Home » Buhay sa Barrio Siete, Opinion

Mga Dahilan ng Pagtataksil at Pangangalunya

14 July 2009 35 Comments

infidelity1Photo Credits: Models & Agents Kapag ikinasal ang magsing-irog sa simbahan ay palaging may sumpaan. Panunumpa sa harap ng altar na sila’y magsasama sa hirap at ginhawa, ika’ nga nila’y, “Till Death do us Part”. Ito’y pinatunayan naman sa banal na kasulatan na “Ang mga nilalang na pinagsama ng Diyos kailanman ma’y hindi dapat paghiwalayin ng tao.”

Ngunit pagkaraan ng ilang taon na lumipas sa kanilang pagsasama, ay nagkakaroon ng pagbabago sa kanilang samahan bilang mag-asawa, tumamlay at wala na sa dating sarap, naririyan ang madalas na pag-aaway, ang mga kaserola’t palayok ay magsisiliparan na sa loob ng kanilang bahay dahil sa mga hindi pagkakaunawaan sa iba’t-ibang bagay na minsan ay nauuwi pa sa hiwalayan.

Marahil hindi masyadong mabigat sa kanilang kalooban ang paghihiwalay dahil siguro’y pakiramdam nila’y nakawala sa tanikala ng kirot at hapdi na dulot ng madalas na hindi pagkakaunawaan, ngunit ang hindi nila nalalaman ay mas Maghihirap ang kanilang mga supling na walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari, mga pabugso-bugsong desisyon na hindi muna inalam ang magigiing kahihinatnan.

Ano nga ba ag mga bagay na maaring dahilan kung bakit humantong sa mga ganoong bagay?…… siguro’y pwede kong ikunsidera ang mga ganitong pangyayari;

1. Hindi na siya katulad ng dati, malaki ang pinagbago sa aspeto ng pagsasama.

Patungkol ito sa pisikal na katamaran at kaayusan ng kapareha, marahil itong si babae ay hindi na palaayos sa sarili na dati rati ay “always looks young”, ngunit ngayon isa na siyang Losyang.

At si lalake naman dati rati’y matipuno ang katawan, macho, at noong kanyang kapanahunan ay tila isang kilabot sa mga kababaihan, ngunit ngayo’y sobrang laki ng tiyan sa kalalaklak ng alak at mahilig ng lumamon ng walang pakundangan, at hindi na gaanong naliligo at madalas amoy pawis pag tumabi kay misis sa pagtulog.

2. Tamang Pag-uusap patungkol sa kanilang relasyon

Marahil hindi na nila napapag-uusapan ang mga bagay na magpapatibay ng kanilang samahan, mga pagbabalik tanaw man lang sa mga “sweet moments” nila nung sila’y mag nobyo pa lamang, bagkus ang madalas na baliktaktakan ay puro patungkol sa mga gastusin sa bahay, at madalas ay puro pera, maging mga lagay ng mga anak ay nakalimutan ng pag-usapan… kapag palagi ang ganitong situasyon, isa sa kanila ay maghahanap ng ibang kausap.

3. Nagiging nagger o talak ng talak

Hindi ko sinasabing ang mga babae lamang ang mga nagger, dahil may mga lalaki rin na ganito ang ugali, madalas pa nga na sinasaktan o binubogbog ang asawa sa tuwing may alitan, lalo na pag inumaga ang uwi at nasita ni misis, ayun! Black-eye at puro pasa ang inabot ng pobreng misis.

Marami ring mga babae na masyado nilang tinatalakan at pinapahiya si mister sa harapan ng ibang tao, at si mister naman ay takot, kaya itong si lalaki ay lumalabas na under de saya… ngayon si mister naghanap ng kapareha na hindi bungangera.

4. Nagkakaiba na ng hilig at gusto sa mga bagay-bagay

Madalas dati’y iisa lamang ang hilig at magkasama kahit saan, maging sa mga pamamasyal sa mga iba’t ibang lugar, o sa mga malls o panonood ng sine, yung tipong iisang landas lamang ang kanilang tinatahak.

Ngunit nagkaroon ng diversion, napapabarkada na si mister at kasama ang kanyang tropa sa buong maghapon na imbes na ilaan ang oras para kay misis at sa pamilya.

At si Misis naman ay nawili na sa kasha-shopping mag isa, at kadalasa’y kuto-kuto na rin sa mga beauty salon at natutunan ng mag-mahjong, at nakahiligan ng mag bingo.

Kapwa na sila naghahanap ng may kaparehong interes.

