Meet the Writers : Reesie
IT, WAN, TLEE
Hulaan nyo kung sino ako! Hehehe!
Pag nagbabagyo, nakikituloy kami sa bahay ng aming tiyohin sa dahilang ang bahay kubo namin ay hindi matibay. Nagiba ng bagyo ang una naming bahay . When I was two years old, pangalawang bahay namin ay muntik ng nasunog . Thanks to me at ako daw ang nakapansin. Mahirap lang kami – taxi driver ang ama ko at pito kaming magkakapatid. Noong minsang wala kaming bigas, tinanong ako ng nanay ko na bigyan siya ng tatlong numero. I told her, “ it, wan, tlee”. I was about three years old then. Kinabukasan, nanalo ng five hundred sa Jai-alai si Nanay at nakabili kami ng bigas. Yay! Corn grits ang kinakain naming noon sa dahilang mas mura ito kaysa sa rice. Nag-ririce lang kami pag may birthday at pag may pera. Ganon kami kahirap, Ate Swarding.
Noong elementarya, peborit kong baon ay yung nilalagay sa dahon ng saging. Ang sarap sarap ng kain ko sa bango ng dahon kahit na ang ulam ko ay ginamus anchovies – sosyal di ba?
Ang Nanay ko elementarya lang ang natapos kaya kahit noong bata pa kami parati niyang pangaral sa amin ay ang pagbubutihin namin ang pag-aaral. Kaya look! Elemantarya pa lang ako, summa cum laude na ako hehehe! Yung iba, na-agaw ko sa mga kaklase ko.
Ang kabataan ko ay puno ng kahirapan pero ang kahirapan na ito ang dahilan kung nasaan man ako ngayon.
HAY SKUL LIFE
The barrio girl was lucky enough to get to study in University of Cebu (UC) when I was highschool kahit ang layo kamo nito sa aming barrio. UC is located in Cebu City which is an hour and a half ride from my barrio. I had to wake up at 4 am everyday to go to school. I was able to get a scholarship from UC and my sister was generous enough to help me out as well.
Dahil nga may frustration ang Nanay ko sa edukasyon, mas priority niya ang studies naming kompara sa kainakain namin. Kahit wala kaming bigas basta may baon lang kami papunta sa school, oks lang! Ang resourceful ng nanay ko – lahat na atang tao na pwedeng utangan ay inutangan na niya. Kahit iskolar ako, may binabayaran pa rin kami na projects at yung pamasahe at baon ko everday. Kulang ang kita ng papa ko at ang pinapadala ng ate ko – eh pito kaya kami. Dalawa ang nasa college at tatlong ang nasa high school at that time. Kaya bilib na bilib ako kay Nanay sa kanyang budgeting skills kahit kukurampot lang ang pera namin. Buti nalang kamo, sa barrio nabubuhay ka kahit wala kang pera – may mga pananim na mga gulay at kung ano-ano pa na pwede mong ipakain sa pamilya mo. Kaya kami sa amin, pag-wala kaming pera – fried chiken ang aming ulam. Sosyal noh? Dakip ka lang ng manok at viola, may ulam ka na. Yung iba nga naming kapitbahay, steak or lechon ang ulam pagwalang pambili, eh.
Hindi ko binigo ang nanay, I excelled when I graduated with flying colors and rainbow smiles. Eto regalo nila.
Sinunod ko ang payo ni Nanay to get a degree in Information Technology kasi uso raw ito. Ito ang “in”, sabi niya. Alam nyo naman masunurin akong bata kahit noon ay gusto kong maging Chemical Engineer. Ayaw ng inay dahil daw babae ako. Sinunod ko sya. I was a consistent dean’s lister kahit hectic ang schedule ng lola. To help the family from the gastusin, nag working scholar ang lola niyo. I was an academic scholar but it wasn’t enough – walang allowance. I didn’t regret my decision to work for I learned what harwork means in order to reach one’s goal.
