Mga Turo-turo sa US of America at ang Tabo
Kasama sa aking contract ng pagiging OFW sa Esteyt ay libre tirahan. Nakatira ako sa bahay ng aking boss. Ang boss ko ay Fil-am na kasal sa isang Puti.
Unang Sabado ko ay nagbiyahe kani sa Lake Tahoe. Ang Lake Tahoe ay kung saan may mga casino at mga bahay bakasyunan ang mga mayayaman at may time-sharing. Ipapakita raw nila sa akin ang snow. Walang snow sa California mga ka-barrio siete. Malamig lang at mainit din pag summer.
Umalis kami na hindi nag-aalmusal dahil mahaba ang biyahe.
Huminto kami sa Denny’s. Tanong noong food server, “awd youllikeuragg ?” pagkatapos kong ituro doon sa menu yong gusto kong breakfast.

Turo-turo rin dito. Hindi nga lang sa iskaparate kung hindi sa menu kung saan may Kodak ang pagkain na pwedeng orderin.
Inulit noong babaeng Puti yong tanong niya. Manganganing sagutin ko nang I like it thank you very much. Pero kahit like lang ang naintindihan ko doon sa sinabi niya, sabi ko ay scrambled. Napag-isip-isip ko ang problema ay dahil hindi tayo nakakaintindi ng English kaya tayo takot makipag-usap sa mga Puti. Ang problema ay hindi sila marunong mag-English. hehehe. Kinakain nila ang ibang letra. Masarap kaya ?
Tayo ring Pinoy ay guilty rin sa ganoong klaseng pagsasalita.Yong inaalis natin ang mga importanteng titik o salita na nagbibigay ng ibang kahulugan sa ibig nating sabihin.
Kagaya nang pagtatanong sa tindera ng : Ale
may itlog kayo? sa halip na ale may tinda kayong itlog?
Kung suplada yong ale, masasapok kayo.
Kagaya rin nang Ale,magkano ang lima, imbes
na magkano ho ang limang (bagay).
Susparyones, eh di lima.
Balik tayo sa almusal.
Habang hinihintay ko ang order ay napasulyap ako sa relos. Alas otso na. Hindi pa naman katagalan yong biyahe namin. Hindi pa ako nakatulog. Tiningnan ko ang relos ko, ‘las siyete.
Sa isip-isip ko, bakit nila pinabayaan ang relos nilang mali. Sa opisina, yang wall clock ang hindi mawawala. Lahat nakabantay. Sabi ng bossing ko noon.
Balik-kotse kami. Anim kaming lahat. Hindi kami naka Van. Kotseng Victoria yong aming gamit. American car. Ayaw ng asawang Puti ni Boss ang Asian car. Maliit daw. Para siyang si Maricel Soriano ayaw daw niya nang masikip. Siya ang nagdadarive. Maiistroke daw siya pag yong bossing kong babae ang magdadrive. Ganon yong kung makaalaska, walang ngiti. Hindi pinapansin ni bossing.
Yong dalawang batang maliliit ay katabi niya sa harap. Ang bossing kong babae, ang anak niyang dalagita sa boyfriend niya sa Pinas at ako ay nasa likod. Ayaw din niyang kasama niya si bossing sa harap, back seat driver daw. Ako rin back seat driver. Tuwing hinto nila, nagbibreak din ang paa ko. *heh*.
Hindi rin ako sanay sa likod umupo, kaya natulog na lang ako. Pero nasulyapan ko yong wrist watch ni bossing at ng kaniyang anak. Kapareho noong nasa Denny’s.
Mali ba ang relos ko ? Nawalan ako ng isang oras ? Di naman kami nageeroplano na magbabago ang oras dahil sa time zoning.
Malapit na kami sa Tahoe ng ipakita sa akin ni bossing ang bundok na may mga puti pa sa itaas.
Snowcapped. Hindi pa tunaw ang yelo.
Maya-maya ay pumatak ang yelo. Nagsigawan ang mga bata. Pers time nilang makakita ng snowfall. Kaunti lang. Lumabo lang ang salamin ng kotse. Hindi ako puwedeng kumanta ng I am Dreamin of a White Christmas. Isa, hindi Disyembre, ikalawa, kakarampot nga ang yelong pumatak na hindi magkakasya sa baso para gawing halo-halo. Noong nasa Pinas ako, akala ko lahat ng Puti, nakakita na ng snow. Hindi pa pala. Buti pa ako, nakakita na sa Pinas. Sa isang mall.
