Home » Opinion

Mga Bayaning Mukhang Pera

16 July 2009 51 Comments

poea_job_fair

Photo Credits: Dito

Sawa na akong maging bayani. Alam kong baka isuka ako ni Bonifacio pero kailangan kong magpa-alipin sa mga dayuhan. Tutal bukod sa di naman gumagalaw si Bonifacio kahit lagyan ko ng banderitas yung monumento nya, di rin naman nya mapapakain ang mga janakis ko.

Kaya narito ako, dala-dala ang aking tampipi at gutay gutay na cedula. Wala akong dalang agimat kundi kapal ng mukha at panalanging sana ay tumama din ako sa lottong dollar ang premyo.

Si Juan dating nars. Pero andito, naghuhugas ng puwet ng may puwet. Maitim, maputi, walang kaibahan. Pwet pa rin. Minsan, nag-e-eskoba sya ng banyo ng me banyo, nagkikiskis ng lababo. Sabi ko magbaon sya ng sprite, ipanglinis nya ng inidoro.

Si Manang dating titser. Kaya nag-aalaga na lang sya ng anak ng me anak. Pilit nyang tinuturuan ng mga kalokohan,  minsan tinuturuan nya ng mga magalang na salitang Tagalog gaya ng “geygow” at “few tang in a meow”, kahit yung mga anak nya di naman nya alam kung marunong na mag one plus one.

Si Pedro doktor sa atin. Ngayon nars na lang. Sunod sunuran sa mga doctor na madalas mas marunong pa sya. Gusto man nyang manggamot ng libre sa mga nasa barrio, kelangan din nyang sumuweldo.  At kahit nars sya ngayon, yung sinasahod nya, mas mataas pa sa doktor sa atin. Kaya eto, doctor pero nars din. Kaya kahit me sakit sya di nya pwedeng resetahan ang sarili nya.

Yung isang kapitbahay namin, matinding pulis dun sa barrio namin sa Timbuktu. Dahil di naman marunong mangotong at mangurap, wala, kulang ang sweldo. Kung chief of police sya noon sa amin, ngayon, dito,  malamang after forty payb years, malapit na syang maging chief of security.

Ika nga namin, eh ano naman? Eh trabaho lang naman yan. Nandito kami para kumita, hindi para magpakalunod sa pride. Nakakain ba yun.

Eh Bakit May Bayani?

Bagong bayani daw. Eh dalawa lang naman ang kilala kong bayani. Yung isa komedyante at yung isa pulitiko. Kahit pareho naman silang nagpapatawa, ayoko pa rin maging bayani. Katulad mo, wala akong balak na maging. Kasi ang mga bayani, para magawan ng rebulto, maagang namamatay.

Mga pauso lang yan ng mga pulitiko para maging mas “in” sila sa mga kamag-anak ng mga OFW.

Dahil kasi sa dami ng bilang ng mga Pilipinong nagtratrabaho o naninirahan sa abroad na patuloy na tumutulong sa kanilang mga pamilya sa Pinas, naisip nung mga trapo na ang bawat isang OFW ay marami ang katumbas na boto.

Bukod pa yan sempre sa mga dolyares na ipinapasok ng mga remittances nating mga nasa abroad. Mga dolyares na nagpapaikot sa ating national economy. Pero kahit may malaking ambag tayo sa ekonomiya natin, humihingi ba tayo ng kapalit? Ginusto ba nating tawaging bayani?

Ma at pa. Malay ko dyan sa mga pautot ng mga pulitikong yan. At pakialam ko sa mga hinayupak na yan. Basta ako kayod lang ng kayod, para makaipon.

Eh Mukha Ka Bang Pera?

Dalawang klase lang ang nagsasabing mukhang pera ang mga Pinoy na nag-a-abroad. Una, sila yung mga hindi nakapag-abroad at pangalawa sila yung mga feeling intellectuals na maykaya sa buhay.

Yung mga taong hindi nagtrabaho sa abroad ay sinuwerteng simple lang ang buhay. Sila yung kung hindi man maykaya o may negosyo ay maliit lang ang pangangailangan sa buhay. Sapat ang kita nila kaya di na nila kailangan mag-abroad. Pero di naman lahat kagaya nilang magaan sa buhay.