Third year college, I was tap to participate in a CEDF-IT(Cebu Educational Foundation for Information Technology) program. Five students were chosen in every university in cebu to study in Univerity of the Philippines. The class starts at 7 am everyday. Huwat? I had to wake up very very early because UPCebu is way farther than UC – two rides kamo! So everyday ang lola niyo dumadating ng alas dose ng gabi sa bahay – UP-UC-Work-Cisco – ang schedule ko. Inakala ng mga kapitbahay ko na naglalakwatsa ako! Sino ba namang matinong estudyante na umuuwi ng alas dose ng gabi?
Apart from that, ako lang ata ang IT student ng walang computer sa bahay so I had to stay late at school to do my projects and all. Being a working scholar, I had access to computers naman. Fourth year na ata ako noong binigyan ako ng computer ng ate ko.
Despite my busy schedule, I was elected Vice President for Datatron, a student organization of the College of Information and Computer Systems. Third year college was the busiest days of my life but I had no regret whatsoever. It taught me a lot!
When I graduated college, kahit magnanakaw ako ng puri, I still didn’t get any sweet words from my mom– kahit man lang congratulations. Pero pagnasasalubong ko ang mga former teachers ko in elementary, classmates and friends, sabi nila kinukwento daw ako ng nanay ko sa kanila – that she’s one heck proud Mama. It was more than enough for me. I know I am making her proud kahit until now.
All the hardworks were for her. I am all I am because of her. I love you Mama!
REAL WORLD
My first employeer was the biggest shipping line company of Zamboanga. I was assigned in Cebu and was able to travel in Dagupan, Zamboanga, Iloilo and Bacolod.
Then I got an offered from my college dean to teach. I was actually hesitant at first. I was not sure if I would do good but I did try anyway. Yung mga estudyante ko eh kaparehas or mas malaki pa sa akin. It was the most fulfilling job I ever had. I planned to take my Masters Degree then however, one opportunity knocked on my porcelain doorstep.
I got a call from my good friend, Farrah, that she got employed a company in Florida and her employer was looking for another cute pinay employee. Lols. So, I sent my resume right there and then and kinabukasan, I got a reply saying that I was hired. I am forever indebted to her.
Everything happened so fast and the next thing I know, I was flying ala Darna to Florida.
TODAY
Today, I am working in the desert of New Mexico as a cute slash research slash IT analyst slash futo hobbyist slash labandera slash plansadora slash model. Haha! Life here is like that of a barrio –quiet and simple yet so refreshing at masaya. Para syang ganito! Look!
Can’t get enough of me? Bwahaha. For lovely questions or violent reactions, email me at ratillo[at]gmail[dot]com or visit Off the Top of my Head for more of moi.
Keep social climbing alive, barrio citizens! Aja!
Viewed 7866 times by 1407 viewers
Reesie is the author of Off The Top Of My Head. She is a research and IT support-slash-analyst in New Mexico and a Certified COMPTIA A+. She was a college instructor before she works in the US. She enjoys her new found hobby, photography. She is a proud Cebuana from the barrio of Katugasan.
















napaka maabilidad naman ng nanay mo. sa totoo lang astig ang parents mo/natin. kapag talaga para sa mga anak, para sa kinabukasan lahat tinatawid kahit gutom. pero kita mo naman ang harvest ng pinaghirapan nyong lahat ngayon – masagana at masaya. kaya salamat sa bigboss sa Itaas! deserved mo iyan
dun sa unang pic, tingin ko ikaw iyung nasa right (facing monitor), tama ‘ko!
thanks dencios!
tama ka, ako nga yung nasa right! lols
ressie,
kamukha mo si gretchen barreto. beauty with brains talaga.
