Meet the writers: Snow
ALL ABOUT SNOW
Ako po si Snow, pinanganak sa Pasig City at nagkamalay sa isang lugar sa Taguig City. Panganay po akong anak sa apat na magkakapatid na puro babae. Isang OFW ang aking ama at isang early-retired na Sekretarya na mas piniling mag-alaga ng kaniyang mga paslit ang aking ina. Lumaki po ako sa isang konserbatibong pamilya na istrikto pagdating sa pag-aaral at praktical ang pananaw sa buhay.

Dahil sa una akong naging teenager sa mga kapatid ko, naging ‘guinea pig’ po ako ng aking mga parents sa kaistriktuhan to maximum level! Lahat na yata ng puedeng bawal eh pinagbawal po sa akin. In short, nung teenager pa ako, bawal po akong makipag-date ng walang chaperon or walang curfew. Naalala ko tuloy, binansagan po akong may ‘Cinderella curfew’ sa eskuwelahan at youth organization na sinalihan ko noon. Grabe, sobrang strict talaga ang parents ko, Hanggang ngayon nga, may roll call pa kami sa bahay araw-araw.
BUHAY ESKWELA
Grumadyet po ako ng ‘valedictorian’sa isang mababang paaralan ng Taguig. Pero hindi po ibig sabihin nun ay naging masaya ang pagtatapos ko dahil ang isa kong ‘mapaginteres’ na titser ay ginapang ang ’scholarship’ ko para mapunta lamang sa isang kaklase ko na anak ng empleyado ng paaralan. Sobrang nagalit ako nun dahil sinadyang ibigay sa iba ang dapat para sa akin, ang katwiran kasi nila – nasa abroad daw ang Father ko at mas makakatulong daw sila kung sa isang batang walang pang-tuition ibibigay ang scholarship. Hay naku, matatanggap ko na nga sana pero nung bago ako magtapos ng high school ay nabalitaan kong nag-asawa agad ang lokang recipient nung scholarship na para talaga sa akin. Gusto ko talagang mang-arnis ng mga guro noon dahil naghihikahos kami pero pinagkait nila ang para sa akin. Hay, noon pa lang namulat tuloy ang mga mata ko na may palakasan talaga sa lahat ng larangan ng buhay.
Dahil doon, marahil ay tinamad akong bigla mag-aral nung highschool dahil wala akong inatupag kundi sumali sa mga extracurricular activities. Pumapasok naman ako sa top 10 sa section namin pero mas nag-enjoy akong maging miyembro ng Citizen’s Army Training, Drama Guild at magsulat sa aming school newspaper. Siguro nga dito nagsimula ang aking ’social climbing skills’ (Reynz, pahiram muna ng term) dahil naging outgoing ako despite of my parents strict compliance! Imagine, na-convince ako ng teacher ko na mapasali ako sa aming school beauty pageant kahit na ayaw ng mga magulang ko. In short, career kung career talaga ako nun sa aking mga school activities. Gosh! na-miss ko tuloy ang high school life ko in flash.
Sa awa ng Diyos ay nakakuha naman ang lowla Snow ninyo ng scholarship. Maraming salamat sa lolo kong war veteran dahil kundi sa kanya ay hindi ako makakatapos ng kolehiyo. Kaya nung magtapos ako ng Bachelor of Science in Accountancy sa Adamson University, talagang nagpasalamat ako sa aking grandpa at grandma dahil nabawasan ang pag-aaralin ng aking mga magulang.
Nung una talaga ay gusto kong magturo ng Finance sa eskuwela kaya right after 1 year of working ay bumalik ako ng eskuwelahan para magaral ng Master in Business Administration. Subalit, hindi ko pa talaga siguro oras maging guro kaya heto, pagkatapos ay nagbalik ‘workforce’ ako dahil medyo mas malaki kita kumpara sa teaching.
HANAPBUHAY
Marami-rami na rin po akong napasukang trabaho simula ng tahakin ko ang job market. First job ko po ang maging Reconcialiation Assistant ng mga cash sa 13 ATM operations ng isang commercial bank sa Makati. Naging Accounting Staff na rin po ako ng isang travel agency, naging Financial Data Analyst at naging isang Mergers & Acquisitions Research Analyst na rin ako ng isang multinational financial information firm na may operation dito sa Pilipinas. Sa ngayon, ako po ay isang Manager ng mga makukulit na Research Analysts sa isang outsourcing company.
Sa totoo lang, pangarap ko sa hinaharap na magka-business ng kung anu-anong pagkakakitaan. Gusto ko na ko na rin kasing mag-early retirement sa corporate life, nakaka-stress din kasi minsan na maging ‘nanay’ ng mga anak ko sa office at pati na yung mga in-betweens sa corporate stuffs!
BUHAY NGAYON…
Ako po ay isang working mom na asawa ng isang empleyado na nagta-trabaho sa isang department store dito sa Pilipinas. May isa pong akong anak na lalaki na 6 na taong gulang. Siya po ang inaalagaan ko kapag hindi po ako busy sa trabaho. Siya rin ang dahilan kung bakit may pagkakataong hindi ako nakakapag-blog sa aking Dear Bloggery website! Grabe, sobrang kulit kasi at minsan ubos ang energy ko sa kanya!
