Meet the Writers: Mahalia
Ito ang kwento ng buhay ko. Kulot ako noong bata at kulot pa rin ako ngayon. Hindi yung tipo ng kulot na parang kurdon ng telepono, kundi ang pamosong itinatawag sa akin ni Bluepanjeet na kinky. Ito ang pinagmulan ng lahat ng kamalasan sa buhay ko. Noong ako ay ipinanganak, naka-tira ang Nanay at Tatay ko sa Roxas District sa Maynila. Nag-titinda ng insurance ang Nanay ko at trabahante naman ng National Bookstore ang Tatay. Masipag maglinis ng bahay ang Tatay ko dahil nga naman nakikisama sila sa aming Lolo sa tuhod. Kawasa at batang bata pa sila nag-asawa kaya’t parang nag-babahay bahayan lang ang mga ito.
Teka, mabalik tayo sa kinky kong buhok. May isang araw na day off ang Tatay ko sa pag-sasalansan ng mga libro sa estante ng National at naisipan niyang magwalis ng terrance ng second floor. Nakabitin ako sa kanyang baywang noong mga tatlong buwang gulang pa lang ako at napakuskos sa kanyang balikat ang aking steel wool na buhok.
Kablag!
Ayan, napangudngod ang mukha ko sa semento ng kapitbahay at biglang nabulabog ang buong kalye samantalang tarantang taranta naman ang buong kabahayan namin na dalhin ako sa ospital. “Kaya pala ganyan ka!” ang mabilis na sinabi ng aking mahal na mister. Opo, kaya po minsan di na maintindihan ang linya ng aking mga artikulo ay dahil sa kinky kong buhok. Pagka-tapos ng na sabihin ng ospital na, “Misis, matigas po ang ulo ng anak ninyo, di po nabasag ang niyog,” ay bigla na lamang nag-alsa balutan ang aking mga magulang patungong probinsya ng Quezon, bayan ng Sariaya.
Ilang taon pa ay lalong kumulot at tumigas ang humahaba kong buhok. Kuto, lisa at dandrap ang binuno ko buong elementary at high school. Tanda ko pa ang sigaw na pangungutya ni Bluep, “Mahalia, patola, amoy arinola,” o kaya naman “Bakit amoy nitso sa paligid,” tuwing makakadaupang palad ko ang aking mga kaklase. Suma tutal, pinangatawanan ko na ang kinky kong buhok, kahit na may titulo na akong Indiana Jones dahil sa malalubid kong ulo nang ganapin ko ang Medusa role sa isang proyekto sa school. Natutunan ko na ring dubduban ng mahapding Johnson’s Baby Cologne ang napapaknit kong ulo para lamang may iba namang malanghap ang aking mga kaibigan.
Natapos na ang high school at di ko pa rin sigurado ang kukunin kong kurso kaya sumali na muna ako sa Mutya ng Sariaya. Aba naman, umakma ang mala-Inday Garutay kong pagmumukha sa mga muchacha kontes na ito. Samakatuwid, yun palang kapa-praktis ko ng Extempo at Impromtu speeches noong buong buhay ko sa paaralan ay nabili naman ng mga husgado. Nanalo po ang aking buhok ng third place, most talented, at nag-uwi ako ng isang tropeo at limang libung piso.
Kolehiyo, isang mahabang istorya. Nag-aral ako sa isang beautification school doon sa may España, yung may ospital at pamosong pinakamatandang eskwelahan, kinuha ko ay Edukasyon ng maramdaman ko ang init at kati ng aking buhok sa makapal na usok, kaya naman naisipan kong maglayas. Tumira ako sa isang tambakan sa tabi ng malamok na pusali ng dalawang buwan. Nang-mapagod naman ako sa pamumutakte ng mga lamok ay bumyahe ulit ako patungong Sariaya para doon na mamalagi. Nakapag-aral naman ako sa isang lokal na unibersidad at naging mabait at masunurin na ang aking buhok. Lagi kasing bumibili ng pakete ng Sunsilk conditioner ang nanay ko noon. Yung bayad sa bigas, tuwing maniningil siya sa palenke ay pinag-susubi niya ako ng isa o dalawang pakete na dapat ay tatagal ng isang linggo. Ayon, napa-sarap naman ako sa panunulat. Pinu-puno ko ang mga pahina ng notebook ng mga kwento at tula na gamit ang kaisa-isahan kong Pilot bolpen. Bawal itong hawakan ng kahit sino kong kapatid o malaglag, kung ikaw ba naman ang mag-ipon ng iyong baon at kupit ng sukli, di ba ay iingatan mo ito?
