Home » Barrio Siete Success Stories, Meet the writers

Meet the writers: Jeri

29 June 2009 50 Comments

jeriAko po si Jeri. OFW. Naka-base sa Luanda, Angola. Tiga Lasam, Cagayan Valley po ako. An Ilocano pero hindi kuripot at kaya kong painumin nang tuba lahat nang tiga-Barrio Siete. Sorbetes sa mga babae. I am a family man with 3 kids, pero yung 2 kong kids ay adopted. I’m a Geodetic Engineer. I graduated in 1992 at Saint Paul University in Tuguegarao City. My profession is known as Surveyor. Yung maninilip ng pag-aari ng iba. lol. (siyempre diko naman pag-aari yung mga lupain na aking sinisipat at sinusukat).

I am an OFW for more than 16 years in several countries in the Middle East such as in Saudi Arabia, Dubai UAE, and Doha Qatar. I’m currently employed as Consultant for a large multinational company in Luanda, Angola since May 2007.

I’m just a simple person with great goals to fulfill, some of my ambitions has been successfully achieved, but satisfaction still less. Born and grew up as deprived child, lived in a simple life with a simple family, but being less fortunate during my childhood never makes me weak but makes me more strong to face all the trials in this world in order to attain my objective in life. I believe that the great significance of a man is to know how to live with a purpose.

Ipinanganak akong mahirap, lumaki at nagkaisip na salat sa karangyaan, madalas naiiwan sa bahay kasama ang bunso kong kapatid nung kami’y musmos pa lang dahil ang aming butihiing ina ay abala sa pagbebenta ng kung ano-anong mga bagay na pwedeng maibenta para lamang me pantutos sa aming pag-aaral, ng sa panahon na iyon ay kasalukuyang nakapiit naman sa bilangguan ang aming ama bunga ng maruming pulitika sa aming bayan. Labing dalawa kaming magkakapatid, at ako ang pangalawa sa bunso.

–tanda ko pa ng mga panahon na iyon, mahigit tatlumpu’t taong na ang nakakalipas, mula sa aming maliit na tahahan na nakatayo sa tabi ng ilog at malapit sa mga bukirin, ay aking nilalakad ang mahigit isang kilometro hanngan sa paaralan, na halos walang sapin sa paa. Subalit, hindi ko inalintana ang ang aming kahirapan sa buhay sa mga panahon na iyon, sa kabila ng aming kahirapan at salat sa salapi ay minabuti kong pinagsumikapan ang aking pag-aaral at nagsimulang nangarap na sana baling araw ay maka-ahon sa hirap na aking dinaranas.

Sa maraming panahon na lumipas sa aking buhay at pinagpatuloy na harapin ang mga pagsubok, sa aking pagkabinata ay kung ano-anong trabaho ang sinubukan para lamang maipagpatuloy ang aking pag-aaral, mula sa pagtitinda ng pandesal sa kalsada sa madaling araw, namamasada ng tricycle, kundoktor sa jeep, gitarista sa isang maliit na banda, at naging security guard, ay patuloy pa ring tinatahak ang landas ng pagsubok upang sa ganun ay mabuo ang aking mga pangarap at maisakatuparan ang mithiin sa buhay.

Malaking kaginhawaan nung ako’y nakatapos na sa kolehiyo, at sa tagal din ng panahon na pagsunog ng kilay para lamang makasampa sa entablado at matanggap ang diploma na bunga at tanda ng pagsusumikap na mapabilang sa mga edukado ng lipunan. At mas lalong nadagdagan ang aking tuwa nung aking nabasa sa mga pahayagan na kasama ako sa mga pumasa sa pagsusulit sa “board examinaton”. Tunay na ngang ako’y ganap na propesyunal,….. Isa ng Inhinyero.

At Mula noon, nagkaroon na ako ng iba’t-ibang oportunidad sa trabaho na masasabi kong naging susi sa pag ahon sa kahirapan, at ako’y nakarating sa iba’t-ibang bansa gamit ko ang aking propesyon sa mahaba ring panahon. Hanngan ako’y nakapag asawa at nakabuo ng isang pamilya na masasabi kong pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Sila ang naging inspirasyon ko sa pagpapatuloy sa mga sinimulan kong mga pangarap. Marami-rami na rin ang kamangha-mangha na naganap, at alam kong meron pang magaganap sa hinaharap habang pinagpapatuloy ang pagsusumikap.