Yung iba naman ay mga feeling mo mga makabayan. Kulang na lang tawaging makapili ang mga nagtratrabaho sa ibang bayan. Kala mo ba’y kasalanan nating mga OFW ang mangarap ng magandang bukas para sa pamilya. Di nila naisip na kadalasan, kung may trabahong matino sa Pilipinas, tinginin kaya nila aalis pa yung iba? Palibhasa mga iskolar ni papa at mama.

Alam naman nating lahat kung bakit yung iba tinatawag tayong mga mukhang pera. Kasi kung sila hindi mukhang pera, sila naman ay parang ampayala… BITTER.

Isa sa limang pamilya sa Pilipinas ay may kamag-anak na OFW. Lahat sila nakakatanggap ng ganansya o tulong mula sa kanilang kamag-anak abroad. Mukha rin ba silang pera? Trabaho ang dahilan bakit tayo lahat nag-a-abroad. Para sa pamilya, para sa sarili. Masama bang isipin mo ang sariling kapakanan at kinabukasan ng pamilya?

Mula sa iba’t ibang sulok ng Timbuktu, mga taga-bukid at taga- barrio, we all have come. Lahat tayo ay narito, sa lupain ng mga Arabo, ng mga puti, ng mga sakang, at kung anu-ano pang lahing aswang.

Magkakaiba man ang ating barriong pinagmulan, magkakaiba man ang lugar na ating napuntahan, may mga bagay na di maiiwasang pare-pareho nating inaasam. Pero sa tingin ko, ang maging bayani ay hindi kasama sa listahan. Eh ang magmukhang pera? O sige, sa a-kinse sweldo, magpapadala ako. Pandagdag na naman sa ekonomiyang lulustayin mo, kasi mukhang pera ako.

At pwede ba! Wala akong panahon dyan. Busy ako no, barado ang kubetang nililinis ko.

PWE!!!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 6053 times by 1232 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
BURAOT is your quintessential skeptic but a not-yet-so-hopeless pessimist. Impatient most of the time, hence the name, he yearns to discover the magnanimity of the universe and the infinite folly of human stupidity (yep, that was Einstein's). And yes, oo.. he also want world peace. You can stalk him out at Anak ni Kulapo and I Am Buraot.

51 Comments »

  • jeri says:

    ha ha ha ha Idol…. idol ko yan si buraooooot…
    more…. more….mooooreeeee…
    Sige idol, murahin silaaaa..
    ha ha ha ha ha

    • BURAOT says:

      heheh. hambilis ng posting. nisalpak ko lang sa draft kse naghahanap pa ko ng pics. nai-post na agad. weheheheh. di ata natutulog yung editor. hehehhe.

  • jeri says:

    Isa rin ako sa mga nanggagalaiti sa mga pautot na yan,.. tinawag na bayani ngunit ni minsan hindi ko naramdaman na ako nga naging bagong bayani na tulad ng sinsabi ng gobyeno..

    Naalala ko tuloy si Mike Avenue yung bumatikos sa mga OFW kailan lang. Tinawag ko siyang “Mikekoliling dahil ang tindi ng tililing sa ulo.
    Kaya gumawa rin ako ng kontra-batikos sa kanya.

    eto: http://bravedier.blogspot.com/2009/07/mga-ofw-niyurakan-ng-blogger-na-si-mike.html

  • jeri says:

    Idol ko talaga yan si Buraot…

    isa siyang tunay na Pilipino…

    Taas noo kahit kanino….

    Kahit nakayuko, taas noo pa rin..

    dahil mataas na ang kanyang Noo

    abot na hanggang bumbunan….

    he he he jowk lang Idol.

  • jeri says:

    Tuwang tuwa ako sa entry na ito… ANg galing.!

    16 anyos na rin ako na nag aabroad, hindi upang magpakabayani, ngunit upang maka-ahon sa kahirapan,.. dahil ito lamang ang tanging pag-asa na nakikita ko para makamit ko ang mga pangarap ko.

    Sabi ni Mikoliling, Hindi lang mukhang Pera ang mga OFW, mahilig din sa Piso Tamang Barko daw..

    Sagot ko naman; sino bang hangal na pinoy na pupusta sa “Piso tamang palito?”.