~~blushing~~
haha, tingnan mo naman ako noong bata ako..gusgusin talga.
huwaw nice life story, di ko naman sinasabi na magkapareho tayo, may mga bagay lang na tugma, gaya ng hirap mo sa pag aaral, ako naman naranasan ko ang malayong lakbayin sa paaralan nung elementarya ako, kelangan mo maglakad ng isang oras bago mo marating, pinakasosyal ka na pag may sakyan kang kalabaw, maputik ang daan pag tag ulan maalikabok pag tag araw, pero wag ka, hindi ako cumlaude, honor student lang ako hahahaha. College life is the same, i took up IT also, gaya sayo na walang pc maswerte ka pa at meron ka, habang nag aaral ako wala akong pc hanggang nagtatrabaho na ako wala pa rin ang pc, uunahin ko pa ba yun kesa sa pangkain, naalalo ko pa nga nung magtethesis na kami, kelangan magrent ng pc para makagawa at matapos ang thesis. or hiram ako sa mayayaman at bobo kong classmate kapalit isang module ng program nila, at sa awa ng diyos nung magdefend ako na diskette lang ang dala ko samantalang mga kasabay ko e dala dala ang pc i got this award na sinasabing “best thesis defender” at “best in software development”, yun lang.
wow!! best thesis defender! at best software developmen? galing!!! naalala ko tuloy ang walang tulogan during my thesis and sofware development making sa college.
oo nga, talagang mangiyak ngiyak pa mga classmate ko nun, tapos ako nakasira pa ng monitor na hinirap ko nabuhusan ng tubig letseng yun
hahaha..
ang daming umiyak din sa amin… 50% ang hindi nakagraduate.. daming luha ang pumatak..especially those na nakahanda na ang baboy at baka para sa graduation.. at yung mga parents nila ay lumuwas na sa city.. kawawa talga.
Kami kasi sinarapan na lang namin yung food para sa panel para di kami ibagsak LOL! Langyang thesis at Software engineering yan, gusto ko bumalik ng college ngayon.
@rob, hindi nadadala sa lechon ang instructor naming iyon, kahit nag-iisa lang yan..nako po..manginginig ka sa tako. kahit isang napakonting mali, bagsak ka kaagad. dapat flawless ang design at ang execution ng software mo. kahit umiyak ka pa at lumuhod sa harapan mo at isama mo ang buong baranggay mo para lang makapasa ka.. di maantig yun. lols
gusto ko din bumalik sa college.
wow ang ganda ng life story. Keep up the good work, regards kay Nanay mo.
Thanks mahalia. Galing talga dumiskarte ng Mama ko parang hndi ako nag mana.
This is what I call another ala-Reynz succes story. I was touched Reesie sa story mo. Di biro.
Akala ko noon kami na ang pinakamahirap. maswerte pa pala ako. Napaisip tuloy ako reesie. ang dami ko reklamo sa panginoon sa buhay ko eh mas maswerte pa pala kami nung bata kami ng mga kapatid ko kasi, no offense kapatid, yung corn grits na sinasabi mo, bata pa ako yan na ang inuutos sa akin ng tatay ko na ibili. hinahalo yan ni ama sa kanyang pakain sa manok.
Alam mo you deserve to be successful in life. nainspire mo ako dito sa story mo. Napapangiti ako pag nakakabasa ako ng mga ganitong success story. Swak na swak sa concept ng aking On The Wings of my dream blog.
Libre talaga ang mangarap. Sipag at Tsaga lang talaga ang katapat.
sana mabasa din ito ng ilan pang Reesie na nasa Barrio siete na wag mawalan ng pagasa
PS. Kala mo nanghaharbat din ako dati ng mga medalya at trophy lalo na pag ayaw ibigay ng teacher sa akin ang trophy at ididisplay daw sa kanyang aparador haha
hahahaha.. oo nga noh, bat kaya sa school ang mga trophies.. hndi binigay sa estudyante. lols.
thanks bluep. yung corngrits kasi, uso yan sa bisaya.pag mahirap ka, yan ang kinakain mo instead of rice. pero seriously, na miss ko kumain non at ung sabaw na gulay at daing.. sarap non!
corngrits… di naman kami ng corngrits di kasi uso yun sa min. pag walang bigas, balatong o kaya hanap kami sa gubat ng mga balinghoy. kaso pag balinghoyat kamote, utot kami ng utot. wahahahha!
at yung kape, utaw!
PS Uli. Makinig ka ng RTF podcast ko this sunday ha. isasama kita sa topic ko. Swak na swak ang story mo sa aking susunod na topic (superheroes III) hehe
@igsoong bluep please, paki ring na lang sa bell pag ready na ung “storing swak na swak” i need a little direction from you once in a while only if you have time.
no problem igsoon. Di ka naman ata nakikinig igsoon eh haha Buti pa si Dfish nakikinig haha
I will definitely listen to it, bluep!