Idinagdag din ang buhok ng inyong lingkod sa listahan ng parlorista ng aming school publication. Feature Editor raw eh wala naman akong ginawa kundi maki-tsimis at umakyat sa bubong ng aming school at manitsit ng aming mga crush. At dahil nga napa-dagdag ang pangalan ko roon, akala ng mga estudyante ay may laman ang ilalim ng buhok ko. Kaya tuloy naka-engkwentro ako ng mga aktibistang pinatakbo akong pangulo ng Student Council. Ay sus, sa kapapamake-up at high heels kong pangangampanya sa mga engineering student, sabay ang isang paghupit ng aking buhok habang nagpapaalam, nanalo naman. Pagkatapos ng ilang pag-papaunat ng buhok at pamamalantsa nito sa kursong Marketing, kumuha naman ako ng Public Administration sa isang state college sa Timog Katagalugan.
Ayon, isang taon pa lang ako sa PA major ay bigla namang natanggap na pala ang application ko papuntang Palau. Trabaho? Mangaliskis ng mga higanteng isda. Di nagtagal naisip naman ng malupit kong amo na pwedeng pwede na ako ipadala sa Yap bilang taga-alis ng hasang ng isda roon. Nakikinita-kinita ko na ang iniisip ng maningning at ginto kong amo, “Wala namang pagkaka-iba ang magiging hitsura nito sa mga taga-Yap, mukhang mag-kakaigi siya roon, wag nga lang syang lumakad nang hubad gaya ng mga babae ron, pwede na.” Samakatuwid, sa pagbaba ko ng eroplano, nagbigyan ako ng alay na bulaklak sa leeg ng mga walang bra at saplot na mga babae.
Doon sa Yap ay nakakilala ako ng isang mag-asawang misyonero. Chika chika ng ingles, pam-praktis din, nang mabanggit naman nilang may paaralan daw sa Guam ng kolehiyo ng Bibliya. Agad ko namang inasikaso ang scholarship at nag-aral ng isang taong Bibliya. Unat at plantsa ang estilo ng buhok ko noon. Kaya tuloy naka-bitag ng Kano.
Mula nang ako ay mag-asawa, kumuha ulit ako ng pam-paunat ng buhok sa UCLA ng Creative Writing. Ngayon, binubuno ng aking buhok ang apprenticeship level ng isang Christian Writers Guild.
Kumusta ang inyong buhok?
P.S. Tatlo nang bata ang produkto ng aking buhok. Kinky man kung tawagin, exotic ring pansinin!
Mahalia Shoup
Visit me at:
http://chocolateword.net
Viewed 26662 times by 6887 viewers















hahaha natawa ako dun kay bluep, bully palang talaga hahaha.
mam mahalia ang ganda ganda mo naman pala napaka exotic ng iyong byuti, pinay na pinay kainggit,panay panay mam ko e mukang ang laki ng tanda ko sayo lol.
ang ganda moy nakakasilaw
di maaninag ang gaslaw
kung dika hahayaang gumalaw
iisiping isang bulalakaw
ayuf ang gulo, my bulalakaw bang di nagalaw?
ngaks Ate Lee talaga, foundation lang ang katapat ng mga facially challenged na katulad ko.
Syanga, dapat ako ang tatawag sa iyo ng Ate Ma’am Lee. he hehe.
Si Bluep naman, mabait na manunukso yan. Kasi kapag tapos na ang tuksuhan, di naman kami galit galit. Pwera lang nung second year kami, muntik na kaming magbatuhan ng kalan at walis.
LOL napasayaw ako doon sa kanta mo ‘day!
hindi kanta yan, rap yan hahaha.
ate na lang wala ng mam kasi pag ako naging mam mo ibang matututunan mo sakin—- i mean matututo kang magsungka na di nasusunugan hahaha may daya.
@lee, sino naman ang akala mong gumalaw kay bulalakaw?