Mula sa munting pangarap na nagsimula sa isang munting simpleng tahanan na aking kinalakihan, mga pira-pirasong pangarap na pilit kong pinagtagpi-tagpi, sa pamamagitan ng tiyaga at pagsisikap kaagapay ng panalangin sa poong maykapal, ako ngayo’y nakatuntong sa isang magarang bahay na bunga ng aking pagsisikap at malawak na pangarap.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 15460 times by 2768 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

50 Comments »

  • dencios says:

    ser jeri yung labanan natin sa pakontes sa barrio di ko pa nakakalimutan haha.

    idol ka pala boss jeri, hustler kana pagdating sa pangingibambayan!

    ingat ser!

    • jeri says:

      oo ba!.. basta ikaw,.. hayaan mo at hihilingin ko kay kapitana na magkakaroon ng pakontes ng balagtasan d2 sa barrio.
      hustler din ako sa pangingibang-bahay. bwa ha ha ha.

    • jeri says:

      ano masama dun? eh! nakikipaglaro lng naman ng tong-its. di naman nakikipaglaro ng “apoy”. mahirap yun baka magkasunugan. he he he.

      • jeri says:

        isa sa mga blog yung, “Buhay Pinoy sa Angola”. bka pwede rin yun.

      • dencios says:

        AKO pala ang nakikipaglaro ng “apoy” pag nangapitbahay Lol.

        medyo related pala tayo bossing kasi archi ako.

      • jeri says:

        GE ako,surveyor,dakilang maninilip ng mga pag-aari (mga lupa)lol! pero medyo nagdadag ng konting karunungan about AutoCadd,at structural design etc, then medyo nahasa na rin sa tagal ng panahon na makikipag boxingan at pakkipag-kadkaran ng kili-kili sa mga maantot sa arabo at baluga sa ibayong dagat. pwede pala tayo mag partner sa construction business ah. ha ha ha.
        higit sa lahat pareho tayo ng hilig..siguro miembro ka rin ng “Akyat bahay Gang”. ha ha ha.

      • dencios says:

        haha. malamang na tukayo nga tayo ser! oo miembro din ako ng akyat bahay gang. lols

  • reynz says:

    welcome sa barrio siete, jeri! we certainly would love to read OFW stories from that part of the globe! and we’re happy na merong tiga-dyan!

    • jeri says:

      yah! sure, hayaan mo at gagawa ko ng mga kwento ng totoong buhay ng mga OFW dito sa “Planet of the Apes”. lol!

    • jeri says:

      kamahalan,tama ka sa idea mo nung una, na i-post din yung aking picture na nakatuntong sa tapat ng aking bungalow. he he he.
      para makapag advertize at baka meron din gustong pagpa-gawa ng design ng bahay sakin dyan…he he he (negosyo pa rin ang nasa isip).
      ako rin kasi nag-design sa aking bugalow.

  • jeri says:

    Im really very grateful for accepting my 1st entry (Halina sa Kabukiran)here in barrio siete, likewise in posting my profile as an introduction para ma recognize ako sa hinahangaan kong blogsite.
    Ang dami ko talaga napagdaanan sa buhay, siguro marami rin sa atin d2 na me ganitong experience sa buhay at tanging pangarap lamang ang puhunan at syang tanging tangan para maka-ahon sa kahirapan.

  • Monique says:

    I believe that the great significance of a man is to know how to live with a purpose.

    I like that. :)

    Isa nanamang malu-lurk! lol.

    Thumbs up!

  • Rob Angeles says:

    Mabuhay ka Jeri and welcome to Barrio Siete!

  • jimg2940 says:

    Ay Ama lakay, kasla met soap opera gayam ti biyag yo! Agpadawat kay man ti kwalta yo! Wen uray mano!

  • roni says:

    Pira-pirasong pangarap na pilit pinapag-tagpi tagpi…..hindi ka lang pala Brat Pitt, Isa ka rin palang Bonnie (Tailor, bwa hahaha! musta naman si Angelina?)

    Magaling Kabayan, isa kang magandang ehemplo, pinahanga mo ako!

  • Mahalia says:

    welcome engineer. inspiring story indeed.

  • jeri says:

    @rob angeles.. salamat ng marami. isa ka sa mga anghel na hulog ng langit na itinapon sa barrio siete. he he he.

    @jimg… wen ngarud manong, anong klaseng “soap?” safeguard o lifebuoy?
    Manu kayat mo aya ta paw-itan ka. he he he

    @roni…salamat, puro tagpi-tagpi kasi yung dingding at bubong ng kinalakihan kong kubo.
    break na kami ni Angelina Jolie,ayaw nya nya ang tagpi-tagping mukha.. ha ha ha

    @Mahalia…salamat ulit. sana di lang sana ako hanngang Welcome rotonda,.. mas marami sa Quezon Avenue.. he he he. getz mo?