Onga, Ms. Reesie, bilib ako kay madir at padir mo sa determinasyon to support all their kids. At sa’yo dahil sa talino at cuteness. Ba’t nga ba kapag may oras na walang pera ang tao sa barrio, nagdidil-dil sila ng manok o kaya baboy. Ganyan din kwento ng papi ko. Mula naman siya sa Gensan. Ang sardinas daw ay pang-special occasion lang. Ako naman isang recollection ko nung bata ako (singhot), meron kaming lata ng spam, pasalubong yata mula sa kung saan. inaawitan kong buksan pero lumipas ang mga buwan at taon, nanatiling display ang lata ng spam sa tukador namin.
thanks for sharing ur layf stori.
hahaha, natawa ako sa spam na pandisplay lang! thanks yami!
Fwend,
We can share a baon. Dried salted fish ako (read: danggit) hahaha.
Go fwend, sabi sa iyo, kaya mo yan. Aja!
Silver,
Masarap ang danggit! mag-prito ka naman kung meron ka diyan. meryenda natin. may kaning lamig ako dito tsaka suka na pinitpitan ng bawang at siling labuyo.
I like siling labuyo. Mahilig ako sa maanghang. Haha.
Wannabe bicolano ako. Taka ang nanay ko kung baket mahilig ako sa maanghang.
ako laging pritong itlog.
p.s.
ikaw yung nasa kanan.
Buraot,
magsama ka ng kape at pandesal sa baunan. haha.
wahahahah! kaya nga tuwing lunch time.. lumalayo ako. kasi palaging itlog. kainis. wala pang ketsup. wahahahha!
At baket naman? Ulam naman yan.
Yung valedictorian namen dati (PNPA graduate na ngayon, babae yun), e nahihiya pang ipakita ang baunan dahil pancit canton at sardinas ang ulam nya.
Lagi kong sinasabihan na at baket naman? Buti ka nga may makakain. Ang iba e wala halos. O di ba?
sarap kay ng fried egg… ska rice… nakakamisss na tlaga filipino food….
ang sarap kaya ng danggit fwend! peborit ko yan ever! hinahanap hanap ko yan dito.
inspiring… galing… backed up by the family…
(punas ng luha)
ikaw ba nasa right?
hahaha.. tama ka alex. thanks!
I love your story Reesie. Nakaka-relate ako kasi yung parents ko ganun rin ka-supportive sa mga anak nila pagdating sa pag-aaral. ^_^
Very inspiring too katulad nung kina Reynz at nung iba rito sa ating Barrio!
Thanks, Snow! Dakila talga ang mga magulang!
ganda ng story mo ressie… kakatuwa. at nakakatuwa na karamihan sa atin dito puro galing sa hirap. naalala ko tuloy nanay ko sa story mo, grade 2 lang ata tinapos nun. weheheh. pero da best talaga mga nanay no?
anyhoo, san kaw sa new mexico, si brother dom jan lang ang monastery. pag nag road trip nga ako, dadaan ako jan.
bilisan mo ang road trip sa new mexico sa abiquiqui (whatever), kasi kausap ko lang si dom noong isang araw paalis sya sa fall papunta naman sa indiana para sa kanyang theo. Buong summer nasa new mexico sya. ang init dun pihado ngayon haha. disyerto yun diba?
nyeks. sobra init dun pag summer. susko, oo, disyerto dun. albuquerque. papakityur ako sa cactus. hehehehhe.