Sa pagkakaalam ko noong bata pa ako, pag hawakan mo si bulalakaw kung di matunaw pag pasok sa atmosphere sa init at lamig… mainit daw at ingat baka mapaso.
diba bumubulusok yun tapos sabay wish ng—
sana maunat ang buhok ko—
sana maunat ang bu—
sana maunat—
sana—
LOL, natamaan ba yun ng bulalakaw? napakasakit kuya eddie…
naalala ko tuloy bigla yung mahiwagang suyod mo,hahaha makailang suyod ka kaya sa buhok mo?
tanda mo pa iyon? hehehe. tru to layf yon.
http://chocolateword.net/2008/10/alamat-ng-suyod/
ay naku tandang tanda e kaya lang naman ako nahinto ng pagdalaw e mula ng ma blocked ako sa site mo hahaha,marami yung nabasa ko na magaganda ha pero dun ako talaga sa suyod na yun naaliw ng husto lol kasi nung bata kami nagsusugat anit ko kakasuyod sa dami ng kayumad lol
ang sarap kamong maghingutuhan ano?
“plik plik plik” ang tunog ng tinitiris na kuto.
Minsan nga hinihiling kong mag-kakuto sana ang mga anak ko para naman may kunikutuhan ako sa hagdan tuwing hapon. LOL
naku nung bata ako hate ko yung kinukutuhan ako kasi nangangalay yung leeg at batok ko, paro ngayon kahit wala akong kuto gusto kong hingutuhan ako lol
nilalagay nyo rin ba yung mga lisa sa bond paper? tapos pinapanood na lumakad?
warning to readers:
huwag magbasa ng comments habang nananghalian.
Aha!
Next time sa expedition sa desyerto alam ko na kung sino ang aking dalhin libring pananghalian kung sakaling maaberya sa daan at maubusan ng dalang tunay na masasarap na pagkain.
Aha ung buhok na kulot lang pala ang answer in case of emergency sa kalaginaan ng gutom at ubos na ang litson… kuto…interesting. protein!
Dapat ma feature ang mga kutuhan session sa Bizzarre Foods ni Andrew Zimmern. Hakhakhak!
lecheng bluep yan! bata pa pala, anlupet na hahaha! so, parati ka palang pinapaiyak nang bluep ha?
pero teka! grabe! ambata mo pa! hahaha kung nagsimula tayo nang blog na to otsenta anyos ako, ngayon parang nobenta uno na ako nung lumabas litrato mo! waaaa!!! ang sino mang sasali sa barrio, ang age requirement eh nubenta singko na! *hikbi*
isandaang pindot ng camera ang ginawa ko dyan, tapos photoshop, tapos gimp. wahahaha.
Don’t worry Lola Reynz (jk) age is a wonderful beautiful wise thing!
hahaha kamahalan akala ko ako lang ang biglang nag feeling matanda at nag alangan ng makita ko si mahalia hahaha feeling ko tuloy aaaaay tanda ko na nga litsi
Reyns mukang bata no? grabe! e mas older yan sa ken…say mo? ha?
wala akong kuto dahil akoy kalbo
ang akala ko sa sarili batang isip na ako ang batang bimbol roco
walang magawa sina inang at amang sa aking pagkabimbol roco
so akoy kalbong walang kuto
hahaha!
darbs! hahaha nagpapahalata ka! bimbol roco? hahaha! huliiii lagot ka! hahaha!
1970′s pa yun sikat diba? nakupow, wala pa ako nyan sa mundong ibabaw. Nag-blo blog ka na noon Darbs no? Aminin!
Sino bang mas matanda si Bimbol Roco? or si Ang Panday Ferndando Poe or Si Kumander Alibasbas Joseph Estrada?
Maling artista ba ang pinili?
Okey Let go back to Lloyd or Hairy Potter, i mean Harry Potter.
hmmm tika tika kamahalan vakhet? parang —- hooooy darbs mapang panggap ka hahahahahahahahahahaha
@reynz saan ako nagkamali? saan ko pinahalata ang nangalata. kanino ako lagot? di ko ma gets… konting hints lang… let me guess kung ano ang alam mo na di ko alam na alam na ng madla na dapat alamin sa pagkakaalam sa mga maalam about Bimbol Roco.
wala, nag-wisper ang katabi ko na si bimbol rocco daw eh panahon pa nang hapon hehehe
pastilan ka ngani darbs, hahaha sika dayta?agpayso?awan buok mo? ukinana latta hahaha pendong ka gayam?hahahahaha
pempendongen ka idta ah!
nga agpayso nga awan iti buok dijay nguso-turo sa lupa.
