Meet the writers: Silver
Eto ang aking layp estori…ang estori ng kabalbalan mula kay Silver. Haha.

Ako ay pinanganak sa isang maliit na barrio siete sa Negros Occidental. Ang aking ama ay isang Ilonggo samantalang ang aking ina, si Sisang Tabak ay isang Bisaya na taga- Southern Leyte. Ipinanganak ako sa isang historical na hospital dun. Balita ko pa nga ay naging garison pa ng hapon yun noong panahon ng gyera. Sa sobrang historical daw ng lugar na yun e madame daw mumo dun. ~nginig~
Ipinanganak po ako after 1 week ng labor ng aking ina. Totoo po yun. Walang biro. Ang kwento ni mama e hindi ko daw mabutas ang mala-goma nyang panubigan. Susmaryusep naman oh, sing tigas ng interior ng gulong ang panubigan ng aking ina. At habang naglalabor ang aking ina, dinayo ng bagyo at baha ang aming barrio siete noon. Ang pangalan pa ata ng bagyo e Titang, kaya napilitan ang aking lolo, lola at mama na dun sumuong sa hospital – at para na din matulungan ang aking mama para mailabas na ako sa mundong ito.
Gusto ko ang simplicity ng buhay barrio siete. Mahilig akong sumakay sa kalabaw, manghabol ng pato na gagawing pininyahang pato ng aking tiyahin, mag-alaga ng farm animals like baboy at kambing, manguha ng gulay at iba pang halaman sa tubuhan, maglaro sa kawanan with my bff’s and fwendships, mangharbat ng tubo mula sa istambay na trak na papuntang Victoria at sumama sa aking late lolo na manuod ng sabong kada piyesta.
Yung simplicity ng barrio siete life, dala-dala ko pa rin hanggang sa lumake ako. Hindi ako mahilig sa kung ano mang luho. Hanggat may makakain lang e okay na ako. Considered na luho ko ang aking mga libro. Nagagalet nga si mama kung bakit libro ang palagi kong binibili samantalang hindi ko inuupdate ang aking wardrobe. Masaya na kasi ako sa simpleng damit – usually jeans, shirts and sneakers lang – masaya na ako nyan. Haha. Sinasabihan akong palage na mukha akong dugyot ng aking ina, kaya wala siyang magawa – siya ang bumibili at naguupdate ng aking kabinet. Magigising na lang ako sa umaga e may bagong damit ako. Ganun po ako katamad bumili ng damit. Haha.
Pagkalipas ng ilang taon na pagiging barrio siete inhabitant at tyempong papasok ako ng elementarya, lumipat na po kami sa Makati City. Dun ako nag-elementarya at nagspend ng aking bulilit! bulilit! days. Madaldal po akong bata. Laging summa cum laude sa listahan ng noisy. Akala nga ng mga teacher ko noon e ADHD ako. Sinasabihan lang sila ng aking ina na pagpasensyahan at parrot daw talaga ako. Haha.
Pero kahit ako e napaka-noisy at makulet sa pagtatanong (pala-tanong po ako…sobra..haha) hindi naman ako pahuhuli sa mga aralin. Masipag akong mag-aral at mahal na mahal ko ang aking buhay estudyante. In fak, maganda ang score na nakuha ko sa taunang NEAT at marami raming awards din nung graduation. ~yabang talaga~
Pagkatapos kong mag-elementary, lipat na naman kami ng bahay. Stay in lang po kami sa Makati noon, kaya nung nakakita ng opportunity na makakuha ng bahay ang aking mama at papa, sinunggab nila at lumipat kami dito sa Southern Tagalog. Hay, this reminds me of my previous barrio siete life sa Negros. Sariwa pa naman ang hangin dito, malamig kapag panahon na ng pasko at syempre, may nakikita akong farm animals! Haha. Saan ba kayo nakakita ng jeepney terminal na pumipila din ang mga baka! Take note, pasaway ang mga baka sa amin, humaharang pa sa daan. Haha. Sabi nila, tong daw muna. LOL.

Endless palayan sa aming barrio siete!