    Yung Piso ko ipinusta ko… Tumama ako ng “Bungalow”.

    may give away pa na bahay kubo.

    • BURAOT says:

      piso tamang barko. eh nuknukan ng sugarol ang bayan natin. nasa kultura na natin yan. pustahan tayo yang mike na yan tumataya din ng lotto.

  • jeri says:

    Marami talaga ang hindi nakakaunawa na kaya tinawag na Bagong Bayani ng bayan ang mga OFW dahil sa mga remittances… mga milyong-milyon dolyares na pumapasok sa bansa na ipinapadala ng mga manggagawang pinoy at migrante sa ibang bansa. Malaking bagay para matulungan ang naghihingalong ekonomiya ng pilipinas.

    Ang Hanap ko’y asenso, hindi maging bayani.

    oo, tinawag ngang tayong bayani ng Gobyerno ,pero sila naman ang numero unong kumukurakot at nanghuhuthut sa mga tulong ng mga OFW.

    Tanungin mo sa Gobyerno kung ano ang spelling ng Remittance, Ang sagot nila.. kapital “LBC”.

    • BURAOT says:

      medyo okey okey na nga ng konti yung programa ng POEA-OWWA. pero as usual me halong pulitika pa din. at di maubos ubos ang pangungurap. kaya yung dapat na tulungan di natutulungan.

  • Silver says:

    Buuuuurrrraaaaaaoooottttttt!!!!!!!!

    Malufet ka talaga! *palapak*

    :D

    Go go go buraot!

  • kotsengkuba says:

    eksantamente! yung isa sa dalawang nagsabing mga mukhang pera ang mga OFW e nandun, naglalakad sa isang di sikat na avenue. hahaha

  • roni says:

    Ikaw ang buraot na hindi buraot, IDOL!

  • Reesie says:

    Buraot for President!

    Galing-galing.

    Tama kung mukha tayong pera, bakit natin pinapadala ang pera natin sa ating pamilya sa pinas? At eventually,nakaktulong tayo sa ekonomiya ng ating bansa? Mga mukhang ampalaya tlaga!

  • Monique says:

    galing galing. para sa isang dating iskolar ng bayan (opo nung unang panahon pera mula sa pagcor ang nagpatapos sa akin sa kolehiyo), siguro naman ang aking pinapadalang remittance buwan buwan nakakatulong kahit papano sa naghihikahos kong bayan.

    at di mukhang pera ang ofw. kung kaya lang sana tayo mabigyan ng mas magandang trabaho sa atin,pwe! bakit tayo magtitiis sa ibang bayan. haay.

    • BURAOT says:

      kya nga. sino kayang gusto magtiis malayo sa pamilya? marajming dahilan bakit tayo umaalis. pero ang kadalasan para ito sa pamilya.

  • Rosa says:

    Hindi importante kung ano ang pinagsasabi nila tungkol sa ating pag-abroad. I can eat steak everyday and buy any stuff that I fancy so sa mga nagi-ingit, sorry na lang. Everything I have came from my blood, sweat and tears so let me enjoy the fruits of my labor and I will not allow anyone to take that away from me not even their gossip or their malicious comments.

    • reynz says:

      agree ako sa sinabi ni Rosa! leche! kiver! i can go to Paris on a weekend, mag-kape kape, mag-waldas nang anda, mang-huli nang pulis, mang-okray nang mayayabang na Parisians at mambastos nang mga guapong Germans hehehe

      true! true! na lahat nang aken eh dinaan sa pawis dugo at konting pag-sisipsip sa boss, although yong iba higop ang ginawa ko kaya kahit na bilhan ko ang mga boylets ko nang buong abenson, drama ko yon hehehe at gagawin ko yon dahil nag-eenjoy ako na inu-uto ako. period.

      leche ang avenida na yan. ihi lang ang kalyeng yan.

    • BURAOT says:

      eksakto. what i buy, pinaghirapan ko yun. hindi minana kay mama at papa. kaya kahit papano ko gusto lustayin ang pera ko, pinaghirapan ko yun..

      i’m sure yang evenue na yun, di napagbigayn ng OFW nyang kamag-anak. baka di napautang.