naki style lang if you know what I mean.
ahahaha daaaaarb langya ka e sabali nga buok dyay imbagam nga nakaturo iti daga hahahahaha
Noong bata pa pala ang mundo sa kasikatan ni Bimbol Roco ang kalbong tapang tapangan na mukhang sya ang nagpa-uso ng indian pana na may sima sima. pero walang gayuma sa dulo ng walang hanggan. dahil dulo ng karayom ay nilalagyan ng lason, mukhang mas matindi un.
ayokong tanungin kung ilan taon kana— langya itatambal ka pa kay silver na may gatay pa sa labi e lolo kana pala nya ahahaha
@Lee,
si silver ay may jolibe na.
pinaalam na nya sa harap ng madla
binigyang mcDonald, jolibe pa rin sya
di mo matuturuan ang puso kung ang puso ay may napupusuan na pinangalanang jolibi pa naman.
di ba guapo yang si bembol roco? oooyyy, talagang payag nyan si silver kung mala-bembol ka darbs.
naku e kung kasing wafu yan ni bimbol roco makikipag agawan ako ky silver hahahahaha
sige sige, ako ang taga-tinda ng raffle sa barrio.
1st prize Bimbol Roco look-alike darbs.
2nd prize libreng kutuhan. LOL
3rd prize sungka ni Lee.
consolation prize: kisses from the Reynz. Tsaka libreng haplos ng kanyang korona!
kasing guapo man ni McDonald si Lloyd, Chris, ni Michael Jackson, ni Bembol Roco… pag may Jolibi kana etchapuera kang talaga.
At anong KACHORVAHAN ITO?!?!?!
~sabay bato ng tsinelas~
Kaya pala ako nabibilaukan kahapon pa e kayo pala ang may kasalanan!
@daaaarbs wag kang ganyan hahaha labs ko si bimbol roco kahit makinis ang ulo nun cute na cute para syang si yul brynner
bwahahahaha!
sinu si yul brayner? ~wink`
yung gumanap sa king and i kamahalan grabe inlab ako dun dati, sya din yung sa ten commandments
ayan si lee naman ang napaghahalata! wehehe
LOL…?
linsyok nagkabistuhan na di lang basta halataan, change da topic
e mahal gwapo naman talaga yong nsa king ang i e. di ba clean tingnan mga kalbo kya crush ko si bruce willis e saka yong bang mummy sa mummy. o diba? hehehe.
oist teka mukhang naisahan moko dito kamahalan ah, hahaha isa kapa mapag panggap ahahahahahahahaha
Great great-grandfather ni Bembol Roco.
ayun may kalahi na naman akong kulot dito sa mundo ng blog,
maalala ko pa yung dati kong blog na kutserongkulot
welcome to the parlor, choice menu: hair relax, rebond, ammonia-grade straightener, or regular platsa. all 50% off with hair extenders. LOL!
REBOND! REBOND! HIRAPAN NA KO DITO SA HAIR KONG KULOT RIN! KAHIT ANONG PUSOD KO E LASPUGAN BA!
Nice to meet you MAHALIA… sa pangalan palang im sure mapagmahal ka.
Thanks Jeri, it’s amazing how we meet people on the web. Masarap lalo na palagiang makadaupang palad ang mga taga-barrio.
Nagmamahal,
Mahalia
Grabe din ang soul-searching mo! Along the way, marami ding balakid at tukso, isa na dun si Bluep hehe. Pero ko ang pag-ikot ng buong istorya sa buhok/ulo kasi dun ka sumikat, kumita, nanalo, nag-memorya ng mga Bible verses, nakapag-asawa hehe. You got hair/cerebral talent!
Sa kumustahan ng hair: kung may extra savings lang ako, iipunin ko para hair transplant 10 years from now.Galit ako sa tatay ko, walang papalag!At naintindihan ko si MJ haha…
Masakit siguro ang transplant?