@blue: hindi gaanong mainit dito bluep, pagsummer lang.. nagsnosnow nga dito eh. pero mas medyo maganda ang weather ng albuquerque keysa sa santa fe.. mas mainit kasi doon. hehe. malamig dito eh lalo na pag winter..kapal ng snow.
cge nga daan ka dito. sa santa fe ako, buraot!
uy, santa fe. at least hindi disyerto jan. hehehehe.
hindi masyadong disyerto, malamig pa rin naman dito.. perfect weather ngayon.. 70-75 lang..pero kung summer naman, umaabot ng 90.
daan ka dito!
anong daan? jan na ko titira! wahahahah!
nag-eesep kasi ako lately. kasi dun sa LA, di ako sakitin. nung lumipat ako dito sa seattle,kung anu anong achuchuchu ang dumadapo sakin. di ata kaya ng baga ko ang weather. me iba kasing lugar na malamig pero hindi moist at maraming allergens. so nagtitingin tingin na ko ng bahay na medyo mura lang.
candidates ay ang 3 growing cities jan sa texas, pheonix kasi may kaklase ko jan, or santa fe nga kasi perfect ang weather..
pero iikot muna ko.
Yaiks! Layo mo pala, Fort Worth ako.
Whaat? hahaha! kuyawa gud.
hmmnn… morag malupigan akong istorya sa istoryang Reesie.
Bitaw… ang kinabuhi sa? thanks sa share. isuga nimo sa? salute! vow …
mga isog gyd tang mga bisaya darbs. aja aja!
Fwend,
Pag uuwi ka dito sa pinas, harbatin muna kita sa airport. lols.
haha.
ok lang fwend, bata manglilibre ka. lols
naluha daw ako kay mother. kunwari hindi proud pero yun pala eh pinangangalandakan na sa buong mundo how proud she is of her daughter. hihihi
reesie, walang ginamos diyan noh? hihi
meron mel sa asian market! pramis! nasa garapon. sarap! meron din silang anchovies dito, nialalgay sa salad. lols.
hahaha! how funny when i started writing about my Barrio Siete in Reyna Elena, i really thought I was alone *hikbi* hahaha until it clicked sa mga readers akala ko symphaty lang, until i started reading stuff like what have been written here and it really makes me feel good to read stuff like this – whereas this one is a lot better! hahaha! that’s why you deserve to be one success story gurl!
i love the pics. barrio na barrio and these are the ones na genuinely masaya at talagang feel mo ang culture saten!
way to go Reesie and am sure there’ll be more success for you along the way!
thanks reynz.. *hikbi din*
you are an inspiration.
wagi ang maga parents. wagi and story mo. keep up the good work. soar high!
Thanks chi! Sila ang tunay na heroes!
I agree! most of our parents gumagapang para mapag aral lang tyo. Wish ko lang sana di tarantado mga bata ngayon. haaaay!
ang mga ibang bata kasi hindi nakikita ang pasasakripisyo ng magulang para lang sila makapag-aral…grrr
ganda ng story, Reesie! Hardwork pays off all the time. Sabi nga ng mabait na doreen dito na half filipino “i admire filipino parents for their deep faith in the general value of education.” coz dito sometimes pag ayaw ng mga anak nila mgaral d na nila ini insist. I am not saying that getting a degree will make one successful. But to be able to finish school despite all the adversities builds character already.
ay tama ka dyan emmeline. meron nga ako kakila dito, anak sya ng president ng isang bank.. kakagraduate lang niya.. ayaw niya mag college at hindi talga ininsist ng magulang din niya..
sa atin nga kahit magkandahirap=hirap tayo, nag-aaral tlaga tayo. we indeed value education as a big part of our lives.
@emmeline,
daz right, it does not mean na porque you have a degree is successful ka na, it’s really all about using it to be successful, then again, iba rin yong tapusin ang degree with all the obstacles behind you, kasi essentially yun ang mga dinaanan naming mga barrio siete sorta makes us stronger as we go on with our journey
kaya pag nanganak ako, alam ko na ang pangaral sa mga anak ko heheheh
*nagpapantasya again*
hehehe
tama, at nasa diskarte din yan.
mas nakakapalakas yon ressie kaysa bigas.
mas healthy ata ms cat kasi mas madaming fiber. organic na organic ang dating! hehehe
hindi biro, kung inabot nyo yong lecheng Austerity ni Marcos nun? susko! grade sumtin sumtin ako nun! MAIN kinakain namen galing daw Cebu dahil wala nang bigas! WAAAAAA!!! hahahaa
MAIS pala sorry hehehe
tanon ko reynz, yung mais ba ay yung cuoscuoss dito? kasi sosyal na soyal yun eh ..ginagamit yun sa greek cuisine.. parang mais naman.
