Home » Albularyo sa Barrio

Mga Simpleng Gawain Para Makaiwas sa Swine Flu

23 May 2009 32 Comments

Ngayong nasa Pilipinas na ang kinatatakutang Swine Flu o ang tinatawag na Influenza A(H1N1) virus, nanawagan ang DOH ng ibayong pag-iingat lalo na sa mga galing sa ibang bansa. Ngunit, may magagawa nga ba tayo laban sa nakamamatay na flu na ito? Hindi ako doktor kaya hindi ko alam, pero eto’t ibabahagi ko sa inyo ang aking ginagawa para mapanatiling malinis at malusog ang akin katawan.

Tuwing ako’y kakain, sinisigurado kong malinis ang aking mga kamay. Simpleng paghuhugas sa loob ng labing limang segundo ay sapat na para mawala at mamatay ang mga mikrobyong namamahay sa ating mga kamay. Lagi din akong may dalang alcohol para kung sakaling walang tubig, makakapaglinis ako. Natatawa nga sa akin dati yung mga kaibigan ko dahil baka daw may mabuong super microbe dahil sa malimit kong paggamit ng alcohol.

Kapag ako’y humahawak ng pera at sa mga hand rails sa bus o kaya jeep, iniiwasan kong humawak sa aking cellphone hangga’t maari. Hindi naman siguro kaila sa inyo na pugad ng mikrobyo ang mga ito kaya natural lamang na iwasan nating humawak ng pagkain o kaya ng cellphone. Dinidikit natin ang cellphone sa ating mga mukha. Isipin nyo nalang na puno ng mikrobyo ang inyong mga kamay tapos magpipipindot kayo ng cellphone pagkatapos ay ididikit nyo ito sa mukha ninyo. Kadiri diba? Naghuhugas din ako agad ng kamay tuwing ako’y dumadating sa bahay.

Magtakip ng ilong kapag may taong bumahin at ikaw ay nasa mataong lugar. Hindi pa uso nun ang SARS at Swine Flu pero nakasanayan ko ng magtakip ng ilong kapag may taong bumabahin. Kung hindi lang ako magmumukhang tanga noon ay malamang nakasuot nako ng face mask. Pero sa ngayon, kung makakabili ka ng face mask, mas maigi.

Palagi ko din nililinis ang aking cellphone at alcohol ang madalas kong gamitin. Dibale ng kumupas ang kulay basta mamatay lang ang mga mikrobong nakadikit dito. Ayon kasi sa isang research, ang ating cellphone na malimit nating dinidikit sa ating mga mukha ay maaaring mas marami pang mikrobyo kesa sa ating mga inodoro.

Kayo? Anong tips ang maaari ninyong i-share sa ating mga ka-barrio?

Related Posts with Thumbnails

Viewed 10354 times by 2000 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is the blogger behind Captain's Log and one of the founders of GameOPS - the Philippines' first website dedicated to video games. He is currently one of the site administrators of myGlobe and operates an online store with his girlfriend, Lalaine. He hates n00bs but loves newbies, has an eidetic memory, loves Star Trek, and strongly dislikes liars like this one writer at FV. You can follow his updates at Twitter or Plurk.

32 Comments »

  • reynz says:

    i’m just curious though, hehehe! will this make us so uber-linis to a point na iba na saket naten? hahaha!

    when you mentioned yong pera? i know marumi yan hehehe and yet, minsan kain pa ako nang chicken walang hugasan! leche! ansarap kamo! hahaha

    • jepoy says:

      Iba naman kasi yung pera dito satin, yung parnag tipong pinupunas na sa pwet yung itsura

      Baka sa sobrang linis ko sa dun nako magkasakit. Pero so far eh nakakatagal at buhay pa naman ako kahit na sa centro ako ng dumi… A.K.A. Metro Manila.

      hahahaha :~)

    • Silver says:

      Reyna,

      Finger licking good ba? haha. :D

  • Silver says:

    Kahit saan naman, ang pera e madume.