5. Romansa de Amor

Kahit pa sabihing mong natupad mo ang iyong mga pangarap, naibigay sa pamilya ang maayos na estado ng pamumuhay, mga pinansiyal at material na bagay ay iyo ng naipundar, kung nawala ang romance, excitement o passion ng pagsasama ng mag-asawa marahil ang isa sa kanila ay maboboring . Sa situasyong ito marahil isa sa kanila ay maghahanap ng saya para hindi ma bored.

6. Like father like son – Mana mana lang yan

Kadalasan ito ang tingin sila sa isang tao na kung ano raw ang puno ay siya rin ang bunga,.. Ang kanyang Ama raw ay likas na babaero, kaya minana naman ng anak,

Marahil nga ay may katotohanan, ngunit depende pa rin yan sa lalaki kung tuluyan nyang gamitin ang minanang anting-anting mula sa kanyang ama na “santo ninong hubad”.

7. Palipas Oras lang

Ang katuwiran ng ibang lalaki ay palipas oras lang daw ang pakikipagtalik sa ibang babae, at napaghihiwalay ang “Love” and “Sex”.

Mas mabuti pa raw kung maraming babae si mister kaysa sa iisa, sa kadahilan na kapag maramig tinutuhog na tsikas wala raw involve na pagmamahal. Ngunit kapag iisa lamang daw ang kanyang kulasisi, pati puso ay kasama… kaya ayun! May kahati na si Misis.

8. Gantihan Blues

Kapag nahuli ni Misis na may kalaguyo si mister, marahil dalawang bagay lamang ang maaring mangyari, hiwalayan o mas malamang ay gaganti rin si Misis, para ihatid sa kanyang asawa ang mensahe ng kung gaano kasakit ang maiputan sa Ulo.

Ito’y espekulasyon ko lamang,……..sabihin na nating mga kathang-isip ngunit hindi naman malayong may katotohanan sa mga pangyayari sa buhay ng mag-asawa. Bagama’t napaka-sensitibo ang ganitong usapin, marahil kayo’y mga mga Payo na maaring kapupulutan ng aral para maiwasan ang ganitong situasyon para sa mga taong pinagsama ng diyos.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 8570 times by 2657 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a Geodetic Engineer, graduated at Saint Paul University in Tuguegarao city, in 1992. He's a surveyor. Yung maninilip ng pag-aari ng iba. lol. (siyempre naman nya pag-aari yung mga lupain na aking sinisipat at sinusukat). An OFW for more than 16 years in several countries in middle east such as in saudi arabia, dubai UAE, and Doha Qatar. He's currently employed as Consultant for a large multinational company in Luanda, Angola since May 2007. He blogs at http://bravedier.blogspot.com/

35 Comments »

  • darbs says:

    @jeri, base ba?

    ung entry? totoo ka ano…

  • lee says:

    @jeri, kung minsan nga mas nagtatagal pa yung samahan nung nagbabatuhan ng palayok e.
    kasi in my case, wala kaming awayan o sagutan,tahimik kami pareho pag magkagalit wala kang madidinig,mas lalong di ako nagger kaya ang nangyayari nasa loob ko lahat at pag napuno ayun punum punu na at walang ng chance maayos kasi tahimik pareho magaway di nailalabas yung nasasaloobin.
    yung sister ko naman pag nagaway silang magasawa e mas matindi kasi under yung bayaw ko lol, pero pagtapos nun magkasundo kaya ayun dumami anak hahahah

  • jeri says:

    lee,yung bang nakakabinging katahimikan sa loob ng tahanan nakakaipon ba ng mas malalang sama ng loob sa mag-asawa? he he he kelangan pala ilabas ang sama ng loob at mag-away kung kinakailangan para pag napawi na ang lahat mas masarap ung lambingan, mas mainit ang pagmamahalan.

    mmmmm, parang nangyari na yata sakin yan ah, di ko lang matandaan kung kanino,, bwa ha ha ha jowk!

  • jeri says:

    apay met mtoni? saan koma met ah ading ko ta baka nu taltalen na ti kaykaysuna na nga pagpannakkel ko… ha ha ha ha

  • reynz says:

    Jeri,

    Me kulang. Binasa ko uli. Hehehe! Basta me kulang. Taka, hanapin ko si Mel. Talagang me kulang! hahaha! Hulaan mo. :-)

    • jeri says:

      ano po yung kulang kapitana? mukahang pasabog yata yan ah? ha ha ha ha

      • reynz says:

        hirap isambulat seyo eh! hahaha! alam ko, at marami na akong nakitang ganito ang nangyari hehehe!

        eto…

        dahan…

        dahan…

        kong…

        sasabihin…

        break it to you gently….

        ang kulang sa entry mo is….