hindi ko na alam, pero alam mo naman, we’re not used sa mais noon, kaya culture shock ang istomak namen nun hahah
precisely. dito sa states, ang bata pag tapos ng high school, bahala na silasa sarili. walang obligasyon ang mga magulang paaralin sila. Nagpoprovide na ang mga magulang sa kanilang pagtanda dahil hindi rin naman sila susuporthan ng kanilang mga anak.
ganiyan din ang mother ko noon. pag may dala kong mga article na pinublished o kaya medalya na pinanalunan. sasabihin lang Uhmmm.
pero yong plaa nalaman ko ginupit niya sa diyaryo yong sinulat at dala-dala niya kahit saan para ipagmalaki.
hahaha, nakaka touch naman. kunwari pa si mader.
Ako rin Mam Cat. Sasabihin lang ng nanay ko “OK, Magbihis ka na at magbalde ka na sa labas, wag mo kalimutan banyo linisin mo na rin”. Feeling ko talaga nun di appreciate ng Mom ko munti kong achievements.
Hahaha, ganito din ang nanay ko. Parang umiiwas. Pagsinasabi ko na may medal ako sa ganitech, tapos iibahin niya ang usapan. lols. Pero nalaman ko nlang, pinamalita na niya sa kapitbahay. hahaha
ETO: Trulala to, walang halong social climbing.
When I met you in Las Vegas? Ang alam ko, junakees ka nang isang Ritzie Ritz sa Dona Luisa ba yon? Yung magarbong subdivision sa Cebu near Lahug Airport? hahaha
Eh kasi, i could see yong finesse mo ‘day! Hiya nga ako dahil kiver, barriotic ba naman kasama mo hehehe! Di ko akalain until i read your story! hahaha!
Dona Luisa nga, grabe naman ng memory mo ateng!
talaga reynz? hahahaha. di ko alam to ah! ako po ay isang dakilang taga barrio! lols
trulala din ito : ako ang nahiya sayo! pramis! sabi ko, ang taas na ng narating mo tapos nakikipag social climbing ako sayo! weee
lab yah ateng!
alam ko ang feeling rob. kaya nga nang napunta rito sa states at ang mga mothers ay pinpaskel yong mga drawing ng anak sa office nila na hindi mawari kung yon ay mga alien o mga puno ng kahoy at sasabihin pa saiyo na look what my boy did? Isn’t it beautiful? susme. sa aking abstract yon.
alam mo kasi ang ating mga peyrents ay hindi demonstrative ng kanilang love.
Yap! Napaiyak ko lang nanay ko nung di ako tumawag sa kanya for one month. Kasi work ko sa Pinas kung saan saan ako tinatapon kaya kaya nya busy ako. Nung tumawag sya, tinanong ako kailan ako bisita probinsya and sabi ko na lang nasa US na ako ahehehehe..
Yun parang batang maliit na umiyak. And dun ko pa lang narinig sa kanya na proud sya sa akin. Susme, after portin years!
Ipadala mo na sa MMK life story mo!! P20K din yun, tapos gusto ko si Pokwang yung gaganap sayo tapos leading man eh si Piolo Pascual.
ang sama mo! pero ok na, puede ng pagtiisan si piolo.
Wow. Kaka-inspire naman. Tama ang Kapitana, dati walang mga ganitong kwento sa mga blogs, pero ngaun dumarami na. heheh
Wow! Very inspiring story of hardship and success. I hope you will inspire more people, especially those from Barrio Siete at mga spoiled brats na rin…
hahaha! si Dfish padungog dungogan naman ang… nia ang mas maayo…naunsa man pud ni syang nangasaba na man hinoon sa mga spoiled brats.
Bitaw bay, makahabag damdamin giod bitaw istorya sa? Beautiful!
Pero kung tan-awon nimo, sa klase sa Filipinhong sosyodad, bisan unsaon nimo sa imong PAGHAGO… kung WA KAY UTOK, KUNG DILI KA BRIGHT, GIFTED, kung I.Q zero ka… I don’t think you can even pass sa 2nd grade…hahaha!