    Ako, I suffer from skin asthma at minor rhinitis. Isang singhot ng alikabok, walang katapusang bahing ako nyan. Magkamali lang ako ng kain like makakain ng hipon eh sasamain ang tyan ko at rashes sa buong katawan. Pag matindi ang atake, ang rashes e pepeklat. Hay, hirap. haha. Mahal pati ang gamot ko. Huhuhu.

    About sa swine flu, balita ko nag-mutate daw according sa WHO. Wag sana maging mas deadly pa.

  • Lalaine says:

    Ako lagi din ako may baon panyo… pero nung nakilala ko si jepoy eh may taga dala na ako ng panyo at alcohol… hahaha… sya na din ang taga linis ko ng cellphone ko… pero pagdaing naman da paghuhugas ng kamay eh madalas ko din yun gawin. at syempre dapat isama mo dyan na dapat lagi naliligo… baka kase puro hugas lang ng kamay ang alam eh :D hehehe

    • reynz says:

      pero nung nakilala ko si jepoy eh may taga dala na ako ng panyo at alcohol…

      BWAHAHAHAHA! Para ba yong mga mama na nakikita ko sa megamol na me mga handbag na dala? HAHAHA

  • …Take your bay-ta-mins everyday..eat lots of gulay ang prutas to make your strong a healthy… meyk surre yourr katawan is strong ol da taym… take a rest..(in other words..) Pangalagaan ang katawan laban sa mga kumakalat na sakit…

    pero kinabahan ako nung nabalita sa news na napasukan na tayo ng Influenza A H1N1… bilang bumilis tibok ng puso ko…paano na ang klase ma-mo-move edi extended ang bakasyon..

    walastek..unang work ko as a college professor mapupurnada pa dahil sa sakit na yan… huwag naman sana humaba bakasyon ko… excited na akong magturo at pahirapan mga estudyante ko..haha (joke lang yung pahirapan…)…:)

  • Lalaine S. says:

    O.C. ako, may wet wipes, hand sanitizer at kleenex lagi sa bag. Diretso din ako sa paghugas ng kamay pagdating sa bahay. May swine flu o wala, dapat malinis tayo, hindi burara (tama ba yung word?). The virus is likely to mutate sooner or later and other kinds of flu will appear, so we have to be vigilant and protect ourselves as much as we can.

  • The Cat says:

    when you mentioned yong pera? i know marumi yan.

    alam ninyo bang may findings dito sa america na ang bills ay may mga bahid ng illegal drugs?

    lintek na mga drug lords yan, kadaming pera.

  • anonymark says:

    umiwas sa bisyo!

  • yami says:

    Reyna,

    Ok na po ako after reading your lab letter… ;-)

    magpapaalam muna sana ko for a couple of days lang naman…am not really feeling well…wag naman sana H1N1…but promised to be back soon…baka po sumilip-silip kapag kaya ko na sarili ko…

    —Ang take ko sa Swine Flu issue…iwasan na lang siguro ang mga mataong lugar kung pwede and if you feel something different sa sarili mo health-wise don’t hesitate to consult your doctor…di dahil sa paranoid ka, mas maiiwasan ang further complication…minsan it pays kung praning paminsan-minsan sa issue ng kalusugan…

    I can call sana Dr. Tayag of DOH re: Swine Flu, para kahit paano kasabay natin ang wires or website ng mga diyaryo kahit parang bullet info lang…papa-install ko po muna ang ulit ‘yung ventafax..so i can record the interview while talking to him over the phone…parang wiretapping (joke po). Of course, with the consent of the interviewee…sana Dr. T would grant us (Barrio Siete, ito ang irerepresent ko when i interview him)…

    i really need to rest…nanlalata po ako…good evening everyone…pray that this is nothing serious…(got diarrhea spell, nausea, masakit din joints ko and slight fever…)

    Kapitana, salamat po… :-)

    • reynz says:

      take your time Yami, buy ka nang tipong coconut shell na damit hahaha! para pag nagbatuhan dito me panangga ka! hahaha!