Sa Harrah’s kami nagcheck-in. Nawala na ang yong Puting asawa. Sabi niya nasa card table na raw yon.
Yong mga bata ay isinama noong tinedyer na anak doon sa lugar ng mga bata. Ako ay isinama ni bossing sa maraming slot machines. Nagpapalit siya ng barya. Mga dollar coins sa kaniya. Sa akin
ay quarters. Barya lang. Twenty dollars ang ibinigay niya sa akin. ? Kumuha siya ng plastic na lalagyan ng coins.
May tatak Harrah’s. Makauwi nga ng isa.
Magandang souvenir. TABO na may tatak
Harrah’s. HAHAHAHA.
Tinago ko yong sampung dolyares na coins sa aking pouch pocket. Bigat. Pers time kong maglaro ng slot machine. Nakaka-obsessed pala talaga, dahil gusto mong makajackpot. Sa akin naman, kahit kunting barya lang na bumagsak ay tuwa na ako. Ganiyan kababaw ang aking kaligayahan.
Pagkatapos kong maubos ang sampung dolyares ay tumayo na ako. Kung hindi baka ako lagnatin. Pumunta ako sa mga souvenir shops. Kamamahal naman. Bagong salta lang ako kaya ang utak ko ay nagkacalculator pa ng currency exchange rate. Keychains lang ang mga nabili ko saka playing cards para makapagsolitaryo ako.
Parehong malaki ang natalo kay bossing at sa hubby niya, pero tuloy pa rin ang sugal nila sa pamamagitan ng pagtaya sa combination ng numbers na binobola habang nasa kainan kami.
Bago kami nagcheck-out, nakita ko may tuwalyang may tatak na nasa overnight bag ko. Nilagay ni bossing. Souvenir ko raw. Naku, dami nang gumamit noon noh.
Habang hinihintay namin yong kotse, humirit pa yong aking bossing sa isang slot machine na quarter.
Huli pa rin ng one hour yon aking relo. DST raw kasi.
The Ca t
Viewed 11601 times by 2330 viewers
The Cat is a part-time educator who was also a former Dean. She is a CPA with a PhD in Economic Development and Doctorate in Business Admin., enjoying her early retirement because of her disability; of being brain challenged, hehehe! that's according to her.














natuwa ako sa kwento mo mam caT teka kaya pala si nora aunor e naadik daw sa sugal dyan. hehe. i wonder marunong kaya sila gumamit ng tabo? para kasing pang pinoy lang yun lalo sa banyo. hehe
ang daming naaddict dito sa casino.
nakaaddict nga naman, lalo pag bumabagsak yong mga coins sa slot machine.
ako nagtitiyaga lang sa dime. ganyan ako kakuripot at hindi talaga ako gambler. pustahan tayo. lol.
saka may mga tours sa Calif para sa mga gustong pumunta sa casino. Halos libre ang pamasahe kasi ang mga tour buses ay kumikita sa mga commission mula sa casino.
nako magkano na kaya tinamaan mo mam caT? haha
pero mam caT ano say mo dito:
“Manila, Philippines — Last week, a senior economic official of the Manila government made a subtle endorsement of Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo’s plans to construct a Las Vegas-style gambling complex in the country to save the economy from total collapse.”
@Dencios,
I learned about this plans when I attended the PAGCOR event last Oct 2008. Dun sa may Manila Bay gagawin ang development na to if I remember it right.
Mas enjoy ang larong black jack sa Casino.
My Casino Experience.
Travel New York to Atlantic City by Bus.
$ 20 dollars fair mabibili sa aming Barrio Siete Deli
(Sari-Sari Store – Delicatessen ang tawag dito)
Once arrived sa Casino land, isasauli sa iyo ung $20.00 na pamasahi in a form of a ticket na pueding ma -i-cash doon sa moneygram ng Casino. That was 5 years or 7 years ago.
Sa loob ng Casino. Capital mo, $20.00
Upo na yan sa $5.00 Black Jack table.
Guessing game na at kasamang pagdarasal na akoy papanalunin sa panginoong LUCK! Seryoso yan pag naglaro.
Nagdarasal po. Nagdarasal sa Panginoong Luck. asking na let me have this game and the next game and the next…
pag sunod sunod ang panalo at least 3 times in a row …
..stop playing na
..and WALK away from the table and finally JUST GO OUT IN THAT CASINO and never ever turn your head back.