Life is is journey. We take every step not knowing where it would lead us. Enjoying the journey is a choice, kahit na ano mang struggles ang ating makasalamuha. The path I used to go could have lead me to something that I might have regretted. But being sensitive to the Driver’s direction is the key. We just have to trust Him, sit back and relax and let Him lead us in this short lifetime travel.
meow mahalia, syet sorry ha pero iba naiisp ko sa pangalan mo… parang tunog mahalay lol
mahalay… si Mahaliang sinta?
interesting
ang pusa nga naman.
lol darbs, sounds like lang naman hehehe
pero for sure inosenteng inosente sa pic pa lang
MAHAL INOSENTE KA NGA BA? HEHEHE. MATANONG NGA KE BLUEP….HEHEHE.
hahahaha kitty, diko na nga binanggit e pinaalala mo pa hahahaha
hi kitty, naku sanay na ako sa salitang yan, kahit ngayon tuksuhan pa rin namin sa YM ni Bluep yan. proof naman ang tatlong kulig sa kural namin, mga batang kaliwa’t kanan ang ipinanganak ko. hehehe
sinabi mo pa.
“inosenting inosente sa pic pa lang”
you are on target…
bigla ba namang…
MAHALIA SOUNDS LIKE MAHALAY
entra ung SANTA SANTITA image.
Santa na Santita.
Tinay na Santa.
Palaban…
Di Mainto…
Waes..tita
Mahaliang Sinta.
Yan sya…
eto na po ang mahahalay, nakarinig lang ng salitang mahalay nagtayuan na ang mga palong hahahaha darbs sika nga talaga makaaramid ka dagos ti istorya hahaha
wahahaha, may poem na akow. ipa-publish yan sa wall street journal, baka manalo ng pulitser. wehehehe!
isang gabing mapanglaw
nakaabang sa bulalakaw
sing bango ng pinipig
hanging galing sa bukid
pagkainip di mo alintana
naghihintay sa bintana
nababanaag sa iyong mukha
ang masidhing pagnanasa
sa isang kahilingan
maunat man lang sana
ang buhok na ninanasa
na kahit sa panaginip
sa sandaling pagkaidlip
buhok na buhol buhol
nagigising na umuungol
wahahaha. i pri print ko ito Ate Lee, ipapalaminate, i papa frame. tapos lalagay ko sa tabi ng aking monitor, para kapag ako ay maubusan ng conditioner, mapaalala man lang ng nakakatawang tula na may katapusan ang lahat ng pighati. *drama ba?
Pwede ko bang i feature ito sa blog ko lee?
ms.mahalia, iyo na yan e kahit san mo yan ipost kahit pa sa tuktok ni jeri at sa noo ni darbs o sa buntot ni roni, but with their pahintulot ofcourse
Mabuti nga sayo Mahalia kahit Kinky yung buhok mo, eh! may buhok ka pa…. eh aKo… Lapit nako ma KALBO.. waaaaaaaaa!
jeri, shaggy ang tawag dyan sayo, shaggy-lid nalang ang natira
Lee, malapit na talaga akong maging Bishop… nagmana kasi ako sa tatay ko na may airport sa tuktok… dami ko ng ginamit na hair grower, pati shampoo ng kabayo ginamit ka na rin, wa epek talaga.!
Payuhan mo ako Ate Charo.. “sana Maala-ala mo” ang mga kinakalbong tulad ko.. waaaaa
jeri, pag di nakuha ng sabila yan, epoxy lang katapat nyan, dikitan mo nalang ng buhok lol.
wala na pagka ganyang masyado ng malawak ang paglalandingan mas maganda pang magpa kalbo ka nalang mas maganda pang tingnan, neat.
Jeri, marami akong extra carpet. pink nga lang, pwedeng i dye ng black.
Di na shaggy. HIV- Hair is vanished.
) *di na Hair is vanishing*
Bakit ganun, mga taong kulot ang daming kwento sa buhok nila at gustong gusto nilang maging straight hair nila. Di niyo lang alam kung gano kahirap ng straight hair. lol!
Monique… wag lang madevelod sa Aids tulad ni Buraot… “Anit Is Defenitely Shown”. ha ha ha
nyak, lagot ka kay buraot porket wala sya dito chinichismis mo sya hahahaha kidding
Witness ako. Dali Lee, sabunutan natin si jeri…
anung kaguluhan to? lol
@dfish, umaangal na ngang walang buhok sasabunutan pa natin kawawa naman lahat na ng paraan ginawa wala parin lol.
@jeri, nahalata ko na ring palagi mong na mention si Buraot. pang apat or pang lima na ata na mention.
naki-observe lang.
pansin mo din pala darbs, halata bang my lihim na pagtingin si jeri?