WRITING FOR BARRIO SIETE
To tell you honestly, I am so happy to be a part of Barrio Siete. Isa pong karangalan na mapabilang ako rito at sana po ay makapagdulot ako ng kasiyahan sa inyo!
Yun lang po muna. Salamat po ulit mga ka barrio…
Cheers,
Viewed 8928 times by 1217 viewers















Being a mother is a full time job! Ka-level sya ng mga rocket scientist. Cheers to all moms!
sinabi mo, sobra na nga reklamo ni esmi, isa pa lang ang pinapaalaga ko
meaning, bago ka napasok sa Social Climbing 101 ko eh me refresher course ka na pala? hahaha
Hello po, maraming salamat sa mga nagkomento. Medyo abala lang pero babalik ako mamaya pramis! Tambak ang labada… ^_^
opo reynz may refresher na ako pero wala pa ring panama sa 101 mo. mas marami akong natutunan dito… balik ulit ako mamaya ha? tambak kasi ang labada ko…hehehe….
Mabuhay ka Snow! Woot! Woot!
Salamat Rob. Naku pasensya na talaga, late reply kasi may technical problem ako..huhuu….
Snoooowwwwww!!!!!
Welcome dito sa Barrio Siete!
Cheers!
P.S.
Gusto ko ding mang-arnis ng mga teacher na laging “take advantage”…grrrr..
pare akala ko gusto mo na rin maging mom hahaha
Lee…
Sa wakas, andito ka na!!!!
@Lee – ako dati gusto ko talagang mang-arnis
@silver – ako din masaya na nandito na si Lee
may mga lifestages tayo kung saan namumulat ang ating mga mata na life is not fair all the time.
but this is the driving force which makes us work harder.
after some time and we look back, we can smile to people who had done us injustice and say TSEH. hahaha
hahaha! i love it! yan na yan yong latang bisket ko where i would get off sa jeep nang mga ilang blocks na lalakarin ko para lang makita nang lecheng neighbor ko ang lata nang bisket na bitbit ko hahaha
Yeah, I guess Ms. Cat this is my driving force. The incident also shaped my outlook in life.
ako din strict ang parents ko. weheheheh. teka muna, bakit snow? is that ur real name o dahil flawless kaw?
I used to play Snow White sa isang school play namin at naging monicker ko na sa cyberspace eversince. ^_^
the same thing happened to me but it was just a doll. A beautiful dancing doll with music. A relative sent it to me from the US thru a relative. The relative did not give it to me kasi daw wala naman akong pagdidispleyan because that is not a kind of doll for play.
it hurt me a lot looking at the doll that should have been mine. my mother did not bother to ask for it.
when i had my first real bonus when I started working, i bought the same kind of doll and displayed it among my other things.
Ay naalala ko tuloy…
Kahit yung pinakamurang doll, wala ako noong bata. Kaya mga pamangkin ko ngayon, puno ng dolls galing sa akin.
Baril barilan at trak-trakan naman sa akin noon pero kami ang gumawa ng aming mga laruan.
Oo nga Ms. Cat, maraming taong mapaginteres kaya ngayon I have learned a lot from it. Pero minsan talaga nakakalungkot yung mga ginagawa nila sa tao.
clap! clap! clap! pi-nes na pi-nes ang pagkakalathala
Thanks orphicpixel… *shyness*
Hats off, Snowy!:D
Thanks Reesie. ^_^
go lang ng go ate snow! being a mother is a great job already. hats off to you.
Thanks Mel. Honestly, gusto ko na ngang maging fulltime mommy pero kailangang mag-work.
muntik tumulo and sipon ko sa kalungkutan Snow. Go,go,go lang. Pwede na dagdagan yang ng isa. para mas masaya ang buhay mo.
Salamat po sa pagbasa kuya mon. heto tissue, huwag na kayong umiyak. ^_^
by the way, salamat po sa top 10 nomination.
Hello Snow thanks for sharing your life story.
your welcome darbs…
go go go snow white!!!
thanks malensky.
you’ll be loved in the barrio, snow! thank you for joining us here! hahaha!
thank you reynz, its a great honor po HRH Kapitana. ^_^
At talagang balakid pa si anak sa blogging hahaha. One more colorful kite flying in Barrio Siete. Lipad, Snow, lipad…
hehehe..oo nga minsan nagaaway kami sa internet kasi gusto manuod ng cartoons! kaya dfish kapag nawawala ako ibig sabihin nun hands-off ako sa computer. ^_^
saludo ako sa ‘yo snow! emerging influential blogger na, barriosiete writer pa.
salamat ceblogger. it’s an honor po na makapagsulat ako rito. ^_^
we have the same childhood gurl! strict den ang payrents ko, the difference is that, parati akong hinahabol nang nanay ko nang dos por dos! hehehe
ako din hinahabol ako ng sinturon kapag pasaway.
ang tinamaan nang kalechehang titser na yon! hahaha! kurakot agad?! sana nilagyan mo nang betsin ang biskwet nya! amffuttaa oo!
hahaha…naku, kung puede lang pero bata ako nun hindi pa pasaway. *lol*
wow! writer dito si snow ah, eheheh! nga pala, yung balut ko? ehehe!
naku ie-email ko ang balut mo elmot. joke lang bro, sige kapag nag-EB tayo magdadala ako.
hahaha! slamat! ayos, dala ako asin at suka, ehehe! kelan ba EB?