Forget about that you are in the Casino Land! You already gave them what they want. I played and now I want out.
Doon sa Baryo Siete ang larong baraha (pusoy-do) hindi ganoon. pag manalo ka ng sunod sunod hindi ka pueding mag walk away. unless ung reason mo ay nasunog ung bahay mo.
Sa Casino Ok lang. Ah! sa sabungan doon sa baryo siete puedi rin pala pag manalo ka ng sunod sunod, you can walk away.
After sa Casino punta na yan sa restaurant na EAT ALL YOU CAN!
Dahil maliban doon sa ticket na pamasahi na ginawang capital sa sugal (Black Jack) may FREE LUNCH EAT ALL YOU CAN TICKET PANG KASAMA.
Sabi nga noong mga regulars sa Casino – - MAY MGA FREE ROOMS pa daw sila.
Paglabas sa eat all you can. Walk along the board walk. Ocean View pala ang boardwalk doon. may mga upuan. Oh! ang hangin kay sarap amoy-amoyin…sabay exhale… freedom!
Maghapong nag-e-enjoy the scenery. Never think on gambling again until the next visit. when? who knows.
5:00 P.M balikan na sa Bus pabalik sa New York.
Result sa aking Barriotic mind:
Libre na ang pamasahe. Busog pa. may pera kahit konti pero panalo…
I know you (casino oweners) don’t like my behavior dahil “oportunista” na at “linta” pa, pero okey lang un di naman illegal ang aking ginawa di ba?
However, if i will do it again, and again… not just me but millions of us. then that is another story.
salamat Atlantic City, New Jersey. Salamat Casino na puedi ring gawing pala-isdaan sa mga maliliit, kitid barriotic na kagaya ko.
Behaviour sa Casino Area. DISIPLINA NGA LANG SA SARILI ANG KAILANGAN. Hwag masyadong gahaman dahil yan ang role ng Casinos.
Ang role ng taong bayan sa loob ng Casino ay MAGPATALO AT MAGTAPON NG PERA sa pangarap ng ONE MILLION JACKPOT sa SLOT na machine na yan.
Hulog ng hulog ng pera sa SLOTS?
SLOTS NA PARA BANG tingin koy mga hayok!
Hindi ko kaya kayang mag katsang!
papel at CHIPS ang gusto kong DALA DALA
hindi po TABO na may lamang $20.00 na quarters.
Personal choice.
@Darbs,
here in Cherry Hill, NJ, merong Pinoy entrepreneur who busses Pinoy Senior Citizens all around Philly and Jersey (sa area lang namen) then go to Atlantic City, every weekend to. Yong parents ko, kasama dito parati dahil yon lang ang leisure at na-alala ko when you described it.
unfortunately, karamihan nung mga senior citizens na yon eh nag-abroad na and the owner is now too old to manage. sayang walang nag mana…
My cousins drove me around San Diego one time and we ate at this pinoy resto called: “Point Point”.
Ang cute ng dancing egg at bacon! Hahahha…
silver,
sa ibang fastfood ganiyan, may entertainment ang bacon and egg. hahaha biro lang.
Wow, naman, dito nga ang daming casino, bagsak pa rin ang economy.
Ang tanong, magkano kamo?
Sa Vegas nga angdaming foreclosure ng bahay.
P2.85 billion daw! nako baka maging kuta ng mga buwaya yan..
wow,
dencios, daming quarters noon. hahaha
Subtle?
E sa CNN e inaadvertise na nila. Yung Bagong Nayon Filipino Entertainment Complex chuva ata yun.
Please help. I cannot pretend to understand the WORD any LONGER!
DARE TO SPEAK OUT!
help!
what is CHUVA?
This word is all over the blogisper! this word is haunting me! and i don’t understand maybe a hint but HINT is NOT ENOUGH!
Thanks!
meron ba?
Meron ms. Cat.
At least thrice a day, pinalalabas dun.
Here’s a video clip. Hindi man yung the same commercial sa CNN but this is also about the entertainment complex: http://www.youtube.com/watch?v=PG1yNrnw39A
Darbs,
Nahawa ako sa expression ng chuva from the palasyo dati. Hahaha.