@monique, ganun yata talaga walang makuntento sa buhok, ako nga gusto ko kulot kaya lang wala pang 1 week unat na hahaha, ang hirap ng unat ang buhok laglagan pag pinusod ayun tuloy pina sadsad ko nalang ala mia farrow twiggy na sya.
sinabi mo pa lee! sobrang straight kasi ng buhok ko, ang hirap ayusin.
tali lang. eh ayaw ko pang magtali ng buhok. hahaha!
di ko pa nasubukang magpakulot tho.
Psss! wak na kayo sumbong.. bigyan ko kayo ng kendi.
Syanga? sana makaranas ako ng straight hair every where. hehehe
Baka pwede ka nang mag-covert sa judaism, para matakpan yung bare parts ng pansukob…no offense po sa mga Judio.
may libre din akong pagkuskus ng kaldero kung saka-sakali. wahahaha!
bakit ang mga taga barrio na taga dubai e
mga guapo at maganda? hmmm… tignan mo na
lang si mam mahalia exotic beauty at
ako guapo, yun nga lang guapo sa dilim
LOL
hello mam mahalia
Dencios… Are you Tall Dark and Handasome???
Well, for me, pipol who think themselves as Tall, Dark and Handsome… Are only Handsome in the ‘DARK”.
boss jeri,
ikaw na siguro ang T, D and H na iyan. ako tall, dark and dark pa rin haha. si mam mahalia – petite, gorgeous and sweet. oha
Dencios, di baelng ikaw ay dark… basta ga DARKo naman ang #$%^^*@.. getz mo? he he he
aba… ahem.. pagdating sa ganyan e may laban ako dyan! nyahaha
mind you, from neck to face lang ang picture, di ako nag-papapicture ng size 46 kong full profile. hantaba ko ‘day!
or they could be, tall-dark and very very dark hehehe
Hello Dencios, I’m sure guapo ka, for sure for sure. black light lang ang katapat natin nyan, glow in the dark, o diba?
hi ate mahalia. (ate daw oh, hahaha)
nice to meet you po.
ganyan talaga kapag parehas nating mga exotic at magaganda kinaiinggitan ng marami kaya inaapi at tinutukso. hihihi
mel, comment ko sana ito sa meet the writers: mel. did you know we have something very common? parehas tayong na question and answer sa beauty contes? ang sagot kong carabao ingris kapag wala na akong maisip: That is what it is! Vow.
uy! yung mga exotic me kakaibang karisma yan na wala sa iba.
ayoko sanang aminin, ang mga exotic may kakaibang amoy rin. Kaya di ako nag-tataas gasino ng kamay. hhehehe
ganun? tawas lang ang katapat nyan nyahaha.
please pass the tawas! my hair problem went to pits problem. wahahaha. no holds barred na ito ah!
isa isa nating i-solve ang personal na problema gamit ang niyog para sa buhok at tawas para sa ilok (kili-kili power)
of course kahit isang saking tawas ang ilagay sa kili-kili kung di naman naliligo useless then…
so maligo muna, mag shampoo, conditioneer din at gamit ang sabong mabango, rinse thoroughly especially doon sa may kili kili, once nakaligo na at nakapagdry na un bago pa lang lalagyan ng tawas ang kili-kili.
wag masyadong kumain ng spicy/maiinit/ na pagkain
wag maglaro sa init.
kung maglaro man dapat, hugasan ang kili kili at sabuban, trapuhan at lagyan ng tawas.
Kung mabaho pa rin after six months… then baka wetpu ang ating pinag uusapan hindi kili-kili
yours truly
Barrio Seite
Kabaw Mental Health Clinic
and Mental/Physical Hygiene
In Good Manners and Right Conduct
Office of the Supremo el Desyerto
Hi Miss Mahalia, (muka ka pa din kasing Miss), madalas ako Sariaya, sa Barangay Sampaloc 2 at Tumbaga. Sa Lucena din dahil may mga company properties at housing project kami sa dalawang lugar na iyan. Sana pag nasa sariaya ka eh makapag pangita tayo duon.
Hi Lani,
Misis na po ako. Hihihi!
Syanga?! Madalas ako sa Tumbaga noong una dahil may bilaran kami ng palay doon, yung halos katabi ng monasteryo. Madalas ako roon, taga-halo ng palay. Sana nga mag-meet tayo, pangarap ko talaga ang magka-fiesta del Barrio tayo–national holiday!
