Home » Meet the writers

Meet The Writers: Rob Angeles

18 September 2009 32 Comments

aboutmeASL Please? 33 years old, Tigang, Fort Worth Texas. Rob is from a small town in Sto. Tomas, Pampanga. He’s the eldest of 5 and the most stubborn one. He is now in the United States working as an IT consultant for big brother. Life is beautiful but it did not start that way. Magpapasilip ako sa inyo. Halika at silipin ang kwento ng isang professional promdi at social climber.

Early Years

Ever since I was a kid, I had this reading obsession. Though I don’t literally understand some words, I enjoyed it. My mom bought me a dictionary to help me understand things. She was so proud of me thinking that one day, I will excel in school. Yun ang kala nya! Bwahahahaha. Adik din ako sa TV, every Saturday hinihintay ko yung Saturday Fun Machine sa RPN nine. Cartoons yun from 8AM to 11AM.

Kwento rin ng nanay ko na napaka daldal ko raw nung bata pa ako. Pag nasa loob daw ng jeep, ang dami ko kinukwento. Oo, bata pa lang ako eh mahilig na ako sa social climbing. Kaya ata lapitin ako ng holdaper sa jeep nung tumanda na ako, alam nila na kakausapin ko sila na parang nag kukwento.

Grade School

Dahil nga sa biyuda na si Mama, isa sa mga goal nya eh mapatapos nya kami sa pag aaral since may kaunting savings na natabi si Daddy Yo. Sa Assumption kami nag umpisa mag aral sa advice ng mga ibang kapamilya. At dahil conservative daw pamilya namin, gusto nila ma preserve ang Catholic teachings sa amin.

Dahil wala na si Daddy Yo, ayaw ni mother dear na wala kami sa uso. Binili nya kami ng Piano at pina tutor pa sa school. Ok to ahh sabi ko kaya sunod lang sa wish ni nanay. Hanggang grade 2 lang natapos ko dahil nainis ako sa kakapalo ng madre sa kamay ko tuwing magkamali ako. Yung kapatid kong babae na si Gene, tuloy tuloy pa rin.

Kailangan ko ng panibagong gagawin kaya nag join ako ng choir. S2 ako noon or Soprano 2. Leche, nabulol bulol ako dahil puro Kapampangan songs ang kinakanta naming. “Beria Ku, Bandi Ku, Moderna Ning Pusu Ku. Mate Ku Makananu, Nanung Ambag Mu Kanaku..”. After Grade 4, din a ako nag join. Puro aral na lang inatupag ko at nagumpisa akong maging sacristan kasabay ang pagtinda ng candy sa school dala ang isang malaking garapon.

Grade 5, first time kong magkaroon ng crush. Dahil bopols pa ang personality ko noon, hanggang tingin lang ako at kaunting kwentuhan. Naalala ko nung first time ko sya puntahan sa bahay nila. Yung gel na nilagay ko sa buhok ko eh parang dinilaan ng kalabaw buhok ko. After graduation di ko na sya nakita.

High School

Sakristan ako sa simbahan at active ako. So, sabi ng mga kapamilya na pumasok ako sa Don Bosco. Baka raw may calling ako. Ang di nila alam eh may kuliling ako. Apply ako for entrance exam, oo ako magisa kasi sabi ni mama dapat raw matuto ako magasikaso ng mga ganung bagay habang bata ako. Pumasa at umpisa na buhay high school, sa loob ng seminaryo at hindi sa academy.

Ok ang buhay sa seminaryo. Marami kang matututunan at tuturuan ka pa ng Latin. For the first year, enjoy na enjoy talaga ako pero after that, parang nawawala na interest ko. May ginawa pa akong di kanais nais kaya pinapili ako. Kung gusto ko stay sa Don Bosco, ang option ko lang ay lumipat sa Academy. Kaya lipat ako dahil ayaw ko ma kick out. Medyo nalungkot lang pamilya dahil kala nila eh magkaka pari na sa amin.

Tahimik lang ako nung high school at 27 lang kabarkada ko. Thru thick and thin eh palagi pa rin kami magkakasama. Napapagalitan nga ako dahil pag weekend eh magkakasama pa rin kami. Trip din minsan matulog sa kubo ng isa naming kabarkada or sa isa pang kubo. Dahil nga sa nagagalit si mother dear, din a ako binibigyan ng bente pesos pag sabado. Syempre peer pressure at dahil nga sarap kasama mga kaibigan ko, mag bike ako from Angeles City to San Fernando.

3rd year nung mag umpisa akong mag banda banda. At dahil nga piano pinag aralan ko, keyboard ang hinawakan ko. Di ko makaklimutan ang first song na pinakapa (hindi ito panghihipo!) sa akin. Enveloped of Ideas ng The Dawn. Mula nun, nabuwang na ako sa pagtugtog. Tinitipid ko palagi baon ko para makabili ng cassette tape. At dapat BASF or else cheap ka.