@darbs, ang chuva ay pwedeng maging isang tao, hayop, bagay at kung ano-ano pa. hihihi
nakapunta rin ako sa San Diego pero ang nakainan ko ng Filipino food ay sa mga Filipino parties, talagang mga dinuguan, palabok,lechon at iba pa.
nakakatuwa yong towel ms. cat. Fil-Am nga yong boss mo. heheheheheh….
natawa ko dun sa eggs…minsan nagpa-order yong isang ofismate ko na matigas ang accent ng chicken sandwich without “bons” tapos wrap daw ng lettuce yong chicken. Order naman sa hardy’s yong admin asst na pinoy. Eh kabayan rin yong order taker.
admin: Chicken sandwick without bones…
hardees: Lahat ng chicken namin walang bones…
Dumating ang sandwich – medyo nainis yong nagpa-order. Sabi daw nya without “bons.” Buns pala dahila allergic sya wheat. Bwahahahahaahah…..
nina,
ay oo. ginamit kong bath mat. binibigyan nila ng tip yong chambermaids para magdala ng extra towels kasi. ewan ko naman dito, ang mura naman ng towel.
pag hindi masyadong sensitive ang skin mo as in towel na mumurahin ang puwedeng gamitin, merong as low 3 dollars.
ahahaha, minsan nga talaga di na napapansin kung ano ang tamang pagtanong sa itlog e, napakadelikado
parang kuwento rin ng kuya ko noong mga pasaway sila sa pinas.
tatanungin nila ang nagtitinda ng balut kung may basag. mura kasi yong basag. pag sinagot meron, sasabihin nila, mag-ingat kasi yong magbabalot.
hahaha, ginawa ko rin yan noong nasa Cubao pa ako. Tinanong ko yong mambabalot kong magkano ang basag sabi niya tatlong peso libre daw yong asin at suka. Kaya sabi ko naman pakibasag nga ng limang piraso, pahingi narin ng dalawang kilong asin at tatlong boteng suka…nagalit yong mama.
Ako nasanay na without a tabo. Pero hindi pwedeng walang baby wipes. Favorite ko sa Japan, hi-tech ang toilet facilities, push the button lang, may hot or cold, full or moderate wash, parang laundry machine.
As to towels, I always bring my own when I travel, yung viscose material kaya hindi naman bulky. Hindi ko ma-take gumamit ng hotel towels for some reason, O.C. kasi, hehe.
may dala rin akong wet wipes kahit saan. parang refreshing ang feeling.
kasama na ang refreshing feeling pag nalanghap mo ang scent. depende sa brand ng wet wipes. at feeling kalinisan of course, almost kind of religious experience, feeling kalinisan sa kamay na pinahiran kung saan saan minsan humahawak… feeling linis = feeling refresh.
@Ms. Cat
ako rin po madam nagdadala minsan ng wet wipes. pero mas madalas akong may dala ng hand sanitizer to refresh my hands sa lakwatsa.
Naki relate lang maam. O.C. over cleanliness, next to Godliness.
Sabi pa, madame may nagmalinis linisan po worst ayaw gumamit at ayaw atang magpagamit.
Tanong. madame, bat tayo ginagamit natin ung mga tuwalya which is acceptable dahil kaya naman natin. Tinawag na nga tayong trapo, opurtunista, kurap, buwaya, baboy, hayop worst PORK BARREL PA DAW! pork na, barrel pa, 20 miyones naman! Swan! swan! takam… takam… 20 million are you kidding me?
Ninanakaw din pala ang mga tuwalya ng bayan este hotels?
All I need is one. na merong hindi ganoon. merong…hindi ganoon. wait?
however, why oh, why, na pag nag change ang setting…
Philippines…
Five Star Hotel.
sa panahon ng kahirapan… tuwalya? sabon? shampoo? alak, pagkain sa maliit na refregirator… fruits sa may table.
Come on!
Habang naghihintay sa operasyon upang tanggalin ang aking laman-loob.
..tatlo kaming magkasama…may dalang bag ung isa.
gutom ang aking pamilya sa barrio siete.
Ethics. Goodness. Of course, I will take the responsibility na ubusin hakutin ang laman ng HOTEL NA UN! at ipauwi sa isa kong kasama.
Mag-room order ng karami raming pag-kain. ordirin litson!
Of course I cannot eat dahil bawal kumain pag mag-pa opera. I-ship na rin ang pagkain para doon sa Barrio Siete. Let them enjoy the fruit of my operasyon.
Charge lahat doon sa bayad ng pagtanggal ng aking kidney o atay kaya.
So help me God.
bwahaha. Nakakarelate ako sa lahat ng kwento mo Ms Cat maliban sa souvenir na tuwalya. hahahaha
How do you like your eggs?