      • eingel says:

        bira pa kayo ng bira hayaan nyo ang gobyerno kahit kailangan natin umaksyon hindi rin yan mangyayari buhaya na nga yung gobyerno baka pati sunod na presidente mas kurakot……. -Sorry-

  • reynz says:

    leche! binasa ko uli hehehe ang ganda nang pagkasulat mo! kaya pala andamin umi-idolo sa next president nang barayle hahaha!

  • Mahalia says:

    Buraot, talagang sakripisyo ang mag-padala sa atin. kasi ba naman, mag-ambag ka sa simbahan, tax deduction. Bumili ka ng hybrid na kotse tax deduction, mag-bigay ka ng gamit sa goodwill, tax deduction. ay kung mag-padala, pocket deduction lang. taxed ka pa rin at the end of the season. :(

    • lee says:

      naku mahalia, kung may mapapasukan lang ako satin, anytime uuwi nako

      • Mahalia says:

        mayron naman tayong mapapasukan, at mayron ring mga pwedeng i bisnes sa atin, kaya lang, aabot ba sa budget? at lalo na’t naramdaman mo na ang fulfillment ng pag-akyat through hard work=promotion. Kapag umuwi tayo, entry level ulit.

        Madalas pa yung mga sign na:

        Help Wanted: female, long hair, 18-23 and a half years old. Experience: 5 years dito at doon, hanoba! Size: Small to medium.

        Hay naku, dito ko lang natutunan na discrimination pala iyon.

        Paano ang mga thunders na tulad natin na edad nobentay tres?
        Paano na ang mga matataba?
        Paano ang mga panot?
        Paano yung mga nanay na sa bahay lang habang lumalaki ang bata, nung pumasok sa school, saka nagtrabaho?
        Paano na ang mga kalalakihan? Bawal ba sa kanila yung trabaho.

        Pagkatapos noon, kukuha ka pa ng cedula sa barangay tanod, sa chif inspector, sa health inspector sa palengke, sa NPa na nakatira sa bukid niyo, sa NBI, at yung checkpoint sa may kanto, susuhulan mo pa ng kutsinta.

        Ay naku, sumakay na lang tayo ng eroplano at maghanap ng trabaho…

        • lee says:

          yan na nga ang ibig kong sabihin, yung edad.
          ok naman ako dito sa trabaho ko, wala namang umaapi api so far lol kaya lang namimiss ko ng pamilya ko,gusto ko na silang makasama.

        • jeri says:

          @ Mahalia.. Balak ko pag ayaw ko ng mag-abroad magnengosyo na lang ako..kontakin ko si Freddie aguilar magsosyo kami ng negosyong Buy and sell ng Unggoy.

          Yun ang tinatawag na “Monkey Business”. he he he he

    • BURAOT says:

      mahalia, sinabi mo. minsan nga nasisilip ko yung mga resibo nung mga pinadala ko. trip ko i-add lahat.. susginuu! laking yaman na sa atin kapag pinagsama-sama mo. kung made deduct mo lang sa tax, anlaki din sana.

  • darbs says:

    Tagay para kay buraot.

    Da bes de bes ang timplada sa imong gisulat bai pero kahang.

    Kumbaga, brutal ang pagkatira… to the point bullseye.

    Charge to literature.

    Walang personalan… recommendation lang.

    Go go Power Rangers!

  • mtoni says:

    teka lang ha tawag ako pinas at maitanong kung muka akong pera.
    wag naman sana kami magkapalit ng mukha ng pera, panahon pa kaya ni kopong kopong iba don. jowk lang po!

  • lee says:

    wow kampay sa yo buraot, salute…
    ang galing naman feel na feel ko habang binabasa hahaha.
    e anu ba kung sabihin nila kong mukhang pera? dipa nga nila ko nabibigyan at diko naman sila hinihingan e bakit ba.
    sa totoo lang, inggit akos a mga taong dina kelangang mag abroad, bakit kamo?
    ayun kahit di sila mag abroad nabubuhay sila ng maayos kasama ang pamilya e ang mga OFW?kala nila masarap malayo s apamilya ng dahil lang sa gusto nating maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan.
    buti nga sila sa pinas nabubuhay ng maayos e ako pag ako gutom kami pare pareho.