        Yong lalaki or kaya babae eh BAKLITA hahahaha! Ginamet lang yong partner para itago ang mga kapa nila! hahahaha

        • jeri says:

          nakupo!..he he he parang yung nangyari kina Carmina at Rustom.. bwa ha ha ha ha.. ayun tuluyan nagladlad si madam, kusa nag nagpalit ng anyo bilang “gandang-hari”.. bwa ha ha ha ha

          Ang saklap nun, pareho pala sila ng gusto, nagkunwari pa.. ha ha ha

          Sorry po kapitana, nakalimutan ko po na nandyan kayo,, he he he

          sana wag nyo po ako tsugiin dito… masaya na ang buhay ko dito promise.!

  • jeri says:

    Meron po akong nasagap na masaklap na balita kani-kanina lamang po, mula sa pangunahing dyaryo sa pilipinas.. eto po mga kabaryo.

    Headline: AYOKONG MAKIPAG-SEX MAMATAY KA!

    Pasado alas-12:20 kahapon ng madaling araw nabulabog ang mga kapitbahay sa Tanigue St., Caloocan City ng isang mag-live-in partner, dahil sa bayolenteng pag-aaway ng dalawa nang dumating ang lasing na lalaki at ginising ang 31-anyos na kinakasama para piliting makipagtalik sa kanya.
    Nagdilim ang paningin ni Cecilia Obregon makaraang kumuha ng kut silyo ang kinakasamang si Warren Valliespin, 29, habang nagtatalo sila, kaya lumaban na ang ginang at nakipagbuno sa live-in partner hanggang sa mapatay ito.
    Bago ang insidente, lasing na lasing na duma ting sa kanilang bahay si Valliespin at ginising ang noo’y natutulog nang si Obregon upang yayain na magtalik sila.
    “Pinipilit niya akong makipagtalik sa kanya, kahit alam niyang pagod ako at medyo nakainom (dahil) galing (ako) sa birthday ng kaibigan (ko) kaya nagtalo kami at nangyari iyon,” lumuluhang salaysay ni Obregon habang nasa loob ng selda ng Caloocan City Police Station makaraang isuko ang kanyang sarili.

  • jeri says:

    Nakakamatay pala ang pilit na pakikipagtalik.. he he he

  • Mahalia says:

    ay Jeri, katatapos lang basahin yung Love Management. Tayo raw ay may mga unggoy na nakasabit sa ating likod. Kailangang pakainin, paliguan at alagaan ang ating mga unggoy. Kung hahayaan natin ito, ay mamatay. Kung ipabubuhat sa iba ay mahihirapan ang nagbubuhat. Gaya rin sa responsibilidad natin sa ating mga kabiyak. Kailangan raw na tayo ang responsable sa sarili nating mga monkeys. Dahil tayo ang nag-commit sa relasyong ito. Minsan kasi kapag nawawala na ang “romantic feeling” nalilimutan nating kontrata at commitment ang pag-aasawa.

    Sa gitna ng mga struggles natin sa ating mga kabiyak, alalahanin raw dapat na triangulo ang relasyon, kailangang kasama ang Diyos bilang mediator. Kasi nga naman, mas stable ang triangle kaysa sa isang line lang diba? (ano sa palagay mo engineer?) Kung maiintindihan ng mag-asawa na di lahat ng pahina ay honeymoon stage ay makakalusot sila sa butas ng karayom.

    May nakinig rin ako na mas malaki ang responsibilidad ng lalake, dahil malaki ang balikat nito, malaki ang bubuhatin niya. Bakit nagger si Misis? Baka di niya ipinakikita ang magandang liderato punto pamilya. Bakit nangangalunya? Baka di niya sinasagutan ang emotional na pangangailangan nito. Kung sa tradisyunal na ligawan, diba lalake ang nangunguna? Bakit kapag nag-aasawa na talungkip na ang buntot niya? Sa isang banda di naman dapat male chauvinistic baboy ang lalabasan niya. Ang magaling na lider ay may balanseng approach sa lahat ng bagay.

    Love is a choice ika nga. Kahit na di mo feel na in-love ka, you choose to love. Kung iibahin natin ang definition ng Love sa ating kalooban, actions would equal reaction and reaction follows feelings.

    Yon lang po, Vow!

  • jeri says:

    Una; natawa ako sa unngoy na nakasabit sa ating likod.. napatingin tuloy ako sa aking likuran, tamang tama parating yung baluga na kasama ko sa office.. lalo akong humagalpak sa tawa… sabi ko sa loob ko Tama pala si Mahalia,, ha ha ha ha

  • jeri says:

    Masyadong Matalinghaga ang nakasaad sa aklat na iyong nabasa, ngunit kung ito’y iyong usisahin at isipin ang nais na iparating ng mensahe ng aklat, ay matutugunan ang mga katanungan na bumabagabag patungkol sa mga ganitong suliranin.