Naku, si Bluep andon yan sa Lucena, bulong ko sa iyo ang address. Hehehe. Masarap mag-pakain yan, maganda sa kanilang bukid, tanong mo kay Malen at Reynz, nakadayo na sila roon.
Nakapunta ka na ga sa Palaisdaan? Hansarap ng sisig roon. Tara, kain tayo!
Nagmamahal,
Mahalia
Oo, drinayb namen ang bahay ni Bluep, mula Pasig hanggang Lucena! Leche! Singko oras pala yon! HAHAHA! nsa gitna nang palayan ang palasyo nang bluep! kainis! sana nakapag-inuman dun! hehehe!
Maraming tuba at lambanog sa Quezon. Nakatikim ka ga noon Reynz?
Hala! Ang sarap ng pinaputok na tilapia duon sa palaisdaan. Ang problema ko lang sa floating restaurant, nahihilo ako pag gumagalaw ang tubig. Hahaha! Nasa lucena lang pala si bluep, pakibulong nga ang address, baka next week ay nanduon ako.Sa lucena, wala akon alam na masarap kainan, buti pa sa sariaya, merong plaza de shalom, masarap din ang pagkain nila duon.
Naku Reynz, magugustuhan mo ang pinaputok na tilapia sa Palaisdaan, sa tayabas iyon, bibingwitin nila ang tilapia sa harapan mo, iihawin at iluluto ulit sa gata. Yummy!
Nakatikim ka na ba ng Empanada sa Treat Haus, Lani? Masarap din yung chami nilang tuyo na gamit ay pancit ng mami. Nalimutan ko na ang tawag doon. Lalo na ang Palabok doon.
Sa Lucena naman, mga maliliit na karinderya ang masarap kainan, sa Granja panciteria ang pinakamasarap at mainit na Chami. Sa Dad’s yata yoon basta malapit sa Merchan ang masarap na goto, palagyan mo ng mantika ng piritong bawang. Masarap din sa Dimsum ang siopao. At sa Hacienda masarap din ang mga pancit doon.
Ala hoy, ginutom ako sa kaiisip ng mga kainan. Tara kain tayo!
I MISS SISIG….UUUUMMMMM SISIG….PALAISDAAN….YUMMMM…BBQ PORK CHOP….TILAPIA….. NAKU! TAMA NA! HOPELESS! LA DITO NON!
Welcome sa Barrio Siete, Mahalia! Matagal ka na naming hinintay dito at sa wakas…
Napakaganda ng story mo. Ito talang si Bluep oh! Napaka-bully pala.
Salamat Reesie, nakita ko sa bago mong post na dumating si Mader mo, ang saya naman, nainggit ako. Sana makapasyal din ang Nanay at Tatay di ne, para may taga-baby sit ako at mag-blog maghapon. ngak!
Mahalia, there are so many parallels in our life. Nice meeting you. I too have your type of hair na kung tawagin as esponghado. Anyway for the last two years, I have been going to the salon for chemical straightening. I just learned that my hair is getting weaker so balik na naman ako sa buhok kong mala-gorgonya. Anyway my hubby says he likes it “kinky”
BWHAHAHAHA!!!! ~evil laugh~
Wahaha, yes, Reynz evil laugh seconded, what kind of kinky? hehehe
Rosa, i would like to hear more about your story, kwentuhan mo naman kami, dali! Yung nanay ko namahalan sa rebond sa parlor, nag-aral mag-rebond ng sarili nyang buhok. Pag-tinuruan nya ako mag rebond session tayo.
Sali ako diyan ha? Kulot din kasi ako..
Lani, libre ang patuwid sa akin, kaya lang mag-sign ang mga costumer ng waiver of right to sue when your hair falls out. LOL!
Additional info:
@Rosa, may narinig akong dahil sa kemikal na pama-straight na gamit ng saloon may nakalbo not totally but kalbo. I mean sa kalbo, not the Britney type na pagkakalbo o ung na che-chemo terapi na kalbo, ang ibig kung sabi panot na kakalbuhang ung talagang wala nang pag-asang tumubo pa. Ang pag-asa ay hair transplant na lang talaga.
okatokat mo naman si Rosa, Darbs!