    • BURAOT says:

      kaya nga maswerte sila lee. kasama nila pamilya nila. tayo nagtitiis mapalayo para kumita. pagkita na sa totoo lang para din naman sa kanila. hindi ba pagkamakabayan itong ginagawa natin?

  • malensky says:

    aylabyu idolll!!!

  • darbs says:

    Sa mga mata ng istambay…

    Sa mga mata ng kriminal…

    Sa mga mata ng walang pera…

    Sa mga mata ng mga naghihirap…

    Sa mga mata ng mga kidnapers…

    Sa mga mata ng inyong kapitbahay na labandera…

    OFW mukhang pera?
    May pera?
    Bayani ng bayan?
    Patikim naman!

  • bluepanjeet says:

    Buraot, ako campaign manager mo ha. lahat ng poster mo gagawin nating money theme pati mga polyetos mo play money na may mukha mo ahahahaha

    asar yang mga ganyang may ampalaya syndrome LOL

    • BURAOT says:

      bluep, kung pwede nga no? ala movie na… ano na nga yun? yung kopong kopong na movie ke richard pryor ba yun? yung me minana sya na malaki pero inubos nya sa campaign yung pera nya to make a difference.

    • bluepanjeet says:

      PRE, napanood ko yan. palagi yan palabas sa HBO haha. Forgot the name of the Movie.

      May movie din si Richard Prior yung Superman III kung saan ginamit naman nya ihack yung computer system para makanakaw sya ng pera sa Social Security.

      Yung sinabi mo na naubos pera to make a difference, sna nga ganun. kung mauubos ang pera ng pinas pero lahat naman nakinabang mas okay naman yun kesa mapera nga ang pinas eh gagastusin lang sa mga tongressman na manhik manaog sa eroplano pag si GMA ay may byahe.

      Tsaka I think wala naman siguro OFW na pumunta ng ibang bansa na ang hangad ay magpakabayani. Its very unrealistic. Kung gusto magpakabayani eh magstay na lang dito sa pinas. Yung ang tunay na sakripisyo. bayaning bayani ka noon haha

      • BURAOT says:

        naalala ko na. Brewster’s Millions. yun ang title. me pamana sa kanya ang isang kamaganak. ang mana nya ay $300 million. pero para mapasakanya yun, kelngan ubusin nya ang $30 million in 30 days. kaya ang ginawa nya, pumasok sya sa politics. Wahahah! Hanef sa campaign chest di ba? pero at the end, kahit marami syang nahakot, he asked people to vote for NONE OF THE ABOVE just to make a difference and a message.

        pag tumama ako sa lotto doto sa states, gagayahin ko yan. pero si reynz ang papatakbuhin ko. heheheh.

      • jeri says:

        Tumpak ka Blue… wala naman OFW na pumirma ng kontrata sa mga employers na kalakip yung pagpapakabayani..
        Kaya nga tayo nagtratrabaho sa ibang bansa para kumita di ba? pero hindi ibig sabihin nun na mukha tayong pera…

        higit sa lahat wala naman sigurong OFW na papayag na kumayod na walang sahod.

        • bluepanjeet says:

          @Buraot – ayun hahahaha buti naalala mo. Yang brewsters millions na yan ay gasgas na sa HBO haha Hindi ko matapos tapos yang pelikula na yan kasi nakokornihan ako kay Richard Prior. Pag pinalabas pala uli yan pagtsatsagaan ko tapusin haha

          @Jeri – Exactly tol. Tumpak at swak sa banga. Sino namang tanga na OFW ang magtitiis sa ibang bansa just to be considered a Hero? Biruin mo malayo ka sa pamilya mo, maltreated ka pa at discriminated ka pa. I mean who among the OFWs would be crazy enough to put their lives on the line just to gain a monument? E kaya nga pumunta ng ibang bansa para kumita ng pera eh dahil dito sa pinas nagugutom pamilya nila eh.

          Kaya nga di ako masyado nagcomment sa sinulat ni buraot at dinaan ko na lang sa joke kasi naiinis ako dyan sa mga matatapobreng yan na kung kumutsa at manlait sa OFW ay ganun ganun na lang.