  • Reesie says:

    Welcome to Barrio Siete Jeri! Galing nangstory mo. Nakaka-inspire. Pangarap ko ring makatayo ng palasyo gaya mo. :d Tama ka, tiyaga at sipag lang ang kailangan kasi libre ang mangarap.

    Kudos to you!

    Thanks for inspiring us.

    • jeri says:

      Thanks reesie,..karangalan para sakin kung may mga taga barrio siete na na-inspire sa totong kwento ng buhay ko.
      Hindi naman yun ang mismong palasyo, apo lang ng palasyo. lol!

  • Rosa says:

    Ganda ng estorya mo Jeri. Tatay ko is from Abulug Cagayan so magkaprobinsiya tayo. Tip ko nandiyan is C Fipke naghahanap daw ng diamond sa Angola. Paki-spot mo baka magkapera tayo. Kaching$$$$

    • jeri says:

      Sa lasam naman ako, we both belong to 3rd district pala sa cagayan.
      Marami nga talaga ang diamond d2 kaya lang mahirap ipuslit,gusto ko nga makapag-uwi kahit konting piraso lang, pero mahirap. kya tyaga na lang sa puwit ng baso. lol!

  • Rosa says:

    Legit si Fipke dahil nakahanap na siya ng isang malaking diamond property doon sa frozen north. Sabi ko lang baka nameet mo na dahil you do surveying. Balita ko marami ding oil and gas diyan.

    • jeri says:

      Malamang nagkita na kami ni Fipke sa mga pagtitipon dito especialy pag independents day, di ko lang alam ang name nya.. konti lang naman ang bilang ng pinoy d2 sa angola..
      Aside from diamond minings, gas and oil ang natural resources d2 sa angola.

  • alex says:

    idol namin yan si kuya jeri dito sa angola, kase naman kahit kanyan nya parati pa rin sya nag share ng mga biyaya nya…

    more power kuya jeri(aka Matapang na Sundalo).

    • reynz says:

      sabi ko na nga ba me isa pang tiga Angola dito di ko lang maremeber ko sino ikaw pala yun! hahaha! welcome to you both!

    • jeri says:

      Si Alex isa sa mga best friend ko dito sa angola.. actually bale 3 silang mga closed friends ko.. si Pareng Shrewin, si Eugene na inaanak ko rin sa Kasal at si Alex.. si Alex palagi ang sparring partner ko sa Sumo Wrestling.. ha ha ha ha.

  • mel beckham says:

    kuya jeri inspiring ang buhay mo. sana you’ll inspire us more with the stories you’ll share with us. mabuhay ka!

  • lee says:

    mabuhay ka jeri at welcome to barrio siete.
    kasta talaga ti biyag, nag bayag ka nga nagrigat ngem tatta kitaem, kasta laeng ti biyag kabagis yesterday we are under but now we are over este nasa top pala.mabuhay ka kabagis! ang iyong talambuhay ay isang kahanga hangang talambuhay kumpara sa ibang talambuhay talagang ang talambuhay mo ay naiiba— maninilip este surveyor.

    • reynz says:

      hoy! hahaha tanungin mo si glo! bastos na bastos tong salitang to “kasta talaga”

      BWHAHAHAHA

    • jeri says:

      Renz, ang ibig sabihin ng nagBayag ay AngTagal… medyo di kasi maganda sa pandinig pag sa tagalog eh.. he he he,

      Mahusay kasi ako manilip Lee, silip ko agad ang landas kung saan me pag-asa..Naks!

      • jeri says:

        at saka yung “Kasta Talaga”… ay Ganyan talaga… iba naman yung nagpapakasta… he he he.. sa bicol malamang masama nga yun.. marami kasi Uragon dun.. bwa ha ha ha jowks lang po..

    • lee says:

      nyaaaak, sowri kamahalan bastos na bastos pala meaning nyan hahahahahahaha kasi naman
      han ko kayat ti kasta nga nagbayag ka hahahaha

  • Mars says:

    lakay, anyameten, taga lasam ka gayam…
    hehehe, taga baggao ako, same school ang pinanggalingan natin, batch 2002 nga lang ako

  • Mars says:

    @lee, ha ano yun, ignorante ako

  • Snow says:

    Welcome Jeri sa Barrio Siete!

  • Dinah says:

    wow, another inspiring story! ang galing talaga ng pinoy, kayang umahon sa hirap ng buhay.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.