Miss Universe 2009 Costume Competition: The Best, The Worst and The Unusual
On Monday Aug. 24, 2009 (Philippine time), you won’t see a single gay man outside the four corners of our homes. Kahit dito sa Barrio Siete ay hindi niyo ako makikita. Ito ang araw na pinaka-holy sa amin. Mas importante pa ito sa Pasko, New Year, or kahit sa sarili naming birthday. Oo, I’m talking about the Miss Universe pageant live from the tropical city of Nassau, in the Bahamas.
Sa totoo lang, I never fail to watch it every year simula pa noong natuto akong lumakad. Kung hindi ko man ito mapanuod, mas mabuti pang tumalon na lang ako sa San Juanico bridge para magpakamatay. Yes, ganyan ako ka aswang pagdating sa Miss Universe.
This week ay ginanap na ang preliminary competition and as usual pinaka-exciting ang National Costume competition. Here are my choices for “The Best, The Boring and The What Were They Thinking”, with a little side comments na rin. In short, okrayan na ‘to. Hahaha! Feel free to disagree though.
All photos are from globalbeauties.com, Thank you.
Simulan natin sa The BEST:
Thailand: Innovative ang top, yet very Thai pa rin.
Venezuela: One word, Sushal!
Peru: Very cultural indeed, plus may WOW factor.
Panama: Winner! Showstopper.
Bolivia: Mabigat yan, kaya let’s give her A for effort.
The BORING:
Colombia: I expected more. Hindi umubra ang bangs.
Spain: More ruffles! More ruffles!
Croatia: Siguro pupunta lang to sa kabilang kanto tapos naisipang sumali sa Miss Universe. Mag-effort ka naman!
France: Coming from the fashion capital of the world, this is embarrassing noh!
The WHAT WHERE THEY THINKING
Great Britain: Ha? Ngayon lang ako nakakita ng royalty na ganyan ang itsura. Parang magma-magic lang.
Mauritius: Ito malamang nakalimutang magdala ng costume kaya humarbat na lang ng mga halaman sa set.
Uruguay: Eto pang isa. Naiwan din ang costume kaya hinarbat na lang ang swimsuit at pinatahian ng sequins kay Aling Mona na mananahi sa kanto.
Japan: KALOKAH! Parang pornstar!
My FAVOURITES
Ukraine: Mukha akong Ice Princess pag suot ko ito.
China: Walang pakialamanan. Eh like ko ang jacket niya, paki niyo. LOL
India: Classic design. Not overdressed like the ones we see in Bollywood movies.
Nicaragua: I like the details on the skirt, especially the masks. Reminds me of our very own Masskara Festival.
Puerto Rico: This should be the costume our very own Bianca Manalo should’ve worn.
Ano ba kasi ang sinuot ni Bianca? Eto.
Philippines: Sa totoo lang, I don’t like it. Mukhang float sa parada. Mas maganda pa ang costume ko sa Miss Gay. Hahaha! Good luck na lang sa kanya.
Despite that chakaness of the costume, I’m still optimistic that Bianca will make it to the finals. Mark my words. Itaga niyo pa sa bato ni Darna.
Ingat lang at baka ma-pana ka ni Miss Indonesia!
Yun na!
Viewed 18075 times by 7221 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.


































HAHAHAHHAHA
ANG SAYA!!!! NALOKA AKO SA JAPAN JAPAN
SHUCKS. HINDE AKO MAKA GET OVER SA JAPAN-JAPAN!!!! HAYUP KA MEL, SAKIT NG PANGA KO HAHAHAHHA
Pasaway ang Japan na ‘to. Gusto ko siyang ifriend. Hahaha!
PANAGBENGA YATA ANG THEME NI MISS PHILIPPINES. HAHAHA
Sabi ng isang friend ko parang sorbetes daw. Meron naman isa mas worst ang comment. Parang parrot daw. LOL
Hindi ko like yung costume ni Miss Philippines parang sapin-sapin pero I am keeping my finger crossed na pumasok siya sa Top 15.
Btw, sis Mel pagkatapos mong isuot yung gown ni Ukraine pahiram naman ha? Mukhang bagay rin sa akin. Gagawin kong nightgown…hehehe…
Snow, sushal na pantulog ha. Hihi. Mas feel ko pantulog yung kay Peru. May kumot na kasi. LOL
Puede rin. Alam mo naman tayong mga mestiza bagayin kahit anong kulay…hehehe…
Gusto ko talagang lagyan ng follow-up yang entry mo hindi lang puede nasa opisina ang lowla Snow mo….abangan mo na lang bukas. ^_^
eyeloveett..
gusto ko yung kay ms. thailand..
I like it kasi simple and sexy but looking very Thai pa rin.
ang sweet ng smile ni bianca hano mga bossing?
Kung may award na Best in Smile malamang frontrunner si Bianca.
natawa naman ako dun sa side comment for Croatia.. haha parang bibili lang ng suka e noh! hehe
okay naman yung costume ng manok natin. i think she looks classy in that costume.
daan-daan lang.
Monz Avenue
oo nga naman. hindi babagay ang tribal look sa mestisa features nya.
Si Miss India, parang si Sushmita Sen lang na naggi-gym hehe…
parang si Vina Morales lang. Hehehe
hoy bakit like ko ung Japan ah.. tamang tama pang cosplay..
naku Mel talagang tunay na tunay kang lalaki, ay este, babae pala..
ung croatia.. may porn film factor.chamber maid isdatchu?
like ko ang Bolivia.. tamang tama walang walis sa bahay
type ko din ang ukraine at china..
at ano nga ba ang duto ni Bianca? made of ano ba? para bang nagpapahiyas lang sya.. hmm
Nyahahaha! Tama Pahiyas look pala ang costume ni Bianca!
pabonggahan talaga ang mga costumes at kung anik anik pa ang pinaglalagay, sabagay yan di ang isa sa mga pinakakaabangan kong beauty pageant, yung miss japan naligaw ata, sa haloween party yata ang punta niya
Hahaha! Baka nga sa Halloween. May maskara eh. Hinarbat sa costume ni Nicaragua. LOL
wala bang Miss Afghanistan, at Miss Iraq?
