameet ko na INC hindi ko nakasundo kasi they are very confrontational and bookish. Si ambo lang ang naging kaibigan ko na INC na hindi ganun ang profile
“di na ako makapasok sa site mo”
Bluep, may ngitngit yata mga Tsikwakang sa yo…O hindi lang nila nagustuhan ang yearly OTWOMD report mo.Or,ayaw nila ng mga superheroes mo…
@dfish,magtataka kapa ba e kung sa sarili kong site di ako makapasok at maka update ng posts ko waaaa
Haha oo nga kala ko nga noon tampurorot yang si Lee kasi ang tagal nawala sa blog ko. Yun pala block victim haha
Lesson: huwag kang gumawa ng summary yearend report ng mga pinapasukan mong sites. Ever…
@dfish, nyahahaha obvious ba hahaha
Haha duly noted haha
Bluep, natawa naman ako sa life story mo. Can’t believe ganun ka pala kakulit noon
@Amor – nyahahaha kapatid mabuti nga kung makulit eh hindi nga, demonyito nga ako nung bata pa haha