“ang isa kong ‘mapaginteres’ na titser ay ginapang ang ’scholarship’ ko para mapunta lamang sa isang kaklase ko na anak ng empleyado ng paaralan.”
ganyan nangyari sa kaklase ko nung 9th grade. hindi naman scholarship but the grade itself. Our chem teacher was favoring one of our classmate who was not that intelligent pero may pagka sucker sa mga guro. That’s why I hate teachers who have favorites. aray. ako naman may paborito rin ako na mga students sa college pero mind you pag bagsak sila, bagsak sila. walang personalan trabaho lang.
“Dahil doon, marahil ay tinamad akong bigla mag-aral nung highschool dahil wala akong inatupag kundi sumali sa mga extracurricular activities.”
nakakarelate ako. simula ng dinale ako sa conduct ng mga hinayupak ko na adviser, di na talaga ako nagaral. puro extra co-curricular din inatupag ko. kaya naman nung mag college ako nanibago ako kasi ilang taon ko di sineryoso pagaaral ko sa disappointment ko sa mga HS teachers ko.
alam mo unfair yung teacher mo. kesehodang mayaman o mahirap basta kung ano nakuha yun yun. unless na clearly ang kalaban mo ay milyonaryo, i think majujustify yung pag harbat nung scholarship with the consent of course of the student. pero sa kaso mo na pareho lang kayo average income family, i dont think its fair. Tingnan mo nakarma agad. Kung sa akin nangyari yan snow, malamang pinuntahan ko yung teacher ko at pinamukha ko sa kanya kaengotan nya LOL
welcome snow to Barrio siete. we are also honored to have you here with us
totoo yan bluep. i have experienced injustice before pero ok lang at least naging guide siya sa akin ngayon.
I can relate to this one! Noon sa Barrio Siete namen.
Nagkataon pa, related pa yong lecheng teacher samen. For some reason, irita sya saken which I could not understand. An tagal nun, hanggat’ natapos ang elementary, kala ko strict lang syan. Until nag-high school ako sa barangay – ganun pa rin. Then things started to make sense. Yon pala, irita sa fadir ko dahil sa mga iringan nang la familia at ako pala ang tinitira. Kaya yang mga honor honor na yan, parating kinakalaban ang name ko at nakasalpak ibang pangalan. Saket nang feelings ko nun.
When i graduated in college at dun ako nagka-honor, ang shock ko dahil sumama ki madir at fadir sa stage hahaha shock na nga ako dahil kung sino nag-invite – mas lalong shock ako sa instant show of na “hey! ang galing galing talaga nang batang to” like – what the crap! hindi ko na sya pinansin mula nung nag graduate ako nang college
mabuhay ka ms snow, asan na yung piktyur na my otogtap? lol
salamat lee. nyek, ako rin hihingi ng otograp.
hello ms.snow… ang dami palang pretty dito sa barrio
siyempre po mr. dencios, maganda ang kapitana, dapat maganda rin ang mga konsehal…heheeh…
syempre given na ang talented
hehee…of course, talented lahat ng tao dito sa ating barrio.
Hi Ms. Snow, nakakabilib ang success story mo, a very talented mom, may aral talagang makukuha at ikaw ay inspirasyon sa lahat, more power!!
maraming salamat po an2nette. ako rin ay nagagalak mapabilang sa ating mahal na barrio siete. ^_^
Hi Snow. Busy mom ka rin pala. Ako nga sumilip lang. Welcome in Barrio Siete, sis.
ano ba ‘yan mali pa, welcome to Barrio Siete! hehe
Thank you yami.
aba! full-pledge na taga-barrio siete na si Snow!
Congratulations!
ang ganda ng kwento mo!
Thanks Kuya Roy.
nakiusyoso lang po. hehe
mukhang masaya dito ah.
Sige eli, silip-silip ka rito and please tumambay ka kasi napakarami mong matutunan sa makukulit naming talakayan!
Exciting pala ng talambuhay mo Snow…
Mukhang marami akong malalagap na magagandang balita dito sa Barrio Siete
Salamat metalpig!
Pero lowlo, basahin mo rin ang mga talambuhay ng iba rito at pramis, mapapa-dear Ate Charo ka rin sa ganda ng mga istorya nila.
Hay Snow, maganda ang barrio mo. Bumisita lang ako.
Hello Ms. Snow,
curious lang ako, ang dati mo bang pinagtrabahuhan na bank ay yong sa mga nagtatanim ng mga niyog o yong bank ni rizal?
nagtatanong lang po.
salamat
@Myepinoy – sorry po pero none of the above. Sa isang commercial bank sa Makati nga ako nagtatrabaho pero sa bandang Rufino. Yun kasi ang dating head office nun…