Dito na ako nag-highschool at nag-kolehiyo. Pasaway pa rin ever ako. Haha. Summa cum laude po ako sa kaingayan at kakulitan. Malapit na nga akong ipadala sa mental noon eh. Haha. Pero kahit maligalig akong estudyante, as usual, priority ko pa rin ang aking mga aralin. Mahilig po ako sumali sa mga academic competitions – lalo na sa philippine history. Walong taon akong contestant palage ng quizbees – from highschool to college. May mga times na lumalaban din ako sa ibang subjects like general information at sciences. Minsan, may nagsubok sa akin sa history. Tinanong ako kung alam ko din ba daw ang preferred barbero ni Rizal. Sinagot ko. Sabi ko si Fanny Serrano. lol.
Nung ako’y estudyante pa lang, mahilig na ako magsulat. Grade 5 ako nung nagumpisa akong mag-journal. Tumagal iyon hanggang nung college ako. Dun ko natuklasan ang hilig ko sa pagsusulat. Magmula noon, kinareer ko na ang formal theme writing sa school. Hehe. Nung highschool ako, pinalad akong matanggap bilang editor in chief ng aming school paper. Ang ginawa ko e commentary tungkol sa Vizconde massacre. Kaya ayan tuloy, minamassacre ko ang mga articles ng aking writers. Hehe.
Nag-kolehiyo ako sa Polytechnic University of the Philippines (Sto. Tomas Extension) at kinuha ko ang kursong BS Industrial and Organizational Psychology. May plano kasi ako dati na mag-doktor at maging specialista sa Paramedics. Or pwede akong magproceed para mag-aral pa ng ibang social sciences katulad ng Anthropology para sa aking MA sana. Isa rin sa dahilan kung bakit kumuha ako ng kursong psychology e para gamutin ko ang aking sira sa ulo. Hehe. Malay nyo, maka-discount pa ako sa mental hospital if evah. Hehe.
Ang aking perst kareer e naging HR ako. Naging HR staff ako sa ilang semiconductors at food companies. Na-enjoy ko naman ang trabaho kahit walang tulugan. Haha. Dun po ako naging paniki. E kasi naman, kapag may audit ng manufacturing standards, lalo’t porenger ang mga auditor, hindi na po ako uuwi ng bahay. Maghapon at magdamag ako sa opisina at production line. Inaayos ang mga dokumento, sumasagot sa inquiry ng auditor at nilalatigo ang mga pasaway sa production. Hehe. Pagkalabas ko ng planta, mukha na akong panda-zombie sa lake ng eyebags ko. Hehe.
Pero dumating ang panahon na kinatok ako ng aking hilig sa pagsusulat. Bumalik ang aking creative musang nung naging managing editor ako para sa isang global corporate magazine. Mas lalo akong nilatigo ng aking musang nung nanalo ang aming magazine sa Philippine Quill Awards. Kaya ang target namin the next year sana ng aking editor in chief e manalo ng award for literary content. Howevah, may dumating na insidente involving ang isang doreen ng aking buhay kaya ako e nagresign.
At dun ako nagkaisip na may opportunity sa pagsusulat. Hinarbat ko ang dyaryo mula kay Papa at naghanap ng mapapasukang new kareer as a writer. Presto, nakita ko na meron sa Makati. So ang inyong barriotic lingkod e sumugod sa Makati, dala-dala ang aking tampipi, manok at gulay and then may-i-offer ang aking mala-lapidang diploma at resume para mag-aaply. Sa awa ni Bathala e ako e natanggap bilang writer na siya namang current job ko ngayon.
So yun ang aking layp estori. No fuss no frills. Haha. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ako e sobrang ligalig sa blogs. Ang totoo po nyan e ginagamot ko ang pagka-sira ng aking ulo. Hinahanap ko pa po ang mga turnilyo ko. Yung isang turnilyo e hinarbat ni Ms. Cat. Sinisingil ko sa kanya ang turnilyo na yun. Ayaw ibalik. Ewan ko ba sa pusang yun. Haha. (konek to the estori ba? haha).