Baka kasi ang costume eh naka pang gyera na may hawak na AK47 at Machine Gun. Tapos nakasakay sa battle tank.. nya ha ha ha
Kuya Jeri wala. LOL. Pero may Angola. Feel ko papasok sa Top 15.
Bakit na qualified ba yung mga Miss Planet of the Apes? he he he
sino sa mo mananalo, mel?… let’s see kung pareho kayo ng taste ng judges..
Nalilito pa ako but my top 5 first picks would be South Africa, Indonesia, Venezuela, Mexico and Philippines.
Naalala ko yung Miss Universe Pageant noong 1992 sa Pilipinas.
Ang hula ni Madam Auring noon ang mananalo daw ay ang bansa na nagsisimula sa latter “V”.. si Miss Venezuela kasi ang malakas noon..
Pero ang nanalo ay si Susmitha senh ng India.
Sabi ko, tama pa rin ang Hula ni Madam Auring kasi ang nanalo ay “Vumbay”. di ba?
Kuya Jeri 1994 yun. And yes tama si Madam Auring na V nga kasi nag ‘peace sign’ si Sushmita after winning. Yun ang nakita ni Madam sa bolang kristal. Hahaha!
ok.. 1992+2=1994..he he he basta ikaw pagdating ng miss universe memoryado ang kahat.. alam na alam mo ang kwento..
nakakatakot yung sa Panama.. parang daredevil costume.
Pintura lang po ba yung sa Cambodia?
Promking, hindi pa yata nakapagdala ng kandidata ang Cambodia. Hihi. Baka Colombia ang tinutukoy mo? No, it’s not body paint. Hapit lang sa katawan ang dress.
napano yung japan at china? waaaahahahaha. naloka ako!
Yung China tanggap ko pa. Yung Japan, juice ko. KALOKAH! LOL
parehas sila nagkamali nang sinalihan, dapat sa kanila sa Halloween sa Philadelphia hahaha
ay si ms Mauritius mukhang guy! are you sure gurlalush yan
sabe ng aking bolang kristal ay si Miss TANZANIA ang tatanghaling Most PHOTOGENIC. Abangan!
haha, parehas tayo ng hula jim!
Mel,
Ang sakit sa mata ng costume ni Ms. Philippines. Parang ice cream na upside down.
Daming kulay masyado.
mel,
hehehe kahit sa santacruzan, hindi ko isusuot ang costume ni Ms. Philippines hehehe inferness pwedeng pang cover sa Home and Garden ang suot nya, pati na sa Landscaping Channel hahah, siguro Gardener and designer nya hehehe
In fairness maganda naman ang itaas na portion. Chaka lang ang ilalim. Gusto kong kumuha ng gunting at tanggalin ito. Gawing kumot na lang. LOL
wagi ang mga taste mo Mel! si Miss Panama pala ang nanalo.. in fairness show stopper talaga at ito daw ang inspired by e certain place in Panama.. di ko getsing eh.. try ko research.. mabuit na lang di ko na okray ang mga gowns na itetch, may mga historical basis naman pala ahihi
e ung kayang kay Miss Philippines? Pinagbenga plus Pahiyas plus sorbetes? o di ba pinoy na pinoy ang dating
Is it a compliment na more than 5 times na na nagwagi sa pagiging Miss Photogenic ang Pinas? Para bang ibig sabihin nito sa piktyur lang maganda? Aru!
Ikaw Mel ano mas type mo? sabihan ka ng photogenic o sabihan ka ng, ay ang ganda mo pala sa personal..
ahihi
Hahaha! Ate Pehpot basta’t maganda ay enough na sa’kin. Kahit etchos lang. LOL. Bet ko as Miss Photogenic si Puerto Rico. But you know naman, kapag internet voting ang basehan ay panalo na ang Philippines. Lalo na kapag i-hire ni Madam Stella Araneta si Jena Isle. Bwahaha!
hahaha Miss Photogenic si Ms Philippines?! Sinong nag photoshop?! Talagang magaling ang mga Pinoy di ba? hahaha! Charing lang Ms. Philippines hehehe
Ms. PinkBiik, mukhang gurlash ba? Hayaan mo na lang at least may bading na nakapasok sa Miss Universe. LOL
Controversial daw ang suot ni Ms. Japan, the japanese government complained about it, pag yurak daw yon sa kanilang traditional kimono, labas kasi ang panty..
At iyan palang si Ms. Philippines ay domestic flight stewardess ng PAL according to my friend sa PAL, after she won Bb. Pilipinas universe, nag take ng leave to prepare for the Miss U pageant, at eto pa, without pay daw.. Hehehe.
[...] have seen the national costume parade yesterday mga ka-barrio so now, let me give you a glimpse of what is happening in the most coveted [...]
Mel,
Ikaw na lang ang sumali sa Ms. Universe, dalawa kayo ni Reynz. Kabog ang beauty nina Ms. Japan at China. LOL!!!
Parang year after year panama lagi nananalo sa best in costume ah.
hehehe si miss croatia parang si angelina…teka, asan na si yaya?
Ang ganda talaga ni Miss Thailand. Crush ko siya. Mukha ngang pinay eh.
Miss thailand looks like Niki Gil. She’s beautiful. Eve longoria’s smile
ngek, kakahiya yung sa miss france!!!! hahahaha!