Home » Buhay sa Barrio Siete

Mga Karatula sa Lansangan

18 July 2009 22 Comments

Walang Tawiran, nakamamatay.

bawal tumawidSa mga barrio hindi natin makikita ang mga ganitong karatula, dahil kahit pilay na apat ang saklay ay puwedeng tumawid, walang umaakay ay safe pa rin dahil wala namang gaanong tumatakbong mga sasakyan,..maliban na lang kung yung kabayo ng kalesa sa lansangan ay mag-alburuto at biglang manipa at tamaan si manoy, Naku, ultimo na ang lahi ni bonifacio.

Sa Kalakhang Maynila maraming mga ganitong karatula na iyong makikita, kahit saan basta’t mga pangunahing lansangan tiyak meron nito, mga pautot ngunit makabuluhan namang proyekto ng MMDA para na rin sa kaligtasan ng mga tao na dumaraan sa lansangan.

bawal tumawid2Sa dinami-dami ng mga karatula na nagkalat, na ginastusan ng Gobyerno para sa kapakanan ng mamayang pilipino, ay marami pa ring kolokoy at mga bakekang na matitigas ng ulo, animo’y mga bulag na hindi nakikita ang pagkalaki-laking karatula, pakiwari ko naman alam nilang basahin, ngunit ayaw lang talaga intindihin at sundin, gusto palagi puro short cut, meron naman sa di kalayuan ang tamang tawiran o pedestrian lane, meron din yung mga over-pass na konting hakbang lang makakatawid na..

Mahirap ang mag astang-tanga sa lansangan, dahil ito’y maaring ikapapahamak, konting pagkakamali lang maaring buhay ang masayang, dapat marunong sumunod kung ano man ang mga alituntunin na ipinatutupad sa mga kalsada, dahil ito’y para na rin sa kaligtasan ng mamamayan.

Naalala ko yung bayaw ko isa ring matigas ang ulo, palibhasa lasing, dahil nag-inuman kami nung napaluwas kami ng maynila.. nagpumilit tumawid, at tinalon ang concrete barrier sa gitna ng kalsada, sumabit yung paa, napsubsob sa aspalto… ayun! Nalagas lahat ang Ipin sa harap ng kanyang bunganga,..pati ako napasunod na rin upang tulungan at akayin siya.. sa harap naming naroon ang malaking karatula.

Sabi ko sa sarili, mali ang nakasulat sa karatulang ito,..dapat ang nakapaskel;

“Walang Tawiran, nakaka-bungal”.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 5446 times by 1197 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
Jeri is a Geodetic Engineer, graduated at Saint Paul University in Tuguegarao city, in 1992. He's a surveyor. Yung maninilip ng pag-aari ng iba. lol. (siyempre naman nya pag-aari yung mga lupain na aking sinisipat at sinusukat). An OFW for more than 16 years in several countries in middle east such as in saudi arabia, dubai UAE, and Doha Qatar. He's currently employed as Consultant for a large multinational company in Luanda, Angola since May 2007. He blogs at http://bravedier.blogspot.com/

22 Comments »

  • Mahalia says:

    Wahaha, nagpapustiso na siya? tama naman ang iyong abiso. lalo na super populated na ang Maynila, kailangang may kaunting crowd control. Bakit Pink? ano ang sikolohiyang ipinararating ng pink? i am in a world of bafflement (inglis yang di ko rin maintindihan, whahaha!)

    • jeri says:

      Tuwang tuwa nga yung dentista sa amin, kikita na naman daw sya, me mag papa pustiso na naman daw ha ha ha … Ewan ko kung bakit pink mahalia, pero natanong na si Bayani tungkol dyan, at kung ano peborit kolor nya.. sagot nya any color basta PINK. he he he

  • Silver says:

    Ang daming palpak na ginawa ang MMDA dito sa atin. Andyan ang unconventional and unsafe na kulay pink, yung mga concrete dividers na nakaharang at mga road island na saliwa.

    Ang daming purhisyo. Sama nyo pa ang unhygienic na urinals ng MMDA. Kadiri.

    Baka pag nanalo si Bayani Fernando bilang pwesidente e magiging pink ang kulay ng pinas. Hmpt.

    • jeri says:

      Inaamin ko silver, ayaw kong maging presidente si bayani,…kasi pag nagkataon siya lang ang bayaning walang kasaysayan.. he he he Yun nga mga drainage system sa maynila hindi pa naayos, tuwing tag-ulan puro baha lahat ang kalye, paano puro barado lahat ang lagusan. buti pa yung inidoro ko hindi barado…ilong ko lang barado ngayon dahil me sipon. he he he… pero kahit papano marami naman siyang pautot ngayon, tulad ng mga karatulang yan.. isama mo pa yung mga nagkalat na banderitas nya.. BAYANI for PRESIDENT…kung mananalo.. palagay nyo?

  • jeri says:

    ok na sana yung mga concrete barrier sa gitna ng kalsada, at mga separation lanes ng mga bus at SUV pero malimit ugat naman ng aksidente, lalo na sa Gabi.

  • pehpot says:

    ang interpretasyon ko naman diyan ay lahat ng tawiran, hindi nakamamatay..

    Make or Break

  • jeri says:

    Pehpot,pag may nakabukas na imburnal o yung open manhole, nakakapilay.

  • darbs says:

    “Walang Tawiran, nakaka-bungal”.

    @Jeri, bago natin pintahan ng bagong pinta puedi maki sawsaw na rin. palagay ko nakakamatay pa rin kahit bungal lang ang naging resulta sa ating biktima na isinugal ang buhay ng kanyang mga ngipin upang maki shortcut.