Bitaw, kay lisod giod kaayong mosabot nganong 1 + 1 = 2 man giod ang answer?
Wa na giod laing ngalan? nganong sila 1 + 1 = infinite math man lagi.
Kita kinahanglan nga 2 giod ang answer? hahaha!
Tua gipabalik sa grade 1 section 11 kay nasobrahan ra ka retarded or praning. hahahaha!
naa pd 1 + 1 = 10
lols.
naghinaot ko nga magmalipayon ang inyohang simana nga ulahi (weekend). lols
salamat sa mga atik ninyo dong!
unsa to? spoiled rats? lols.
thanks, dfish.
inday reese, i adore you! ang galing-galing mo ‘day…sana mabasa ito ng matandang hukluban na chumorva sayo last time
nakaka-inspire. beauty and brains jud
you deserve a standing ovation hahaha mwaah mwaah
thank you ‘day!
asan na kaya yung matandang hukluban na iyon? hihihii.
Hi langga, nakakainspire naman ang story mo anak, sana magsilbi kang role model sa iba lalo na sa mga kapos, poverty is really not a hindrance to success, ang e-mom mo ay proud na proud sa iyo, pareho kasi tayo ng pinagdaanan
salamat mommy!
apiyr! bilib na bilib dn ako sayo.. :d mwah!
[...] To read my story, click here. [...]
WOW! What a success story! this is truly inspiring Ms. Reesie!
achiever ka na pala kahit nung bata pa. Yer parents must be so proud of you!! lahit di nila direktang sinasabi, uing mom ko ganun din eh. hehe
*thumbs up!*
thanks Monding! don’t stop believing, ika nga sa kanta…
wa na gyud koy masay mam sa imong kasikatan..ayo ayo pirme, cute kaayo ang picture ninyo ni el el
sikatsupoy!
thank you mam. lab yah! mwah!
Hoi manay Reesie si El el diay tung imong kauban sa picture? asa gani atu si El el sa left di ba? kay morag ikaw man tung sa right side.
hahha, yah si elel ng left, my little siter. mura gyd mo kaila darbs dah. lol. hehe
ms. reesie..wow sobrang sikat ka talaga..pweeng makilala si ms.farrah?baka may opening..hehe
yung nagcomment before you, yan si farrah! dali.. isosyal climb mo na. lols
Naiyak ako sa life story mo, Reesie! I know your parents, most especially your Nanay, is so darn proud of you. Not only of your successes in life but for being an uber obedient daughter. I guess that’s the best achievement any mother could ever dream of… to raise a nice, obedient and God-fearing daughter.
Tama ka when you said “Ang kabataan ko ay puno ng kahirapan pero ang kahirapan na ito ang dahilan kung nasaan man ako ngayon.” These trails make us what we are today.
I really salute and admire you, dear friend. I’m so glad that I have met you… kahit sa blogosphere lang. I do hope that we meet each other for real.
Luv yah, friend!
Thank you friend! Luv yah too!
[...] Meet the Writers : Reesie – Reesie [...]
nanghuhula muna ako sa pic kung sino ka dun..hehe..nasa right side ka nga pinakatitigan ko talaga hehe..
wow ang saya,kapag ang nanay talaga pinag uusapan tulo uhog ko hehe..salamat na lang din talaga saknila ..at kay bro sa pag gabay araw-araw..
masarap pa din talaga ang buhay na simple lang pero masaya..
hayun pala ang istory ng “it wan tlee”
galing naman ng kwento mo Ressie
sarap naman ng lechon, nyaaak ganyang ganyan din yung liguan namin nung araw my posong de bomba hahaha ganyan kami nakadamit maligo lol
Pareho pala ang pinanggalingan nating buhay Reesie,lumaki sa hirap at pangarap lang ang tanging puhunan para umasenso.. ang tanging pagkakaiba lang natin ay, summa Cum laude ka, samantalng ako ay summa-sama sa mga ka tropa sa mga kabaret at beerhouse. he he he