          I doubt it if they were on your shoes na hndi sila magdecide umalis pag wala na sila makain dito sa Pinas.

          Aminin man natin o hindi, Filipinos excel in other countries at yumayaman kasi malaki talaga ang kita, hindi lahat pero kalimitan. Eh dito, 100 years ka na sa kumpanya ni tungkod di ka maibili ng kumpanya mo. hahaha

          Kaya saludo ako sa mga OFW hindi dahil bayani sila kungdi Mukha talagang Pera dahil sabi nga ni buraot, kung hindi mukhang pera ang OFW matagal nang bagsak ang economiya ng Pinas. Kaya dapat pag sinabihan kayo ng mga ayuf na yan na mukha kayong pera taas noo kayo kasi yang pagiging mukha pera nyo ay marami natutulungan dito sa Pinas at sumasalba ng maraming tyan na nagugutom. yang pagiging mukhang pera ng OFW ang dahiulan kung bakit nakakapaglamyerda yang si Gloria kung saan saan.

      • darbs says:

        @bluep, mukhang may points ka.

        saka I think wala naman siguro OFW na pumunta ng ibang bansa na ang hangad ay magpakabayani. Its very unrealistic. Kung gusto magpakabayani eh magstay na lang dito sa pinas. Yung ang tunay na sakripisyo. bayaning bayani ka noon haha

        Sino ba ang mga bayaning OFW na umuwing pilipinas at nilitson.
        1. Dr. Jose Rizal. Sabi nang hwag nang babalik/uuwi sa Pilipinas at mag dodoktor na lang sa U.S.A.

        2. Ninoy Aquino – sabi nang hwag umuwi dahil dilikado at magturo mag professor na lang sa isang university… ayaw. umuwi! anong nangyari?

        BAYANI?

        • bluepanjeet says:

          Hahaha very good conduit of point darbs haha. Sya nga ano? haha Si Rizal nga pala at si Ninoy ay mga OFW din kung tutuusin haha

          BTW, Ninoy should be part of the National Heroes. There should be a law which can proclaim him as such

          • jeri says:

            ANg Conclusion ko kasi dyan sa mga nagsasalita na mga Mukhang Pera ang mga OFW, Ay mga “Inggit”…

            Mas Saludo pa ako sa mga Pinoy na tahimik lang, kahit hindi nakapag-abroad ay appreciate nila ang mga OFW as a hero dahil sa mga remittances na nakakatulong sa bansa, at natutuwa sila para sa kapwa na umasenso kahit papaano.

            Hindi naman lahat ng OFW ay sinuwerte, meron din yung mga Bigo..
            pero sinubukan pa rinng magbakasakali dahil wala namang nakikitang pag-asa sa pinas… Sa ating Bansa marami ring opportunity yun nga lang, hindi kasing laki ang kinikita sa abroad, pero minsan nasa pagdadala rin yan kung papaano patukbuhin ang buhay tungo sa pag-asenso.

            But in my Case, dito ako sa abroad pumusta ng Piso.. sa loob ng 16 na taon yung piso ko na yun ay Lumago ng lumago.

  • jeri says:

    Idol Buraot, Musta na yung Rayuma mo?…nakahanap ka na ba ng mahusay na albularyo? he he he, Dito sa barrio marami nun, sa kabilang Varrio puro manghuhula karamihan dun.. bwa ha ha ha

  • Snow says:

    Lahat naman tayo we need money to survive kaya nga kayod kalabaw tayo eh…I have a father na OFW at masasabi kong isang malaking sakripisyo ang mangibang bansa para magtrabaho…

    Para sa akin mga bayani ang OFW! Bow! :)

  • dencios says:

    naka relate ako. pero hindi sa mukang pera kasi lahat ng sahod ko e sa pamilya ko lang nakalaan :D

  • Chi says:

    ~hikbi~singhot~ for me, makabagbag damdamin tong post na to. di kasi intindi ng karamihan ang hirap na dinadanas ng mga nag aabroad! ang tingin nila e mukang dolyar o pounds o yen! di nila alan laki ng gastos dito sa abroad!mga puncheta sila! keber ko basta mahalaga sa kin love ones ko…

  • eingel says:

    buraot ang gobyerno pero ikaw hindi ka buraot

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.