Yun lang mga kabaryo. Enjoy your stay dito sa Barrio Siete.
Viewed 10716 times by 2631 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.














Hello Silver,
I am so happy that you are writing funny and informative blogs sa Barrio Siete. ^_^
Haha Snow
kabaligtaran sa kabilang blog ko na mainit ang ulo ko palagi. Haha..
Aprovel pleaseeeee!!! hahahah….
hehehe! now ko lang nalaman na writer ka pala!!! alam ko na kung saan napunta ang turnilyo mo, tinunaw ni Cat, ginawang singsing, nakita ko sa litraks na pinadala nya hehehe
Oo nga mudra. Ang kuting na yun! Hahah.
Writer by profession ako mudra. Kinareer ko na ang formal theme writing to the max. Haha.
taga dumaguete ako. kabayan?
natawa ako, ang kulit. pero astig at grade5 pa lang mahilig kana talaga magsulat. at ang maging chief editor e malaking accomplishment na. di na ko nagtataka kung bakit creative ka.
basta may dugong visaya (na tulad ko rin at sinama ko pa ang sarili ko dito nyahaha) e mahuhusay talaga, pwera biro, example ka na
Negros Occidental ako Dencios. Ilang kilometro pa mula sa Bacolod. At mahilig na mahilig ako sa La Paz Batchoy, Valenciana at Bai-Bai. Haha.
Calling siguro ko ito marahil. Pag binigyan tayo ng talent, gamitin na natin to the highest level. hahaha.
finally! nalaman tuloy kung tiga saan ka Dencio hahaha alam na namen kung saan ka hahabulin hehe
Yari ka dencios. Maghahabulan pala kayo ala-baywatch sa dumaguete ni Reyna. hahaha.
tandaan silver hehehe nahahati ko talaga katawan ko hehehe
Dont tell me, from new orleans to dumaguete e kaya mo?
Make sure naman kasi na wag maglanding sa puno ng durian para di magsugat sugat ang mukha mo.
Haha.
reyna
silver,
pag naka vacation ako, at sakto andun kayo, beach tayo. treat ko talaga yan. gusto ko din maka meet ng bloggers.
@dencios,
sa wakas! matutupad na ang pangarap kong maging sirena hehehe
weee…
Dencios,
matutupad na din ang pangarap kong maging DUGONG.
hehehe.
Silver,
Ikaw siguro ang nawawala kong anak. Joke, hehe. Akala mo kulitan ever na naman tayo sandali lang ito at may gagawin pa ang lelang mo.
Unahin ko muna ang naiimagine ko habang binabasa ko layf istori mo: nakita ko sa iyo ang anak kong babae na mahilig magbasa at magsulat-sulat. libro ang bisyo (kaya kahit masakit sa bulsa, sige lang); nakikitaan ko rin ng hilig sa pagsusulat, Tagalog nga lang, si totoy ko.
Sa kabuuan ng binasa ko masasabi kong bilib ako sa tiyaga mo. Sinunod mo talaga ang hilig ng puso at isip mo. Go, go, go!
Nga pala Ilonggo din ang papi ko.
At si Reynz nga pala narinig ko ang sigaw kanina nang mabasa usuapan natin kaya nagising ako hehe.
Bwahahahaah!!!
Yami, oo, sabi nga ng nanay ko, bisyo ko daw talaga ang pagbabasa magmula nung bata pa ako.
At yes, narinig ko na ang sigaw ng reyna kaya maglilinis na ako ng korona! Hahaha.
Silver,
May itatanong ako sa’yo, may email ka ba? here’s mine mvtorrecampo@gmail.com. Thanks.
Ow?! Ako kaya half-human kasi ang fadir at ang lolo is ilonggo! Lumilipad daw ako sa gabi hehehe! Sinubukan ko one time! Leche! Sugat sugat muka ko! Hmpt!
Bwahahah…
Saan ka na naman ba kasi naglanding? sa puno ng durian?
pag pinuri kasi ako na pinakamagandang aswang sa balat nang kung ano dyan, pinapaniwalaan ko hmpt!