My Pang Miss Universe answer: Cook
Hahaha
tatanungin ka rin about your burger or your steak.
how do you like it cooked?
rare, medium or well done.
sagot ko very well done. tutong ang umabot sa akin, hehehe
beef jerky ka mo! hahaha
Sa sikat na Diner (German restaurant, home cooking daw kaya napakamahal. Long Island as in going to Jones Beach area sa Hamptons area baaa!)
Steak ko naman Rare!, sasabihin ko pang “the bloody one”, with expression pa yan…i must see blood ok?
What does that mean? Freshness sa meat. Dahil doon mo makita sa kulay ng blood kung lumang meat ang gamit o bago. Come on, CSI, Newyork.
Mas masahol ung order ng puting kaibigan na ang i-order ay “Cow’s Liver with Bloody Mary…”
Description – the meat looks like medium well ang pagkaluto however, the blood woo…
When I saw the rare steak
Step 2:
hiwain ang steak thin size – sa aming server/waiter trabaho lang mga parekoi walang personalan.
magpahiwa na rin ng sibuyas, ginger kung wala silang ginger, dahil boys scout nga always ready, samahan sa kusina at ibigay ang ginger.
may tip naman di ba? at ano nga ang sabi doon sa pagbibigay ng tip?
Only if I am satisfied with your services then I will give you a tip.
To make sure na you will be followed to the DOT… BIGYAN MO NA KAAGAD NG TIP ang manager. Kaya ko lang na maibayad $20.00. Cheap? who cares buti nga binigyan pa kita.
Usapan na yan. The barriotic way.
Mga puti pala ang servers… sabi pa nung barriotic pinay din, sus kung sa baryo namin yang puting yan, artista na sana yan.
Ang gwapo, gwapo nya… tangos pa ng ilong.
ehem, ladies… ginawa nyu atang pango tung ilong ko ah.
alam nyu na ang mga Pinay lalo na ang mga Visayan-Ilonga-Ilocano Mixed race Mindanao BABES, they know how to deal this type of jealous behaviour. very neat. the jaga-jaga way. and it is effective.
barriotic pinoy selos: Selosong Pinoy, wala yan dito. magselos ka man wala kang magawa.
Alam nyu ba ang mangyari sa selosong pinoy sa Amerika? hahaha! PINALAYAS SA MGA ASAWA NILA!
So, sa isang restaurant, think Chaapendils personas ang mga waiters. Thanks goodness, ung mga kasama ko feel comfortable sa usaping sexualities na walang halong libog.
Smile ka nalang at makikisakay.
Then think na nakikisakay din sila sa usapin nung kumain kayo sa may HOOTERS Restaurant MIDTOWN, Manhattan.
.
that also helps.
yong iba naman guso lang ng may remebrance sila o collectibles ba kasi may mga pangalan ng hotel yan.
yong nasa loob ng refrigerator, may bayad yon. sinasama nila sa bill.
sina silver makakasagot niyan. lol
hahaha buti di ka binugbog, nagtataka naman ako bakit gabi itintinda ang balut.
dapat daw sa madilim kainin ang balot para di mo makita ang balahibo, dugo, at ngalangala ng sisiw. hehehe
akalako para pampalakas ng tuhod doon sa mga taong nagpupuyat sa gabi dahil…panggabi sila. ooops.
honestly, nakapikit ang mata kopag kumain ng balut. pero gusto ko yong yellow part at yong matigas na white.
masarap ang sabaw ng balut..lagyan mo ng suka at konting asin. yay! may balut dito sa asian market namin.
thanks for the link. commercial nga ng real estate.
oo nga, ako yan ang una kong sinipsip. meron noon sa SF pero hilaw, tapos lulutuin mo na lang. dito wala.
dito din sa dubai walang balut..
Sa SF naman ay may Filipino na angsimula lang sa kanyang negosyo, yong dinadala ang mga senior, retirees o sino basta gustong pumunta sa Reno.
nahdiversify siya hanggang makapagpatayo siya ng casin-restaurant. May kaso yata siya ngayon about taxes.
hindi ako nakapagtry noon kasi pag pumunta ksi reno noong una ay private car.
yong mga kasama ko ay madalas manali, ako yata ang lucky charm, libre almusal, minsan room.
hahahahah mam cat parang ako nung una kong makakita ng snowfall takbo kagad ako sa labas kodak dito kodak dun, ngayon naiinis nako hahahahahaha
ako rin, lalo pag di ako makalabas.