      • yami says:

        Hi Reynz, kakapasok ko lang sa Barrio…magpapasadya nga ako ng armor gawa sa pink coconut shell with white rafols, hehe. Ang sagwa! Better yet, iilag na lang ako kapag nagkabatuhan…hehe

  • Zorlone says:

    Naalala ko ang sabi sa akin ng isang kaibigan kong doctor na bihasa sa infectious diseases e ang pinakamabisa na paraan para makaiwas sa anu mang sakit na nakakahawa ay ang “hand washing.” Ilang beses na ako na boljak nitong kaibigan kong ito kasi nakakalimutan ko maghugas ng kamay.. kaya ngayon e palagi ko tong ginagawa. Before and after… seeing patients. ;)

    Z

  • The Cat says:

    doctor nga pala ito si Z. dapat, hingan natin siya ng article about anything na informative sa mga nagbabasa.

    Doc, ano ba ang gamot sa hindi makatulog? pwede bang bambuhin kaagad sa ulo.

    anong maipreprescribe mo kay silver na kung matulog nakasabit sa dingding, parang paniki. sa umaga pa.

    *tago kay silver: baka mabasa.

    • Silver says:

      Nakita na pala ako ni Ms. Cat kung panu matulog. Sa totoo lang, anak ako ni Batman sa labas. Minsan gumagala ako na kalahati lang ang katawan. Yung other half e naiiwan minsan sa batcave.

      Sa palagay mo doc Z, anong gamot sa akin? :D

    • Zorlone says:

      Hello Ms. Cat, medyo mahirap ang tanong mo. Ang balita ko kasi si Silver, according to Roy “is the Kuya Germs of the blogosphere, walang tulugan.”

      Ayoko naman masaktan si Silver. “First do no harm” hek hek hek. So, di na pwede ang suggestion ni Ms. Cat.

      Baka naman masyadong maraming iniisip si Silver kaya di sya makatulog?

      Isa pa pala, mahirap patulugin ang taong ayaw matulog.

      @Silver, medyo mahirap nga matulog ng nakasabit sa ding ding, pero kung may dugo ka ni batman ay okay lang.

      Saan pala gumagala ang kalahati ng katawan mo?

      Z

      • Silver says:

        Naalala ko si Roy. Bininyagan nya ako ng bagong pangalan “Kuya Germs”.

        Doc,

        Yung isang kalahati ng katawan ko eh di ko alam kung san nakakapunta. Pero I make sure na may GPS siya para di maligaw in case na maisipan na nyang bumalik.

        May mga gabi na pagod na ang katawan ko. Pero ang isip ko e 100 miles per hour ang takbo. Kaya may difficulty na din akong matulog.

      • Zorlone says:

        @Ms. Cat

        Naku kung mahaba haba ang pasensya nyo, medyo matagal ako sumulat. he he he lalo na mga informative na post.

        Z

    • jepoy says:

      hahaha parang batman

  • The Cat says:

    Nakita na pala ako ni Ms. Cat kung panu matulog.

    silver, kasi minsan magtype ka baligtad. hahaha

  • jepoy says:

    May bagong balita, may dalawang bagong case ng swine flu na nadetect sa Taiwan…. yung dalawa eh galing yoga convention sa Pilipinas.

    Doc Z, kailangan na ba namin bumili ng face mask?

  • Snow says:

    I have researched an article regarding sa swine flu na ini-share ko na rin. Here’s the link:

    http://dearbloggery.com/2009/04/29/swine-flu-ten-tips-for-me-and-you/

    Hope this helps. May God help us na hindi na kumalat pa ang swine flu na ito sa buong planet earth. :(

  • queenie says:

    maganda rin yang mga nasabi nio ha,ako rin lagi rin ako nag dadala ng panyo pag akoy pumapasok lalo na nung nauso ung swine flu

  • jamie says:

    i know what swine flu is,.but i dont know how do we treat it,.ah panu ba tong health teaching namin

  • jamie says:

    anu ba YAN bakit kasi nag nurse pa ako..

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.