4th year, serious na lahat kasi malapit na mag college pero on the side napapsali pa rin kami sa mga rumble. Dito na nag umpisa mga review naming at mga entrance exam. Nag apply ako sa mga reputable school sa Manila pati ang nakakatakot na UPCAT at lahat pasado ako. Pero dahil ako lang lalaki na maaasahan sa bahay, nag request si Mama kung pwede sa Pampanga na lang ako mag kolehiyo. Kaya napunta ako sa school ng mga Chemical Bloggers.

College

Boring. Panibagong pakikisama nanaman. Marami sa mga kabarkada ko eh sa Manila nag aral. 5 lang kaming naiwan at buti na lang eh magkakaklase kami ulit. Computer Science kinuha kong course kasi wala akong choice. Kung buhay pa sana si Daddy Yo, nakuha ko sana gusto kong course. Gusto ko kasing maging astronaut.

As usual, I started with what I do best. Social Climbing! Never did good during 2 years til I realize na if I don’t get that diploma, I will stay in the province planting kamote. During those times, gipit na kami and money is so low. I decided to be a working student as data entry operator. Work from 10PM to 6AM and school from 1PM to 6PM. Pag weekend tumutugtog kami sa mga bar and maganda naman ang pay. Pag may extra time, sideline sa programming. Malaki ang naitulong ng mga yun para makatapos ako, It was well worth it and I graduated.

Professional Promdi

Excited ako makapag Manila. Gusto ko makapg work sa Makati dahil mga tao daw doon ay sosyal. Nakikita ko kasi sa TV palaging may naka neck tie at barong. Nag print ako ng 50 na resume at tinahak ko Ayala Avenue at Ortigas Center. Tuwing interview, tanong sa akin saan ako graduate at lahat ng HR tanong eh “Where is that university?”. Or we only accept students from reputable schools and others. Sagot ko eh, Ma’am school kop o eh dun sa others. Disappointed dahil wala ako nakuhang work, I settled getting one in Angeles City as a System Administrator for a supermarket chain.

Di ko akalain na sa province mag umpisa break ko. Sosyal boss ko at kami ang may pinaka latest na technology sa Pampanga. Pero inutil ako nung mag umpisa ako. Kahit natapos ako Comp Sci., kakaiba ang sa labas ng school. Reseller ng IBM supplier naming at sila nag recommend na ma train ako Manila for 2 weeks. Lahat ng alam ko ngayon, nag umpisa dahil sa mga taong nagtyagang magturo sa akin. For 2 weeks, tinuruan din nila ako mag social climb sa Manila.

After 2 years, may kumuha sa akin na maging developer sa isang start-up company sa Manila. At dahil Manila, nagpaalam ako agad at nag empake na. Bossing ko isang matinding social climber sa Coke. At dahil nga sa retail ang background ko, puro supermarket at department stores mga client naming. Maganda raw attitude ko at madaldal. Darating daw araw eh magiging bokilyador daw ako. Pinakilala nya ako sa mga kaibigan nya sa industriya. Mula sa pagiging junior developer nagging project manager ako in 5 years time. By that time, marami na akong kilala sa industriya. Social climbing does pay off!

Naka tatlong company pa ako nung nasa Pinas ako. From the company that developed NLEX to local BPO firm to Call Centers, I carried roles from Senior Engineer to Architect. Nabigyan din ako chance maging speaker sa mga lectures at workshops sa mga reputable schools. Di man ako nakapag tapos sa mga school na yun, nag lecture naman ako. All is well and I got married to a very lovely lady from Pililla, Rizal. Reader din sya dito.

The Need To Fly

I had to do something kasi kulang na ang budget naming at dahil may baby na kami, ayoko maranasan ng anak ko at mga susunod pa ang naranasan ko nung bata ako. Buti na lang at nagkaroon ako ng work visa. I started working in the United States. Again, panibagong social climbing. I was able to work with multi-nationals and government agencies here. It was fun and challenging. Looking back to how I started, I feel proud. I still don’t feel successful but happy ako sa mga nagawa ako.

Family was always there to give guidance, social climbing helped in reaching out and my determination paved the way to other opportunities. It was a tough first half of my life. 33 na ako ngayong September 17. Promise ko sa wife ko na by age 40 eh palagi ko na sila makakasama.

Ito po si Rob Angeles, author and founder ng Social Media Philippines. Produkto ng pagtiyatiyaga, determinasyon, katigasan ng ulo, pagiging sutil at pag social climb. Nawa’y natuwa kayo sa aking pagsasalaysay ng aking kuwento. Mabuhay and Barrio Siete at Social Climbing!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12580 times by 3238 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

32 Comments »

  • darbs says:

    Ok ang buhay sa seminaryo. Marami kang matututunan at tuturuan ka pa ng Latin.

    Woo! hahaha!

  • Mel says:

    Kuya Rob, Happy Birthday! Madrama din pala buhay mo before. Atleast now eh medyo okay na rin ang life. Good luck sa mga plans mo and hello kay wifey and kisses for baby.