Darbs and Mahalia, totoo, I really got scared when my hair started falling. I researched from the internet and even got my kidney functions checked because I thought I had kidney problems. I breathed a sigh when the results came back very normal. Later, I realized my problems started when I had my hair chemically straightened which was done twice a year at $250 each time with a product that is made in Taiwan daw. One hairdresser I know told me that they have seen these weakened hair due to rebonding. Anyway balik na ako sa curly and thick hair. It also helps not to shampoo it everyday and also to massage the scalp daily. My kid now says I looked like Morticia of Addams family when my hair was straight but he never said it before. At totoo Reynz, my hubby really really likes it kinky especially during full moon!!! Awoooo!!!
ay oo nga Rosa ang mahal din ng rebond dito, mga 300-600 depende sa lenght.
Hello Mahalia at maligayang pagdating sa Barrio Siete!
Neighbor, thanks naman! Saan ka ga sa Cleveland para madayo ka namin tuwing pupunta kami duon sa Asian Store?
Mahalia, ilang oras ba ang drive from South Carolina to your State?
Capital ng yung state is…
Population is…
Total area population…
Name of State Governor including the party list…
Your State Senators…
New York 2 Senators
1. Chuck – Senior Senator
2. Used to be Hillary pero ngayon… google na lang.
for now.
12 hours from Northeast Ohio to Greenville, South Carolina. Not counting pasyal pasyal sa Blue Ridge Mountains and pit stops at every Peach Stand during the summer.
correction:
Your state Land area per kilometers and convert to acres.
Hahaha – parang nagtanong lang sa geodetic engineer hehe
Mangandang araw Mahalia! Isang karangalan na nandito ka sa Barrio Siete. ^_^
Hi Snow, Naku ako nga ang blessed na tinanggap ako ng Reyna at warm na warm ang welcome ng mga taga-barrio. Mag-papa-pancit po ako, imbitado ang mga taga-B7.
Welcome mahalia sa barrio siete!
Hi Silver, Kahapon ka pa namin pinag-uusapan, miss ka na ni Darbs.
Thanks talaga!
ikaw ang dapat i welcam parekoy, nagiging invisible ka pare miss na kita, pakiss na lang, mwaaak!
Lee at Mahalia,
Pasensya kasi naging busy ako sa pagtuturo ng tagayan at shoktongan sa barangay school at Barrio Siete Community College. Hahaha.
Alam nyo naman ang mga estudyante ngayon, kelangan dagukan pa minsan minsan. Hahaha.
Dont worry, once na natapos na ang examnination period namen, paparamdam na ako ng madalas sa barrio. Hahaha.
@ Lee at Mahalia
Ah, bat hindi na mention ang isang pangalan kahit sa larangan man lang ng Social Climbing?
Hi Silver, Kahapon ka pa namin pinag-uusapan, miss ka na ni Darbs.
Paano ko ba bubuhayin ang dating pagtitinginan?
Kadramahan! ito lang bay kadramahan?
gusto ko sanang tawanan ang nakasulat pero parang wala na akong itatawa pa kung di magkabalikan ang dating pagtitinginan.
patay kang may asawa ka! bwahahaha!
anak ng! hahaha! hangga ngayon dumidiga ka pa rin darbs? hehehe! ganito ang diga ki silver. OFW Remittances via paypal. merong minimum. sabihin ko seyo. hehehe me porsyento ako hehehe
Barrio Siete Community College haha meron na rin bang Community College dyan? Baka naman La Salle ang tuition?
mahalia,
syanga ganon pa rin buhok mo… hehehe. hay naku naalala ko nanaman HS and college life. musta na kya sina dennis at tachu??? Hmmm… maimbitahan nga dito. teka.. teka…
Chi,
Inisip ko na ring imbitahan sina Dennis, Tachu, Ken, at Rael. Nabanggit ko na kay Ken at kay Rael. Nabisita na yata sila. Next step eh dapat mag-actibo sila sa comment section. Sabi ko nga kay Dennis na mag-blog na siya, pagod na raw siya sa ka free freelance, di pa siguro nakakagat ng surot ng blogging bug. Kukulitin ko ulit. Sayang din, baka kako maka-pag sulat nga sya kahit contribution diba?
YUP! SAYANG ANG MGA TALENT NG MGA YON. HEHEHE.
mahalia,
syanga ganon pa rin buhok mo… hehehe. hay naku naalala ko nanaman HS and college life. musta na kya sina dennis at tachu??? Hmmm… maimbitahan nga dito. teka.. teka… imbitahan… imbitahan…
papunta na akong friendster, message ko na sila. hehehe
Nice site and worth searching. magandang umaga po…
magandang day din sa iyo s2las…