  • jeri says:

    Tulad ng kasabihan, na ang pag-aasawa ay hindi parang isang kaning mainit (Bagong saing) na iyo ring iluluwa pag ika’y napaso.
    Ito’y isang matinding responsibilad ng mag-asawa lalo na sa panig ng lalaki para itaguyod ang pamilya..

    Ang INA ay siyang magsisilbing ilaw ng tahanan,ayon sa paniniwala ng nakararami, at respeto ang igawad ‘ika nga sa awit ng yumaong si Francis M…ngunit may malisyosong tanong, paano daw pag ang ilaw ay Pundido na?

    Ang AMA naman ay siyang haligi ng tahanan, bumabalikat sa mga responsibilidad para sa pamilya,hindi lang sa ikabubuhay kasama na rin ang pagtupad sa mga pangako sa kanyang kabiyak bago nakuha ang matamis na oo nung nanliligaw pa lamang.. Isa ring malisyosong tanong para sa haligi ng tahanan.. paaano naman daw kung Marukop ang haligi dahil madaling pamahayan ng anay?

  • jeri says:

    Higit sa lahat tama ka na dapat palaging kasama ang Makapal sa relasyon ng isang Mag-asawa, para mas matatag ang relasyon at saksi ang panginoon nung sila’y nagpalitan ng “oo” nung silay ikinasal… mga sumapaan na dapat tuparin, sa harap ng tao lalo na sa harap ng Diyos.

  • jeri says:

    Ang pagiging nagger ng isang babae, o maaari rin sa lalaki, minsan ito’y likas na Ugali, marahil namana sa magulang, o influensiya sa paligid.
    Respeto sa isat-isa ang kailangan, at lawig ng pang-unawa.. halimbawa kung mainit ang ulo ni Mister o si Misis, hayaan mong palipasin muna ng ilang sandali huwag sumabay sa init ng ulo dahil kapag nagsalubong ang inyong galit baka humantong pa sa mas malalang situwasyon.

    • Mahalia says:

      ay oo nga jeri, kung i praktis ng mag-asawa ang selflessness, yung isipin muna kung ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang binubulyawan o kahit anong sitwasyon, magiging maayos ang pagsasama. Di naman sa pag-aaway nawawala ang relasyon, nasa pagbabati at pagbabalikan.

      Dahil lahat naman tayo dumadaan sa problema at paghihirap, personal o ka relasyon, pero nasa sipag ng paghahanap ng resolusyon iyon. Lalong magiging matatag ang samahan, kaibigan, kabiyak o kakilala man.

  • jeri says:

    ‘Ika nga eh, Love is sweeter at the second time around.

  • jeri says:

    ANg pag-aaway ng mag asawa ay normal lang yan…talagang hindi maiwasan ang minsan na hindi pagkakaintindihan, nasa kanila na yun kung gusto pang palalain ang situasyon.. palagay ko mas abnormal ang relastionship kung hindi kaakibat ang love quarrel… mas masarap minsan yung may konting away tapos magbabati… naku! tiyak masusundan agad si Bunso. he he he

  • dFish says:

    “ngunit ngayo’y sobrang laki ng tiyan sa kalalaklak ng alak at mahilig ng lumamon ng walang pakundangan, at hindi na gaanong naliligo at madalas amoy pawis pag tumabi kay misis sa pagtulog.”

    Hahaha. Buti na lang Jeri, wala sa national budget ko ang isang kahong Red Horse bawat semana. Nakakaaliw tong post mo na to…

    • jeri says:

      dfish,yung red horse malakas sumipa yan, hang-over pa sa mag damag.. ako’y hindi naman pala-inom, pero madalas nagpapainom lalo na pag nasa bakasyon.

      mga kathang isip ko lamang ito, pero pag susumain marami ng pangyayaring ganito sa buhay mag-asawa.

    • darbs says:

      Ang alam ko dito sa aming baryo pag ikaw ay nakainom siguradong di ka makapag drive. DWI is a crime against humanity.

      Baka included na rin dito ung tinatawag nating “outside da kulambo” pag nakainom… as a respect doon sa asawa.

      Sino bang gustong makipagtalik ng AMOY ALAK? okey lang kung pareho kayong lasing ng katalik pero kung ang isa lang ang lasing…respect sa kapwa lang. higit sa lahat asawa mo ang binigyan mo ng respeto.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.