    • Rob says:

      Ay naku, shortcut nga lang yang kwento ko ehh. Yung in between ng early years at high school, langya! Nagdemandahan mga auntie at Tito ko. HIniwalay lang ni Mama pamilya namin kaya nakarating ng Angeles City

  • Snow says:

    Puede rin pala sa Dear Ate Charing ang life mo Kuya Rob! Best wishes sa iyo at sa iyong wifey and baby.

  • Tiyo Paeng says:

    This is a very nice introduction for curriculum vitae.

    Excellent.!

    very interesting.

  • dFish says:

    Asteeg Rob! Multitalented kang nilalang at hinubog ng panahon at personal mong desisyon. Peace yo! More power Bro…

  • Mahalia says:

    Happy Birthday Tsong! Pumarito ka kapag umuwi ka sa Cleveland, ipagluluto ka namin ng mister ko. Magaling yung mag-ihaw ihaw.

  • annie says:

    a nice story of success! tyaga talaga ang buhay sa ating mga pinoy..happy birthday! at magandang araw sa iyung mag-ina!

  • reynz says:

    sakristan den ako nun Rob hehehe, pinalayas lang ako sa kumbento kasi lasing ako parati hehehe

    tsaka yong tantadong kebigan ko, ninakaw yong isang sakong ostya at ginawa namen pulutan non, pero pramis wa pa bendisyon yon, kaya siguro puro impakto na-me-meet ko sa trabaho dahil sa parusa saken *hikbi*

  • Reesie says:

    idol! galing galing ng success story mo! happy birthday Rob!

  • antuken says:

    Hi Rob. That was an inspiring story. Sayang naman at di ka nabigyan ng opportunity to study in one of the “reputable” schools. pumasa ka pa naman pala ng upcat. andaming gustong pumasok sa UP pero hindi lahat pinapalad na makapasa.

    nevertheless, okei lang din. working your way up is better, i think. mas binibigyan mo ng value ang mga bagay-bagay.

    i have a cousin who graduated from uplb. pero according to him, when you’re out in the real world (read: abroad), they don’t really care where you graduate from. they look more on the grades that you got. bale wala raw na graduate sya ng up kse most of his grades naman are satisfactory lang (kumbaga, hindi mga uno). gusto daw nya sabihin na makakuha ka ng 2.5 sa ibang bio subjects eh matinding pag-aaral na ang ginawa mo. hahaha.

    i had friends nung elementary na pinasok sa seminaryo ng mga magulang nila. para daw hindi bulakbol.it worked. nung hs. but when they got to college, wala rin. hahaha.

    • Rob says:

      During those years, dahil walang wala kami, my goal was not to be simple. Buong pagkabata ko nga simple na buhay ehh kaya sawang sawa na ako. I totally believed that Manila will change all of that. I was right and I was wrong. Or maybe my wisdom tooth was still missing during those times.

      Many of my friends still ask me today why I’m working so hard and doing a lot of stuff. I answered them back by saying that I want to be up there. Why? I wanted to see the view..By that time, I assume it will be easier to go down. Ahehehehe

  • an2nette says:

    on the way ka na up there, with your strong determination and abilities, sure akong magiging mas successful ka pa not only in your professional life ganon din sa family life later because you’re preparing for the future

  • Maldito says:

    kuya rob, nakaka inspire naman ang buhay mo…sana ako maging ganyan din…yung matigas ang ulo pero nagtagumpay.ahahahha..joke lang.
    this post made me hope even more to keep on dreaming that someday, somewhere, out in the open..i will fly.parang kanta lang.lols
    walang kwenta yang system na yan na porket hindi kilala school mo hindi ka na pwedeng magtrabaho sa kanila, aanhin ang skul kung idiot rin naman ang employee? ganito sa pinas. ganito rin sana sa kenya.ahahhaa

    • Rob says:

      Pag may nakakabata akong kaibigan na nag hihingi ng advice, palagi ko sinasabi sa kanila to stop dreaming. Bigyan nila dapat ng schedule. Sample:

      When do you expect yourself to fly.
      Where do you want to fly.
      How do you want to fly.

      At least alam nila kung nasaan na sila ahehehehe..

      • Maldito says:

        ay ganun ba..parang airport lang pala…may flight schedule…he he he
        actaully unti unti ko na rin nakakamit mga ninanais ko sa buhay..pero grabe talaga ang hirap na dapat pagdaanan…hay…wala bang short cut Lord? he h ehe

  • Abby says:

    It’s always inspirational to read how a person gets to where he is by hard work, patience and perseverance.

  • Silver says:

    Rob!

    Happy birthday (belated) hahahhahaha…

    Welkam na welkam dito sa Barrio Siete.

    Rock on dude!

  • Rob says:

    Hahahaha natawa ako dun. Onga naman, bakit puro mga sutil? Gusto ba tayo bumait or dahil naiintindihan natin kung bakit tayo sutil?

    Onga over due na nga itong post na ito pero enjoy pa rin ako nag sulat.

  • dencios says:

    alam mo ser rob, to be anest, tingin ko sayo istrikto ka. :D

    neweys galing ng buhay. ako din nung college mahilig sumaydline

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.