    In addition:

    may namamatay parin
    ipen nga lang
    patay ang iyong mga ipen.
    ang explanation kasi ay ganito,
    pag ang ipen hindi nakadikit sa gum…
    sa kalsada ang ipen makikita at duguan…
    kung ma save man ng dentista, buhay ang ipen…
    pero pag hindi, patay ang ipen…

    Kailangan ata ng full force bago matamo ang kamatayan sa kalsadang yan. Dapat ang sasakyan tatama na palagay ko na talagang ikamamatay ay ung sasakyang tumatakbo ng at least 55 miles an hour. Force! Enertia! impact!

  • mtoni says:

    fink! girling girlie ang dating. ibig kong sabihin magandang kulay at sabi ng iba fink is the new black.

    manong jeri pareho kayo nakainom kamo ng pinsan mo? di kaya………… pinigil mo talaga ung isang paa nya?

    • jeri says:

      mtoni Pink kasi, marami daw bading na taga MMDA.

      Bayaw ko yun, dimo yata binasa eh… ikaw talaga palagi mo ako pinagbibitangan… sumabit nga yung paa kaya subsob sa kalsada…. luklukwen nak la unay, napintas ka ngamin ket, isu ng aw-awaten ka lattan. he he he he

  • Lani says:

    Hay naku! Sa araw-araw kong pagbagtas sa Commonwealth Ave at EDSA,going to my office, kung nakakamatay lang ang simangot at pagkainis sa isang tao, matagal ng patay si Bayani! Imbes na umayos ang daloy ng trapik, mas lalong gumulo. Hinding hindi ako aakyat ng overpass na gawa ni Bayani. Mamamatay ako sa nerbyos! Pag apak mo nagtutunugan, may mga ibang gula gulanit na ang flooring na metal shit. Makita ko lang ang pundasyon, feeling ko, humangin lang tutumba! Ewan ko ba, paranoid ako sa mga proyekto ng kasalukuyang gobyerno. Wala akong katiwa-tiwala talaga. Maglalagay ng barriers, ni hindi reflectorized, ang EDSA,,masikip na nga lalagyan pa ng mg loading bays kuno na hindi naman ginagamit ng mga tao, nagiging bottle neck tuloy. At ang mga U-turns? Salot! Apektado lahat. Sabi nila experimental, dapat pag nakita hindi effective, alisin at buksan na lang ang dating intersection.

    • jeri says:

      Lani, tama ka dyan, parang nangyayari tuloy at “trial and error”. halibawa hindi uubra yung ginawa sa isang kalsada at itoy nakaka-abala, at walang pakinabang, tatanggalin..
      kadalasan pa nga dulot ng aksidente lalo na sa gabi, hindi gaano nakikita kasi hindi reflectorized yung mga barriers.

  • scout finch says:

    Natatakot nga ako sa mga tawiran ng MMDA. Ligtas ka nga sa sasakyan sa ibaba ng kalsada yung potential naman sa heart attack ang laki. Pag may dumaan na malalaking sasakyan lalo na pag mga yung mga trak na me hilang 40 foot containers, pati tulay na tawiran, dumadagundong. Tsaka dahil ito ay gawa sa bakal at laging basa sa ulan, mangangalawang. Meron kayang inspection para malaman kung matibay pa ang mga pundasyon ng mga sinaunang tawiran o hihintayin munang me bumagsak bago me umaksyon.

    Para kasing ang sakit na nakalusot ka sa sagasa pero matetepok ka pala sa pagbagsak ng tulay. Sama mo na diyan yung mababagsakan ng debris in case. Too pessimistic pero tunay na ako ay kinakabahan sa pagtawid mga tulay na yan. Para bang, choosing between lesser evil when in fact you should not choose anything that is evil….

    • jeri says:

      Palagay ko safe yang over pass na gawang bakal,..at hindi naman yan basta basta kalawangin dahil coated yan kontra-kalawang,at pag ganyang mga proyekto i think may mga engineers dyan para mag conduct ng inspection prior to installation of that steel steel structure, and standard specification has been implemented…yan ang pagkaka alam ko.

      • Lani says:

        Sir Jeri, yan ang ideal,ang standard at ang dapat. But knowing this government, masisisi mo ba kami ni scout na mag isip ng hindi tama at maging praning? Tsaka lumaki ako sa overpass na bukod sa yari sa bakal, naka semento pa. Ang nakasanayan ko, ang bakal na overpass ay binubuhusan din ng semento. HIndi ang kasalukuyan na parang skeleton lang.

  • Monique says:

    Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ako na-engganyo magtrabaho sa Maynila. Imagine mo na lang nung makita ko ito habang binabagtas namin ang mga kalsadang ito ng Maynila. Ganun na ba talaga kalala ang mga ugali ng tao sa atin?

    Haay naku… wala naman naniniwala sa mga karatolang yan. :-<

    • jeri says:

      YUn ang mga taong matitigas ang ulo, at gustong pang makipaglaro ng Patintero sa gitna ng kalsada…

      Balak ko na nga irecommend ke bayani na palitan yung mga karatula.. dapat ganito na ang nakasaad sa mga Karatula.

      “Kung sawa ka na sa buhay mo, Tumawid ka lang dito.”

      Eto pa;

      “ANg makatawid ng Buhay dito, ay may Premyo”.

      hirit pa;

      “Crossing this road is the fastest way to hospital”. (pag nasapul sugod sa hospital syempre, at pag minalasmalas sa morgue na.)

      He he he he he

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.