Haha.
Maganda ka nga Reyna. Sa balat ng kung ano man dyan. lols.
yong turnilyo niyang nawawala, sandali, inilagay ko yata sa ulo ko kasi hindi ko makita yong sa akin. kita ninyo sira na rin ang ulo ko. mwahahaha
Hahaha….ibalik mo na ang turnilyo ko ms. cat.
I have been losing marbles more frequently these days. Hahahah…
kasi nga matulog ka nakabaliktad. nahuhulog tuloy ang mga turnilyo.
Haha…tapos yung kuting kinukuha ang mga turnilyo. hahah.
[...] Go check my post peeps! CLICK HERE [...]
well, kung ganyan din lang ang labas ng pagka-lost ng turnilyo, I might as well lose mine too.
Char!
Toinks! hahaha..
Malamang nga mel. Haha. Kaya wag gagaya sa akin!
hello silverooo, pretty silveroo. Buti na lang nag-sulat ka. May mababasa tuloy kami! yey!
Bwahahah…
Mahalia! Salamat sa pagbasa. lols.
Dalaw ka lang palage!
Hahahaha…
Anubeh bluep…wala sa sentido ang baba ko hahahah…
Salamat!
hang talented mo pala fwend.. tissue nga please..
Bwehehe…
Eto tissue…
para sa sipon… lumabas sa kakatawa ko sa entry mo.
Litsi..
O eto diaper wipes! Haha.
imperness, yang diaper wipes na yang ang lagi kong kasama…wala kasing tubig dito pampunas. lol. TMI!
Lukaret ka talaga fwend! Hahaha..
OT: Kaletshehan – - Dare to speak! Dare to speak…Can I do it?
Can I be a PR Man? Please help me to become one. Here is my writing sample.
In the Barrio Siete, I found Silver: Dare to Speak – the 2009 Most Influential Blog, together with Barrio City… Roy… Zolone… Snow… AND ANG BAGONG MANOK para sa SABONGAN ng bayan… Phillipe Nover. He is not pacman… he is your typical Filipino son or daughter… in America just like all the other… MEET KALVINONIAN… the artist?
Here is Philipe Nover website.
http://exodians.wordpress.com/2009/05/26/phillip-nover-emerging-influential-blog-of-2009/
Ang galing ng pagkasulat: Salute
From here http://daretospeakout.wordpress.com/2009/05/27/how-i-lost-my-marbles/
hahaha…
Uber mega promote talaga si darbs ng posts…hahhaha…
Correction: The link referred in number 36 is not Phillipe Nover’s Website. It is the page dedicated to him. Thanks.
Tag: Comment number: 37, 23 years after – - great, bloggers,
[...] siyang boylet ngayon. Ibaba ninyo ang kilay ko. Umigkas at tumama sa kisame. Buti hindi tinamaan si Silver. At bakit naman sila mag-cha- [...]
Wala akong masabi. Basta nasa utak ko – gifted tong si Silver.
History question: si Totoy Bato ba ay karapatdapat na maging icon ng tiga-Barrio Siete?
Totoy Bato?
Alam ko Dfish e si Bernardo Carpio at Gabriela Tabak…hehehhe..
Gifted ako sa kalokohan Dfish…hahahha!!!
[...] Sa aming barrio siete, may nangyari na kababalaghan. Ito ay totoong nangyari. Kahit ibitin ninyo nang patiwarik si Silver. [...]
teka pare bakit wala akong comment dito?nasaan ako nung panahon na to?
teka pare nabanggit mo na dala mo yung simplicity paglake mo— kala ko ba fetus ka pa lang?lol
speaking of baka parekoy, naalala ko tuloy bigla nung hinabol ako ng baka at kalabaw sa pitak e umuulan pa naman at bagong araro tapos my pigsa pako sa pwet, arrrruuuuuuy wag mo ng imaginin at maiiyak ka,dika makalakad sa sakit pero nung hinabol ka bigla kang nakatakbo at nakakatalon bigla sa mga pilapit, santisima!